Love Songs for No One

By pilosopotasya

861K 31.9K 26.2K

"In love ka na once accepted mo na 'yong person na 'yon kahit ano pa man siya. Buong-buo 'yong acceptance, hi... More

love songs for no one
aesthetics for no one
opm playlist for no one
part one
00 | zero
01 | one
02 | two
03 | three
04 | four
05 | five
06 | six
07 | seven
08 | eight
09 | nine
10 | ten
part two
01 | One
02 | Two
03 | Three
04 | Four
05 | Five
06 | Six
07 | Seven
08 | Eight
09 | Nine
10 | Ten
part three
01 | onE
02 | twO
03 | threE
04 | fouR
05 | fivE
06 | siX
07 | seveN
08 | eighT
10 | teN
last note for no one

09 | ninE

15.1K 641 948
By pilosopotasya

Ipinilit na ni Rayne ang sarili para magbayad ng hapunan nila. Nanloloko pa nga si Kaye na gusto nito ng Yakimix, o Buffet 101 o Vikings pero hindi nagpatinag si Rayne.

Wala siyang pera para sa mga eat-all-you can buffet pero may pera siya para sa rice all you can ng Mang Inasal kaya dito niya ipinilit si Kaye para kumain.

Ilang minuto rin silang nagpilitan sa gitna ng seaside bago ito tumawa, hinalikan siya sa noo na may kasama pang bulong na ang kulit saka pumayag. Naglakad sila papunta sa Mang Inasal, may tagong ngiti sa labi at may kilig sa feelings na gustong sumabog.

(Akala niya, magiging awkward sila kaso. . .

Ang lalandi. Bow.)

Pahirapan din ang pagpilit ni Rayne kay Kaye para siya na ang magbayad. Tinititigan na nga sila ng nasa cashier; ngumingiti rin dahil panay tawa ng dalawa. Ang gugulo.

Good thing, napapayag din niya si Kaye matapos magsabi ng, "uuwi na nga lang ako," na maganda palang pam-blackmail. (Tinake note niya 'yon.)

Si Kaye ang naghanap ng pwesto habang si Rayne ang nag-order. Matapos makipagsapalaran sa pag-order sa cashier, nakita niyang may nagpapa-picture kay Kaye na grupo ng mga babae. Nasa lima.

Tumitig lang siya habang hawak ang tray na may number at dalawang baso ng coke. Panay naman ang ngiti ni Kaye habang kinakausap at pinagkakaguluhan ng grupo. Napaka accommodating. Napapatingin na nga rin ang iba rito. Siguro nagtataka. Siguro nakikilala.

Sino nga bang hindi kung bawat linggo na itong napapanood sa ASAP para sa JAMbayan? Si Rayne na nga lang ata ang hindi nakakanood masyado dahil kahit anong pilit niya, hindi siya magising nang tanghali.

Nagtama ang paningin nila ni Kaye kahit malayo pa siya, nangungusap ang mga mata nito. Ngumiti si Rayne, hinayaan ang mga fangirls na maupo sa dapat niyang upuan. Hinayaang pagkaguluhan ito.

Walang ibang maupuan kaya nagpaalam siya sa babae at lalaking mukhang nag-aaral dahil may dala pang notebook at nagdi-discuss sa tabi ng table. Naupo siya, naghihintay na na humupa ang feelings ng mga fangirls. Napatingin pa nga sa kanya ang isa sa mga nagkakagulo kay Kaye na nginitian lang niya awkwardly.

"Mag isa ka lang ba, Kaye?" tanong ng isang babae.

"Ah, hindi," nakangiting anito.

"May kasama ka?" tanong ng isa pa. "Sino? Naku, ah, baka may girlfriend ka na pala nang hindi namin alam."

Saglit na lumingon si Kaye kay Rayne.

Uminom lang ng coke si Rayne.

"Wala pang girlfriend si Kaye!"

"Boyfriend?!"

"Uy," natatawang ani Kaye. "Hindi pwede 'yon."

Nanahimik lang si Rayne.

