Unwanted Girlfriend [Publishe...

By vampiremims

21.4M 313K 24.8K

It hurts the most when the person that made you feel special yesterday can make you feel unwanted today. More

Unwanted Girlfriend
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Mims.
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
UG BOOK 2 : Amaranthine Love

Chapter 7

476K 6.7K 362
By vampiremims

Real talk… bago ko gawin ang chapter na ‘to, pinakatitigan ko muna ang pictures ni Jaejoong sa laptop ko :D HAHAHAHAHAHA. Ang gwapo niya po >_< Nahahati ang puso ko sa tatlo. Pinapaubaya ko na si Song Joong Ki. Simon Atkins, Kim Jaejoong at Vini Uehara nalang po. Lol. Pero si Jaejoong talaga e :D Nakakawala ng lagnat si Jaejoong. ^___^

                 

Vote. Comment. Fan. Thanks! =)

 

 

-------------

“Saan mo ba ako dadalhin?” reklamo na naman ni Mikael habang hila-hila ko siya. Last night na namin dito at bukas, babalik na kaming lahat sa Manila.

“Sumama ka nalang kasi!” I hissed. Kanina pa siya reklamo ng reklamo mula ng hilahin ko siya paalis sa celebration ng team. Ayoko maki-celebrate sakanila dahil unang-una sa lahat… Hindi ako pinayagan ni Mikael mag-pose. Para lang akong nagbakasyon dito. Nanunuod ako ng photoshoot and knowing na model ako at hindi ako pinapayagang mag-pose, nakakasama ng loob.

Summer ang theme ng photoshoot so natural, magtu-two-piece ako. Nung araw na kasama ako sa mga kukunan at lumabas ako ng kwarto ng naka-two-piece, pinabalik ako ni Mikael sa kwarto at pinagbihis. Huwag na daw akong sumali sa shoot. Makakagulo lang ako. Nakakainis diba?

“Seriously, Mikaela. Alam mo ba kung saan tayo pupunta?” tanong niya. Tinitigan ko siya ng masama. “Hindi kita ililigaw!” I rolled my eyes heavenward. Kainis! Alam kong nung isang araw, muntik na akong mawala dahil sa kakahanap ‘dun sa nakita kong pusa… pero alam ko naman kung saan kami pupunta ngayon! Grabe ‘to. Napaka-walang tiwala sa akin.

“Just making sure. Pero okay lang naman maligaw. Kasama naman kita e.” napangiti ako ng marinig ko siyang nagsalita. Ayaw pa kasing umamin na gusto niya din ako e.

Maya-maya pa, nakarating kami sa bandang dulo ng beach. “Anong gagawin natin dito?” inilibot niya ang tingin sa paligid. Wala masyadong tao dito. Planado ko e.

“Magpapakasal.” I smiled to him. Halatang nabigla siya sa sinabi ko pero ilang sandali lang ang lumipas, narinig ko naman ang pagtawa niya.

“Let’s go back, Ai… puro kalokohan na naman ang naiisip mo.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila pabalik. “No!” binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. “Do you really think I’m just playing here? I’m dead serious, Mikael…” tinitigan niya ako. “Well, it’s not that serious, but still… I’m serious! I really want us to get married.”

“Spill it, then.” Kumunot ang noo ni Mikael dahil sa sinabi ko.

“There’s this guy…”

“Who the hell is he?!” putol nito sa sasabihin ko. “Patapusin mo muna kasi ako!” I hissed. Tumahimik naman siya pero kita pa ding naiinis siya.

“There’s this guy…” ulit ko and he’s about to say something again pero pinigilan ko siya. “I met him yesterday when you’re all busy taking pictures.” I said sarcastically. “Nalaman kong mayor siya dito. Take note he’s young and handsome pero mayor siya? Nakakabigla…” I smiled.

“Kukwentuhan mo lang ba ako ng tungkol sa lalaking ‘yan?” he said, poker-faced. 

