Part-time Boyfriend

De JuneauXVII

44K 1.8K 620

The day he found love was also the day he lost it Date Started: Nov 13, 2017 Date Ended: Nov 18, 2017 Mais

Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Epilogue
Soon To Be Published

Chapter 1

11.7K 339 60
De JuneauXVII

Chapter 1My Normal Everyday



Saktong hinihilot ko ang sentido ko ng may matanggap na mensahe sa messenger.


I need your service again


Gumuhit agad ang ngiti saking mga labi nang mabasa ang request ng isa sa mga madalas kong kliyente.


Can you give me the details Madeline?


For awhile I saw three dots bouncing on the chat box. Mukhang mahaba-haba ang isinusulat ng babaeng kausap ko.


A party in a bar tomorrow at 7 pm, hosted by my ex. I need you to look sophisticated and classy. I want you to get everyone's attention. I want you to make my ex realize that he's not big of a catch. Gusto kong manliit siya laban sa'yo Rowan, if that's even your real name.


Muli akong tumipa sa keyboard ng laptop.


I don't see any problem with that.


Nakapangalumbaba na ko at medyo nakakaramdam na ng antok. Katatapos ko lang rin kasing pagpuyatan ang project na ipapasa ko bukas.


Good. I'll be expecting you on my doorstep at exactly 6 pm.


I yawned after seeing her message and before typing my answer.


Consider our deal sealed.


Matapos 'yon ay pinatay ko na ang laptop at isinara. Pabagsak kong inihiga ang sarili sa kama. Ilang segundo lang ay nilamon na ko ng antok.


Kinaumagahan, gaya ng pangkaraniwang araw ay pumasok ako sa unibersidad at nanatili ro'n tulad ng isang normal na estudyante. Pasalamat na lang ako at natapos ko ang project ko ng tama sa oras kahit pa madalas akong abala sa pagtatrabaho. Bihirang mabakante ang araw ko.


Alas sais ay nasa tapat na ko ng pinto ng isang malaking mansyon. Ang bahay ng kliyenteng nakatakda kong pagsilbihan ngayong gabi.


"Good evening my lady," bati ko sa babaeng papalabas ng pinto. I held her hand and carefully guided her down the steps.


She flashed a satisfied smile. "I like your glasses it made you look slick at the same time hot..... hot like the usual," she said while gently tracing her finger from my cheek to my chin.


"I'm honored to have suited your taste."


Iniwan niya sa kamay ko ang susi ng kotse, habang ang ilang papel na pera ay pasimple niyang isinuksok sa bulsa ng suot kong coat bago pumasok sa pintong binuksan ko para sa kanya.


Ilang minuto lang ay narating na namin ang bar na pagdarausan ng party na tinutukoy niya kagabi. My work started as soon as her red stilettos thumped against the parking lot's solid ground.


Kung kanina ay sa kamay ko lang siya hinawakan ngayon ay sa baywang ko na siya kinapitan para maigiya papasok. The noise toned down a bit just as people noticed us coming in. Mahinang tugtog ang pumapailanlang habang umaalingawngaw naman ang mga bulungan.


"You're really an eye-catcher," bulong niya sakin habang pinagmamasdan ang mga matang hindi maipagkakailang titig na titig nga sa akin.


Bahagya kong inilapit sa tainga niya ang mga labi ko. "Seems that I'm fit to stand beside Gatchalian's precious heir."


Nang makabawi, ay nagpatuloy na sa kani-kanilang usapan ang mga tao sa paligid. Lahat sila ay may kanya-kanyang baso na may lamang alak. Lahat sila ay galing sa mayamang angkan.


"Baby would you like to sit and have a drink?" tanong ko na tila kumiliti kay Madeline. Halata 'yon sa malapad niyang ngiti.


"No darling I want to dance." Hinatak niya ko papunta sa gitna ng mga taong sumasabay na sa magaslaw ng tugtugin.


Madeline started dancing sexily in front of me. Moving her hips in a red body-hugging dress, showing not only her curves but also her slender and smooth legs. Hinahawi niya ang buhok pataas na lalong nagpakita kung gaano siya kaaya-aya sa paningin. I placed my hands on her waist pulling her close to my body. Ikinawit naman niya ang mga kamay sa leeg ko habang dahan-dahang inilalapit ang kanyang mukha. While intently looking at me, I can tell what she's trying to do.