May bulungan naman ang dalawang na malayo kay Kaye. Mukhang ayaw iparinig dito ngunit naririnig niya. May nachi-chismis nga 'di ba dati sa group? Yong crush niyang may boyfriend? Iba! Chika sa akin may pinakiusapan daw si Kaye sa admins niya or something n'ong concert. Anong pinakiusap? Naku 'di ko alam, masyado silang ma-secret. Totoo? Totoo! Nakakahiya ang naiisip ni Rayne ngunit may kaunting kilig.

"Lian, bakit pinipilit mo 'yong cliche?"

"Kasi nga po, Mr. Jun, ganito 'yong mga nababasa k—"

"Ate."

Napalingon si Rayne sa tawag sa kanya ng lalaki kung saan siya nakiupo.

"Kung hahalikan ka sa lips, dapat ba naka-slow mo?"

Biglang kinabahan si Rayne doon. "Po?"

"Kasi ate, hindi niya," turo ng babae sa lalaki "makuhang romantic kapag slow motion."

"Para lang 'yon sa mga movies na cliche. Akala ko ba gusto mo maging maayos ang kwento mo?"

"Gusto nga!"

Pinanood ni Rayne ang dalawang nagtatalo sa kung ano ang isusulat sa notebook na nasa gitna ng lamesa. Kung hindi nag-aaral ang mga ito, marahil ay nagsusulat? Ng kwento? Mayroon pa palang nagsusulat na hand writing ang ganap? Cute.

"Dapat may feelings," ani Rayne sa dalawang tila high school students pa lang. "Kapag maganda ang chemistry at may feelings 'yong gagawa- kahit gaano pa kagasgas o cliche o kakaiba 'yong kiss, 'yon na 'yon."

Mukhang natigilan ang dalawa. Ngiti ang ibinigay ni Rayne at hinayaan ang pag-uusap ng mga ito. Pagbaling niya kay Kaye, kinukulit pa rin ito ng mga fangirls.

"Sinong kasama mo?" tanong ng isa sa fangirls. "Nag-o-order ba? Samahan ka muna namin habang wala pa siya!"

"Actually. . ." Unti-unting tinuro siya ni Kaye gamit ang hinlalaki; dahilan ng pagkaramdam niya ng kaba. "Siya 'yong kasama ko."

Halos sabay-sabay ang pagtingin sa kanya ng limang babae. Mukhang natakot pa nga ang dalawang nagbubulungan. Gusto niyang sabihing, oo, narinig ko, kaya extra ngiti na lang ang inialay niya. Kasabay nito ang paglapit ng waiter sa table niya at nilapag ang in-order na dalawang PM1: thigh and leg part at unli rice.

Natakot siya, syempre. Sino bang hindi?

Ito ata ang unang beses na makikita siya ng mga supporters ni Kaye nang ganito na ang estado ng feelings niya – nila. Nginitian siya ng mga ito. Matapos yakapin muli at halikan sa pisngi si Kaye, nagpaalam na rin ang mga ito para makakain sila nang mapayapa.

"Akala ko aalis ka na lang," ani Kaye nang makaupo si Rayne sa inalisan ng fangirls, sa tapat na upuan.

"Bakit ako aalis?" aniya, inaayos ang mga pagkain.

"Baka may langit ka, lupa ako na naman. . ."

"Gets ko nang sikat ka at maraming lalapit sa 'yo. Wala na akong magagawa d'on. Tapos na ako sa insecurity na 'yon kaninang umaga."

Lumawak ang ngiti ni Kaye, hinagod ang buhok patalikod. "Sure?"

"Ata."

Tumawa silang dalawa ngunit natigil si Kaye at sumeryoso ang mukha. Nag-peace sign si Rayne nang labas braces na ngiti.

Nakailang subo ng kanin at manok si Rayne bago niya nahalatang nakatitig sa kanya si Kaye. Noong una, hindi niya ito pinapansin. Baka nagkakataon lang na tumatama lagi ang paningin. (Duh, magkatapat sila kumain.) Ang kaso, hindi nagagalaw masyado ang pagkain nito.

Nakatitig lang sa kanya, kulang na lang pumalumbaba, malapit na magmukhang nagsa-sight seeing.

Natatawang nagtanong si Rayne ng, "Bakit?"

