Claiming Emanuela Velasco (Ni...

By AshantiEverly

35K 642 34

Nasa kasagsagan ng pagdedeliver ng relief goods sina Emanuela Velasco kasama ang mga bodyguards niya nang ma... More

To the Readers
Kabanata 1:Relief Goods
Kabanata 2: Nag-iisa
Kabanata Apat - White and Black Lady
Kabanata Lima - Barbak on the Way!
Kabanata Anim - Sina Happy Field at Daniel Dos
Kabanata Pito - Paghihintay
Kabanata Walo - Bodyguards
Kabanata Siyam - Paglipad
Kabanata Sampu - Frederico
Kabanata Labing-isa - Misteryosong Lalaki
Kabanata Labingdalawa - Mansiyon ni Dovee
Kabanata Labingtatlo- You're Truly a Beast
Kabanata Labing-apat- What Made Him Dangerous
Kabanata Labing-lima - A Tough Decision
Kabanata Labing - Anim - Getting to Know Each Other
Kabanata 17: Isa, dalawa, takbo!
Kabanata 18: Pagbabalik sa Nakaraan
Kabanata 19: Huli Ka!
Kabanata 20: Pagsubok
Kabanata 21: Cheers

Kabanata 3: Barbak

1.9K 39 0
By AshantiEverly

Kabanata 3: Barbak

HALOS malaglag ang panga ni Emanuela nang marating nila ang pinaninirahan nina Ricardo. It was like a castle situated in the middle of the forest. She could see the sea surrounding the place and she was confused. Did she fall asleep while they were walking and that she fails to notice the change of the setting? But she was certain that she didn’t.

Hindi. Hindi niya alam na mayroon palang kastilyo dito sa Pilipinas.

Binabawi na niya. Parang siyang nasa bansang Englatera dahil sa istruktura ng kastilyo. Kapag tumingin ka sa baba, makikita mo ang payapang karagatan. Kahit na madilim na, sigurado siya sa kanyang mga sapantaha.

Some people were peering at the windows while the others were too lazy to go out to meet them. Yumuko sila sa nagngangalang Daniel. Siya ba ang amo sa kastilyo na ito? Para nilang nilalanghap ang hangin at tumigil ang mga mata sa kanyang direksyon. Itinago niya ang sarili sa katawan ni Ricardo. Ayaw niyang makuha ang atensyon ng mga tao. She did not want them to notice her. She buried herself even more to Ricardo as their heated glares increases. Ano ang ginawa niya? Nalaman na ba nila na pumasok siya sa teritoryo ni Daniel ng walang permiso? Sila ba ang tatapos sa Gawain ni Daniel?

“Bumalik na kayo!” Isang batang sa tantiya niya ay nasa edad sampung taong gulang ang papahangos na lumapit sa kanila. Alon-alon ang buhok nito na sumasayaw habang tumatakbo papalapit sa kanila. Kaylapad ng ngiti nito sa labi ngunit napawi nang makita siya. “Sino siya?” tanong nito sabay turo sa kanya na nakalukot ang ilong. Napaismid ang bata. “Isa siyang tao.”

Yeah, she’s human, the same as them, isn’t it? Why could she keep on hearing the word human on their mouth like it was a big issue? What’s happening?

Napabuntunghininga si Ricardo. She could feel that he was getting tired and it was all because of her. Kinarga siya nito patungo sa kastilyo. “Carmela, gabi na. Bakit gising ka pa?”

The girl crossed her arms. “Hinihintay ko kayo ni Daniel at ito ang naabutan ko. Isang tao?” She didn’t act like a kid but more of a grown-up. “Bakit ba kinakarga mo ang babaeng iyan?” nakasimangot nitong tanong. Nagseselos ba ang batang ito?

That reminded her. Nakapasan pa pala siya sa likod nito at hindi man lang niya naalala. Uminit bigla ang kanyang pisngi. Sunod-sunod siyang napalunok. Anong klase ba ang batang ito? “J-just p-put me down, Ricardo. Kaya ko na.”

“Kaya mo na kaya?”

“I- I…G-guess so.”

Maingat siyang ibinaba ng lalaki. The moment that her feet felt the ground, she nearly collapsed but thanks to the strong arms of someone. “I-I’m okay.”

Nangangatog ang kanyang mga tuhod hanggang masanay ang mga iyon. “Lampa,” narinig niyang wika ng bata. “Kaunting galos lang ganyan na siya makakapit sa iyo?”

“Carmela, isa na lang,” banta ni Ricardo.

“Pinagtatanggol mo siya?” hindi makapaniwalang wika na sambit nito. Right. Bakit ba palagi na lang siyang pinagtatanggol ni Ricardo? “Ayoko sa taong iyan,” dagdag nito at saka padabog na umalis.

