Chasing Mandie (PUBLISHED UND...

By dehittaileen

969K 20.3K 880

Six years ago when Mandie has this infatuation over her childhood family friend Xandrei. Ginawa niya ang laha... More

Chasing Mandie
Prologue
First Chasing
Second Chasing
Third Chasing
Fourth Chasing
Fifth Chasing
Sixth Chasing
Seventh Chasing
Eighth Chasing
Ninth Chasing
Tenth Chasing
Eleventh Chasing
Twelfth Chasing
Thirteenth Chasing
Fourteenth Chasing
Fifteenth Chasing
Sixteenth Chasing
Seventeenth Chasing
Eighteenth Chasing
Nineteenth Chasing
Twentieth Chasing
Twenty First Chasing
Twenty Second Chasing
Twenty Third Chasing
Twenty Fourth Chasing
Twenty Fifth Chasing
Twenty Sixth Chasing
Twenty Seventh Chasing
Twenty Eighth Chasing
Twenty Ninth Chasing
Thirtieth Chasing
Thirty Second Chasing
Thirty Third Chasing
Thirty Fourth Chasing
Thirty Fifth Chasing
Last Chasing
CHASING MANDIE BOOK RELEASE

Thirty First Chasing

17.9K 379 9
By dehittaileen

Dedicated to angging383

"Ser! Ser Andrei!"

Sabay silang nahinto ni Xandrei sa paglalakad. "Oh Mang Sito bakit ho?" May bitbit na malaking bilao ang matandang lalaki. Natakam ang mga mata niya ng makitang suka ang laman ng mga iyon.

Kamot kamot sa ulo ang matanda. "Binyag ho kasi bukas ng apo ko. Aanyayahan ko ho sana kayo. Kasama ho ang Misis niyo." Bumaling sa kanya ang matanda.

Pabalik na sila ni Xandrei sa bahay. Tumingin ang binata sa kanya. Tila nagtatanong kung sasang ayon nga ba siya. Tumango siya. "Oho naman. Dadalo kami."

"Naku salamat talaga Ser. Sige ho mauna na ako sa inyo." Masayang nagpaalam ang matanda.

Sa isla niya natutunan na maraming bagay ang pwedeng mabuhay kung matiyaga at masipag ka lang. Nilibot nila ni Xandrei ang Isla. Ipinakita ang mga natatago nitong ganda. They tried scuba diving. Makukulay at samo't saring mga isda ang naninirahan doon. Pagkatapos ay isinama siya nito sa taniman na libreng pinupunlaan ng mga tao doon. Sa katunayan may mga iuuwi pa silang gulay mula sa mga taong nadaanan nila. "Dito din ba sila sa isla nakatira?" tanong niya habang naglalakad sila.

"Hindi. Pero paminsan minsan may mga taong nagpapalipas ng gabi sa mga kubo doon. May mga pamilya sila sa kabilang isla kaya umuuwi sila kung hapon."

"Hindi ba sila nahihirapan? I mean mahirap kayang magsagwan." Aniya.

"Kakilala ko ang Mayor na nakakasakop sa lugar na ito. I helped them na makalapit sa mga opisyal para humingi ng bangkang de motor para sa transportasyon. Maliit lang kasi ang kumunidad nila. Wala pa sa isang daang pamilya ang naninirahan sa kabilang isla. Pero kahit gayon malaki na ang pangangailangan nila." Totoo nga na mabait si Xandrei sa mga taong nakatira dito. Sinabi na rin sa kanya ni Aling Pinang na dalawa sa bangkang de motor na ginagamit sa sitio ng mga ito ay kusang loob na binigay ng binata. Kung ganoon ay bukod pa pala ang binigay ng gobyerno nila. Nalaman din niya na pinag aaral ni Xandrei ang dalawang anak ni Aling Pinang.

"Mahal na mahal ka ng mga tao dito." Aniya.

"Mahal ko rin naman kasi sila eh. Pati ikaw. " Bumaling siya dito. May sinabi ito na bulong lang pero hindi niya gaanong naunawaan.

Magkaagapay silang naglalakad nang maramdaman niya ang kamay nito sa kamay niya. Mahigpit itong humawak doon habang naglalakad sila.

Hindi niya alam, pero bakit sa halos ilang araw lang ay malaki na ang nagbago? O wala naman talaga sigurong nagbago, bumalik lang siguro sa dati.

"Kapag ang pusho'y 'di shanay mag-isa..." Napapatawa nalang si Mandie habang katabi niya si Marie. Ang anak ni Mang sito na siyang may pabinyag.

"Lasing na si tatay. Hindi na maayos ang lyrics niya." Pati siya ay natatawa na din. Maya maya'y. Tumabi si Aling Pinang sa kanila.

"Hija, napabalot ko na kayo ng pagkain. Pwede niyong initin iyon." Tiyahin pala ni Marie si Aling Pinang.

Ngumiti siya. "Salamat po." Gabi na at nagkakasayahan ang mga kalalakihan. Pati si Xandrei ay hindi nakahindi nang ayain ito. Sila namang mga kababaihan ay nakaupo di kalayuan lang sa mga ito.

"Ganito talaga dito kapag may okasyon. Hindi nawawala ang bidyoke. " Sabi muli ni Marie. Sa Poblacion pala ito nagtatrabaho. Kasera sa isang grocery. Tuwing sabado lang daw ito umuuwi.

"Nako si Ser Andrei naman ang pakantahin naten! Shayang naman ang boshes ni Ser kung di niya iparirinig sa mishis niya. Diba Ma'am?" Bumaling sa kanya ang mga lasing. Inabot ng mga ito ang Mic kay Xandrei.