Umiling si Kaye, sumubo ng pagkain. Akala ni Rayne balik na sila sa normal pero tumititig na naman si Kaye.

"Malulusaw ako," aniya, natatawa.

"Hindi lang ako makapaniwala."

"Na?"

Umiling si Kaye. Hinawakan nito ang collar ng suot na short sleeves button down shirt at itinaas, halos itago na kalahati ng mukha. Napangiti si Rayne dahil nakangiti kahit ang mga mata ni Kaye.

(Hampogi, hala.)

"Nahiya ako bigla," anito.

"Saan?"

"Ang lakas ng loob ko kanina dahil medyo madilim, then ngayong ang liwanag sa loob ng Mang Inasal. . ."

"Ano?"

"Ang ganda mo."

"Ikain mo na lang 'yan."Tumawa si Rayne at pabirong umirap, hindi mapigilan ang pagngiti. "Akala ko nagjo-joke lang tayo sa lahat."

"It's all a joke," anito. "Until someone takes everything seriously."

"Sino bang nagseryoso sa atin?"

Ngumisi si Kaye. "Kailan unang naging seryoso?"

Wala silang sumagot. Sabay napasubo sa pagkain.

(Parehas ata.)

"Gusto ko talagang mawala ka sa isip ko," ani Kaye. "Hindi ata nakatulong na nalaman ko mga accounts mo that I ended up scrolling in the wee hours of the morning, wondering if you're doing the same."

"Hindi, eh. Sorry."

"Grabe 'yon!" Umakte si Kaye na nasaktan, hawak ang dibdib, nakanganga. "Ang sakit!"

"Nauna na akong nag-stalk kesa sa 'yo," natatawang sabi ni Rayne. "Hello, nakapunta na kaya ako sa pinaka unang IG post ever mo. Hindi 'yon madali, ah. 2,000 kaya mga posts mo sa IG. Napaka dami kasing pino-post na pictures."

Ngumisi si Kaye.

"Ni-like ko pa nga 'yong first post mo kaso syempre, hindi mo naman nakita."

"Nakita ko!"

"Weh?"

"Char." Ngumuso si Kaye. "Sorry."

"Ayos lang, gets ko namang snob ka."

"Grabe, Rayne!"

"Joke!" natatawang ani Rayne. "Gets ko namang maraming nag-stalk sa 'yo. Sino nga ba naman ako. . ."

"Ayan ka na naman. . ."

"Seryoso," aniya. "Bilang online author na may online presence din naman kahit papaano, mahirap talaga makita at mapansin lahat. Nakakaubos din ng oras. Paano pa kaya sa 'yo na mas maraming naghahabol. Gets kong hindi mo na tinitingnan lahat."

"Baka kasi ikaw lang tinitingnan ko ngayon?"

"Ah." Tumalsik ata ang puso ni Rayne somewhere, 'di lang niya pinahalata. Tinaas niya ang salamin sa mata. "Kaya siguro malabo mata ko para ikaw lang malinaw?"

Ngumisi si Kaye dahil hindi nagpatalo si Rayne.

"Akala ko kanina masasaktan ako nang sobra," ani Kaye dahilan para matigil si Rayne sa pagsubo ng pagkain. "Sobrang kinabahan ako, nakakasuka. Hindi ko alam kung anong magiging reaction mo or sasabihin. . ."

"Ako rin, eh," ani Rayne, nakangiti. "Nag-ramble na ata ako."

"Hindi ko lang in-expect."

"Na? Nag-ramble ako? Sorr—"

"Tatanggapin mo ako."

"Sino bang nagsabing tinatanggap kita?"

Sumandal si Kaye, nakakunot ang noo. "Ay, grabe 'yon, oh."

Tumawa si Rayne. "Pero bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit pinili mong sabihin? Dahil nasa ferris wheel tayo? Dahil romantic 'yong atmosphere at ayaw mong masayang? Kunwari nasa movies? Nasa plano mo ba talaga 'yon?"

"Kahit lumalangoy tayo sa sapa, I think sasabihin ko pa rin sa 'yo. Bakit hindi? You deserve to know my feelings, Rayne. And I don't want to wait another time para lang magkita tayo or magkausap." Tigil. "And what if, hindi tayo magkita pa ulit?"

