I Need A Girl (Completed)

Galing kay AnnoyingKimchi

386K 7.9K 207

Stalker turns to a loyal lover that she'd ever have. Story of Veronica "Venia" Laurencio and Callie Gabriel R... Higit pa

I Need A Girl
Chapter 1: Something's Not Right
Chapter 2: Who is Who?
Chapter 3: A Gift From Unknown
Chapter 4: Don't Be Scared Of The Dark
Chapter 5: I Don't Feel Safe Anymore
Chapter 6: I Need To Get Out Of Here
Chapter 7: You're Hurting Me
Chapter 9: Chance Can Change?
Chapter 10: The Stalker
Chapter 11: Know Me For Who I Am
Chapter 12: I'm Here
Chapter 13: Together
Chapter 14: Just So You Know
Chapter 15: Make Me Feel Better
Chapter 16: Callie, The Pilot
Chapter 17: In Other Words, Get To Know Each Other
Chapter 18: Good In Many Things
Chapter 19: Can I?
Chapter 20: Let Me Hold You Like This
Chapter 21: You're Blushing
Chapter 22: Mr. Rivera's Order
Chapter 23: It's A Date
Chapter 24: My Girlfriend
Chapter 25: The truth is,
Chapter 26: A Nice Company
Chapter 27: What Happened?
Chapter 28: Goodnight
Chapter 29: A Dream Come True
Chapter 30: Never Happened
Chapter 31: Horror Movie
Chapter 32: They're Dating
Chapter 33: You're Back
Chapter 34: You Said What?
Chapter 35: Tell Them or I Will
Chapter 36: The Boyfriend
Chapter 37: Please Understand
Chapter 38: Masquerade Party
Chapter 39: My Mysterious Beautiful Beloved Girlfriend
Chapter 40: I've Seen You Naked
Chapter 41: He's Cole
Chapter 42: Unknown Enemy
Chapter 43: Stay With Him
Chapter 44: We're Leaving
Chapter 45: Whatever It Takes
Chapter 46: Your Special Day
Chapter 47: White Gold
Chapter 48: Never
Chapter 49: Marry Me
Chapter 50: You're Safe
Chapter 51: Hold on to me
Chapter 52: Do You Still Love Me?
Epilogue
Special Chapter

Chapter 8: Let Me Die

7.6K 142 10
Galing kay AnnoyingKimchi

Hindi ko alam kung anong oras na ng magising ako. Sinubukan kong maupo. Napaaray ako ng maramdaman ko ang pagkirot na naggagaling sa balakang. Ganun pa man ay pinilit ko pa ring makaupo.

"A..anong?"

Nanlaki ang mga mata ko matapos makita ang mga bagay sa loob ng kwarto. Isang malaking bouquet ng puting rosas, isang basket na punong puno ng chocolates at sa tabi ng kama ay mayroong isang napakalaking stuffed toy na may ribbon sa bandang leeg.

Kung sa ibang pagkakataon siguro ay magagawa kong ngumiti pero sa ngayon ay di ko iyon gugustuhing gawin.

Naalala ko ang nangyari kagabi.

Napapikit ako sa mga naalala ko. Matapos ang mga nangyari, sa tingin nya ay mapapawi iyon ng mga bagay na ito? Anong akala nya, magagawa nya akong suhulan?

"For my only love."

Nakasulat iyon sa isang maliit na papel na nakadikit sa basket. Kinuha ko iyon at pinagpirapiraso. Sa sobrang sama ng loob ay hindi  ko gustong makakita, makarinig o makabasa ng kahit anong basa na galing sa kanya.

Narinig ko ang pag-aalburuto ng tiyan ko. Aktong igagalaw ko ang mga paa ko para bumaba sa kama ng maramdaman ko ang pananakit nito. Tinanggal ko ang kumot at tumambad sa akin ang namamagang kaliwang paa ko. Masakit at mahadpi kapag nagagalaw. Maingat kong iniangat ito at maayos na naupo sa gilid ng kama. Ang problema ko ngayon ay ang pagtayo. Nagugutom na ako at nauuhaw at walang kahit ano sa mesa.

Umayos ako ng upo at hinanda ang sarili ko sa pagtayo. Gusto ko na rin magbanyo.

Biglang bumukas ang pinto pero hindi ko iyon pinansin. Patuloy lang ako sa pag-alalay sa sarili ko na makatayo. Sadyang masakit iyon kaya't napapadaing ako.

Hindi ko sya narinig na nagsalita o kumilos at nagulat na lamang ako ng maramdaman ko ang pag-angat ko sa sahig.

