Best for Us (GU #3)

By ranneley

125K 3.6K 429

Alam ni Vanessa na walang patutunguhan ang paghangang nararamdaman niya para kay Tyler. Dakilang playboy ito... More

characters + playlist
then pt. 1
then pt. 2
one
two
three
four
five
six
seven
eight
nine
ten
eleven
twelve
thirteen
fourteen
fifteen
sixteen
seventeen
eighteen
twenty
twenty-one
twenty-two
twenty-three
twenty-four
twenty-five
twenty-six
twenty-seven
twenty-eight
twenty-nine
thirty
thirty-one
thirty-two
thirty-three
thirty-four
thirty-five
thirty-six
thirty-seven
thirty-eight
thirty-nine
forty
forty-one
forty-two
forty-three
forty-four
forty-five
forty-six
forty-seven
forty-eight
forty-nine
fifty
fifty-one
fifty-two
fifty-three
fifty-four
fifty-five
epilogue

nineteen

2.2K 65 8
By ranneley

Nineteen: Vanessa Gerleen

We agreed to be friends.

Tyler and I were now friends. Who would ever thought that this day will happen? Not me, definitely.

But the universe really works in a peculiar way. And I liked it. I liked how it works.

"Sabay tayo bukas?"

Napatigil ako sa paglalakad sa kahabaan ng hallway papunta sa unit ko at humarap kay Tyler. He was looking at me expectantly. Both of his hands were inside his jeans' pockets.

Alam ko ang tinutukoy niya ang pagpasok sa school bukas at hindi ko naman alam kung bakit pa ako natatagalan sa pag-iisip. Madali lang naman ang sagot. Oo o hindi.

Pero kasi--

There I go again. Don't overthink, Vanessa.

I nodded then. "Okay."

Ngumiti si Tyler. "Good. I mean--it's good since we have the same time of classes tomorrow and it will be more convenient if we go together. Since we're friends and you know it's what friends do, right?"

I blinked at him, reprocessing in my mind all what he said. Then I bit my lip as I realized I was not the only one sweating out about this.

Suddenly, I had the urge to smile. Both of us were just so awkward. Pero bago pa sumilay ang aking ngiti ay pinigilan ko na iyon saka sumagot kay Tyler. "Yes, you're right."

"How about lunch?" sunod niyang tanong.

I smiled at him sheepishly. "I'm going to eat with my friends. I mean, other friends. At hindi ba, kasabay mo 'yung mga classmates mo?"

He nodded then his bit his lip as if realizing just now that he had to be with his classmates.

"But we will still go to Golden Lives after school, right?"

Tumango ako kay Tyler. "Sure. Lalo na't inaasahan tayo ni Nanay Belen diba?"

He smiled at me. "You're right. She even mentioned you especially."

Ilang akong napangiti. I don't know if I will believe that, knowing what happened with Nanay Belen. Sasamantalahin ko na lang ang pagbisita bukas. Pupuntahan ko na rin iyong mga ibang matanda.

"Papasok na pala ako," turo ko sa pintuan.

Tyler flicked his gaze to it before quickly looking back at me again. "Okay. Good night."

"Good night."

Tumalikod na ako't dumiretso sa pintuan, binuksan iyon. Dama ko pa rin sa likuran ko ang mga mata ni Tyler. So when I got to open my door and slipped inside my unit, I took a last glance at Tyler and caught my breath when I saw him looking at me intently.

Hindi ko pinansin ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko saka kumaway sa kanya ng huling beses bago isinara na ang pinto at i-lock.

I heaved a deep breath as I leaned against the door, my hand went to my chest, feeling my racing heart. Okay. Vanessa. Get it together. Friends, right? You should not feel that way.

Ilang inhale-exhale ang ginawa ko bago ako kumalmang muli. Right. I should control these feelings that kept on resurfacing, if I wanted to do this friendship thing with Tyler.

*

There was a commotion. Someone's talking loudly at the other side of the wall. Truth was, I could even hear it somewhere at the front of my door. I groaned, thinking it was all in my dream. Na maaalis rin at makakatulog na ako nang maayos.