Sinundan ito ng tanaw ni Ricardo. “Pagpasensyahan mo na si Carmela. Hindi lang siya sanay na makakita ng ibang tao.”

“No. Ako dapat ang humingi ng patawad.”

“Ricardo, wala na akong panahon rito.” It was the scary man. Daniel. He was throwing poisonous daggers at her direction and she wanted to die at that moment. Why was he treating her like this? It was not like she attempted to kill him. It was her that he was trying to kill. Siya dapat ang may ganang magalit, hindi si Daniel.

Daniel and Ricardo stared at each other intently. No one dared to move nor even blink. Then, Ricardo nodded. Kinuha ni Ricardo ang kanyang palapulsuhan at sinumulan siyang kaladkarin. Napakislot siya sa paraan ng pagdala nito sa kanya. All parts of her body were aching and it became worse with his manhandling. Subalit, kung papalag siya, baka pag-initan naman ng Daniel na iyon si Ricardo.

Pumasok sila sa kastilyo at hindi na niya masyadong napagtuunan ng pansin ang paligid. They were moving very fast that it was like a blur. Her feet merely touched the grounds. But the furnitures were all antique. Priceless like her life.

“Ito ang magsisilbi mong kwarto mula ngayon.”

Kumurap-kurap si Emanuela. She shook the dizziness in her system.

“Lumipad ba tayo? Do you have powers?”

“Pagod ka kaya iba-iba ang naiisip mo. Magpahinga ka na muna.”

It was not a room. It was a cell! Isang bintana lamang ang naroroon sa kwartong iyon. Isang kandila lamang ang nagbibigay ng ilaw sa kwarto. Ni walang kama. Paano naman siya makakatulog sa kwartong ito? Nagtatanong ang mga matang hinarap niya ang lalaki.

He let out a defeated sigh. Nalaglag ang balikat nito. “Patawad. Kung mayroon lang akong magagawa. Sinusunod ko lamang ang utos ni Daniel at hindi ko siya maaring hindi sundin. Mas mabuti na nga rito kaysa doon ka ilagay sa ibaba kung saan makakasama mo ang iba pang priso.”

Hindi lamang siya ang bihag. Katulad din ba niya ang kasalanan nila?

“But, how could I sleep with this room? I’m sure that they were rat’s crawling on the floor. What about the germs? The bacteria? Baka makakuha ako ng sakit sa karumuhan ng kwartong ito!” malakas ang boses na kanyang wika. Naplitan ng inis ang pagod at sakit sa katawan niya. Isa siyang bihag at nakuha pa niyang magreklamo.

“Patawad.”

“Itigil mo na ang paghihingi ng patawad! Hindi ko iyan magagamit!”  She must smile for she still had the energy to shout at the poor man. Ano bang nangyayari sa kanya? He carried her without protest.

“Kung ano man ang binigay namin sa iyo, dapat ka na lang magpasalamat. Minsan lang kami nagbibigay ng awa sa mga taong tulad mo,” wika nito. Tumalikod ito sa kanya at saka pabalibag na isinara ang pintuan. At ginalit na niya ang lalaki. Kasalanan niya iyon.

Nanghihinang napaupo si Emanuela. She gathered her knees and hugged them.

Mommy…Daddy…Please, save me.

Masama na bang tulungan ang mga tao? All she wanted to do was to deliver the relief goods but what happened? She was thrown in this place – held captive by strangers. Is her Dad already gathered a search and rescue mission for them? Bakit ang tagal?

Now, she did not care anymore about the germs and the bacteria. She lay down at the dusty floor. No one knows what dangerous insects were lurking around in the dark with her. Makakuha man siya ng sakit sa maruming kwarto, hindi pa naman siguro siya agad mamamatay. She will wait for her father’s rescue. Alam niyang mahal siya ng Daddy niya at kaya nitong ipadala ang lahat ng tauhan nila upang makita lamang siya. “Hurry up…Dad,” bulong niya hanggang sa hilahin na siya ng antok.

“Gerrr… Gerrr…”

Naalimpungatan si Emanuela. Ano iyon?

“Gerrr…”

May kasama ba siya sa kanyang kwarto? Dahan – dahan niyang iminulat ang kanyang mata at nahigit niya ang kanyang hininga. Anong klaseng nilalang ang kasama niya? Kasing - itim ng kadiliman ang kulay nito. Para lamang silang mga anino ng dilim. She could form out his or her limbs. Wala siyang nakikitang ilong, bibig, at tenga. Kulay pula ang mga mata nito. Isa ba itong demonyo? He was staring at her with confusion on his eyes. Or her eyes. Babae ba ito o lalaki?

Bumangon siya at saka isiniksik ang sarili sa malamig na pader. Ginawa niyang panangga ang dalawa niyang kamay rito na para bang maliligtas ng dalawa niyang kamay ang sarili. “Don’t come any closer,” she said with a shaky voice. “Or else, you will explode by my extreme powers?” Sino ang binibiro niya? Ni self -defense , hindi niya alam.

