Trapped (Book 2)

By KnightInBlack

10.1M 347K 102K

TIL Series #1 (Book 2 of 2) After a long journey of coveting Chelsea's attention, Ryde finally caught not onl... More

Work of Fiction
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Trapped - Wakas

Kabanata 18

259K 8.9K 1.1K
By KnightInBlack

Kabanata 18: Don't be, Love

Nakatingin lang ako kay Ryde habang kausap niya sa phone ang isang tauhan ng daddy niya na susundo sa amin mamaya. Kinuha ko ang mainit na kape sa harapan ko at bahagyang sumimsim doon.

"Sige po. We'll wait..." Nakatingin sa akin si Ryde habang may kausap sa phone. Nakasandal ito sa lababo ng kusina habang ako ay nakaupo.

"Mamaya rin ay susunduin na nila tayo." Ngumiti si Ryde sa akin bago umupo sa harapang upuan ko.

Inilapit ko sa kanya ang tinimpla kong kape. Kinuha niya 'yon gamit ang dalawa niyang kamay. Pinanuod ko siyang sumimsim nang konti roon bago ibinaba.

"How's your stay here?" He asked.

"Best... I love the view."

"Especially the white sand?" Tumaas ang isang sulok ng labi niya.

I nodded my head. "With you..."

Magtatanghali na nung narinig namin ang isang makina ng sasakyan sa labas. Tinulungan ng dalawang lalaki si Ryde na iakyat sa bangka ang aming mga gamit. Nakatayo lang sa gilid ng bangka habang pinapanuod sila sa pag-aayos ng mga gamit.

Ibinalin ko ang tingin ko sa lugar na ito. Mula sa perpektong maaliwalas na langit, sa mangilan-ngilang ibon na tumatawid sa himpapawid, sa kulay puting bahay at mapinong buhangin hanggang sa malinaw na tubig ng dagat.

Naramdaman ko ang pagragasa ng kamay ni Ryde sa bewang ko. Hindi ako nag-abalang mag-aksaya ng isang segundo para iwasan ng tingin ang perpektong lugar na ito.

"Babalik tayo rito..." Bulong sa akin ni Ryde. "Dadalhin kita ulit dito. Just both of us."

Hindi ko maiwasang manghinayang habang tinatanaw na lang sa malayo ang isla na unti-unting naglalaho sa mata ko. Napabuntong-hininga na lang ako bago ibinalin ang tingin ko kay Ryde na diretso lang sa malayo ang tingin. Nakakabingi rin ang tunog ng makina.

Ipinatong ko sa kanyang kamay ang kamay ko. Mabilis na kumapit sa akin ang kamay niya nang hindi man lang bumabalin ng tingin.

"Patingin!" Mabilis na inagaw sa akin ni Rouve ang camera na hawak ko pagkapasok pa lang namin sa isang coffee shop.

Pagkalapag namin ni Ryde ay agad na pinagbigyan ko ang request ni Cielo na makipagkita sa kanila. Umupo kami sa pangtatluhang upuan. Tumayo si Cielo para mag-order ng kape.

"Bloody shit... Ang ganda ng lugar! Perfect venue for wedding!" Rouve said in an amazed tone.

Lumapit ako sa kanya para silipin kung ano ang tinutukoy niya. It was one of my shots na halos kita ang buong lugar dahil sa position ko. I suddenly felt sad. Hindi man lang kami tumagal ng isang linggo roon para mas ma-enjoy ang view.

He swiped the screen. Tumambad sa amin ang purong lupa na kinunan ko.

"Bloody..." Bulong ko.

"Really..." Pagsang-ayon niya na ikinatawa ko kasi iba ang tinutukoy ko sa aking isipan.

Pagkabalik ni Cielo mula sa counter ay agad na pinaulanan niya ako ng mga tanong. Hindi rin ito mapakali sa kanyang upuan at halos yugyugin ako para sa mabilisang sagot.

"Naligo lang kayo sa dagat?" Tumaas ang isang kilay ni Cielo. "Chels? Iyon lang talaga?"