Pero hindi nawala. Sa halip parang mas lumakas pa nga. At namalayan ko na lang ang sariling mas gising na kesa tulog.

Still in my semi-sleep state, I dragged my body up. Kinusot ko ang mata saka kinapa iyong cellphone ko sa tabi. Sinilip ko ang oras. Past one am. Ano kayang nangyayari sa labas nang ganitong oras?

Ang mata ko'y napunta sa pintuan. Ngayon gising na talaga ako'y mas naririnig ko na ang kaganapan sa labas. Kaya't wala na akong nagawa pa kundi ang tuluyan nang bumangon. Kailangan kong malaman kung ano iyon.

Sinuot ko ang tsinelas ko't habang naglalakad ay doon na ako nagpunas ng mukha. Mahirap na baka anu-ano na iyong nagsulputan sa mukha ko. Naabot ko iyong pinto at agad na i-unlock iyon saka binuksan.

Ang una kong nasilayan ay ang dalawang lalaki. Yung isa ay nakauniporme ng blue na polo, at black slacks, uniform ng sa Maintenance. At iyong kasama naman niya ay 'yung isa sa mga gwardiya dito. Then my eyes went to the another figure. Tyler. Even with his back at me, it was very noticeable how soaked his clothes were. Ang puting t-shirt niyang suot at maging iyong itim na track pants ay talagang kumakapit na sa katawan niya sa sobrang basa. His hair was damp as well.

Kumunot ang noo ko. Umuulan ba?

Then I caught something from their conversation.

"Naku, Sir, mukhang ilang araw ang kakailanganin namin bago matuyo iyong buong kwarto," sabi nung kuyang taga-maintenance. "Siguro sapat na po iyong isang linggo para masecure na maging lahat ng gamit ay tuyo."

I watched Tyler's shoulders sagged. "That's okay. But are you sure I don't need to pay anything? For the maintenance?"

Agad na umiling iyong kuyang naka-asul. "Naku, hindi na po. Kabilin-bilinan ni Sir Slade na walang kukunin na anuman po sa inyo. At isa pa po, parte na po iyon ng security at maintenance nitong building. Nangyayari po talaga iyon kaya 'wag po kayong mag-alala."

Hindi sumagot si Tyler at nagtataka na talaga ako kung anong pinag-uusapan nila. Hindi ko lang makuha.

Doon naman nagsalita ulit yung kuyang naka-asul. "Kami nga po iyong dapat na humingi ng paumanhin dahil mukhang hindi muna po kayo makakatuloy dyan sa unit habang inaayos namin."

Mas kumunot ang noo ko. Nadagdagan din ang kuryosidad ko. Anong hindi makakatuloy si Tyler sa unit niya? Anong nangyari doon? Anong ibig sabihin nung kuya?

"Okay lang po iyon," sagot ni Tyler. "I really can manage. But will you let me first get some of my things in there? Siguro naman hindi ganoon nabasa iyong mga damit ano? Hindi naman siguro napapasok agad ng tubig iyong mga cabinets?"

Natawa iyong kuyang kausap niya saka napakamot sa batok. "Ang totoo po, Sir. Hindi ko rin po alam. Depende po siguro kung gaano karami iyong tubig."

Tyler also laughed in return. Pero hindi iyon tunog na natutuwa siya. Parang tunog na papunta na sa pagka-frustrated. But in the end he calmed down, patted the shoulder of the kuya wearing blue then said. "Okay lang po. Pasimulan na lang iyong pag-aayos bukas. Tapos tatawag na lang po siguro ako para malaman kung ano iyong progress. Sige po, kaya ko na po ito. Thank you po sa tulong," pasalamat niya sa dalawang lalaki. "Saka pasensya na rin po sa abala."

Sumagot pang muli iyong dalawa. At nagsabi pa nga iyong taga-maintenance na agad na raw sisimulan yung pag-aayos para matapos din agad saka sunod noon ay nagpaalam na din sila.

At nang matapos ang pag-uusap nila at palakad na papalayo iyong dalawa ay napunta ang mga tingin nito sa akin. At gaya ng inaasahan, agad na bumati iyong guard. "Good evening...ay good morning na po pala, Ma'am."