“Isang taong nagsasalita ng kakaibang lenggwahe,” wika nito. Kay baho ng hininga nito. Amoy patay. Itinapat nito ang mukha sa kanya at pakiramdam ni Emanuela, mamamatay na siya hindi lang sa amaoy kundi maging sa takot. Nanginginig ang buo niyang katawan at ayaw ng gumalaw ng kanyang mga kamay at paa. “Hindi pa ako nakakakain ng isang tao kaya magandang tumikim na muna ako ng kakaibang putahe. At natatakam na akong tikman ka.” He was talking but he has no mouth!

“Anong pinagsasabi mo, panget? Lumayo ka sa akin. Tulong!” buong lakas na sigaw niya. Sana, may maawa sa kanyang dulugan siya.

“DANIEL, nakikinig ka ba?” ilang beses na tanong ni Ricardo sa kanyang pinuno. Magkapatid sila at may pribelihiyo siyang tawagin ang lalaki sa pangalan nito. Pero kapag iba na, Supremo.

Matalim siyang tinitigan ni Daniel. “Ilang oras na nating pinagtatalunan ang tungkol sa babaeng iyon. Pinal na ang desisyon ko. Mananatili siya sa kwartong iyon.”

Hindi na talaga niya mapapabawi  ang desisyon ni Daniel. “Hindi ka ba naawa kay Emanuela? May sugat pa rin siya. Kailangan niya ng gamot.” Hindi niya alam kung bakit naging ganito ang kapatid niya. Bigla na lamang siyang nagbago matapos mamatay ang kanilang mga magulang. He became territorial on their lands.

“Sabihin mo nga sa akin, Ricardo. May gusto ka ba sa babaeng iyon?”

Natigilan siya sa tanong nito. “W-wala.”

“Mabuti. Alam nating pareho na darating ang babaeng para sa iyo kaya pabayaan mo na ang babaeng iyon. Ito na ang huling beses na pag-uusapan natin siya. Maari ka ng lumabas.”

Nalaglag ang ulo ni Ricardo. “Masusunod.”

“…Tulong!”

Biglang umangat ang kaniyang ulo nang makaamoy ng nakakabulasok na amoy. “Daniel, narito na naman sila!” nakakuyom ang kamao niyang wika. Ang mga nilalang na pumatay sa kanilang mga magulang.

“Hanapin natin.”

NAGKIKISAY- KISAY si Emanuela. Hawak siya sa leeg ng halimaw at nahihirapan na siyang huminga. This is really it. Katapusan na niya sa kamay ng halimaw na ito. A single tear fall on her cheeks. Goodbye, Dad. Goodbye, Mom.

When she was ready to faint, the door suddenly opened.

“Huli na ba tayo, Daniel?”

“Hindi ba. Gising pa ang babae.”

Nanlalabo na ang kanyang paningin subalit naaaninag pa rin niya ang dalawang lalaki. Ipinagsalamat niya na may damit na ito sa pang-itaas na katawan. Dumating sila dahil tutulungan siya nila. As much as she hated Daniel, she was happy to see him. She will live. She will live.

Pinakawalan siya ng halimaw at parang isang lantang dahon na bumagsak si Emanuela sa sahig. Hinawakan niya ang sinakal na leeg. “Ang pinakamamahal naming kaaway.”

The monster lunged forward. “Watch out! Papunta ang halimaw sa inyong direksyon.”

“Saan? Hindi namin siya makita.” Both of them disperse. They eyes were getting a shade of gold? Or was it a trick of the light. Hindi na mahalaga.

Humalakhak ang halimaw.  “Walang sinuman ang nakakakita sa amin, babae. Maliban sa iyo at hindi ko alam kung paano. Pero ililigpit ko na muna ang dalawang  iyon bago kita kainin,” wika nito na parang nanggaling sa ilalim ng lupa ang boses. Hindi niya mapigilang huwag manginig. Siya lamang ang nakakakita rito at walang magawa ang dalawang lalaki sa kanyang kalagayan.

Bumagsak siya sa sahig. Hindi maaari ito.

“DANIEL, mukhang nakikita nga ni Emanuela ang mga Barbak,” tensyunadong wika ni Ricardo sa kanyang tabi. Inamoy niya ang paligid. It was wrecking with a fool scent – like a decaying scent of humans. Naglakbay ang kanyang mga mata. Saan ang Barbak?

“Sa anong paraan mapapatay ang halimaw?”

Nakayuko ang ulo ng babae at umiiyak. Napakahinang babae.

