Ang Bayang Naglaho

Od GYJones

107K 6.6K 365

Sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari, ang mahigit limang daang mamamayan ng maliit na bayan sa Quezon Pr... Více

Introduction
Prologue
Chapter 1: Si Andy Madrid, Isang Private Investigator
Chapter 2: Maverick P.I.
Chapter 3: Ang Kaso ng Mga Nawawalang Tao
Chapter 4: Bisita sa Dilim
Chapter 5: Ang Tinyente at ang Psychic
Chapter 6: Callejon
Chapter 7: Simula Ng Pagsaliksik
Chapter 9: Ang Simenteryo
Chapter 10: Mga Bolang Ilaw sa Gabi
Chapter 11: Kabaong ng mga Muling Nabuhay
Chapter 12: Silang mga Espiritu sa Simbahan
Chapter 13: Alien Blood
Chapter 14: Mga Ala-ala ni Andy
Chapter 15: Press Release
Chapter 16: Ilang Mga Pamamaalam
Chapter 17: Ang Mga Aliens
Chapter 18: Close Encounters
Chapter 19: Kuha Mula sa Camera
Chapter 20: To Arms!
Chapter 21: Battle Stations!
Chapter 22: Bala at Ilaw
Chapter 23: Mga Asong Ligaw
Chapter 24: Aftermath
Chapter 25: Finale
Chapter 26: Epilogue

Chapter 8: Ang Simbahan

3K 229 14
Od GYJones

Matapos ang usapan sa tinaguriang War Room kung saan ipinakilala ni Colonel Laxamana kina Andy at Jang-Mi ang mga taong bumubuo ng kanyang task force—pinaghalong military, pulis at iba pang mga experto't scientists, ay ilang oras pang inupuan ni Andy ang mga dokumentong hiniling niya. Nauna nang nagpaalam si Jang-Mi sa kanya para magpahinga at maaga pa silang gigising para pumunta sa simenteryo at imbestigahan ang nangyari roong grave robbings. May kutob si Andy na may kinalaman iyon sa alien abduction.

Alas-onse imedya nang magretiro ang private investigator pabalik ng kanyang kuwarto pero hindi pa siya agad nakatulog sa kakaisip sa mga bagay-bagay. Nakahilata siya sa kama, nakatitig sa kisame, sa anino ng bintana na ginagawa ng liwanag ng buwan.

Ang tutoo'y bago pa siya kontakin ni Laxamana ay ilang buwan nang hindi mapalagay si Andy. Para bang binabagabag siya ng kanyang kunsyensya sa itinakbo ng kanyang buhay. Na siya ang responsable sa maraming bagay. Isa na ang relasyon niya sa anak niyang si Pauline na unti-unti nang napapalayo sa kanya. Matapos ang diborsyo, ay ipinangako niyang ide-devote ang kanyang oras sa anak. Nguni't hindi niya iyon nagawa dahil sa trabaho at mga personal na bagay.

At ngayon, ginigiba ng kunsyensya ang kanyang puso. Hindi mapalagay si Andy, tingin niya'y nauubos na ang oras niya, ang pagkakataon para ayusin ang lahat.

Nakatulog siyang pinapangarap na maibabalik pa niya si Pauline sa kanyang buhay.

Nakabibingi ang katahimikan ng gabi sa paligid ng headquarters. Mabagal ang oras para sa mga sundalong sentry na nagbabantay hanggang sa pagdating ng umaga. Mabagal ang oras pero maiksi ang gabi.

Maagang pinagising ni Laxamana sina Andy at Jang-Mi. Dinalhan sa kuwarto ang dalawa ng almusal na scrambled eggs, piniritong hotdog, pandesal at 3-in-1 na kape. Wala silang maaaring i-expect kundi pagkaing sundalo—hatid ng military canteen. Pagkakain ay naghihintay na sa labas ang pamilyar na itim na Revo na maghahatid sa kanila sa simenteryo.

"Good morning," bati ni Esguerra. Naka-fatigue ang tinyente at ang sundalong driver ng van.

"Good morning," bati pabalik nina Andy at Jang-Mi, na kapuwa nagsusuot naman ng jacket pagka't malamig ang umaga. Alas-singko ng umaga at may makapal na hamog sa kapaligiran ng headquarters. Kita nila ang mga armadong sentry sa gate na may mga hawak na kape na nasa styro. Sa lamig, ang iba sa kanila'y may suot na bonnet o ski mask.

Maya-maya'y lumabas na rin si Colonel Laxamana na naka-fatigue at bullcap.

