Undeniable Feelings

By JheangLiit

46K 1.1K 202

"Opposite do attracts ika nga. Pero maniniwala ka ba kung ang magkaparehas ay ma-attract sa isa't isa?" More

Let's Stop, To Begin
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine.
Chapter Ten.
Chapter Eleven.
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen.
Chapter Fifteen.
Chapter Sixteen.
Chapter Eighteen.
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One.
Chapter Twenty Two.
Chapter Twenty Three.
Chapter Twenty Four.
Chapter Twenty Five.
Chapter Twenty Six.
Chapter Twenty Seven.
Chapter Twenty Eight.
Chapter Twenty Nine.
Chapter Thirty.
Chapter Thirty One.
Chapter Thirty Two.
Chapter Thirty Three
Epilogue:

Chapter Seventeen.

903 27 2
By JheangLiit

Chapter Seventeen.

I love him.

Iyon lang ang paulit ulit na nagrereplay sa utak ko. Ayaw ko pa sanang tanggapin. Gusto ko sanang isipin na puppy love lang ito. Pero bakit ganito kasakit?

Bumuntong hininga ako at ibinagsak ang katawan ko sa kama. Hawak ko ang cellphone ko ay nag-online ako sa facebook. Matagal na akong hindi nagbubukas nito. Bukod kasi sa hindi ko hilig ay naiinis ako sa mga lalaking nag-chachat sa akin.

Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang maraming notifications, sampu na rin ang messages ko at mga friend requests.

Una kong binuksan iyong notifications. Ini-scroll down ko lang ang iba dahil puro lang naman likes at invites. Nang makita ko na ang lahat at wala namang kwenta ay tumungo ako sa friend requests.

Napakurap kurap ako nang makita ang pangalan n'ya sa friend requests. Kinagat ko ang labi ko at naglakas loob na buksan ang profile n'ya.

Bumungad sa akin ang profile picture n'yang nakangiti, labas ang maputi n'yang ngipin. Mukhang matagal na ito dahil iba pa ang gupit ng buhok n'ya. Sa likod n'ya ay mga puno. Baka sa probinsya pa nila ito.

Ini-scroll ko pababa para makita ang mga posts n'ya. Nangunot ang noo ko nang may isa s'yang post doon. Last month pa iyon pero buong gabi talaga akong binagabag.

'Whenever I look at you, I can't stop falling inlove.'

Sino kaya ang tinutukoy n'ya sa post n'yang iyon? Imposible namang ako... Baka tuluyan na s'yang na-inlove sa isa sa mga babaeng naka-fling n'ya.

Ang sakit.

Sobrang sakit.

Kung bakit ba naman kasi sa kanya pa, pwede namang kay Yael.

Kinabukasan ay maaga ako bumangon. Alas singko pa lamang iyon, idlip lang yata ang ginawa ko, eh.

Naligo na agad ako at nagbihis bago ako lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan. Akala ko ay maaga na ako pero naabutan ko doon si mama na busy sa pagbabasa ng dyaryo.

"Ang aga mo yatang gumising ma?"

Nag angat s'ya ng tingin sa akin at saka ngumiti.

"Ah, maaga kasing gumising ang papa mo para magtrabaho."

Naguguluhang nangunot ang noo ko. Magtrabaho?

"Anong ibig mong sabihin ma? Kailan kayo babalik ni papa sa America?"

Nag-isang linya ang labi ni mama at tinapik ang sofa, sinisenyasan n'ya akong maupo sa tabi n'ya. Sumunod naman ako sa kanya at naupo ako sa tabi n'ya. Ibinaba n'ya ang dyaryong hawak n'ya sa lamesa.

"Anak, hindi ka na makausap ng kuya mo kasi nahihiya s'ya sa'yo."

Clueless pa rin ako. Bakit naman s'ya mahihiya? Mukhang nahalata naman ni mama na hindi ko s'ya maintindihan.

"Anak, nakabuntis ang kuya mo. I don't know who's the girl but your kuya said he'll come home soon."

Hindi ako makapagsalita. Ewan ko ba, bigla akong nagtampo kay kuya. Baby kasi ang turing n'ya sa akin pagkatapos ganito? Magkaka-baby na s'ya tapos hindi manlang n'ya sinabi sa akin.

"Wala kang makakasama dito sa bahay kaya nag-decide kami ng papa mo na dumito na lamang. Dito na lang kami magtatrabaho. Babalik na ako sa pagtuturo, si papa mo ay magtatrabaho kay Juanito dahil lumalago na ang negosyo ng tito Juanito mo."

"Pero 'di ba ma, hindi pa nila tapos bayaran ang shop?"

Umiling si mama.

"Nabayaran na ni Juanito ang shop. And I think before this year ends, mas lalago pa ang negosyo n'yang wine. Dinadayo na rin ang mga luto n'ya."