Timid naman akong napangiti sa mga ito, pero sa gilid ng mga mata ko'y nakita kong humarap na rin sa direksyon ko ang basang-basa na si Tyler. Nagpatuloy na rin sa paglalakad iyong dalawang kuya at doon ko na hinarap ang huli. Marahan akong lumapit sa pwesto niya.

"Anong nangyari?" kuryoso ko nang tanong. "Bakit basang-basa ka?"

Napatawa si Tyler, parang nahihiyang napakagat ng labi saka hinawi iyong basa niyang buhok gamit ang kanang kamay. I knew it was not his intention to do it, but boy, did he looked hot when he did that.

Friend, Vanessa, agad kong kastigo sa sarili. Hindi ba't napagkasunduan niyong maging magkaibigan ilang oras lang ang nakakaraan?

"Binagyo iyong unit ko," malabo niyang sagot.

"Huh?"

He bit his bottom lip again and I refrained my brain to think something inappropriate. I really tried to. Then he finally said. "The water sprinklers broke."

"Huh?" parang ewan ko na namang tanong. "Bakit? I mean anong nangyari?"

Tyler hesitated but in the end, he sighed as he answered, "I tried to cook. Hindi pa kasi ako nagdidinner. But apparently I am really a terrible cook. I was frying then the next thing I know bigla nang lumiyab yung frying pan. And before I could even stop the fire myself, the sprinkler beat me to it. Yun nga lang nadamay yung buong unit."

I stared at Tyler, gaping. Hindi ko alam kung anong magiging reaction sa totoo lang. But one thing was clear to me, he couldn't stay in his state right now. Magkakasakit siya niyan. Then I remembered the talk he had with the employees here. Iyong mga damit niya.

"Have you checked your clothes?" I asked suddenly.

Of course, Tyler shook his head no. At sunod ko na lang nalaman, sinamahan ko na si Tyler sa loob ng basa niya ring unit.

*

"They are not that wet," sabi ko kay Tyler nang kinuha ang mga nakahanger niyang damit sa cabinet saka inabot sa kanya.

So, when we went inside his unit, wala nang pakundangan kong sinugod iyong kwarto niya't tinulungan siyang isalba iyong mga damit niya.

But I was still grateful that even this was a rash decision, I still thought of not opening his drawers first. Kasi naman baka kung anong makita ko doon.

Napailing ako sa mga iniisip saka itinuloy ang ginagawa. I picked the last piece of his jeans and gave it to him. Napuno na rin ang maleta niya. Meron pa siyang ibang nilalagay kaya't inabala ko ang mga mata sa pagtingin sa paligid.

Parang isang bagyo talaga ang dumaan dito. Kung gaano kabasa ang lahat. Sabi noong kuya kaya raw nilang patuyuin ito ng isang linggo. I wondered if it would only take that long. Para kasing hindi kaya. But then, what do I even know about this thing? Mas alam nila iyong ginagawa nila.

Ibinalik ko na ang tingin kay Tyler at saktong isinara na niya iyong maleta. May isa pang bumalik sa isipan ko mula sa mga pinag-usapan nila kanina. At iyon ay kung saan siya tutuloy.

Pero agad ko ring iwinaksi iyon sa isipan. Why did I even think about that? It was not like I had a place for him to offer. Saka isa pa, sigurado doon siya tutuloy sa bahay nila o pwede rin doon sa ate niya.

"Can you look out for my things for a while?" tanong ni Tyler. "Magpapalit lang sana ako."

Agad naman akong tumango sa kanya. "Sure."

Mabilis ding natapos si Tyler at nang bumalik nga siya'y sabay na kaming lumabas ng unit niya.

We were now standing at the front door and I was sure Tyler would bid his goodbye at me next.

Pero ginugulo pa rin talaga ako ng tanong sa isipan. Hindi ko alam kung bakit hindi maalis. At sunod na nga ay namalayan ko na lang ang sariling tinatanong iyon. "Saan ka nga pala tutuloy niyan?"

Tyler huffed at my question. And I almost grimaced. Did it sound wrong? Or too nosy? Balak ko na sanang bawiin nang sumagot na rin si Tyler. "I might crash at 8ight. Although I don't know if I'm still welcome there. The new manager is already occupying my old room."