"Anong-"

Pero agad nya akong pinutol.

"Don't move. You should have call me."

Bakas sa boses nya ang iritasyon. Sya pa ngayon ang may ganang magalit?

At ano? Call him? Mamamatay muna ako bago ako humingin ng pabor sa taong 'to.

Nakatingin lang ako sa paa ko habang buhat buhat nya. Napailing ako matapos makita ang namamagang paa ko, halatang halata at nakakatakot tingnan dahil sa namamagang kulay.

"Bitiwan mo ako. Magbabanyo ako."

Huminto sya at saka ako maingat na ibinaba sa harap ng isang pinto sa loob ng kwarto. Binuksan nya ang pinto at aktong bubuhatin nya akong muli ay pinigilan ko na sya.

"Ako na. Kaya ko."

Pansin ko ang pag-aalinlangan nya pero wala naman syang magawa sa pagpupumilit ko..

Maingat ako pumasok ng banyo at isinara ang pinto. Nakatayo lamang sya sa labas. Nang sinubukan kong ilock ang pinto ay hindi ko 'to malock. Napakunot ang noo ko kung bakit.

"Sadya yan, so don't bother. Don't worry, I won't go in unless you tell me."

Gusto ko syang murahin. At talagang wala itong lock para magawa nyang makapasok kahit anong oras nya gustuhin?

Napailing ako.

Napakaimposible ng taong 'to.

Malaki ang banyo at kumpleto sa gamit. Malinis at mabango.

Binilisan ko ang pag-ihi sa takot ng ideyang baka pumasok sya ano mang oras. Lumapit ako sa lababo para maghimos pero may benda ang ulo ko kaya naghugas lamang ako ng mata at nagmumog. Uminom rin ako ng kaunting tubig dahil nauuhaw na talaga ako.

Nang inangat ko ang repleksyon sa salamin ay saka ko napansin ang malaking pagbabago sa sarili ko.

Malalim ang paligid ng mga mata at maputla ang kabuuan ng mukha. Ibang - iba sa dati. Mahina at walang buhay kumpara sa masigla at masayahing ako.

Uminit ang sulok ng mga mata ko matapos kong makita ang mukha ko sa salamin. Naawa ako sa sarili kung bakit ako napasok sa sitwasyong ito.

Muli nya akong ibinalik sa kama saka lumabas ng kwarto at nang bumalik ay may dala na itong pagkain.

"Don't starve yourself."

"Anong bang pakialam mo?"

Hindi mawala sa isipan ko ang babaeng nakita ko sa salamin. Isang kaawa awang babae. Ang masakit, ako ang kaawa-awang babaeng iyon.

"Wala na akong pakialam kahit magutom ako. Mas mabuti na nga sigurong mamatay na ako."

Punong puno ako ng hinanakit at sobrang pait ng nararamdaman ko.

Hindi sya nagsalita at isang malalim na pagbuntong hininga lamang ang narinig ko mula dito. Mainam ang ganito, ang maubusan sya ng pasensya sa akin. Hindi man ako umaasang pakawalan ay kahit paano ay hindi ko sya nabibigyan ng pagkakataong makuntento.

"Kung naiinis ka na..", Tumitig ako sa mukha nitong may blankong emosyon.

"..patayin mo nalang ako."

Agad itong nag-iwas ng tingin. Nakita ko ang pagkuyom ng kamay nito. Nakakatakot pero tinatagan ko ang loob ko.

Tumayo ito at mabilis na lumabas ng kwarto.

Napasandal ako at huminga ng malalim. Pakiramdam ko ay ganito ang ikamamatay ko, ang araw-araw na away naming dalawa, ang pagpupumilit ko sa bagay na ayaw nya at di pagsunod sa mga gusto nya.

Halos mapalundag ako sa sunod sunod na ingay ng mga nababasag na bagay sa labas ng kwarto. Sunod-sunod na pagmumura at pagsigaw ang narinig ko. Mariin akong napapikit matapos.

Nanginig ako sa takot makalipas tumigil ang mga ingay. Takot akong baka pumasok sya dito at gumawa ng masama. Nauubusan na siguro ito ng pasensya sa akin at kaunti nalang ay matutulad na ako sa mga bagay na nabasag sa labas ng kwarto.

Anong magagawa ko? Ayaw ko dito. Ayaw ko syang sundin. Ayaw ko napagbibigyan sya. Ayaw ko sa kanya.

Nanatili akong mulat. Naglaho ang nararamdaman kong pagkalam ng sikmura kanina. Laking pasasalamat ko dahil makalipas ang ilang oras ay hindi ito pumasok ng kwarto.