"What if. . . hindi ko tinanggap?"

"Naramdaman ko na." May sakit sa ngiti ni Kaye. "The sunflower thing. . ."

"Sorry na nga d'on. . ."

"I know, I know."

Bumuntonghininga si Kaye.

"Kaya 'di ko rin alam kung saan ako kumuha ng lakas to spill everything. Ang laki ng chance na hindi mo tanggapin, eh. I was thinking about you rejecting me the whole time." Tumawa ito. "Hindi ko sure kung kakayanin ko pa ba ang isa pang rejection mula sa 'yo nang hindi pa lumalagpas ng 24 hours."

"Pero pinush mo pa rin. . ."

"Because I want to," simple nitong sagot. Sumubo ng pagkain. "And then kinwento mo 'yong sa kaibigan mong na-in love sa 'yo. Para akong mas lalong nawalan ng pag-asa. "

"Hala."

"I thought you were in love with someone else."

"I'm not. . .in love."

Ngumiti si Kaye. "Dapat sa lalaki ako matakot dahil anong panama ko sa mga totoong lalaki pero n'ong sinabi mong nasa diretsong daan ka na tapos biglang liko ngayon. . ." Tumawa si Kaye. "Pwede bang masaktan sa kilig?"

"Pwede naman basta sa akin lang," natatawang ani Rayne. "Joke."

"Ang sarap sa feeling na ako ang dahilan at hindi 'yong kaibigan mo," natatawa nitong sabi. "Ang selfish ko ba? Feeling ko mababaliw ako. Ferris wheel lang naman sinakyan natin but I felt like we were in a roller coaster ride."

Tawanan.

"Nakakainis nga," ani Rayne. "Alam mo 'yong feeling na na mapped out mo na 'yong buhay mo—"

"—tapos may dumating?" pagpapatuloy ni Kaye. "Sa tingin mo, hindi ko nararanasan ngayon?"

"Ang gulo lang kasi bakit?" ani Rayne. "Bakit ako? Bakit ikaw? Bakit sa atin pa nangyari? Bakit ngayon?"

"Nagsisisi ka ba?"

"Nagsisisi talaga."

"Rayne?"

(Kinabahan si Kaye.)

"Nagsisisi ako, bakit ngayon lang?" Sabay tawa ni Rayne. "Napapaisip lang ako paano napagdesisyunan ng universe na ito na 'yong right time para mangyari 'to."

"Ito. Is this happening?"

"Kaye. . ."

"Siguro tapos na ako sa patago-tago ng feelings," anito, umupo nang maayos. "Nangyari na 'yon noon, ayaw ko nang mangyari ngayon. See this?" Tinaas ni Kaye ang kamay niya.

"See ang alin?"

"Precisely. Wala na 'yong ring."

"Ay, weh?" Kinuha ni Rayne ang isa pang kamay ni Kaye, kinapa ang ring finger ni Kaye. (As if makakapa pa niya, eh wala na nga. Kaloka.) "Saan na?"

"Natauhan ako sa sinabi mo n'on. No one deserves it. You don't. Wala na akong singsing na maisusuot sa 'yo ngayon pero gusto kong isigaw sa mundo na mayroon akong ikaw."

"Hindi kita kinakaya, Karen Jade Cal," natatawang sabi ni Rayne. "Manok naman kinakain mo, ba't ang cheesy?"

Bago bitawan ni Kaye ang kamay ni Rayne, inilapit na muna nito sa pisngi. Ilang segundo. Pinakiramdaman saglit.

"Nasaan na 'yong sigaw?" tanong ni Rayne.

Lumawak ang ngiti ni Kaye. "Gagawin ko talaga."

"Sige nga."

Biglang tumayo si Kaye. Medyo nagulat si Rayne pero hinayaan niya ito. Kabado siya nang mapatingin ang ilang nakapaligid.

Tumikhim ito.

Yumuko, at nilapit ang bibig sa tainga ni Rayne. "Ikaw ang gusto ko, Rayne."

Luh.