I bit my lower lip as I nodded my head. I suddenly remember that scene that made me blush a bit.

"Come on! Tell me more interesting than that! Alam kong meron pa!" Pangungulit niya pa.

"Ano pa ba ang dapat gawin do'n? Pumunta sa park? Mag-mall?" Pamimilosopo ko.

"The place is also good for honeymoon," nabilaukan ako sa sariling laway dahil sa sinabi ni Rouve.

Napansin ko ang pagsilip ng isang tipid na ngiti sa labi ni Cielo kaya ibinalin ko agad ang tingin ko kay Rouve na hanggang ngayon ay tutok na tutok pa rin sa camera ko.

"I doubt it..." Cielo shook her head.

Pagkarating ng order namin ay agad na kinuha ko ang akin. Bahagya akong sumimsim doon nang hindi man lang tumitingin kay Cielo.

"Avoiding my gaze... Suspicious." I heard her mumbled.

"Who is she?" Napatingin ako sa tinuro ni Rouve sa camera ko.

"Oh, that's Faye. Gizo's girlfriend. Ryde's friend." I answered.

Nakatayo si Faye sa gilid ng puno ng niyog habang nakatingin sa malayo. Kinunan ko 'yon habang  nakatingin siya kay Gizo na kausap si Ryde.

Nakaramdam na naman ako ng lungkot nang maalala ang pinagdadaanan niya ngayon. I hope she's fine now.

"I'm sure they had sex..." Napatingin ako kay Rouve nang sabihin niyo 'yon. Nanatili ang kanyang tingin sa camera.

"We didn't!" Matigas kong sagot.

Napatingin sa akin si Rouve na halatang naguguluhan.

"I meant was Faye and her boyfriend..." Kumunot ang kanyang noo. "I didn't say you and her." He added.

Namula ang mukha ko kasabay ng mahinang pagtawa ni Cielo. Agh! Am I too obvious?

Matapos no'n ay napagpasyahan na muna naming pumunta sa isang buffet restaurant. Ako ang nagmamaneho ng sasakyan ko, nasa tabi ko si Cielo at nasa likod naman si Rouve.

"You could have stayed there longer," Rouve frowned.

"Oo nga. Bakit tatlong araw lang kayo?" Tanong naman ni Cielo.

Pinanatili ko ang tingin ko sa daan. Humigpit ang hawak ko sa manibela nang maalala lahat ng sinabi sa akin ni Ryde.

"Nagkaroon ng konting problema sa resto ni Ryde." Maikli kong tugon.

Napatingin ako sa isang matanda na naglalakad sa gilid. Wala sa sariling mabilis na napreno ko ang sasakyan.

"Easy!" Angal ni Rouve.

Napatingin ako sa likod nang may bumusina. Mukhang nagalit ang kasunod namin dahil sa biglaan kong pagpreno pero mabilis din itong umalis.

Itinabi ko ang sasakyan sa gilid.

"Hey, what happened?" Hindi ako nag-abalang sumagot sa tanong ni Cielo.

Inalis ko ang pagkakalingkis ng seatbelt sa akin at binuksan ang pinto. Pagkalabas ko ng sasakyan ay napatingin sa akin si Lola na dala na naman ang isang kahon na naglalaman ng mga sigarilyo at candies.

Ilang segundo lang ang tinagal ng tingin niya sa akin bago 'yon pinutol. She turned her back and started to walk away.

"Lola... Sandali po!" Hinabol ko siya.

"Chels!" Dinig kong tawag sa akin ni Cielo.

Dahil sa medyo matanda na rin si Lola para maglakad ng mabilis ay naabutan ko siya agad. Humarang ako sa daan niya. Huminto ito at bumagsak ang tingin.

"Pwede po ba tayong mag-usap?" Tanong ko sa kanya.

Ilang araw na rin akong binabagabag ng mga nangyari tungkol sa bago ako nawalan ng malay no'n at kung bakit napunta sa kanya ang kwintas na sa pagkakaalam ko ay suot ko pa no'n.

