Don't Wanna Cry • MEANIE

De Wonhwa10001

5.1K 471 170

{Al1 series #1} "When the half of me is gone how can i live as one" "Us in the different system, another form... Mai multe

00
01
02
03
04
05
Not An Update
06
07
08
10
Not An Update
11
12
Thanks! (edited)
13
14
15
16
17
MEANIE IS SAILING!!!!!!!
18
19
Ideal Cut in Manila
20
21

09

145 19 4
De Wonhwa10001

Wonwoo's

Nagising ako bigla kasi kanina pa sumisiksik si Mingyu sakin, pati yung kumot sinakop na niya lahat "Mingyu ano ba hindi ka naman kakainin nung Diana na yun kaya umayos ka" hinigit ko yung kumot palapit sakin.

Maya maya sumiksik na naman siya "Gyu ano ba" kinuha ko yung cellphone ko para tignan yung oras 2:23 napaka-aga pa. Umupo ako para silipin si Mingyu kung gising ba kasi nakatagilid siya kaya di ko alam kung tulog ba to o gising "hoy gising ka ba?" Hindi siya sumagot, analog ko yung balikan niya "hoy umusog ka nga"

Umayos siya ng higa kaya nakita kong tulog siya bat ang lalim ng pag hinga niya? "Mingyu" tawag ko pero di pa rin siya sumasagot. Hinawakan ko yung noo niya, sobrang init niya.

Tumayo na ko sa higaan tas binalot sakanya yung kumot, tinignan ko yung temperature niya at ang higante may lagnat nga "yan na nga ba sinasabi ko eh nag paulan ka pa kasi" *sigh* pano ba mag alaga ng may sakit?

Ayoko naman gisingin sila eomma kasi pagod din yung mga yun si Seungcheol hyung naman di sinasagot yung tawag ko. Sumilip ako sa bintana tas nakita kong naka-bukas ang ilaw sa kwarto ni Soonyoung magkapitbahay kami, tinawagan ko agad siya

Hoshingkit dialing...

[Hindi pa sumisikat ang araw nami-miss mo na agad ako]

Tigilan mo ko ah ang aga-aga binubwisit mo agad ako

[Wow ako pa ngayon ah sino kaya sating dalawa ang tumawag ng ganto ka-aga]

Si Mingyu kasi-

[Ano naman pake ko kay Mingyu? Kanina pa siya hinahanap ni Seungcheol, kung iniisip mong magkasama kami pwes hindi]

Patapusin mo muna ako pwede? Kasama ko si Mingyu may sakit siya ngayon

[Ano namang sakit?]

Ang taas ng lagnat niya 40° yung temperature niya, anong gagawin ko?

[Petmalu ka lodi, ang dami dami mong learn pero mag asikaso lang ng may sakit hindi mo alam?]

Sagutin mo na lang yung tanong ko

[Oo na. Ganto painumin mo siya ng gamot tapos kumuha ka ng bimpo basain mo ilagay mo sa noo niya, maya't maya basain mo ulit yung bimpo para bumaba yung lagnat niya. Ano okay na?]

Oo sige

[Wala man lang thank-]

Call ended

"Napaka-daldal" bumaba ako sa kusina para mag hanap ng gamot nang maka-hanap na ko kumuha ako ng tubig at bumalik ulit sa kwarto ko

"Mingyu bumagon ka muna inumin mo tong gamot" hirap siyang bumangon kaya tinulungan ko na

"Hyung sorry" mahinang sabi niya

"Wala kang kasalanan. Inumin mo na to ng makatulog ka na ulit" inabot ko sakanya yung gamot na kaagad din naman niyang ininom.


Hindi na ko nakatulog kasi maya't maya binabasa ko yung bimpo sa noo niya pero di pa rin bumababa yung lagnat niya tas sumabay pang nagbrown out "m-may naka-tayo sa p-pinto" nilingon ko si Mingyu na bigla na lang nag salita "t-tinitignan niya ko"

Lumingon ako sa pinto "anong may naka-tayo? Walang naman tao" mukhang mataas pa nga talaga lagnat niya kasi kung anu-ano nakikita niya

Naglili-likot na siya sa kama "kukunin niya ko, ayoko sumama" nanginginig na yung boses niya tas maluha-luha pa yung mata niya

Tumayo ako sa pagkaka-upo ko at hinawakan yung magkabilang balikat niya "huminahon ka walang gustong kumuha sayo" pigil ko pero naka-tingin pa rin siya sa pinto takot na takot

"H-hindi ayoko" nagsisimula na siyang umiyak

"Gyu" hinarap ko siya sakin, tinignan ko siya sa mata "nandito ako, hindi ko hahayaan na may kumuha sayo"

Kumalma na siya tas humakap sakin "wag kong iiwan mag isa"

Niyakap ko rin siya pabalik "hindi kita iiwan promise nandito lang ako sa tabi mo". Naramdaman kong hindi na siya gumagalaw kaya ini-higa ko na siya ulit

Lintek na Lights Out yan. Hinding hindi na talaga ako manonood ng nakakatakot pag kasama si Mingyu

Continuă lectura

O să-ți placă și

Aureate Kisses De ‎

Proză scurtă

1.5M 49.2K 200
An epistolary
523K 19.1K 28
Akaizha and Gwen | "we can never be friends"
4.6M 158K 48
Paano kapag pinagbigyan ni tadhana na mapalapit ka sa tao na sobra mong iniidolo?
348K 8.4K 16
She is a well-known actress. She knows how to act, and to fake her emotions, even her civil status. Who would have thought that she is already marrie...