Kinilabutan siya sa bulong nito, mababa ang boses. Bumalik si Kaye sa sariling upuan. Ilang segundo pa bago naka-recover si Rayne sa bulong.

"Anong kalokohan 'yon?"

Tumawa si Kaye. "Ang papansin sumigaw, eh. Binulong ko na lang sa mundo ko."

"Sino bang nagtuturo sa 'yo ng mga linyahan mo?" Napapikit si Rayne. "Mamamatay na ata ako."

"Sa kilig ba?" Tinaas-taas nito ang kilay.

"Sa pagkagasgas."

Nag-pout si Kaye ngunit kalaunan ay nagtawanan sila.

Sumisipsip si Rayne sa coke, busy naman si Kaye sa pakikipaglaban sa manok, nang basagin ni Rayne ang katahimikan nila.

"Hindi mo ako kailangang ituring na espesyal," aniya sa gitna ng pag-inom. "Normal pa rin, ha?"

"Normal?" Natigil ito sa sagupaan sa chicken. "Like friends?"

"Oo. Kung pwede nga as a fan lang."

"Fan?" anito, nakakunot ang noo. "I won't."

"Aircon?"

"Rayne."

"Please?"

"Bakit kita ituturing ng normal kung gusto kong higit pa?"

"Para. . .ano." Napatitig si Rayne sa coke. "Para walang magbago?"

"Laging may magbabago," ani Kaye. "We're meant to make the love of our lives feel special if not everyday, every chance we get. Kung ang turing natin sa importante sa atin ay tulad lang din sa iba, paano natin masasabing mahal natin siya?"

"Mahal agad?"

Tumawa si Kaye. "Napa-superlative degree lang but do you get me?"

"Ang superlative degree sa tingin ko ay obsession, no?"

"Comparative na lang," natatawang ani Kaye.

"Actual—"

"Rayne. Hindi na ito 'yong point."

Tumawa siya sa tono ni Kaye. "Sorry, sorry. Titigil na. Kaso, hindi kasi ako sanay."

"Saan?"

"Ituring ng espesyal? Nakakatakot, baka masanay ako. Hanapan-hanapin ko. Maadik ako."

"Dapat lang naman."

"Paano kung matapos? Magkaka-withdrawal ako. Baka maging obsessed ako kasi 'di ba passionate lover nga ang mga Scorpio? Araw-araw kitang ii-stalk, ila-like mga post mo. Baka nga gumawa ako araw-araw ng long post tungkol sa feelings ko sa 'yo. Gan'on kalala. Gusto mo ba 'yon?"

Ngumiti si Kaye at hinawakan ang baba, hinimas ito, nangingiti. "Tempting."

"Baka magulat ka kumakatok na ako sa harap ng pintuan ng condo mo, namamalimos ng pansin. Pusa talaga ako for not giving a fuck pero baka maging aso ako." Umakto siyang parang aso, kinamot pa ang pisngi gamit ang paw. "Arf, arf."

"Gusto ko 'yan."

"Kaye!"

Kumalma muna si Kaye sa pagtawa. "Wala pa ngang nagsisimula, matatapos agad iniisip mo? Huwag naman."

"Arf!" Nagbalik normal si Rayne at ngumisi. "Advance ako sa future, eh."

"Ayaw ko ng future na iniisip mo."

"'Yong obsessed ako sa 'yo?"

"'Yong mawawala tayo sa buhay ng isa't isa."

"Wow so gusto mo talagang obsessed ako sa 'yo, ha?" aniya. Tumawa si Kaye. "Ano bang future naiisip mo?"

Ngumiti si Kaye nang mataman. "Masaya ako. Kasama ka."

"Paano kung hindi? Paano kapag hindi nag-work out? Paano pagfa-fangirl ko? Imbis na maging masaya ako sa success mo, mabi-bitter ako."

"Bakit kailangan ma-bitter? It won't happen kung hindi mo iniisip na mawawala ito. And I want to be there as you succeed. Graduate ka na, there are more lives you will reach with your writing. I wanna be there. Gusto ko rin maging saksi tulad ng mga readers mo who are witnessing you grow."

"Wow, mukhang pinush mo lang 'yang sinabi mo para masabi 'yong Saksi."