I sighed. Excited? “I asked him if he can wed people, he said yes kaya naman I asked him kung pwede niya tayong ikasal.” I smiled sweetly.

“Nasisiraan ka na ba talaga?” inilagay niya ang hintuturo sa noo ko at bahagya itong tinulak. “Ano ba?! Seryoso kaya ako!” pinalis ko ang daliri niyang nasa noo ko.

“Hi, Miks!” napalingon kami sa nagsalita. It was Xander… ‘yung sinasabi ko kanina pa.

“Hi, Xander!” I waved my hand at him at naramdaman ko naman ang paghawak ni Mikael sa bewang ko. I looked at him at nakatingin lang siya sa lalaking bagong dating.

“Sorry, I’m late. May pinuntahan pa kasi ako…” Xander smiled at me. He looked at Mikael and he nodded to him. Isang tango lang ang ibinnigay ni Mikael sakanya.

“Anyway, Mikael, this is Xander… ‘yung sinasabi ko sa’yo kanina… Xander, this is Mikael… my boyfriend.” Pakilala ko sa dalawang lalaki.

“Nice to meet you, Mikael.” Inilahad ni Xander ang kamay niya. Mikael looked at his hand back to his face and to his hand again. Hindi din siya gumagalaw. I softly nudge him and he looked at me. “It’s Kerko.” Iniabot niya ang kamay ng lalaki pero mabilis ding binitawan.

“Kerko, then…” he smiled and winked at me. I just smiled to him.

“My girlfriend said you’re the City mayor? Aren’t you too young for that position?” he asked him. May diin din ang pagkakasabi niya nung ‘my girlfriend’… anong problema ni Mikael?

“Yeah… I’m just 25 years old but I love what I’m doing. Serving people…” sagot naman ni Xander sakanya.

“So you love to serve people, huh?” may halong sarcasm ang pagkakasabi ni Mikael. Xander nods at him.

“Can we start?” singit ko sa usapan nilang dalawa.

“That’s the thing, Miks... I—“

“Call her Mikaela. That’s her name.” seryosong saad ni Mikael. Napakunot naman ang noo ko. Seriously? What’s with him?

“Possesive boyfriend, eh?” ngumiting tila nang-aasar si Xander kay Mikael. Wala akong naiintindihan sa nangyayari. 

“I’m just protecting what’s mine.” Sagot ni Mikael.

“Can we start?” ulit ko. They both looked at me. Si Xander, nakangiti… si Mikael, seryoso. Nakakatakot si Mikael magalit. As in kapag galit siya, mas gugustuhin ko pang huwag magtanong. ‘yung tipong nandyan lang ako for him pero hindi ako magtatanong.

“I’m just informing you that this marriage is null and void because if the lack of—“

“Just do it.” Putol ni Mikael sa sinasabi ni Xander. Halatang naiinip din siya sa nagaganap.

“Okay…” natatawang sagot ni Xander.

He started the ‘ceremony’. Halos ilang minuto lang ang nakalipas bago siya natapos.

“I can’t say congratulations dahil na din hindi naman—“

Hindi ko na narinig ang iba pang sasabihin ni Xander dahil hinapit ako ni Mikael at hinalikan sa labi. Ilang segundo lang itinagal ng halik na iyon ngunit sapat na upang manlambot ang tuhod ko.

Inakbayan ako ni Mikael at humarap muli kay Xander. “I think your purpose here is done.” May talim ang bawat salitang binitiwan ni Mikael.

Xander smiled. “I guess so.” He looked at me and holds my hand. “if you need anything, you have my number with you right? And you’re always welcome here, Mikaela…”

“Thank you, Xander…” I smiled to him.

“Let’s go.” Hinila naman ako paalis ni Mikael. Ano bang nangyari dito? I know the ‘wedding’ is pure stupidity pero gusto ko lang malaman niya na mahal ko talaga siya at siya ang gusto kong makasama sa future ko… hangga’t maari, I want him to be on my future. Hangga’t pwede pa.

