Don't Wanna Cry • MEANIE

By Wonhwa10001

5.1K 471 170

{Al1 series #1} "When the half of me is gone how can i live as one" "Us in the different system, another form... More

00
01
02
03
04
05
Not An Update
06
07
09
10
Not An Update
11
12
Thanks! (edited)
13
14
15
16
17
MEANIE IS SAILING!!!!!!!
18
19
Ideal Cut in Manila
20
21

08

179 21 4
By Wonhwa10001

Na-set na namin yung table nang biglang dumating ang appa ni hyung "Mingyu nandito ka pala. Mukhang lalo kang tumangkad ah" sabi niya ng makita ako

"Oo nga po eh hanggang ngayon hindi parin tumitigil ang pagtangkad ko hehe"

"Mabuti dumating ka na sakto kakain na kami" Shinwoo eomma

Habang nakain kami si Kyuki kinukwento nanaman kung ano mga ginawa niya buong araw, kahit paulit ulit na yung kwento niya nakakatuwa pa rin siyang panoorin habang nagsasalita "nga pala kamusta naman ang Seventeen?" Tanong ni eomma samin

"Ayos naman po. Ngayon hindi masyadong busy kasi katatapos lang ng promotion namin"

"Palagi niyong iingatan ang sarili niyo ah wag magpapalipas ng gutom nang hindi kayo nagkakasakit" paalala ni eomma samin

"Syempre naman po, lalo na to si hyung hinding hindi ko hahayaan na magpalis to ng gutom para di na siya magkasakit ulit"

"Mingyu" tawag sakin ng appa ni Wonwoo

"Po?"

"Thank you for always being there for my son" - Wonhyuk appa

"Wala po yun. Inaalagaan din naman niya po kaming lahat tsaka pag may mga bagay kaming hindi alam siya ang nagtuturo samin, para kasing may google sa utak yan si hyung"

"Pinupuri mo ba ko o inaasar?" Tanong ni Wonwoo

"Minamahal" bulong ko sa sarili ko

"What?" - Wonwoo

"Pinupuri syempre, eto si hyung bingi"

"Sakin talaga nag mana ng katalinuhan yan si Wonwoo" pagmamayabang ni appa

"Oh talaga ba? Bat di ako na-inform tungkol dun?" Pambabara ni eomma

"Bakit totoo naman ah, pati nga kagwapuhan sakin niya na mana eh" - appa

"Kapal mo naman uy mahiya ka nga" - eomma

"Kunwari ka pa eh patay na patay ka nga sakin" - appa

"Wag mo ko kausapin di kita kilala" - eomma

"Napaka-sungit" bulong ni appa pero rinig din naman namin "may girlfriend ka na ba Wonwoo?" Pag iiba ni appa sa topic na ikinasamid ko

"Mingyu okay ka lang ba?" Tanong ni eomma

"Okay lang po ako" tumingin ako kay hyung inaantay yung sagot niya

"Wala pa po, tsaka makakasira lang yun sa image ko" sagot ni hyung

Kinabahan ako akala ko meron na eh

"How about you Mingyu? May girlfriend ka na ba?" - appa

Nasamid na naman ako dahil sa tanong niya kaya uminom agad ko ng tubig "syempre wala rin yan kasi nga makakasira sa image nila. Pero sigurado ako may nagugustahan na yan, artist din ba?" Tanong naman ni eomma

Sa tubig naman ako nasamid ngayon "mag dahan-dahan ka nga" sabi ni Wonwoo habang hinahagod ang likod ko

Nang mahimasmasan na ko saka ko sinagot ang tanong nila "ayoko pong magka-girlfriend" kasi boyfriend ang gusto ko "tsaka opo may nagugustuhan na ko" at si Wonwoo hyung yun

Tumingin si eomma sa orasan saka binaling ang tingin sakin "Mingyu dito ka na lang kaya matulog? Di pa rin tumitila ang ulan tsaka anong oras na malayo pa byahe mo" nag aalalang sabi ni eomma