“Kailangan mong matamaan ang kanilang mga puso ng kahit na anong bagay at ibaon iyon. Iyon lamang ang tanging paraan,” sagot ni Ricardo. Nagpalinga-linga ang babae sa silid. Ngumisi siya. Wala itong makikita maaring ipanlaban sa Barbak. Sila lamang ang may patalim na dala-dala at kailangan na munang magmakaawa sa kanya ng babae upang tulungan niya ito. Hindi siya mag-aaksaya ng panahon para sa babae.

“Magmakaawa ka na tulungan kita at baka magdalawang-isip pa ako.”

Inangat nito ang mukha at tumigil ang mga mata nito sa kanyang direksyon. Muntik na siyang mapaatras nang makita ang mga mata ng babae. Her eyes went cold. Then, it was like burning with fire. Napunta ang mga mata niya sa kamay nito.  Nakakuyom ito nang mahigpit. She was breathing deeply.

“I won’t beg for any help with a man who wants me dead. At ikaw halimaw! ” tumingin ito sa tabi nito. “Mamamatay ka!”

“Huwag kang lumapit sa kanya dahil sa tuwing magdidikit kayo, hihigupin ng Barbak ang iyong enerhiya hanggang maging abo ka,” wika niya. She was a stupid human.

“Nag-aalala ka kay Emanuela? D-dahil ba iyon sa siya ang-“

“Tumigil ka,” saway niya rito. “Hindi ang Barbak na iyon ang tatapos sa buhay ng babae kundi ako!” Then, he lunged forward and throws the girl away. Tumilapon ito at mabilis na kumilos si Ricardo. He caught the girl before she hit the wall. Kununot ang kanyang noo. Ito na marahil ang posisyon ng Barbak at kinuha niya ang kanyang espada at itinarak sa hangin? He twisted it and plunged the sword deeper. Hope that he hit the heart even though he couldn’t see anything. Kung susuriin, wala silang kalaban-laban sa mga Barbak. They were on the underhand. Dehado sila. Wala silang kakayahang makita ang kalaban samantalang nakikita sila ng kalaban at pwede silang mamatay nang hindi inaasahan. One touch of them and they will be gone.

“Hoy babae. Wala na ba?”

“Now you have the audacity to ask me?” she said weakly. “But yeah. You killed the monster.”

Sigurado na siya. Muli niyang nilanghap ang paligid. Wala na ang nakakabulasok na amoy. Ibinalik niya ang espada sa lalagyan.

“Emanuela, ayos ka lang ba? Emanuela?”

“Hindi siya mamamatay.”

“Paano ka nakakakilos ng ganyan gayong ganito ang kalagayan niya.”

Pinanliitan niya ng mata ang kapatid. “Anong gusto mong sabihin?”

“Ipinanganak tayong nakapasan sa atng mga balikat na  protektahan ang ating mga babae. At hindi mo ginawa ang trabaho mo. Hahayaan mo bang mamatay ang iyong meñuza?”

Nanginginig ang kanyang kamao. Pinipigilan niya ang sariling huwag mawalan ng kontrol dahil baka mapatay niya ang sariling kapatid. “Wala akong pakialam sa kanya.”

“Tanggapin mo man siya o hindi, tinanggap ko na siya. Kaya pala ganito na lang ang hangarin kong protektahan siya dahil inayawan mo na siya. “

“Saan mo siya dadalhin?” nanginginig ang boses niyang wika.

“Doon sa magiging kwarto namin.”

Kwarto namin?

In an instant, he was now holding the sleeping girl. Sa kanya lang tatabi ang babaeng ito kahit hindi niya pa siya tinatanggap.

“Okay. Pero, sandali. Hindi mo ba naisip na matutulungan niya tayo sa pagpatay ng mga Barbak? Siya lamang ang nakakakita sa kanila at maaring matunton niya ang kinaroroonan ng kanilang amo.”

“Magandang ideya.” May silbi rin pala ang kanyang babae.

Words to Remember:

meñuza – ang tawag sa mga babaeng nakatadhana sa mg uri ni Daniel

Barbak – nanggaling sila sa anino at ang taning 

Continue Reading

You'll Also Like

29.9K 1.7K 53
Elements Series #1 You are my world, my Earth Brianna. No matter how I tried to stay away, Gravity always pulls me towards you. I'll do anything to m...
Samantha By ambre

Fanfiction

37.1K 1.3K 49
Samantha is a good girl but turned into a bad girl because of the man who broke her heart and that is Grayson. Are they destined to be together? Or d...
76.8K 6.2K 37
Tatlong taon matapos mapabilang ni Chancey sa pamilya, naging pressure sa kanya ang pagkakaroon ng anak bilang anak ng Ikauna. Sa araw ng pagkabunyag...
203K 3.6K 35
Angel With A Shotgun Series #4: Mariyah, The Fierce Eye #Wattys2018 Winner The Revisionists! Mariyah is a secret agent slash slaved-thief but not in...