"Halata ba?"

Ngumiti si Rayne. Pumikit sandali. Pagkadilat, sumubo ng pagkain. Ilang beses din na halos mabulunan na. Wala ba talagang filter sa sinasabi si Kaye o nakakalasing ang chicken oil ng Mang Inasal?

(May chance; feeling niya nga nalalasing na rin siya, eh.)

"Kaya ko sarili ko," sabi niya. "Walang tulong. Walang iba. Kaya ko tumayo sa sarili kong paa."

"I know. 'Yon nga ang ina-admire ko sa 'yo."

"Nakakatakot."

"Bakit?"

"I carry myself and my own baggage too much I might not need anyone," aniya, napapa-English na for dramatic effect. "I might not need you."

"Ouch." Humawak si Kaye sa dibdib. "Ang sakit ata n'on."

"See? Sinasabi ko pa lang, masakit na. What if. . .gawin ko na?"

"Gagawin mo ba?"

"May pagkatao akong nagsi-slip away. Nagfe-fade into background. Baka mamaya, mag-fade na rin ako into background sa 'yo."

"Gagawin mo nga ba talaga?"

"Ayoko!" aniya, napalakas. Napa-sorry tuloy siya sa ibang napalingon sa kanila. "Kaso paano kung unconsciously kong magawa dahil hindi ako sanay sa ganitong set up? Paano kung masyado akong naging busy sa buhay ko na nalimutan kita? Eh, 'di ba may ganap tayong mga tao na we want to be needed; to be wanted? To. . .feel special?"

"By our special someone, yes. Maiintindihan ko naman kung busy ka—"

"Nagbabago rin ang feelings, Kaye," ani Rayne. "Kapag naging more than kayo, nagbabago. Ayaw kong magbago tayo."

"Sabi ko nga kanina, magbabago talag—"

"Paano kung for worse ang change? Paano 'yong tayo?"

"It won't."

"Sinasabi mo 'yan ngayon dahil ito 'yong nararamdaman mo. Nag-o-overflow kasi 'yong feelings pero paano kung ngayon, gusto mo ako kaya nato-tolerate mo 'tong balde ng doubts ko tapos bukas, hindi na?"

"Marami rin akong doubts. First, you're straight. Lesbians should be afraid of your types. Second, I want our time to be ours. Sa atin lang, walang ibang makikiepal - but how kung ganito ang career ko? Should I let go?"

"Sira ka ba? Syempre, hindi."

"Then don't let go of me," ani Kaye. "Hindi ako bibitaw, but please, hawak ka rin sa akin. Kahit anong mangyari. Kahit anong sabihin ng iba. Kahit gumiba na lahat, humawak ka."

"Pasmado nga ako. . ."

"Rayne naman, eh."

Tumawa si Rayne. "Sorry, sorry. . ."

"My what ifs are killing me pero nakalabas na lahat ng baraha ko sa kung anong nangyayari ngayon dahil gusto ko. Dahil gusto kita."

Habang kinakain ni Rayne ang manok ng Mang Inasal, nag-uumapaw ang flavor ng doubts sa buong pangyayari. Hindi siya makanguya nang mabuti dahil gusto niyang tumawa at the same time ay umiyak. Gusto niyang suntukin si Kaye for making her feel feelings pero gusto rin niyang yakapin ito nang mahigpit for telling her the things she doesn't deserve but she's slowly accepting.

Totoo ba? Tinatanggap na niya ito?

Itong nararamdaman ni Kaye para sa kanya?

Itong nararamdaman niya para kay Kaye?

Nakakaloka. 

"Lagot ako," bigla niyang sabi.

"Bakit?"

"Paano 'yong mga fans mong gustong-gusto ka maging babae?"

Nagtaas ng kilay si Kaye. "Kailan ba ako naging lalaki?"

Napairap si Rayne, natatawa. "'Yong tipong gusto nilang maging babae itsura mo."

"Ayaw," anito. "Gusto kong ganito ako. Pogi." May kasama pa itong pogi-sign.

"Pero paano 'yong gusto kang pogi outside pero gusto nila, magkaroon ka ng boyfriend?"

"Hindi naman sila magdidikta ng buhay ko."