“Mikael!” I called him pero dire-diretso lang siya sa paglalakad.

“Mikael!” mas nilakasan ko ang pagtawag sakanya pero tila bingi siya at hindi ako naririnig.

“Kerko!” I yelled. Binitiwan naman niya ang kamay niya at tuimingin sa akin. I didn’t mean it when I called him Kerko. Nakakainis kasi na ayaw niya akong lingunin. Nakatingin lang siya sa akin.

Hinawakan ko ang kamay kong hinawakan niya. Namumula ito. Ang higpit kasi ng pagkakahawak niya.

He looked at my hand kaya naman itinago ko nalang sa likod ko. “Okay ka lang ba?” I asked him. “I’m sorry, okay? I admit. I’m a noob. Sorry kung pinilit kita sa kalokohang ‘yun. It’s just that—“

“You’re my wife now.” Napalingon ako sakanya mula sa pagkakayuko. “Huh?”

“We just got married… so you’re my wife now.” He shrugged. Napakunot naman ang noo ko. Okay lang sakanya ‘yung ginawa ko? 

“That marriage… I know it’s null and void, I just want you to show you and to inform you that I want to spend my future with you. Wala akong ibang gustong makasama maliban sa’yo.” Lumapit ako sakanya at tinignan siya sa mukha. “Alam ko naman kung sino ang mahal mo e. You still love her. I’ll help you, remember?”

“I’m thankful I have you with me, Mika.” He smiled faintly. “It’s hard for you, I know.”

“I’m fine… I’ll live. What I need is you to move on and be happy.” Ngumiti ako. I know I’m selfish sometimes… pero kung saka-sakaling maka-move on si Mikael at hindi ako ang gusto niyang makasama… I’ll let him go. Pababayaan ko siya. Lance’s right. You can’t take away someone else’s happiness. Kung mahal mo siya, you’ll be selfless. Kahit masakit, basta para sa ikasasaya ng taong mahal mo, magpaparaya ka.

“In time…” Mikael nodded. I just smiled to him. Luminga-linga ako. Kailangan may souvenir ang memorable day namin na ito. Kasal kaya namin!

 I saw a souvenir store. Hinila ko papunta si Mikael ‘dun.

“Tara dali!” nagpunta kami sa shop. Ang daming paninda. Malamang diba? Tindahan e. May damit and accessories. Meron din namang naghe-henna sa tabi ng tindahan.

“Ano na naman ba ‘yan, Mika?” tanong niya habang nakamasid sa akin. Naghahanap ako ng pwedeng ibigay kay Mikael. I know, nasa kanya na ang lahat at ang hirap mag-isip ng pwedeng ibigay sakanya pero pwede naman siguro akong magbigay ng simpleng bagay lang sakanya diba?

May nakita akong hand-made bracelet na may infinity sign.

“Look, ang cute!” pinakita ko sakanya ang bracelet na hawak ko pero wala siyang reaksyon. “Ayaw mo?” maganda naman e. hand-made pa, meaning nag-effort ‘yung gumawa nito.

“Para saan ba ‘yan?” tanong niya.

“Kainis ka! We just got married and we don’t have anything! Hindi pwedeng ring dahil magtataka ang mga Kuya ko… so I’m suggesting this bracelets as sign of that marriage. Infinity means forever and I know that I’ll love you forever, Mikael.”

“Nothing lasts forever, Mika…” mahinang bulong niya.

“Will you be my nothing, then?” tanong ko. Tinignan niya ako kasabay ng pagsilay ng ngiti sa mga labi niya. “Corny mo.” Nakangiti niyang pinisil ang ilong ko.

“Ano ba!” iniwas ko ang mukha ko ng tangkain niya na namang pisilin ang ilong ko. Inaano ba siya ng ilong ko? Tss.

Pumasok ako ulit sa loob ng tindahan para bayaran ‘yung bracelet. Black for him and Purple for me. Purple! Purple! Purple!