She remembered that he don't sing. Kapag pinipilit niya itong kumanta noon eh nagagalit lang sa kanya. "Mukhang lasing na rin si Ser Andrei ah." Puna ni Aling pinang.

"Mamaya naman po ay uuwi na kami." Aniya. Maya maya'y nakikikanta na si Xandrei. Gusto niyang katawa dahil lumang kanta ni Renz Verano ang kinakanta nito.

"Puro lungkot na lang ang nadarama. Kapag walang tibok. Walang ligaya. Kapag wala ka sa buhay ko'y. Walang sigla" Naghiyawan ang mga kalalakihan ng bumaling si Xandrei sa kanya habang kumakanta. "Ang iyong pangakong. Ako'y laging mamahalin. Tandang-tanda ko pa. Ang ating sumpaan
Hanggang wakas. Ay magsasama. Umulan, bumagyo. Gumuho man ang mundo
Ikaw at ako pa rin."

Saka sabay sabay na bumirit ang mga ito.

Remember me
Kapag nag-iisa
Kapag ika'y nalulungkot
Huwag kang mag-alala
Remember me
Kapag iniwan kang
Luhaan at sugatan
Ng iyong minamahal
Remember me
'Di ko kayang limutin ka
Noon, ngayon, magpakailan man
Ako'y naghihintay

"Eh panlaban pala sa kantahan itong si Ser eh." Biro ni Marie. Ngumiti lang siya.

Tanga marahil siya. Tanga nga siguro siya dahil sa kabila ng lahat, si Xandrei parin ang mahal niya. Na hindi siya basta nakalimot, naduwag lang siyang aminin.

Naalala niya ang mga bagay na tinakasan niya. Bumaling siya kay Marie. "Marie, may cellphone ka ba?"

"Oho. Bakit ho?"

Bahagya siyang ngumiti. Itatama na niya ang mga mali niya. Hindi pwedeng takasan niya ang lahat ng ito. Dalawang mahalagang lalaki sa buhay niya ang sinasaktan niya. Panahon na para gawin niya ang parte niya. "Pwede ba akong makihiram. Makikitawag lang ako."

Nalaman niya na may signal sa lugar na ito. Wala kasing kuryente sa Isla dahil hindi pa umaabot doon ang solar plant na ipinagawa mi Xandrei para sa mga tao. Inabot ni Marie sa kanya. "Tamang tama po't nakaunli call ako."

"Salamat." Aniya ng abutin iyon. Mabilis siyang tumayo. Hindi nakatingin si Xandrei sa kanya. Pumuwesto siya sa gilid ng bahay malayo sa ingay. Mabilis siyang nagdial ng number. Ilang segundo bago may sumagot. "Mommy... " Mahigpit siyang napahawak sa cellphone. Narinig niya ang paghinga nito bago nasundan ng pag iyak.

"Honey where are you? We've been looking for you. Nasa ligtas na lugar ka ba? Is he hurting you?" Tama siya ng hinala na alam na ng mga ito na Si Xandrei ang kumuha sa kanya.

"Mom I'm okay.. Hindi ako sinaktan ni---."

"Is that Mandie?" Naukingan niya ang tinig ng ama. Maya maya'y ito na ang angsalita sa kabilang linya. "I'm glad you called honey. We're going to rescue you. Nasaan ka? Sinaktan ka ba niya?"

"Dad... "

"I will fucking kill him sa oras na magkita kami! I already contacted our friends in army. Ako mismo ang huhuli sa kanya." Nanlaki ang mga mata niya.

"Dad hindi ako sinaktan ni Xandrei! Hindi niyo siya ipapahuli."

"And why not? He kidnapped you! Alam mo baa ng inabot naming kahihiyan ng Mama mo? The Montana wants us to filed a case against Sandoval. At kapag hindi ka niya ibinalik sa loob ng susunod na bente kwatro oras ay nasisiguro ko sayo. Dead or alive, he will going to get punished."

Tumulo ang luha niya. "Pero hindi niya ako sinaktan. Hindi niya ako kinulong. Hindi niya ako pinagsamantalahan. Inalagaan niya ako at---."

"Honey..." Boses na ng kanyang ina ang naririnig niya. Naririnig niya ang galit na galit na tinig ng kanyang ama. Marahil ay inagaw ng kanyang ina ang telepono dito. "Mas mabuting sabihin mo na kung saan ka dinala ni Xandrei. I believed in you, alam kong hindi ka sasaktan ni Xandrei."

Ngumiti siya kahit tumutulo ang mga luha. "Thank you, Mom."

"Because I know that he loves you---still. But honey, Alec needs you. Kailangan ka ni Alec ngayon."

Dahil sa narinig ay mas lalo niyang sinisi ang sarili. Si Alec... Nasira ang pangako niya.

Remember me
Kapag nag-iisa
Kapag ika'y nalulungkot
Huwag kang mag-alala
Remember me
Kapag iniwan kang
Luhaan at sugatan
Ng iyong minamahal
Remember me
'Di ko kayang limutin ka
Noon, ngayon, magpakailan man
Ako'y maghihintay

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
160K 3.3K 61
ACEAN'S Songbird Francesca Morales is becoming popular with the hottest guys at Ace Academy. The High School MVP JC San Miguel and the Elusive Bache...
103K 2K 43
Lander and Danica started a story they didn't know it was coming. They ventured new things that were just capable of doing by the both of them. They...
108K 2.3K 33
Our parents makes us believe that fairytales do exist and so a happy endings. Bata pa lamang ako ay isa na ako sa mga naniniwala sa fairytale, na a...