"Baka mawala sila. . ."

"If they are really my supporters, if they really like my music," ani Kaye. "Nothing will waver their support. Kahit sino pa ang gustuhin ko makasama."

Kumurap nang ilang beses si Rayne. Bumuntong hininga. "Paano ko tatanggalin sa isip kong idol kita?"

"Hm?"

"Paano kung. . ." Bumuntong hininga si Rayne. "Sa akin lang talaga ito. Sobrang. . . paano kapag hindi mo na ako fan dahil lahat naman nagbabago, paano kung nawala 'tong paghanga ko sa 'yo?"

"Bakit?" ani Kaye. Kunot noo. "Mapapalitan na ba ng pagmamahal 'yong paghanga?"

"What." Tumawa si Rayne. "Nakaka-ano lang dahil sinearch ko sa google 'to, eh."

"Ang alin?"

"Marami!"

"Tulad ng?"

"Kung tama bang magkagusto ang fangirl sa idol. Iba-iba 'yong sinabi, na baka delusion lang, tigilan na ganito ganyan kaya nag-give up na ako at tinanggap ko na lang na baka naging adik lang ako at matatapos din." Bumuntonghininga si Rayne. "Ang 'di ko matanggap ay 'yong ikaw, magkakagusto sa akin. Search ko na rin ba 'to sa google?"

"Hindi mo naman mase-search 'yong feelings ko sa 'yo, eh." Tinuro ni Kaye ang puso. "Nandito 'yong feelings, oh."

Tawanan.

"Sinearch ko rin na kung may crush akong lesbian. . .lesbian na rin ba ako? Sobrang pinush ko pa na butch lesbian at hindi basta-basta babae para magmukhang safe."

"Do you feel like one?"

"Hindi." Sumimangot si Rayne. "Kahit anong pilit ko, hindi ko talaga maisip na lesbian ako. May girl crushes ako dahil maganda sila o magaling sa isang bagay pero iba 'yong sa 'yo, para akong naaadik talaga. Hindi nakatulong na ang bias ko talaga sa boses mo pati personality mo at hindi talaga nakatulong 'yong mga gabi natin."

Ngiting-ngiti si Kaye. "Mga gabi natin."

"Huwag kang ngumiti! Ang saya mo naman."

Tumawa si Kaye.

"Seryoso kasi. Iniisip ko rin baka nabuhay 'yong pagiging lesbian ko dahil sa 'yo pero hindi pa rin naman ako attracted sa ibang babae."

"Sa akin lang?"

Hindi sumagot si Rayne.

"If you don't feel you're a lesbian, then you're not."

"Heteroflexible daw 'yong ganito," ani Rayne, inaalala ang na-search sa google. "'Yong mostly straight pero mababali para sa the one."

Pumalpak ang tainga ni Kaye. "I'm your the one?"

"Wew," ani Rayne. "Grabe 'yong laki ng ego, ramdam ko na."

Tawanan.

"Labels are just labels," ani Kaye. "Kung hindi mo feel ilagay ang sarili mo sa labels, huwag."

"Bakit ikaw, lesbian ang label mo sa sexual preference mo?"

"Dahil alam ko sa sarili kong sa babae ako attracted. Soft butch dahil kumportable ako sa itsura kong mukhang lalaki pero hindi totally binubura ang pagiging feminine. This is me, I fit the label."

"So, hindi ako nagfi-fit sa label? Abnormal ako?"

"Let's say na sige, heteroflexible ka nga. Kung gan'on ka, okay. Great. But again, labels are just there para ma-feel namin - natin, that we belong to something. Na hindi tayo nag-iisa. Sometimes labels work. Sometimes it won't. Depende sa individual, basta fluid lang talaga ang mga tao."

"Nakakatakot kasi. . . baka pagkatapos ma-bend, biglang maging straight at maghanap ako ng lalaki. Ayokong tingnan kang lalaki kahit na mukha, boses at kilos lalaki ka dahil hindi ka naman talaga lalaki," aniya. "Niloloko ko lang sarili ko n'on kasi kahit pogi ka, lesbian ka pa rin."

"Gusto mo bang mag-dress ako?"