Para akong lutang habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep. Lumulubog na yata kami kasabay ng pag-angat nila Uno. Katulad ng pag ibig ko kay Uno, lumulubog ako habang s'ya ay inaangatan ako.

Napayuko ako at nagpasyang hindi na lamang papasok. Gusto kong mag isip isip muna.

Akala ko kasi ayos na ako, mula 'nong kausapin ako ni Uno. Pero hindi pala, isang gabi at sandaling umaga lamang ang itinagal ng kasiyahan ko. Nawala agad at dahil iyon sa Uno'ng iyon.

"Tangina, ang galing nga naman ng tadhana!"

Naiinis na kumuha ako ng alak sa kabinet na nasa itaas ng lababo. Nag-cutting ako. Ako lang mag isa dahil gusto kong mag-isip isip.

Sunod sunod ang pag-salin ko sa shot glass at ang paglagok ko rin doon. Nasa ibabaw ng lamesa ang cellphone ko kaya nang tumunog iyon ay madali ko lang din na nakuha iyon.

Nangunot ang noo ko nang mabasa ang text. Unknown number iyon.

Unknown number:
Nasaan ka?

Umirap ako at hindi na lamang iyon pinansin. Inilapag ko ulit ang phone ko at nagsimula na muling magsalin ng alak. Muli na namang tumunog ang phone ko. Tamad kong kinuha iyong muli at binasa ang text.

Unknown number:
Where the hell are you?!

Sa inis ko ay ni-replyan ko iyon. Hindi ko ugali ang mag-reply sa mga unknown number pero sa pagkakataong ito ay ginawa ko.

Me:
Sino ka ba? I'll block your number.

Pagkatapos ko iyong sabihin ay akmang pipindutin ko na sana ang block para hindi na s'ya makapag-reply nang tumunog iyon. Tumatawag s'ya!

Walang pag aalinlangang sinagot ko iyon, handa na sana s'yang bulyawan ngunit naunahan n'ya ako.

"Nasaan ka ba?! Kanina pa kita hinahanap!"

Natigilan ako. Sinilip kong muli ang phone number, unknown parin iyon pero hindi ako pwedeng magkamali kung sino 'to.

"Wala ka ng pake kung nasaan ako, pwede ba? Huwag ka ng makialam."

Inalis ko ang phone sa tenga ko at pinatay ang tawag. Pinatay ko ang phone ko at nagsimula na muling uminom.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako uminom ng uminom basta naalimpungatan na lang ako sa malalim na pagkakatulog nang maramdaman kong para akong lumulutang.

Didilat sana ako kaya lang ay naamoy ko ang pamilyar na pabango n'ya. Kung hindi ako nagkakamali ay si Uno na naman ito.

Hinayaan ko s'yang buhatin ako. Tutal ay ayoko naman s'yang makausap. Ayokong makarinig na naman ng kahit na anong salita mula sa kanya. Nakakabwiset lang.

"Bakit ka ba naglasing?" He said then gently lay me down on the bed.

Nagpanggap akong tulog. Ayoko s'yang kausapin.

"You're really a pain in the ass."

Hinaplos n'ya ang pisngi ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng mga daliri n'ya. Parang may kung anong boltahe ng kuryenteng ang dumaloy sa katawan ko.

"Jamila, why are you doing this to me..." Garalgal ang boses n'ya nang sabihin n'ya iyon.

Naramdaman ko ang labi n'ya sa ibabaw ng labi ko. Sa gulat ko ay napadilat ang dalawang mata ko. Mabilis ko s'yang itinulak palayo sa akin. Namumungay pa ang mga mata n'yang nakatitig sa akin.

"Bakit mo na naman ako hinalikan?!" Pasigaw na tanong ko sa kanya.

"J-jamila..."

Hahawakan n'ya sana ako kaya lang ay hinawi ko ang kamay n'ya.

"Huwag mo na akong hahawakan, huwag mo rin akong hahalikan! You make me feel confused! You always make me assume in the things that will never gonna happen! Pinapasakit mo lang lagi ang ulo ko, Uno. Lumayo ka na sa akin, please."

Imbes na lumayo s'ya sa akin ay mas lalo lang s'yang lumapit. He smiled at me devilishly.

"Bakit Jamila? Nagkakagusto ka na ba sa akin?"

Biglang nag-init ang pisngi ko. Bakit ko ba sinasabi ang mga ito? Lasing ako. Ayokong malaman n'ya na mahal ko s'ya. Hindi ako papayag, no never!

"Umasa ka! Naiinis lang ako sa'yo, d-dahil palagi mo akong inaasar! Tapos ngayon ay hinahalikan mo ako?! Sino ka ba para halikan mo ako?! Sino ka ba?!"