"Ready?" tanong niya.

Tumango sina Andy at Jang-Mi.

"Okay, let's go," hudyat ng colonel.

Nagsisakayan sila sa Revo at umandar ito paalis. Pababa ng daan, sinalubong nila ang sumisikat pa lamang na araw. Nakamasid sa bintana si Andy, pinagmamasdan ang kapaligiran. Malubak ang pababa ng burol papunta sa main road ng bayan. Nadaanan nila ang malapad na parang kung saan nakita ni Andy na may mga nakatirik na ilang mga tents. Sa labas ng tents ay may dalawang tao na nakasuot ng kulay dilaw na over-alls at bota.

"Sino'ng mga 'yun?" turo ni Andy.

"Ah, mga scientists," sabi ni Laxamana, na kasalukuyang abala sa kanyang cellphone.

"What are they doing?" tanong ni Jang-Mi.

Lumingon si Esguerra mula sa harapan.

"Naalala n'yo 'yung nabanggit kong animal mutilations?" sabi ng tinyente sabay senyas ng kanyang ulo.

"Oh!" gulat na reaksyon ni Jang-Mi.

Napuno naman ng interes si Andy.

"Gusto kong makita 'yung animal mutilations na ito," aniya.

Natigilan si Laxamana at napatingin.

"Serious?"

"O—oo," tango ni Andy.

Napatingin ang sundalong driver sa rear-view mirror at tinanguan siya ng colonel. Nag-minor ang Revo at pumarada sa gilid ng daan at sila'y nagbabaan.

"Esguerra, 'yung face masks," sabi ni Laxamana. Binuksan ng tinyente ang glove compartment para kunin ang nabanggit.

"Face mask? Para saan?" nagtatakang tanong ni Andy. Ganoon din si Jang-Mi.

"You will see," sabi ni Laxamana.

(II)

Nagliliwanag na ang kalangitan nang tahakin nila Andy ang madamong parang. Napansin niyang may area sa lupa na tila sunog ang damo. Iyon, at tila may amoy sulfur.

Sinalubong sila ng dalawang scientists na naka-kulay dilaw na protective suit at face mask. Mayroon ding ilang mga sundalo ang naroon na nagbabantay. Nagsipagsaluduhan sila kina Laxamana at Esguerra.

"Please, remember. Do not touch the cadaver," babala ng mga scientist habang sinundan nila ang mga ito papunta sa isang tent. Nagkatinginan sina Andy at Jang-Mi.

Malaki ang parisukat na closed tent na karaniwang gamit sa mga disaster relief operations. Binuksan ng scientist ang zipper nito at sila'y nagpasukan sa loob. Pakiramdam ni Andy ay nasa loob siya ng isang laboratory. Ang loob ay naiilawan ng kulay asul na LED lamps, may mga plastic na mesa't upuan, cabinets at equipment tulad ng microscope at test tubes. May mga galon ng chemical na may mga warning labels. Careful, sabi ng isang scientist kay Jang-Mi.

May section ang tent na may plastic na divider. Hinawi ng scientist ang plastic at nanlaking mga mata nina Andy at Jang-Mi sa nakita.

Naroon ang bangkay ng isang baka.

Konektado sa alien phenomenon ay ang mistyeryo ng animal mutilations. Maraming mga kaso nito sa buong mundo tulad ng sa South America, Great Britain at Russia. Pero, pangunahin ay sa U.S. noong dekada sitenta sa state ng Colorado. Natagpuan noon ang labi ng cattle na may nawawalang mga parte ng katawan tulad ng mga mata, tenga, dila at sexual organs. Mga kataka-takang precised surgical incisions na nakita sa mga hayop ay hanggang ngayon ay nagba-baffle sa mga scientists. Sa ibang mga kaso, ang dugo ng hayop ay completely drained.

At ngayon, hindi makapaniwala sina Andy at Jang-Mi sa nakikita. Ito'y mas malala pa. Pagka't ang baka na nasa kanilang harapan ay nahahati sa dalawa. Completely cut into two.

"Eomeona!" dilat na bigkas ni Jang-Mi, na ang kahulugan sa Filipino ay "Diyoskopo!"

(NOTE: PRONOUNCED: O-MO-NA)

Napakalinis ng pagkakahiwa ng katawan ng baka sa gitna na tila ba dinaan ang hayop sa circular saw machine na walang iniwan na marka.

Pinapanood nina Laxamana at Esguerra ang reaksyon ni Andy at nakita nilang kalmado pa ito. Pero, hindi si Jang-Mi. Hindi na kinaya ng Koreana at siya'y napalabas ng tent. Nagsunuran ang iba.