Muling bumalik ang takot ng pumasok ito sa kwarto. Sinubukan kong maging kalmado pero kahit anong pilit ko ay kusa na ang reaksyon ng katawan ko. Napasinghap ako matapos makita ang nakabendang magkabilang kamao nito. Malamang nasugatan sya sa kung anong ginawa nya kanina.

Dala ang isang box ay marahan itong tumabi sa kama. Hindi ko mapigilan mapapatitig sa kanya habang binubuksan at kumukuha ng kung ano sa box na iyon. Ganun pa rin ang ipinapakita ng mga mata nito, blanko at walang emosyon. Pagod na pagod ang mapupungay nyang mga mata.

Bumaling ito sa akin at mabilis akong nag-iwas ng tingin. Naramdaman ko ang pagdampi ng mga kamay nito sa noo ko. Dahan-dahan nyang tinanggal ang nakabenda sa ulo ko. Itinabi nya iyon at kumuha ng bulak at nilagyan ng alcohol.

Napalunok ako. Hindi pa dumadampi sa sugat ang alcohol pero ramdam ko na ang hapdi.

"Sandali."

Ang dami kong pinagdaanan pero bwisit na yan, alcohol lang kakatakutan ko?

"I have to clean your wounds."

Nakaramdam ako ng panlalamig sa malalim nyang boses. Ramdam ko ang pagpipigil. Parang isang kalabit ko nalang sa kanya ay tuluyan na syang mauubusan ng pasensya. Hindi ito tumigil sa ginagawa. Sinubukan kong buksan ang bibig ko para magsalita ngunit mabilis itong tumingin ng masama sa akin. Inakala nya sigurong pipigilan ko sya sa paggagamot ng sugat ko.

"G..gusto kong maligo."

Gusto kong tapangan ang boses ko pero sadyang nanghihina na talaga ito.

Hanggang ngayon ay suot ko pa rin ang damit ko simula ng dumating sa lugar na ito. Nangangati na ang balat ko at gusto ko na talagang maligo.

Nang tingnan ko sya ay nakaawang ang bibig nito ngunit agad din nyang itinikom. Itinabi nya ang hawak at naglakad palabas ng pinto.

"Wait here.". Iyon ang narinig ko bago sya tuluyang lumabas. Nagtaka ako sa inasta nya pero wala rin naman akong magagawa.

Bumalik syang may dala. Inilapag nya sa gilid ng kama ang mga iyon.

Laking gulat ko ng makita na ang sarili kong damit ang mga iyon. Agad ko iyong dinampot.

Mga damit ko nga ito.

"Kinuha ko sa apartment mo."

Napaawang ang bibig ko. Nakakapasok sya sa loob ng apartment ko.

"I bought you some clothes in your closet here. Pero kumuha rin ako ng mga damit na komportable kang suotin galing sa apartment mo."

Hinila ko ang short na naroon at di sinasadyang lumantad ang mga underwear na nasa ilalim. Napasinghap ako ang agad iyon kinuha ay inilagay sa likuran.

Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang malalalim na tingin nito pabalik sa akin. Nag-iwas ako ng tingin. Bastos.

Kinuha ko na ang tuwalya saka sinubukang tumayo pero tulad kanina ay binuhat nya ako. Gusto kong pigilan pero wala na akong nagawa. Buhat buhat na ako nito.

"You should eat. You're so light."

Naaalala kong ilang araw ko na rin palang nakalimutan kung paano kumain.

Hindi ko na ito pinansin o umimik man lang hanggang sa ibinaba na nya ako sa harap ng banyo.

Bago ko pa maisara nag pintuan ng banyo ang agad nyang itinukod ang kamay nya para harangan iyon.

"I'll help you when you done."

"Hindi na kailangan."

"But-"

"Kaya ko na."

Kung matigas sya, mas matigas ako.

Huminga sya ng malalim bago inalis ang pagkakatukod ng kamay nya sa pintuan. Hindi ko na ito hinintay magsalita at isinara ko na ang pinto.

Isinabit ko sa hanger ang mga damit na dala ko bago nag-alis ng suot kong damit. Nag-aalinlangan pa ako sa pagtanggal ko ng underwear ko dahil hindi ako sigurado. Maaring nasa labas lang ang lalaking iyon at walang kandado ang banyo. Ano mang oras ay makakapasok ito.

Sa huli ay naghubad na rin ako at lumapit sa shower. Nadako ang tingin ko sa bath tub na naroon. Gusto ko masubukan ito. Mukhang dito mas masarap magbabad. Binuksan ko ang gripo na naroon. Magkahalong malamig at mainit na tubig. Naglagay din ako ng maraming patak ng isang bote na naroon at saka dahan-dahan bumula ang tubig. Napangiti ako sa bula na tinatabunan ang tubig. Nang sa palagay ko ang tama na ang tubig ay lumusong na ako.