Nanlaki ang mga mata ko lalo nang dampian n'ya ang labi ko ng labi n'ya. Saglit lang iyon dahil mabilis ko na s'yang itinulak at sinampal ng malakas. Hawak hawak n'ya ang pisngi n'ya 'non. Tumayo ako at nagmamadali nang lumabas.

Tagaktak ang luha kong pumunta sa sala at kinuha ang bag ko.

This is not me, this is not Jamillienne Kaye Hernandez.

Umiyak ako noon kay Jayson but after that naka-move on agad ako. Hindi tulad nito na ang tagal tagal na hindi parin maalis.

I want to live my life before I met Uno. Gusto kong bumalik. At sa pagkakataong ito, babalik na ako. I will be Jamila, again.

-

"Jamila, nice to meet you again, ex." Nakangiting bati sa akin ni Yael nang makasalubong ko s'ya sa mall.

Mag isa lang akong namimili. Mag isa na lang dahil umalis ng bansa si Madeline. Si Mikaela ay nasa Batangas, si Roxy ay nasa Cavite. Si Harold ay busy sa girlfriend n'yang tomboy, finally sila na. Si Shivan, busy sa pag aaral simula nang iwan s'ya ni Madeline kasama ang anak nila dahil nambabae ang gago. Si Cash lang ang free kaso ayoko 'don magpapalibre lang 'yong kurimaw na 'yon.

"Hello!" Bati ko pabalik sa kanya.

Pumamulsa s'ya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Six years ago, you are beautiful and now..."

Umangat ang kilay ko. Naghihintay sa sasabihin n'ya.

"You are gorgeous."

Napangiti ako. Yael is more matured now. Naging kami noong grade 10 pa ako at s'ya ay grade 12 but we realized that we are both young for a real relationship so we decided to break up. Ngayon ko lang s'ya ulit nakita since he graduated kasi sa ibang bansa s'ya pinag-aral ng mga magulang n'ya.

"Nambola ka, 'di ka pa rin nagbago!"

Mahahaba at makapal pa rin ang pilik mata n'ya. Iyon ang unang napansin ko hindi nagbago.

"Don't look at me like that, I have a girlfriend now and I love her."

I chuckled.

"And then? Hindi kita aagawin, I had a lot of boys."

Nanlaki ang mga mata n'ya.

"Whoa! That's bad. Ikaw ang talo palagi, lalo na pag ibinibigay mo ang sarili mo sa kanila."

Umiling ako.

"I won't let that happen, duh? Why would I do that? I let them court me, yes. Nagiging kami pero siguro after two weeks ayoko na. Nagyayaya na, eh. That's too much. I let them kiss me but I don't want them to touch me."

Tumango tango s'ya at ginulo ang buhok ko.

"Good girl!" He smiled.

Inis na hinawi ko ang kamay n'ya. Nakakainis, ginulo ang buhok ko!

"Yael!"

Napalingon kami pareho sa babaeng tumawag sa kanya.

"Babe!"

Ah, mukhang iyon ang girlfriend n'ya. Infairness, she's beautiful. Morena s'ya and filipina beauty ang dating. Kaya lang ang sama ng tingin sa akin. Nagseselos siguro.

Agad s'yang kumapit sa braso ni Yael. Pinapangalandakan sa akin na girlfriend s'ya ni Yael.

"Ah, Jamila, this is my girlfriend, Yllana. Yllana, this is my ex girlfriend, Jamila."

Nginitian ko s'ya at naglahad ng kamay. Taas ang kilay n'ya habang nakatingin sa kamay ko.

"Bakit mo ipinapakilala sa akin ang ex girlfriend mo?!" Naiinin na tanong ni Yllana.

Natawa ako. Mukhang mataray ang syota n'ya.

"Oo nga naman? Bakit mo ako pinapakilala sa syota mo? I'm your past and she's your present. That's bad!"

Naguguluhang tiningnan ako ni Yael. Mas lalo akong natawa.

"Don't worry Yllana, hindi ko aagawin si Yael. He's all yours."

Taas kilay parin s'ya sa akin. Tinawanan ko na lang at lumapit kay Yael saka s'ya tinapik sa balikat.

"Yari ka boy!"

Dire-diretso na ako sa paglalakad palayo sa kanila. I want to go home.

I missed my friends so bad. Kaya lang hindi na kami halos nagkikita... Ako na lang yata ang natira.

Pagkarating ko sa bahay ay sumulyap ako sa dating shop nila Uno.

Dating shop dahil ngayon ay kumpanya na sila.

***

Continue Reading

You'll Also Like

1M 29.5K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
71.4K 3.1K 34
"I will always leave a trace to remember my way back to you."- Kael Valdez [ BOOK PUBLISHED UNDER B&B PRINTING SERVICE ]
27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
Erin's Heart By KD

General Fiction

348K 6.6K 43
Sino nga ba ang pipiliin ni Erin Cristobal? Ang lalaking unang minahal nya o ang lalaking nagparamdam sa kanya na masayang magmahal?