Gumalaw ang kanyang kamay papunta sa kanyang bulsa at inilabas ang isang kwintas. Pamilyar iyon sa akin dahil 'yon ang binabalik niya sa akin dati.

"Kunin mo na lang 'to, hija. Kailangan ko pang maglakad para magbenta."

Tinanggap ko ang kwintas na inabot niya. Mahigpit na hinawakan ko 'yon ngunit ang aking tingin ay nanatili sa kanya. Ang maikli niyang buhok na kulay puti ay nagulo ng hangin.

"May gusto lang po akong malaman... Pwede po ba tayong mag-usap sandali?" Magalang kong tanong.

Tumingin ito sa mata ko at nakita ko ang pangingilid ng luha niya kasabay ng pagbuntong-hininga at kanyang pagtango. Gumilid pa kami sa lilim ng isang puno sa gilid ng kalsada.

"Chels? Lola mo?" Tanong ni Rouve. Lumapit ito kay Lola at nagmano. Gano'n din ang ginawa ni Cielo.

Nakita ko ang pagsilip ng ngiti kay Lola.

"Ba't po kayo nagbebenta ng yosi? Naku po. Grabe po 'yong sahod ni Chelsea sa trabaho." Sabi ni Rouve. "Ikaw naman... Chels. Bakit mo namang hinahayaan na magtrabaho pa si Lola?"

"Hindi ko talaga siya Lola, Rouve." Tamad kong sabi sa kanya dahil pinangungunahan na naman niya ako.

"Oh? Tao naman ako..." Sagot niya kaya binatukan siya ni Cielo. "Nagkakamali rin." bulong pa niya.

Binalingan ko ng tingin si Lola.

"La, pwede ko po bang malaman kung bakit nasa iyo 'tong kwintas ko?" Paunang tanong ko.

Ibinaba muna ni Lola ang kahon ng yosi na hawak niya at ipinatong 'yon sa gilid.

"Hindi mo alam na nakuha ko na sa'yo ang kwintas na 'yan kasi pagkalapit ko pa lang sa'yo ay nag-spray agad ako ng pampahilo. Bago ka pa nakapasok sa loob ng sasakyan mo ay nagawa ko ng kunin 'yan..."

"Pero bakit po?" Hindi ko maiwasang magtanong.

"Hala. Lola? Masama 'yon ah," gulat na sabi ni Rouve.

"Hindi ka kasali sa usapan..." Dinig kong bulong ni Cielo sa kanya.

"Hindi nga pero masama naman talaga 'yon! And it is punishable by law! Pwede makulong si Lola kung sakali."

Nakita kong natigilan si Lola sa sinabi Rouve. Mabilis na dumaan sa kanyang mata ang takot dahil sa mga narinig.

"H-Huwag. Nakikiusap ako sa inyo..." Tumulo ang luha sa mata ni Lola. "Ako na lang ang inaasahan ng apo ko." Mabilis na lumapit ako kay Lola para patahanin ito.

Sinamaan ko ng tingin si Rouve na mukhang nakonsensya rin dahil sa kanyang mga sinabi.

"H-Hindi naman po gano'n si Chelsea... Pero lola... Kasi naman masama po talaga 'yon. Pwede kang makulong kapag ginawa mo pa 'yon." Malungkot na sabi ni Rouve.

Ilang minuto kong pinatahan si Lola bago niya kinuha muli ang kahon na ipinatong niya sa gilid.

"Naiintindihan ko..." Ngumiti ito sa amin. "Iuuwi ko muna ang mga paninda ko para harapin ang kasalanan ko."

Mabilis na pinigilan ko siya nang aktong tatalikod na siya sa akin.

"Hindi po, La. Wala po akong intensyon na masama. Gusto ko lang malaman ang totoo..." Ibinigay ko sa kanya ang kwintas na ibinalik niya sa akin. "Sa inyo na lang po 'yan para na rin makatulong sa inyo ng apo niyo."

