Ang Bayang Naglaho

By GYJones

105K 6.5K 365

Sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari, ang mahigit limang daang mamamayan ng maliit na bayan sa Quezon Pr... More

Introduction
Prologue
Chapter 1: Si Andy Madrid, Isang Private Investigator
Chapter 2: Maverick P.I.
Chapter 3: Ang Kaso ng Mga Nawawalang Tao
Chapter 4: Bisita sa Dilim
Chapter 5: Ang Tinyente at ang Psychic
Chapter 6: Callejon
Chapter 8: Ang Simbahan
Chapter 9: Ang Simenteryo
Chapter 10: Mga Bolang Ilaw sa Gabi
Chapter 11: Kabaong ng mga Muling Nabuhay
Chapter 12: Silang mga Espiritu sa Simbahan
Chapter 13: Alien Blood
Chapter 14: Mga Ala-ala ni Andy
Chapter 15: Press Release
Chapter 16: Ilang Mga Pamamaalam
Chapter 17: Ang Mga Aliens
Chapter 18: Close Encounters
Chapter 19: Kuha Mula sa Camera
Chapter 20: To Arms!
Chapter 21: Battle Stations!
Chapter 22: Bala at Ilaw
Chapter 23: Mga Asong Ligaw
Chapter 24: Aftermath
Chapter 25: Finale
Chapter 26: Epilogue

Chapter 7: Simula Ng Pagsaliksik

3.1K 227 6
By GYJones

Ang pinaka importanteng kuwarto ng military headquarters ay ang tinatawag nilang War Room. Ito'y dating dining room ng resort. Ang mga mesang kainan doon ay ngayo'y may nakapatong na mga computers, video monitors, radios at iba pang mga equipments. Sa paligid ay mga shelves na may mga ledgers at folders. Dito sa loob ng War Room nagaganap ang mga importanteng mga meeting, surveillance at communications.

Nang pumasok sa loob sina Andy at Jang-Mi ay namangha sila. Napupuno ito ng mga tao. Hindi lamang mga sundalo, kundi pati na ang kawani ng pulisya, NBI, National Defense, Intelligence at mayroon pang mga sibilyan na pawang mga experto o scientists.

Ito ang Task Force na binuo ng gobyerno para imbestigahan ang misteryo sa Callejon.

Ipinakilala ng colonel sina Andy at Jang-Mi sa lahat bilang special consultants. Pero alam naman na ng lahat kung ano o sino sila. Ang private investigator at ang psychic. May bakanteng mesa na may mga upuan kung saan pumuwesto ang dalawa.

"Ano kailangan mo, pare? Sa'n ka mag-start?" tanong ni Laxamana kay Andy.

"Statistics. Municipal records. Voters list. Birth and Death records. Communications records. Travel records," sabi ng private investigator.

May sinenyasan ang colonel na tao.

"Francis!"

Lumapit ang payat at naka-salamin na sundalo na nagngangalang Corporal Francis Diazon.

"Sir!" pagsaludo ng corporal.

"You assist this person. Lahat ng kailangan niya," turo ni Laxamana kay Andy.

"Yes, sir!"

"Si Diazon ang bahala sa iyo," sabi ni Laxamana kay Andy at ito'y nagpaalam.

Hinanap at kinolekta ni Corporal Diazon ang lahat mga hiniling ni Andy, at nang magbalik siya'y dala niya ang ga-dangkal na mga papel, folders, ledgers, at isang laptop na naglalaman ng mga digital records. Nagsimulang tignan iyon lahat ni Andy. Si Jang-Mi ay nakitingin din.

Maraming oras ang ginugol nila sa pagsaliksik. Naka-ilang tasa sila ng kape. Si Andy ay naka-kalahating kaha ng sigarilyo—sa kanyang matinding pag-usisa, taking notes, cross checking at cross referencing. Sa paligid, abala rin ang mga miyembro ng task force na nagsasaliksik ng mga impormasyon sa telepono, computers at internet. May big board sila kung saan may mga graphs at charts.

Maya-maya'y bumalik si Laxamana para mangumusta. Kasunod niya si Lieutenant Esguerra.

"All good?" tanong niya. "Anong nakita ny'o?"

May nabuo naman na report si Andy sa kanyang pinagsama-samang datos. Binasa niya kanyang notes.

"Ayon sa report, maaaring nangyari ang insidente—ang abduction o disappearance between 11 AM ng July 28 to 3 AM ng July 29."

Nagkatinginan sina Laxamana at. Esguerra pagka't iyon din ang estima nila.

"Yes, correct," pagsang-ayon ng colonel. "Yan ang timeline ng sightings ng mga ilaw sa kalangitan. Ang mga UFOs."

"UFOs? Aliens?" ulit ni Jang-Mi.

"Yes. Aliens."

Nabusisi na rin ni Andy ang mga litrato na prinovide sa kanya. May partikular na batch ng mga litrato ang hindi niya makuhanan ng saysay. Ito'y litrato ng isang simenteryo. At sa lupa, makikitang may mga hukay.

"Anong mga ito?" tanong ni Andy at ipinakita ang mga litrato.

"Grave robbings," si Esguerra ang sumagot.

"Isama mo pa 'yan sa mga kataka-takang mga pangyayari na hindi namin mabigyan pa ng explanasyon," buntong-hininga ni Laxamana.

"Kailan nangyari ito? Before o after ng insidente?" tanong ni Andy.

"Hindi kami sigurado," sabi ni Laxamana. "Since, wala namang eyewitnesses na mapagtatanungan."

Naintindihan ni Andy na kaya parang nangangapa pa sa dilim ang task force ay sa kawalan ng eyewitnesses na naroon mismo sa loob ng Callejon nang maganap ang abduction. Ang tanging eyewitnesses ay ang mga taga-labas na mga bayan, isa na ang matandang magsasaka na unang nag-report nito sa pulisya.

"Ito 'yung simenteryo sa likuran ng simbahan, hinsi ba?" paniniguro ni Andy ukol sa litrato.

"Yes, sir, 'yan nga," sabi ni Esguerra.

"Gusto kong puntahan itong simenteryo," hiling ni Andy.

"No problem, sasama din ako," sabi ni Laxamana.

"I go, too!" bulalas ni Jang-Mi.

"Of course," balik ng colonel sa kanya. "Pero, late na. Bukas na lang ng umaga tayo pumunta."

Sumang-ayon si Andy. Pababa na ang araw at mainam na ipagpabukas na nila ang binabalak.

"Tingin mo may koneksyon ang grave robbings sa abduction?" tanong ni Laxamana kay Andy.

Hawak pa rin ni Andy ang litrato ng simenteryo, ang atensyon niya'y nasa mga hukay sa lupa. Ang umano'y mga grave robbings. Pamilyar sa kanya ang simenteryo.

"Anong interes mo sa simenteryo?" tanong ni Laxamana.

Tumingin si Andy atsinabi, "Dito nakalibing ang mga magulang ko."


NEXT CHAPTER: "Ang Simbahan"

Continue Reading

You'll Also Like

5.7M 12.5K 5
Hindi kami santo.... Pero wala kaming sinasanto -- S.A.I.N.T.S. If they are trained to kill! Can they be also trained to love?
986K 8.6K 14
May maseselang parte at salita sa kwento. Kaya naman patnubay ng magulang ay kinakailangan. Lagi po tayong magdasal bago matulog. Dahil baka mamaya...
133K 5.7K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...
149K 1.5K 15
Academy of Witchcraft and Wizardry Book Two Friendship, Love and Trust (Lies Conquer) Ang pangmatagalan na relasyon ay may matibay na pundasyon na na...