Natigilan naman ako doon. What? 8ight? Ulit ko sa isipan ng sagot niya. Pero, bakit doon? Bakit hindi doon sa kanila? Sa Daddy niya or sa ate niya?

At hindi ko na talaga napigilan pa ang pagka-nosy ko. Malakas ko na ring naitanong iyon. "Bakit ka doon tutuloy? Bakit hindi sa inyo?"

Tyler looked at me, a serious expression now was on his face. Then he sighed before answering. "Since we're friends now, I guess you deserve to know this. I'm not really in good terms with my father right now. Long story pero sa susunod ko na lang ikukwento."

Oh. Hindi ko nga alam ang tungkol doon. I mean I knew about his parents being separated but I didn't know na hindi na rin pala okay ang pagsasama nila ng Dad niya.

"Sa ate mo?" sunod kong tanong.

Muling umiling si Tyler. "I can't also. And it has something to do with my dad too. Again, long story but I'll let you know sometime."

Nang hindi ako sumagot ay saka siya hilaw na napatawa. "And I really have no other place to go now other than 8ight, unless I'd like to camp in my car."

Tiningnan ko lang siya. Now it finally made sense. Why he was staying here, sa unit ni Kuya Slade. It was because he had no place to go. Then this happened. Iyong huling lugar na pwede niyang matuluyan ay bigla pang nagkaroon ng problema.

Ngayon ay wala na talaga siyang pwedeng puntahan.

"So, I'll leave you here. Thanks again for the help. I really appreciate it," pasalamat ni Tyler. "I'll just see you at school tomorrow?"

Nakatitig pa rin ako sa kanya, patuloy na nag-iisip. Hindi man lang makasagot. Pero tinawanan lang ni Tyler ang pananahimik ko saka inabot ang ulo ko't marahang hinaplos ang kamay doon.

And even with my mind in a whirl with all that he just revealed to me, it didn't stop the warmth I felt in my heart from what he did. Ngumiti pa sa akin sa huling pagkakataon si Tyler bago tumalikod at naglakad papuntang elevator.

Mabigat sa loob kong makita siyang aalis nang hindi man lang sigurado kung saan pupunta. Kung mayroong matutuluyan ba. Lalong hindi ko maisip na sa sasakyan siya magpapalipas ng magdamag.

Then I thought of a solution. A solution I didn't know if I have the courage to carry out. Hindi ko nga rin alam kung papayag ba dito si Tyler. Pero malalaman ko ba kung hindi ko susubukan?

Argh. Bahala na.

I started to run after Tyler. Pero saktong lumiko na ito sa direksyon kung nasaan ang elevator. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang makaliko ako roon ay saktong pagpasok niya sa loob. Doon ko na tinawag ang pangalan niya. Nang malakas. "Tyler!"

The closing of the elevator's door halted. Nagpakawala naman ako ng hininga. Lumabas si Tyler mula doon, hila ang maleta saka lumapit sa pwesto ko. "Hey," nagtataka siyang tumingin sa akin. "Bakit ka sumunod dito?"

"May nakalimutan akong sabihin sa'yo," humihingal kong sagot.

Pareho namang kilay ni Tyler ang tumaas. "What?"

Then suddenly I was nervous and stuttering. "I...well, I....uh..."

I cursed in my head. Really, Vanessa? Ngayon ka pa nagganyan?

"What?" he asked again.

"Well, naisip ko lang kasi na since hindi ka rin naman sure kung may matutuluyan ka sa 8ight, meron sana akong i-o-offer na pwedeng pagtuluyan mo."

May nag-iba sa mukha ni Tyler. It looked like hope sparked in there. Saka na siya nagtanong. "Where?"

I swallowed then. But before I chickened out and lose my guts, I just laid it out there. "My place."

#

Continue Reading

You'll Also Like

17M 731K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
29.8M 609K 64
Published under Pop Fiction. Available at bookstores/convenience stores nationwide for 195php. Taglish. Completed. Two kindred hearts from two differ...
22.1M 714K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...