"Ha? Hindi! Kung saan mo gusto."

"Okay, then see me as me."

"Oo nga."

"That's enough for me."

"Pero kasiiii~"

"Ano na naman, Rayne?" natatawang ani Kaye. "Anong problema?"

"Paano kung phase ito sa akin?" Sumimangot si Rayne. "Paano kung masaktan kita? Ayaw kong masaktan kita dahil bigla akong uy, tunay na lalaki! tapos doon na ako."

"Gagawin mo ba?"

Nanahimik si Rayne.

"I'll just make sure you'll fall for me deeper, hindi mo na kailangan mangamba." Tumayo si Kaye at inayos ang upuan. "Tara?"

Tumayo si Rayne, nilingon sila Jun at Lian na nakausap niya kanina. Ngumiti siya sa dalawa na binalik din ulit, mutual goodbye. Bago pa makalayo si Kaye sa kanya, pinigilan niya ito.

"Bakit?"

Kinakabahan pa si Rayne nang idulas ang kamay sa kamay ni Kaye, siniksik ang mga daliri sa bawat espasyo ng daliri nito. Kumapit siya kay Kaye.



Gay Marriage (Same-Sex Marriage)

● Marriage between people of the same sex, either as a secular civil ceremony or in a religious setting. Ang marriage equality ay para sa political status na lahat ng karapatan ng opposite-sex ay karapatan din ng same-sex marriage, vice versa. Legal sila equally.

● Listahan ng countries na legal ang pagpapakasal ng same-sex:

The Netherlands (2000)● Belgium (2003)● Canada (2005)● Spain (2005)● South Africa (2006)● Norway (2008)● Sweden (2009)● Iceland (2010)● Portugal (2010)● Argentina (2010)● Denmark (2012)● Uruguay (2013)● New Zealand (2013)● France (2013)● Brazil (2013)● England and Wales (2013)● Scotland (2014)● Luxembourg (2014)● Finland (2015)● Ireland (2015)● Greenland (2015)● United States (2015)● Colombia (2016)● Germany (2017)● Malta (2017)

* May chika rin daw na may chance ma-legalize sa Taiwan which will be the first Asian country to legalize same-sex. If ever.

● Dalawang asian countries: Israel & Armenia ang nire-recognize ang same-sex marriage performed sa ibang bansa kahit hindi totally legal sa kanila.

● Sa Pilipinas, ang Metropolitan Community Church sa Makati ay sinasabing "spiritual home" para sa lesbians, gays, bisexuals and transgenders (LGBT).

● This couple Ann and Rica made a wedding ceremony for themselves with family and friends kahit hindi legalized ang same-sex marriage sa Pinas. They searched for a Church who acknowledges weddings for same-sex and found Metropolitan. They pushed through with this because "Our faith is part of our foundation in love. God is our anchor always bringing us back closer."


Official hashtag: #LS4N1
Wattpad:
 pilosopotasya
Twitter: @ulaaaann
Instagram: @screenshots.ni.rayne
Ask.fm: @plsptsya
Facebook Page: Pilosopotasya (fb.com/plsptsya)
Readers FB group: Saksi ni Pilosopotasya
Online FB Shop: Stuff by Ulan (fb.com/UlanStuff)
Email: plsptsya@gmail.com

⚢ random gif of the chapter ⚢

Featured #LS4N1 tweet:

Featured #LS4N1 edit: ikawalongistilo | twitter

⚢ random Kaye Cal photo of the chapter cos wala lang hihi ⚢

Please vote for Kaye Cal sa www.wish1075.com/wishawards please every day until January 15!!!

2nd place as of Dec 22, 107. 9:30pm. 26.80% laban sa 28.27% ng first place!

Vote na tayo!!

Continue Reading

You'll Also Like

38.4K 2.7K 106
An unrequited love. A chaser. A lover. 365 days of katangahan. Chatting. An online love. cover credits to: littlemissjjk
2.1M 81K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
37.1K 1.2K 32
Kung nalaman ko lang na s'ya yung magiging fiancé ko, dapat hindi na lang ako sumang-ayon kahit inalok nila ako ng milyon. It's not worth my life. Th...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...