Unti-unting nabalot ng tubig ang buo kong katawan. Napapikit ako sa sarap na naramdaman ko. Para bang huminahon ang buo kong sistema.

Napasandal ako habang ninanamnam ang masarap na pakiramdam.

Sa unang pagkakatao ay nakaramdam ako ng kaginhawaan. Pansamantalang nakakawala ng mabibigat na dalahin. Nakakagaan sa pagkatao. Pakiramdam mo ay wala kang problema. Walang ibang tao maliban sa'yo. Gusto ko ang ganitong pakiramdam.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagbigat ng mga mata ko.

Minulat ko ang mga mata ko. May kakaiba sa pakiramdam ko ngayon.

Sinubukan kong igala ang paningin, nagbabakasakaling panaginip lang ang lahat ng mga nangyari.

Pero hindi. Nasa parehong kwarto at parehong kama pa rin ako.

May gumalaw na kung ano sa kaliwang bahagi ng kama. Doon ko nakita ang isang taong nakayuko. Hawak-hawak ang kamay ko. Tinitigan ko itong mabuti ngunit hindi na ito muling gumalaw.

Hinila ko ang kamay kong hawak nito ngunit mas lalo itong humigpit sa pagkakahawak. Dahan dahan itong nag-angat ng ulo hanggang sa magtama ang tingin namin.

"Hey.", Namamaos pa ito at halatang galing sa pagkakagising.

Muli kong pinikit ang mga mata ko. Gusto ko pang matulog. Pakiramdam ko sobrang sarap ng tulog ko kanina at gusto ko muling bumalik.

"You scared me."

Nagmulat ako at bumaling dito.

Mapait itong nakangiti habang nakalapit ang kamay kong hawak nya sa kanyang labi. Napaawang ang bibig ko matapos mahagip ng mga mata ko ang kumikinang na bagay sa sulok ng mga mata nya bago sya yumuko.

Hindi ako maaring magkamali.

Umiiyak sya.

Ilang sandali pa ang napansin ko ang sunod-sunod na pagtaas baba ng balikat nito. Nanatili syang nakayuko. Naramdamam kong nababasa ang kamay ko.

May kung anong kumirot sa puso ko sa nakikita ko ngayon.

Nag-angat ito ng tingin at doon ko nakumpirma. Basang basa ang pisngi nya. Hinahayaan lang nitong tumulo ang mga luhang bumubuhos sa mga mata. Punong puno ng luha ang mapupungaw nyang mga mata.

"I'm so sorry."

Sa kauna-unahang pagkakataon ay umiiyak ang lalakig ito sa harap ko mismo. Ang matapang, nakakatakot at mailap na lalaking may kasalanan sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon.

Patuloy ang paghingi nito ng tawad habang lumuluha.

Hindi ako nagsalita. Wala akong makapang kahit anong salita para banggitin sa harapan nya. Ito ang kauna-unahang  pagkakataon na mayroong taong umiyak sa harapan ko ng ganito. Sa unang pagkakataon ay nakaradam ako ng awa sa kanya. May parte sa pagkatao ko na nagsasabi na dapat ko syang kawaan.

Pumikit ako at inalala ang mga nangyari kanina.

"I thought I lost you. You scared me baby."

Ano bang nagyari sa akin kanina?

"Anong nangyari?"

Mahina kong tanong dito.

"I don't know. Hinimatay? Nakatulog? I don't know. I just found myself holding you, trying to bring to life, scared that moment that I might lose you. Oh God, baby. I'm so scared."

Naaalala ko nga. Nakatulog ako.

Kung ganun ay muntik na akong mamatay kanina. Muntik na akong malunod sa tub.

Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat sa ginawa nitong pagliligtas sa akin. Naisip ko rin na hindi dapat dahil kung hindi naman sa taong ito ay wala ako sa ganitong klase ng sitwasyon.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

42.5K 2.1K 39
(Completed) Parenting is a tough job but seeing your child smile and laugh is a worthy sight. -- "Laro tayo," biglang usal ko. I didn't know wher...
93.1K 2.4K 15
Adeline Ronsville the Governor's daughter run away from her so-called fiance and board on the ship of 'Hurricane' where she will meet the Captain of...
13.1K 619 37
The Black Rose Series #3 Fighter - close-range combatants that possess a mix of offensive and defensive capabilities.
372K 19.5K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.