Undeniable Feelings

By JheangLiit

46K 1.1K 202

"Opposite do attracts ika nga. Pero maniniwala ka ba kung ang magkaparehas ay ma-attract sa isa't isa?" More

Let's Stop, To Begin
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine.
Chapter Ten.
Chapter Eleven.
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen.
Chapter Fifteen.
Chapter Sixteen.
Chapter Seventeen.
Chapter Eighteen.
Chapter Twenty
Chapter Twenty One.
Chapter Twenty Two.
Chapter Twenty Three.
Chapter Twenty Four.
Chapter Twenty Five.
Chapter Twenty Six.
Chapter Twenty Seven.
Chapter Twenty Eight.
Chapter Twenty Nine.
Chapter Thirty.
Chapter Thirty One.
Chapter Thirty Two.
Chapter Thirty Three
Epilogue:

Chapter Nineteen

985 28 6
By JheangLiit

Chapter Nineteen

Para akong nalulunod sa paraan ng paghalik ni Uno. Nakakabaliw, nakakapanghina. I lost my mind with the way he kissed me. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Halos mabuwal na ako sa kinatatayuan ko kung hindi lang n'ya hinawakan ang bewang ko.

Napakapit na rin ako sa suot n'yang t-shirt. Para akong mababaliw sa pinaghalong lasa ng alak at ng natural na lasa ng labi n'ya.

Pareho kaming hinihingal nang paghiwalayin n'ya ang mga labi naming dalawa. Pinagdikit n'ya ang mga noo namin habang hinihingal.

"Matagal ko ng gustong halikan ka ng ganito..." he whispered.

"U-uno, kung nagbibiro ka lang... please huwag mo ng-"

He gave me a smack.

"Hindi ako nagbibiro..." he said in a husky voice. "I really like you... I really, really like you."

Humaplos ang kamay n'ya sa batok ko. Akala ko ay hahalikan n'ya akong muli sa labi pero hinalikan n'ya ako sa noo.

"Iuuwi na kita."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya.

"Nanliligaw ka pa lang ah!"

He chuckled. Damn, his voice. Bakit parang nakakaadik na 'yon pakinggan?

"Iuuwi na kita sa inyo, but if you insist..." he wiggled his brows. Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Just kidding, baby."

Panay ang sulyap ko kay Uno habang nasa byahe kami. At sa kada susulyap ako sa kanya ay walang patid ang ngiti sa labi n'ya. Sa tuwing titigil pa kami ay mapapahawak s'ya sa labi n'ya at susulyap sa akin. He's weird and cute at the same time. Para s'yang kinikilig na babae!

"Stop doing that, will you?" naiinis na tanong n'ya.

Lumingon s'ya sa akin. Traffic kasi.

"What am I doing?" He asked smiling.

"Biting your lips, smiling and touching your lips with your fingers! Niloloko mo lang yata ako, eh!" naiinis na bulyaw ko sa kanya.

"Hindi kita niloloko, I just can't believe that after all those years... Finally, I got the guts to tell you my feelings."

Para akong kiniliti. Nakakainis, dapat pala hindi ko na s'ya tinanong. Pati ako tuloy nangingiti na rin.

"Ihahatid kita hanggang sa tapat ng bahay n'yo."

Tumango lamang ako. Iniliko na n'ya ang sasakyan papunta sa street papunta sa bahay namin.

"I missed this place," sabi n'ya. "Lalo na doon sa eskinita sa pagitan ng bahay nyo at dating restaurant namin."

Nangunot ang noo ko. Bakit naman n'ya namiss?

"Doon kasi nangyari 'yong first kiss natin."

He winked. Nag init ang pisngi ko dahil doon. Bakit kailangan n'ya pang ipaalala? Nakakainis.

"Uno..."

Inihinto n'ya ang kotse. Nilingon ko ang labas. Nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin.

"Hmm?"

Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya. Kita ko parin ang saya sa mga mata n'ya kahit na ang labi n'ya naka-isang linya na lamang.

"Seryoso ka ba talaga?"

He touched my chin then kissed me gently in my lips.

"If you think that this is just a dream..." He kissed me again, then this time he bite my lower lips.

Shit!

Inis na napahawak ako sa labi ko. Nalasahan ko ang lasang kalawang sa labi ko.

"Why did you do that?!" Inis na bulyaw ko sa kanya.

He chuckled.

"I'm sorry. Gusto ko lang sabihin sa'yo na hindi ito panaginip. I'm serious as hell."

Buong gabi akong hindi halos makatulog sa nangyari. Imbes na makatulog ako dahil naka-inom ako ay hindi ko magawa. Parang ayokong matulog kasi baka pag-gising ko ay nananaginip lang pala ako.

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog. Basta nagising na lamang ako sa malakas na alarm clock ko.

Napahawak ako sa ulo ko habang naiinis na pinatay ang alarm clock. Walang patid iyon sa kaka-tunog.