“Give me your hand,” nakangiti kong sabi kay Mikael pero kinunutan niya lang ako ng noo. “Aish!” kinuha ko nalang ang left hand niya at isinuot sakanya ‘yung bracelet. Bagay sakanya ‘yung black.

“Ta da!” pinagtabi ko ang right hand ko at left hand niya. “So cute!” I shrieked.

“Tss.” Nagpatiuna nang maglakad si Mikael. Kahit kailan talaga, napaka-sweet niyang tao. Konti nalang talaga, asukal na ang ipapasaing ko para kainin niya.

Sumunod nalang ako sa paglalakad sakanya. I’m looking at his back. Bakit ganun? Kahit likod, gwapo. Wala ata akong mahahanap na pwede kong ipintas kay Mikael e.

“Excuse me, Miss.” Hinarangan ako ng isang lalaki. Agad namang tumaas ang kilay ko. “What?” 

“It’s been a week since I first saw you and I just want to be friends with you, is that okay?” nakangiting tanong nung lalaki. Well, gwapo siya. Matangkad, matangos ang ilong, kissable lips… pero ayoko sakanya.

“No. If you’ll excuse me…” nilagpasan ko na siya pero sinundan niya ako.

“You’re  Mikaela Dela Cruz, right?” tanong niya sa akin. Hindi ako ‘yun! Kulang ng Michelle e.

“Miss, look… makikipagkaibigan lang naman ako e.” nakasunod pa din siya sa akin. Si Mikael? Ang layo na niya!

Hinarap ko nalang ‘yung gwapong lalaki pero makulit. “Ano bang kailangan mo?” tanong ko. Naiwanan ako ni Mikael dahil sa’yo, baka ipatapon kita sa Timbuktu kahit gwapo ka pa.

“Makikipagkaibigan lang naman ako.” He gave me his boyish grin.

“And then, what?” I asked him. Halatang nagulat siya sa tanong ko. “And then… uhhh… I’ll invite you to dinner? My treat.” He smiled.

“Mas mayaman pa ako sa’yo.” Halatang napahiya siya sa sinabi ko.

“I know that, Mikaela… You’re a Dela Cruz, no doubt about th—“

“What’s your name?” putol ko sa sasabihin niya. Obviously, wala naman akong planong makipagkwentuhan sa lalaking ‘to.

“I’m Exel. Exel Lopez.” Inilahad niya ang kamay niya sa akin.

“Well, nice to meet you, Exel…” I said sarcastically. “But I really have to go.” Tumalikod na ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

“Mika, wait…” I gave him a deadly glare. Nakakainis na huh? Mika? Close ba kami para tawagin niya akong Mika?

“Let her go…” kilala ko ang boses na ‘yun.

“Mikael!” Napangiti naman ako ng makita ko si Mikael sa likuran ko kaso hindi pa din ako binibitawan ni Exel. Nilingon ko soya at tinitigan ng masama.

“Let go of my wife.” Hinawakan ni Mikael ang isang kamay ko. Tug-of-war? Ako ang lubid?!

Wait! Wife daw! Oh my gosh! Kinikilig ako! 

“Wife?” Exels forehead frown a little. “Yes, wife. So it’s either you’ll let her go… or you’ll never get the chance to see the sun again.” Napalingon ako kay Mikael and he’s serious. ‘yung katulad ng itsura niya kanina nung kasama namin si Xander.

Reluctantly, binitiwan ni Exel ang kamay ko. Agad naman akong hinawakan ni Mikael sa bewang at hinapit palapit sakanya.

“I guess I’ll just see you around next time, Mikaela…” kay Mikael nakatingin si Exel.

“There will be no next time.” Sagot ni Mikael. Okay? What’s happening?

“Let’s go.” Hinawakan ni Mikael ang kamay ko at naglakad na kami palayo.