"Mads, you know that kissing isn't in my job description."


"Alam ko. Pero baka sakaling pagbigyan mo ko ngayon Rowan. I want to taste you." Kagat niya ang pang-ibabang labi. I was about to put my finger on her lips to stop her when someone suddenly pulled her away. "What the hell?!" galit niyang sigaw.


Nakatayo na sa tabi niya ang ex na siyang host ng party. The guy's gritting his teeth while looking at me, nonetheless I'm not affected.


"Pardon me, but let me take back what's mine." Marahan kong hinatak papunta sa tabi ko si Madeline. Balak pa sana siyang agawin ulit ng lalaki pero malakas kong tinabig ang kamay nito. "Don't ever touch her again. She belongs to me." Nakita ko ang panggigigil nito bago umamba ng suntok na napigil ko ng isang kamay lang.


"Stop this Daniel! H'wag kang mag eskandalo sa sarili mong party!" giit ni Madeline. Binawi ng lalaki ang kamao na hawak ko bago naglakad palayo at nawala sa dami ng taong nag-uusyuso. "The scene's over people!" pagtataboy ni Mads sa mga taong nagkunwaring walang nakita.


"Nasaktan ka ba?" Nakita ko ang namumulang parte ng braso niya at agad 'yong dinala sa mga labi ko. Marahan kong dinampian ang balat niya ng halik. "Wala siyang karapatang saktan ka ng ganito." Before letting her hand go I saw Mads bit her lips. I can sense that she's somehow feeling tense. "Umupo muna tayo." Inalalayan ko siya hanggang sa bar. Pagdating ro'n ay humingi agad siya ng matapang na alak sa bartender at inisang lagukan lang ang laman ng baso. "Careful, do you want to get drunk?" tanong ko.


"Apparently it's you I want to get drunk but you're not drinking. Kaya sige, ako na lang. Baka sakaling maisip mong i-take advantage ang isang babaeng lasing," sabi niya pagkatapos lagukin ang pang-anim na baso ng alak.


I looked at her amused. "Baby I will never take advantage of you." Pinahid ko ng sariling daliri ang alak na umagos galing sa kanyang labi bago 'yon dinala sa bibig ko. "Your lips can make any liquor taste sweet."


"Rowan, what if I only made it seem that I want to make Daniel jealous so that I can hire you? So that I can see you again. The first time you worked for me, you already left a very strong impression... so strong para akong ginayuma."


I smiled at her. "Lasing ka na baby, do you want to go home?"


"Lasing nga pero nakakaramdam. Ang galing mo talagang umiwas. It's not Daniel I'm after it's—" Muntik na siyang malaglag sa kinauupuan pero maagap ko siyang nasalo.


Maingat ko siyang binuhat. "Close your eyes. I'll take you home safely."


Bago ako nagsimulang maglakad ay napansin ko ang isang babaeng titig na titig sakin. Mukhang may gusto itong sabihin pero hindi naman ito nagsalita kaya itinuloy ko na ang paghakbang palabas.


It took me thirty minutes to get to Madeline's suite. Bukod sa mansyon kung saan tumutuloy ang mga magulang niya ay nagkalat sa iba't ibang lugar ang mga suite at condo na madalas niyang pamalagian. Tatlong beses na kong nakakarating sa pinagdalhan ko sa kanya kaya pamilyar na ko sa daan. Swiping the card key was a feat while carrying the half awake woman on my arms.


Dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama nang makapasok. Hinawi ko ng palad ang mga hibla ng buhok na tumatabing sa maganda niyang mukha bago ko siya sandaling pinagmasdan. The distance between our faces is so small, I can easily claim her red lips if I want to. Madeline has a very angelic face, a face anyone won't get tired of staring every single day.


Lalayo na sana ako kundi niya lang hinatak ang leeg ko. "C'mon Rowan, are you just going to leave me like this?"


"Aren't I just supposed to leave you like that?"


"Is that a joke? It's not funny."