"Let's go," sabi ni Laxamana. "Bahala na mga scientists d'yan."

Tumango si Andy at bumalik sila sa Revo.

Makababa ng burol ay nagpatuloy ang SUV sa main road ng bayan, at saglit lang ay natanaw nila ang simbahan ng Callejon. Traditional Spanish architecture, gawa sa bato at simento. Stained glass ang mga bintana, may krus at spires. Pumarada ang Revo sa harapan nito at sila'y nagsibabaan. Naiwan ang driver para magbantay.

"May daanan sa gilid ng simbahan papunta sa simenteryo," turo ni Laxamana.

Sa likuran ng simbahan ay ang simenteryo kung saan naganap ang mga grave robbings. Nagsimula silang maglakad sa gilid ng simbahan nang biglang napahinto si Jang-Mi at napapikit.

"Jang-Mi, what's wrong?" tanong ni Andy.

Hawak ng psychic ang kanyang ulo.

"Bakit?" paglapit ni Laxamana sa kanila.

"Something...inside church," sabi ng Koreana.

"Parang may nase-sense siya," sabi ni Esguerra.

Dumilat si Jang-Mi, at sinabi, "We go...inside church."

"You wan't to go inside church first?" tanong ni Andy.

"Yes."

Nagkatinginan sina Andy, Laxamana, at Esguerra, at sila'y nagtanguan.

Madilim ang loob ng simbahan at bahagya pa lamang naiilawan ng liwanag ng paparating na umaga ang stained glass na mga bintana. Sa loob ay may dalawang hilera ng pews na nahahati ng aisle sa gitna. Sa gilid ay estatwa ng mga santo na nakapuwesto sa mga poste ng gusali. Tahimik. Maingay ang takong ng kanilang mga sapatos sa tile na sahig, nag-e-echo sa loob habang naglalakad sila sa kahabaan ng aisle.

Lumakad si Andy tungo sa altar kung saan may malaking krus. Pinagmasdan niya ang nakapakong Hesus.

"People...here..." sabi ni Jang-Mi. Kanyang boses ay nag-e-echo din sa loob.

Nagsitinginan ang mga kasama ni Jang-Mi sa paligid. People? Nguni't wala namang ibang tao na naroon kundi sila.

"People? Where?" tanong ni Laxamana.

"There were people here..." sabi ni Jang-Mi habang pinapakiramdaman ang paligid.

"What people, Jang-Mi?" tanong ni Andy. "Are you sure?"

"People, but..."

Hindi matuloy ni Jang-Mi ang sasabihin. Maging siya'y hindi sigurado sa sinasabi ng kanyang sixth sense.

"But what?" usisa ni Colonel Laxamana.

"I...I'm not sure..." sagot ng Koreana.

Saglit pa nilang pinagmasdan ang paligid.

"Let's go. Sa simenteryo na tayo," utos ni Colonel Laxamana.

Dinaanan nila ang altar at naglakad tungo sa isang corridor na papunta sa back entrance ng simbahan. Binuksan ni Esguerra ang back door at sinalubong sila ng liwanag ng araw. Nagsilabasan sila, pero bago siya humakbang papalabas, ay lumingon pa si Jang-Mi sa loob ng simbahan. Sa mahabang corridor.

"Jang-Mi, let's go!" dinig niyang tawag ni Andy mula sa labas.

Saglit pang tinitigan ni Jang-Mi ang corridor.

Pagka't parang may nakita siyang aninong dumaan.

NEXT CHAPTER: "Ang Simenteryo"

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

46.8K 1.8K 34
Sampung daliri sa kamay. Sampung magkakaibang kuwento ng... Mga daliring mapaghiganti... Sa sampung taong nakatakdang kikitil ng buhay sa iisang lug...
1.8M 28.2K 78
Mga kwento ng kababalaghan. Ang iba ay pawang imahinasyon lamang ng Author. Ang iba naman ay katotohanan. Tara at ating basahin at tuklasin ang kakai...
5.7M 12.5K 5
Hindi kami santo.... Pero wala kaming sinasanto -- S.A.I.N.T.S. If they are trained to kill! Can they be also trained to love?
Ang Huling Pagsuko Od GYJones

Historická literatura

20.5K 1.8K 29
Dalawang sundalo, isang Pilipino at isang Hapon noong World War II ang na-stranded sa isang isla at kinailangang magtulungan para mabuhay. Fast-forwa...