"Nakakainis naman, ang sakit ng ulo ko."

Kahit masakit ang ulo ay pinilit kong bumangon. Ayokong um-absent dahil gusto kong makita si Uno ngayong araw...

Napahawak ako sa labi ko. May sugat pa rin iyong labi ko. Ito 'yong kinagat ni Uno. Mabuti na lang nasa loob ng labi ko kasi pwedeng takpan ng lipstick. Naiisip ko palang 'yong nangyari kagabi, hindi ko maiwasang isipin kung panaginip lang ba 'yon o baka naman dahil lasing lang ako.

Nag ayos ako ng todo bago lumabas ng kwarto. Nangunot ang noo ko nang marinig ang masayang tawa ni mama. Sino naman kayang katawanan 'non? Wala naman kaming ibang kasama sa bahay kundi ako lang at si mama. Nangibang bansa na ulit si papa last year.

Naglakad pa ako hanggang sa makarating ako sa kusina. Napasinghap ako nang maabutan doon si Uno na masayang kausap si mama.

"Opo, ngayon ko lang nasabi kasi nahihiya talaga ako." kinagat pa ni Uno ang labi n'ya at bahagyang namumula ang pisngi.

"Ang torpe mo pala!" akusa ni mama kay Uno.

"Mama!"

Diyos ko, anong pinag uusapan nila? Namumula na yata ako ngayon.

Napalingon sila pareho sa akin. Pareho silang nakangiti, tila hindi pa nakapag-adjust sa pinag-uusapan nila.

"Nandyan ka na pala Jamila. Kain ka na." Nakangiting bati ni mama.

Napayuko ako nang mapansing nakatitig sa akin si Uno. Naiilang ako. Mas lalo akong nailang sa kanya ngayong umamin s'ya sa akin ng nararamdaman n'ya.

Naghila ako ng upuan sa katapat ni Uno saka nag angat ng tingin sa kanya.

"Ahm, ano palang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

Napaawang ang labi n'ya saka iyon dinilaan. Ano ba?! Bakit s'ya ganyan?! Bakit s'ya nagpapa-cute sa akin? Nakakainis naman, eh!

"Sinusundo kita. Sabay tayong papasok sa school." he smiled.

Napasinghap ako. Eh, ang layo na ng bahay nila dito sa amin, ah!

"Ang layo ng bahay n'yo dito? Susunduin mo pa ako?"

Tinapik ako ni mama sa likod saka naupo na sa tabi ko.

"Anak, ganoon talaga kapag nanliligaw. Ano ka ba..."

Nilingon ko si mama saka ko binalingan si Uno.

"Sinabi mo na kay mama?!" Histerikal na tanong.

"Why? Is there something wrong?"

Nasapo ko na lang ang noo ko. Bakit ngayon, parang ang bilis bilis naman n'ya? Samantalang ang tagal n'ya bago umamin sa akin? Nakakabaliw naman 'to.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na kami kay mama. Hindi ko kinikibo si Uno habang naglalakad kami palabas ng bahay.

Nagtaka ako nang hindi ko naabutan ang kotse n'ya sa harap ng bahay namin.

"Nasaan ang kotse mo?" Tanong ko.

"Wala, mag-commute tayo. Namiss kong mag-commute kasama ka." Tapos ngumiti ulit s'ya.

Nakakainis naman! Sana naman ay huwag s'yang ngumiti ng ganyan kapag magkasama kami. Plano ko pang pahirapan s'ya bago ko s'ya sagutin at kung lagi s'yang ngingiti ng ganyan, malamang ay hindi ko na kayanin pa.

"Let's go," he said then hold my hands.

"Ang lamig ng kamay mo..."

Lumingon s'ya sa akin. Ngayon ko lang napansin na ang taas na ng itinangkad n'ya. Siguro ay 6 footer na s'ya ngayon.

"K-kinakabahan kasi ako."

Natawa ako sa sinabi n'ya.

"Bakit ka naman kinakabahan?"

"Kasi... kasama kita. Kinakabahan ako na baka mabasted mo 'ko. Hindi mo pa naman nasabi sa akin na gusto mo rin ako."

Now that he mentioned it. Oo nga 'no, hindi ko pa nasasabi sa kanya. Nagkaroon tuloy ako ng ideya.

"Paano pala kung hindi naman kita gusto?"

Nabigla s'ya doon. Namutla ang mukha n'ya. Ang cute n'ya. Ang saral asarin.

"H-hindi mo ako gusto?

Natatawang hinila ko na lang s'ya para makapag-umpisa na kaming maglakad. Magdusa s'ya. Hindi ko sasabihin. Tsaka na.

"Seryoso, wala kang gusto sa akin?"

Iyan lang ang paulit ulit na itinatanong n'ya sa akin hanggang sa makarating kami sa school. Hindi ko talaga s'ya sinasagot.

"Punta ka na sa building n'yo, baka ma-late ka." Utos ko sa kanya.