"Atleast I tried making you laugh," seryoso kong sagot.


"Magkano ka ba ha?" saad niyang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. "Can't I pay you to be mine Rowan?"


"Unfortunately I'm just for rent with arrangements." Sa wakas ay nagawa ko nang alisin ang mga kamay niyang nakapulupot sa leeg ko. "Also, I'm just a teenager."


"What the fuck?!" Napamulagat si Madeline sa narinig. Hindi makapaniwala sa sinabi ko, hindi ko rin naman siya masisisi hindi naman talaga halata na college student lang ako. "Bakit, virgin ka pa ba?"


Hinila ko ang isang upuan at naupo sa harap ng kama. "Am I obliged to answer that?"


"I paid for your time. I'm still your employer," nakadapa niya ng sagot.


"I'm not," simpleng tugon ko.


"Ayun naman pala. Why don't you do it with me?"


"I have terms and you are aware of that."


"No kissing, no intimacy involve whatsoever and most especially no sex!" Lasing pa rin niyang sambit. "Are you gay?"


"So in the end it comes to that?"


"Ano pa bang pwedeng maging ibang dahilan bukod sa lalaki rin ang gusto mo? Or is it that you believe in love and you want to do it with your fated girl?" Tahimik lang akong nakatingin sa kanya kaya siya na rin ang sumagot ng sariling tanong. "Kung gano'n pala, e bakit ganito ang trabaho mo? Bakit ka pretend boyfriend, boyfriend for rent o kung anumang tawag rito. It doesn't make sense!"


"Maraming bagay sa mundo ang wala naman talagang sense pero nangyayari." Irrelevant pero nagaganap. "Matulog ka na Mads."


"What the— So you'll just tell a woman who's willing to give herself to you to go to sleep?" Walang pakialam niyang hinubad ang suot na dress bago padapang isinalampak ang sarili sa malambot na kama.


Naiiling akong tumayo at binuhat siya para ayusin sa pagkakahiga. I placed her head on a pillow and covered her body with a blanket before sitting beside her and leaning my back on the bed's headboard.


Lumapit siya at ipinulupot sa katawan ko ang mga kamay. "I know all of this isn't real but... I can't hate this warmth that you're making me feel... right now." Tuluyan na siyang nakatulog ng hindi bumibitiw.


Saglit kong hinimas ang ulo niya bago inalis ang salamin kong walang grado. The reason why I'm in this kind of work has a little connection to what she said awhile ago. It has to do something with love, a feeling that I'm hoping to feel and find.


Alas singko na ng umaga nang iwan ko si Madeline. Iniwan ko rin ang kalahati ng ibinayad niya dahil ang usapan ay buong anim na oras ang gugugulin namin sa party pero hindi ko 'yon nagawa.


Mabilis akong nakauwi sa apartment ko at naligo. Madalas akong pumasok ng walang tulog kaya hindi na bago sakin ang ganitong sitwasyon. Hanggang tanghali lang naman rin ang klase ko ngayong araw, sigurado akong makakatagal ako.


Pahikab-hikab akong naglakad sa pasilyo hanggang sa marating ko ang classroom para sa unang subject ko. I never would have predicted that this morning will slightly be different from the usual. Nangunot ang noo ko nang maabutan ang isang styro cup na nakapatong sa lamesa ko. Tinanggal ko ang takip at nakita kong umuusok na kape ang laman no'n. Nagpalingon-lingon ako sa paligid at sumilip sa pinto pero wala akong nakitang kahit sino. Nang makabalik sa upuan ko ay at saka ko lang napansin ang isang maliit na papel.


Must have been a long night for you, Rowan.


Humigop ako mula sa cup habang nakatitig lang sa handwriting ng kung sinong nagsulat ng mensahe.

Continue lendo

Você também vai gostar

6.9M 140K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
57.4M 1.6M 115
A writer. A weird stranger. A lot of little conversations. An online understanding. Every night. 23:11.
70K 1.1K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
Twisted Fate by Love De jang

Ficção Adolescente

1.1K 188 23
If a great revelation had been divulge‚ would you let love twist your fate? Disclaimer: This story is written in taglish. Cover design: CeraXinana Co...