"Mukhang di titila ang ulan, ang alam ko kasi may bagyo bukas" - appa

"Wonhyuk nugu?" Mapangasar na sabi ni eomma

Tanawa kami ni hyung dahil sa asaran ng mga magulang niya "eomma hindi na po, masyado na kong abala sainyo"

"Mag tigil ka, sa tagal mo ng pumupunta dito kahit kailan hindi ka naging abala samin" - eomma

"Pero-"

"Pumayag ka na, tawagan na lang natin si Seungcheol nang hindi yun mag alala sayo" sabi ni Wonwoo habang kumain

Si hyung na nagsabi syempre di na ko makakatanggi



Nasa loob na ko ng kwarto ni hyung, naka-pag palit na rin ako ng damit syempre damit ni hyung ang suot ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at dun ko lang naalala na hanggang ngayon lowbat pa rin ako

"Natawagan mo na ba sila Seungcheol?" Sabi ni Wonwoo na kalalabas lang mula sa banyo habang naka-towel lang

Hindi ako makatingin sakanya ng ayos "T-tatawagan ko na s-sana kaso lowbat pa rin nga pala ako" bwisit kahit ilang beses ko ng nakitang topless si hyung hindi pa rin talaga ako sanay

"Kaninang-kanina ka pa nandito hindi man lang pumasok sa isip mo na mag-charge?" - Wonwoo

"Eh nakalimutan ko eh"

"Ewan ko sayo" pumunta na si hyung sa closet niya para magbihis "nasa kama yung cellphone ko, tumawag ka na"

Kinuha ko yung cellphone ni hyung at sinimulan ng i-dial ang number ni Seungcheol hyung


Coups hyung dialing...

[Hello?]

Hyung si Mingyu to

[Langya ka! kaninang-kanina pa kami nag aalala kasi sobrang lakas ng ulan tas yun pala magkasama lang kayo ni Wonwoo! Bat ba nakapatay ang phone mo ha?!]

Cheol hyung kalma. Sorry na kung hindi agad ako nag paalam sayo nalowbat kasi ako

[Wala naman na kong magagawa. Basta wag na kayong lalabas pa baka kung ano lang mangyari sainyo sa daan]

Opo hyung salamat. Ingat din kayo dyan

Call ended...

"Hyung okay na nag paalam na ko" inabot ko na kay Wonwoo yung cellphone niya buti naman at nakapagbihis na to

*knock knock* "Wonwoo? Mingyu? Paki bukas ng pinto" rinig kong tawag ni eomma mula sa labas ng pinto

Agad akong lumapit para pag buksan siya ng pinto "eomma ako na po dyan" kinuha ko sakanya yung dala niyang tray "kayo talaga hindi pa rin po kayo nagbabago. Palagi niyo pa rin kaming pinagtitimpla ng gatas, baka lalo akong tumangkad niyan"

"Nako Mingyu wag kang mag alala para lang yan kay Wonwoo yan, yung isa dadalin ko kay Kyuki" nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Tumawa siya "biro lang eto naman para sainyong dalawa yan kanina ko pa nadalan si Kyuki sa kwarto niya"

"Si eomma talaga" buti na lang hindi ako naniwala kay appa na sakanya nag mana si Wonwoo kasi mukhang kay eomma talaga siya nag mana pati ugali

"Sige na maiwan ko na kayong dalawa ah, yung gatas inumin niyo ah" - eomma



Hanggang sa naka-alis na si eomma wala kaming ginawa ni hyung kundi manood lang ng cartoon "hyung" tawag ko sakanya

"Ano?" - Wonwoo

"Midnight snack tayo hyung"

Lumingon siya sakin "simula nung magkasama tayo sa JK U wala ka ng ginawa kundi kumain tapos ngayon gutom ka pa rin? Ano ba yang tyan mo may tao sa loob na kumakain din?"

"Napaka mo hyung eh sa mabilis talaga ako magutom eh. Ikaw ba hindi gutom?"

".....gutom" bulong niya

"Ano yun?"