“What was that?” I asked him. Medyo mahigpit ang hawak sa akin ni Mikael.

“Hey, are you okay?” tanong ko ulit. Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto rin siya. “What’s wrong?”

“Why do you have to be that damn beautiful at ang daming nagkakagusto sa’yo?!” he hissed. “Huh?” anong sinasabi niya?

“Huwag ka ngang hihiwalay sa akin… Ayokong isipin ng iba na available ka pa because you’re not. You’re my girlfriend-slash-wife.” Hinawakan na niya ulit ang kamay ko at naglakad na kami papunta sa mga kasama namin. Hindi naman na ako kumibo. Gusto kong isiping nagseselos siya pero bakit naman magseselos si Mikael? Hindi pa naman niya ako mahal.

Madaling araw na ng matapos silang magcelebrate. Kung celebrate bang matatawag ‘yun. Nabubwisit ako sa Samuelle na ‘yun. Kung maka-dikit kay Mikael, daig pa ako.

“Baka naman mahati na sa gitna ‘yang unan.” Napalingon ako kay Mikael ng magsalita siya bago siya pumasok ng banyo. As usual, mauuna na naman siyang maligo. Tss.

Hindi nalang ako kumibo. Kumuha nalang ako ng gamit ko at naghintay sa paglabas niya.

Nakasimangot pa rin ako ng makalabas na siya. Hindi na ako nag-abalang titigan ang katawan niya paglabas, pumasok agad ako ng banyo at naglinis ng katawan. Naiinis talaga ako sa babaeng ‘yun!

Paglabas ko, nakita kong nakaharap na naman siya sa laptop niya. Ano ba kasing tinitignan niya diyan? Umupo nalang ako sa kama at nagsuklay ng buhok. 2 am na… 10 am kami aalis bukas. Nakatingin lang ako kay Mikael pero nagulat ako ng bigla siyang lumingon kaya naman napaiwas ako ng tingin.

“Matutulog na ako, ‘night.” Umayos na ako ng higa at humarap patalikod sakanya.

Ilang minuto ang lumipas ng maramdaman kong tumabi siya sa akin. 

“You’re jealous.” I heard him murmurs. Bahala ka diyan.

I heard his soft laugh. “She’s nothing compared to you, Ai…”

Humarap ako sakanya. “I hate her.”

Hinawakan naman niya ang pisngi ko. “I know. Kanina mo pa siya pinapatay sa tingin mo.”

“Tawa pa.” I rolled my eyes.

“Kahit naman anong pagpapapansin ang gawin ng ibang babae sa akin, ikaw lang ang pinaka-napapansin ko. Ikaw lang ang nakikita ko. Ikaw lang ang papansinin ko. Don’t be jealous. You’re my wife, remember? Kakakasal lang natin kanina…” natatawang sabi niya.

“Ewan ko sa’yo!” tatalikod na sana ako ulit pero pinigilan niya ako.

“I’m serious, Mika. You don’t need to get jealous. Ikaw ang nakakapagpasaya sa akin, hindi sila. Go to sleep now, my jealous wife. Mas gumaganda ka kapag nagseselos ka, it wouldn’t be a surprise kung bukas… mahal na kita.” Hinalikan niya ako sa noo at niyakap.

“Dream of me…” bulong niya.

Dream of you? Kailan ba ako nanaginip ng hindi tungkol sa’yo? Napangiti nalang ako.

"I love you, Mikael..." bulong ko bago ako tuluyang hinila ng antok.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 35K 42
Pinili ni Aly na sundin ang desisyon ng iba para sa ikabubuti ng taong mahal niya. Hindi man niya gustong iwan 'to, hindi naman niya kayang makita 't...
2.8M 12K 5
Megan Buenaflor. The stereotype of a typical province girl. Inosente, mahinhin at masunurin. Kaya nang minsang pagsabihan siya ng kanyang ina na akit...
3.6M 63.1K 48
Barkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano siya iiwas lalo na't may isang tao na na...