"Lipat na lang kaya ako ng HRM. ayoko na mag-bussiness management."

Sinamaan ko s'ya ng tingin. Alam ko naman na hindi n'ya gagawin 'yon lalo na't last year na n'ya.

"Pumasok ka na." pagbabanta ko.

Ngumiti s'ya bago nag-wave sa akin.

"Sige na nga, mahal ko. Papasok na ako."

Tumalikod s'ya at kumaripas na ng takbo. Ano daw? Mahal ko? Saan n'ya 'yon nakuha? Ang baduy! Pero shit, nakakakilig...

Excited akong umuwi pagkatapos ng klase. Alam ko kasi na susunduin ako ni Uno para i-hatid ako sa pa-uwi.

Pagkalabas ko ng room ay wala akong naabutan na Uno. Hindi n'ya nga pala alam ang schedule ko. Ni number ko ay hindi n'ya rin alam, ganon rin ako, eh.

Napagpasyahan kong maghintay na lang sa gate o kaya ay i-text si Cash para itanong kung magkasama ba sila.

Me:
Magkasama kayo ni Uno?

Agad naman s'yang nag-reply.

Cash:
Hindi. May kasamang babae, eh. Baka bagong chics.

Nag-init bigla ang ulo ko. May kasamang babae?! At hindi n'ya pa binabanggit kay Cash na nililigawan n'ya ako?! Ano 'to, lokohan?

Sa inis ay tumalikod na ako at nagpasyang uuwi na lang mag-isa pero may humawak sa bewang ko kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Mahal ko..."

Napakurap kurap ako. Nakangiting mukha ni Uno ang sumalubong sa akin.

"Akala ko ba may kasama kang ibang babae?" Inis na tanong ko sa kanya.

Kumunot ang noo n'ya. Inalis ko kaagad ang pagkakalingkis ng braso n'ya sa bewang ko.

"Sinong nagsabi sa'yo?" Takang tanong n'ya.

"Si Cash! Bwiset ka, kung pinagloloko mo lang ako. Huwag mo ng ituloy ha!"

Hinawakan n'ya ang kamay ko at hinila para tuluyan ng makalabas ng gate.

"Wala akong kasamang ibang babae. Alam na kasi ni Cash na nililigawan kita kaya ayan at inaasar ka."

"Talaga?" masama parin ang tingin ko sa kanya.

Tumango s'ya.

"Siguraduhin mo lang at kakalbuhin ko 'yang kasama mong babae pag nakita ko."

He chuckled. Umirap na lang ako. Nag-eenjoy pa yata na naiinis ako.

"Nga pala, punta muna tayo sa bahay. Hindi pa kita nadadala 'don, eh."

Tumango ako at sumunod na lamang sa kanya. Gusto ko rin na makapunta sa bahay nila para alam ko kung saan iyon.

Sumakay lang din kami ng jeep papunta sa bahay nila. Siguro ay twenty minutes ang naging byahe bago kami nakarating dahil traffic.

Namangha ako nang bumungad sa amin ang bahay nila. Mas malaki ng kaunti sa bahay namin pero hindi naman mansyon ang itsura.

"Mayaman na talaga kayo." Sabi ko sa kanya.

"Oo nga eh, dream come true namin ito ni papa."

Nginitian ko lamang s'ya. Hinawakan n'ya ng mahigpit ang kamay ko at saka inilabas ang susi mula sa bulsa n'ya.

"Wala kayong maid?"

Umiling s'ya.

"Sinubukan namin dati, kaso ninakawan kami."

"Hala! Eh, paano kung may pumasok na akyat bahay dito?!"

Natawa s'ya.

"Subukan lang nila."

Pagbukas namin ng gate ay sunod sunod na malakas na kahol ang naabutan ko. Napatago ako sa likuran ni Uno. Ang lalaki ng aso nila at mukhang nananakmal!

"White! Black! Tigil!" sigaw ni Uno.

Nagsitigilan naman ang mga aso nila pero hindi parin natigil ang masasamang tingin nila sa amin.

"Nananakmal 'yan, mas effective sila kaysa sa guards o kaya ay maid."

Takot parin akong nakakapit sa uniform ni Uno. Hindi ba alam ng isang ito na takot ako sa aso?! Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko at ang sama sama pa talaga ng tingin sa akin ng mga aso n'ya. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko.

"Jamila? Ayos ka lang?"

"U-uno, t-takot k-kasi ako sa aso."

***

Continue Reading

You'll Also Like

66.8K 880 23
GRAB THE HARD COPY OF REACHING THE SKY PUBLISHED UNDER 8LETTERS BOOKSTORE AND PUBLISHING ♡ || There are things that people wanted to have but they ca...
35.8K 1.1K 46
The story of Glaica Sky Tejanda. ©shanexyz
1.4M 57.1K 58
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
153K 5.2K 67
He never had any idea that she will be the center of his universe when he first met her. And also, he never had any idea that she will be the sole re...