Sa una ay ayaw niya pang tanggapin pero sa huli ay kinuha niya rin. Nagpasalamat ito sa amin bago naglakad palayo. Naiwan kaming tatlo sa pwesto namin. Napangiti na lang ako.

"Yung bibig mo, Rouve." Tamad na sabi ko.

"Wala nam---"

"Masyadong madaldal... para kang babae." Dugtong ni Cielo.

Pagkauwi ko ay agad na napansin ko ang mga pulis sa labas ng building namin. Lumabas si Ryde sa building kasama ang dalawang pulis. Nagkatitigan kami bago ako tumakbo palapit sa kanila.

"What happened?" Kumakalabog ang dibdib ko sa kaba pero isang ngiti lang ang isinukli niya.

Tumingin ako sa pulis na nasa gilid niya. "Saan niyo po siya dadalhin?" Tanong ko.

Masyadong magulo ang isipan ko dahil sa kaba. Ramdam ko rin ang panginginig ng labi ko at pamumuo ng luha sa mata ko.

"Dadalhin lang po namin siya sa presinto para makausap..." Tipid na sagot nito.

"Sasama ako! I am his girlfriend."

Pagkapasok namin sa police car ay niyakap ko agad si Ryde. Nanginig ang katawan ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Chill... Magtatanong lang sila."

"I can't. Hindi ka naman makukulong, 'di ba?" Alalang tanong ko sa kanya.

"The way you said you are my girlfriend... Kahit na makulong ako ay okay na." Biro niya kaya hinampas ko siya sa balikat.

Pagkarating namin sa presinto ay agad na tinawagan ko si Tito Rich. Iniwan ko na muna sa Ryde na kausap ang isang police officer. Hindi ko napigilang maiyak habang kausap si Tito sa phone. Matapos no'n ay bumalik na ako sa loob. Seryosong nag-uusap si Ryde at ang pulis.

"Ikaw ang nagdala sa kanya sa ospital, hindi ba?" Tanong ng pulis.

"Uh, yeah." Napatingin ako kay Ryde na kalmado lang na kausap ang pulis.

May isinulat ang pulis sa papel bago ulit hinarap si Ryde.

Tumagal ng kalahating oras ang pag-uusap nila. Pagkalabas namin ni Ryde ay kakarating lang ni Tito Rich at Tita Flare.

Napaatras ako nang yumakap bigla si Tita sa kanyang anak. Narinig ko ang marahang pag-iyak nito at ramdam mo ang labis na pag-aalala niya para sa kanyang anak.

Bumati ako sa kanila. Pumasok sa loob si Tito kaya naiwan kaming tatlo sa labas.

"What happened?" Napatingin sa akin si Tita Flare bago binalingan ng tingin si Ryde. "Hindi ka dapat nasa ganitong lugar!" Nag-umpisa na namang magtubig ang kanyang mata.

Tumawa lang si Ryde sa sinabi ng kanyang mommy. Napasimangot na lang ako dahil sobra kaming nag-aalala habang para sa kanya ay wala lang ang mga ito.

Naghintay kami sa labas. Tahimik lang kaming tatlo. Naramdaman kong hinawakan ni Ryde ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"I love you..."

"Shut up, Ryde. Ayokong marinig 'yan ngayon..." Sumikip ang dibdib ko.

Pakiramdam ko ay nagpapaalam siya ngayon. Ayokong marinig ng matatamis na salita ngayon sa kanya. Ang gusto ko lang na marinig ay ayos lang ang lahat. Gusto kong marinig mula sa kanya na wala dapat kaming ipangamba.

Sinalubong namin si Tito Rich na kakalabas lang. Agad na lumapit sa kanya si Tita Flare.

"Is everything okay?" Tanong ni Tita.

Tumagos ang tingin ni Tito kay Ryde na nanatiling nakayuko.

"Wala naman gaanong problema at sa tingin ko ay magagawan ng paraan." Sagot nito.