"Gutom din ako" mahinang sabi niya

"Tignan mo na ikaw din pala gutom tas kung pagsabihan mo ko wagas"

"Mag tigil ka" - Wonwoo

"Hahah oo na. Ano gusto mong kainin?"

"Ikaw na bahala" - Wonwoo

"Okay" lumabas na ko ng kwarto para pumunta sa kusina

Ano kayang lulutuin ko? Kaso makakagawa lang ako ng ingay pag nagluto pa ko baka magising pa sila Kyuki.

Kumuha ako ng payong at lumabas na ng bahay, pumunta ako dun sa malapit na 24 hours na burger shop malapit sa bahay nila hyung "Dalawang cheeseburger nga po"

Pinagmasdan ako ng cashier "diba ikaw si Mingyu? Anong ginagawa mo sa labas ng gantong oras? Bumabagyo pa" lumingon ako sa kabuuan ng shop napansin kong ako lang pala ang tao

"Hehe nagutom ho kasi ako kaya lumabas ako para bumili"

"Ganun ba" humarap siya dun sa bintana kung saan nakikita yung kitchen "dalawang cheeseburger paki bilisan mo pagluto ah" sabi niya dun sa lalakeng nasa kitchen

Nang matapos ang order ko inabot na niya yun sakin "umuwi ka na agad bumabagyo na, mag iingat ka"

"Opo salamat po. Gaya po ng sabi niyo bumabagyo na kaya dapat po magsara na rin kayo para makauwi na kayo, sige po mauna na ko" paalam ko bago ako lumabas

Sa sobrang lakas ng hangin nasira yung payong na dala ko kaya nagtatakbo na lang ako pabalik ng bahay nila hyung.

"Hyung nandito na ko" sabi ko pagpasok sa kwarto ni Wonwoo

Kumuha siya ng towel at lumapit sakin para tuyuin yung damit ko "bakit basa ka?! Siraulo ka ba?! Kaya nga sinabihan ka na dumito muna para di ka maulanan tas nag paulan ka naman!" Nangigil na sabi niya

"Sorry na, nagdala naman ako ng payong kaso sa sobrang lakas ng hangin nasira yung payong"

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Bilisan mo magpalit ka na agad baka magkasakit ka pa" kumuha siya ng damit saka inabot sakin


Nang makapagpalit na ko lumabas na ko ng banyo, tinignan ko yung t.v kung ano ba yung pinapanood niya Lights Out? Bat parang SPG yung title? "Hyung ikaw ah nanonood ka pala ng mga ganyang palabas" tumabi na ko sakanya sa kama

"Tumahimik ka kainin mo na lang yang binili mo" inabot niya sakin yung binili ko kanina

Kinuha ko yung isa at inabot sakanya "tag-isa ulit tayo" nagsimula na kaming manood ng pinapanood niya.

Natapos na yung palabas, bwisit SPG nga talaga yung palabas horror nga lang "matulog na tayo" tumayo si hyung at pinatay na yung t.v, io-off na sana niya yung ilaw pero pinigilan ko siya

"Wag mo ng patayin yung ilaw hyung baka mag pakita si Diana sakin"

Tinignan niya ko ng masama "napaka-matatakutin mo talaga" sabi niya habang pahiga na ulit, hindi na niya pinatay ang ilaw

"Hyung palit tayong pwesto dyan na lang ako sa gilid natatakot kasi ako"

Tumalikod siya sakin "bahala ka dyan"

Hala naman pano ako makakatulog nito. Humiga na ko ng ayos at nagtalukbong ng kumot makatulog sana ako ng ayos

Continue Reading

You'll Also Like

637K 30.2K 87
A lost ID. A music video. And the friendship and love story that will follow. **** Can We Talk? An Epistolary Talk Series #1
440K 16.4K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee
25.2K 472 19
[Completed, 2022] Les Tendres Series #1 || Tender Love Series "When you don't have money, how far away are you willing to go just to earn it?" An unl...
163K 9.4K 49
Porcia Era Hart x Chrisen