Lumapit ang daddy niya sa kanya. "Can I talk to you?" Napatingin sa akin si Ryde kaya tumango lang ako.

Naiwan kaming dalawa ni Tita Flare. Umupo kami sa isang bench na malapit. Tahimik ang namayani sa amin.

"Wala ka namang kasalanan, hindi ba?" Nagulat ako sa tanong niya.

Umiling ako.

She let a heavy sigh.

"My son doesn't deserve this..."

Pagkabalik ni Ryde ay nagpaalam na ito sa parents niya. Hinila na niya ako palayo ro'n at pumara ng taxi.

"Ryde... Ba't hindi mo sinasagot ang tanong ko?" Tanong ko sa kanya. "Hindi ka naman makukulong, 'di ba?" ulit ko.

Tamad na sumandal ito at tumingin sa akin.

"Hindi lahat ng tanong ay kailangan pang sagutin. Minsan ay nasa tanong na rin ang sagot." Ngumiti ito sa akin bago ako hinila at sinandal sa kanyang balikat.

"Hindi, 'di ba?" Tanong ko ulit.

"Hindi..." Ngumiti ito sa akin na nagpaluwag sa paghinga ko. "Bakit? Gusto mo ba?"

"No! What the fuck, Ryde?" I glared at him.

Binaba kami ng taxi driver sa gilid ng isang tulay gaya ng sabi ni Ryde. We sat at the edge of the bridge with the sky full of stars above us and the lake below us. Halos hindi na namin matanaw ang tubig do'n kung hindi lang nagre-reflect ang mga stars sa itaas.

Napatingin ako kay Ryde na nahuli kong nakatingin sa akin.

"Why?" Tanong ko.

He shook his head.

"Don't look at me that way, Ryde." Ngumuso ako dahil naiilang ako.

"Why?"

"Nakakailang..." Pag-amin ko. "Pakiramdam ko ay may dumi ako sa mukha." Natatawa ko pang sabi.

Ginalaw ko ang dalawa kong paa na nakalutang sa hangin. Ramdam ko pa rin ang tingin ni Ryde sa akin.

"I can't..."

"You can!"

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Naalala mo pa ba nung inalukan mo ako ng payong?" Tanong niya sa akin.

Napatingin ako sa kanya. Naalala ko na naman 'yon.

"You have no idea how happy I was that time. They way you offered it to me... Damn, Love. Damn."

"I'm sorry..." I said.

"And the next scene..."

"Ryde... Please." Alam ko na kung ano ang susunod.

"Pinakamasakit sa lahat ay 'yong nakita kong tinalikuran mo ako para sumama sa ibang lalaki..."

I bit my bottom lip.

"Why are you saying this?"

"Ikaw lang ang may kayang magparamdam sa akin ng kakaibang saya at ang nakakamatay na sakit."

I held his hand. "And I was so stupid to ignore someone like you..."

Ngumiti ito.

"Ayokong makulong, Chels... I don't want to be away from you."

"Of course, you are not! Come on, Ryde."

"Can we just escape and leave everything behind?"

"W-What?"

"Are you willing to be with me?"

"Ryde..."

"I know you are..." Then, he smiled. Kinabahan ako nang mabilis din na naglaho 'yon. "Ayokong makulong, Chels. Ayokong iwan ka."

"Hindi nga!"

Mahina itong tumawa.

"Ryde, you are making me feel damn nervous..." I said, honestly.

Pakiramdam ko ay alam na niya ang mangyayari at nagpapahiwatig na siya.

"Don't be, Love." He whispered. "You still have me..."

Continue Reading

You'll Also Like

373K 12.3K 48
31 Days. 31 entries. 31 Wattpad Filipino writers. For the whole month of August, tayo ay magse-celebrate araw-araw! Handa ka na ba? #TWFBP2015
928K 30.1K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.8M 229K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
7.3M 187K 29
Unable to move on from the break up, girly and sassy Mika goes through the hoops and pretends to be a boy just to win her ex-boyfriend back. But when...