My GF Is So Panget (Various F...

By PrinceofBanat

1.8M 11.2K 4.4K

Mukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't... More

Chapter 2: Beleaguered Prince
Chapter 3: Kiss From A Witch
Chapter 4: Weapon of Miss Destruction
Chapter 5: He Who Persists
Chapter 6: In Action
Chapter 7: To Live with a Witch
Chapter 8: Just Us
Chapter 9: Tell Me Where It Hurts
Chapter 10: Newly Found Wall
Chapter 11: Flash Drive
Chapter 12: The Attack of the Flirting Prince
Chapter 13: The Road
Chapter 14: First 143
Chapter 15: Unsuitable
Chapter 16: First Date with Flirt Mate
Chapter 17: Davember
Chapter 18: The Only Exception
Chapter 19: The Battle
Chapter 20: Broken Friendship
Chapter 21: The Best Joke In Town
Chapter 22: My World
Chapter 23: Beauty Over Ordinary
Chapter 24: Relationship Status
Chapter 25: Is There One or None?
Chapter 26: Wake Me Up When September Comes
Chapter 27: Fucking Monthsary
Chapter 28: Ube
Chapter 29: Annoying Call
Chapter 30: Freed from a Fib
Chapter 31: The Decision
Chapter 32: Worst Feeling Ever
Chapter 33: I Love You Versus I Love You Too
Chapter 34: Eclipse
Chapter 35: Fujiwara Effect
Chapter 36: Tears of Joy
Chapter 37: Ube Mooncake
Chapter 38: The Extra Part 1
Chapter 39: The Extra Part 2
Chapter 40: Rainbow
Chapter 41: Compunction of An Ex-Angel
Chapter 42: This Week Is Not Weak To Make Me Miss My Miss
Chapter 43: I Seriously Hate One Lizard
Chapter 44: No More Ube
Chapter 45: One More Lonely Girl
Chapter 46: Lost
Chapter 47: The Longest Word in the World
Chapter 48: Very Weary Christmas
Chapter 49: Silent Lover Here
Chapter 50: A Free Rapunzel
Chapter 51: Doomsday
Chapter 52: Crownless Princess
Chapter 53: Raise the White Flag
Chapter 54: Supernova
Chapter 55: Blood Tension
Chapter 56: Scars of the Stars
Chapter 57: No More Eclipse
Chapter 58: When Fate In Disguise Reveals Reality, It Sucks, Fucks, and Cracks
Chapter 60: Various Ways of Saying I Love You
Epilogue

Prologue and Chapter 1: The Voice

161K 1.1K 299
By PrinceofBanat

Prologue

"Sometimes, you don't fall in love for a beautiful face. Sometimes, you fall for beautiful words, or a beautiful act. Sometimes, you fall for a beautiful sound, or a beautiful scenery. Sometimes, you fall not to a beauty your eyes can see but to a beauty your heart can feel," she said while looking afar. Before, I didn't understand it until I the day had come that I actually felt everything through my core.

Chapter 1: The Voice

David “Dave” Angeles de los Santos

Perfect: this is us according to everybody. Lani and I had been together for more than a year. She's an IT girl. I am a campus heartthrob. She's the princess and I'm the prince charming. Kumbaga sa PBB, kami ang Kimerald; bagay na bagay kung titignan. Nakakakilig kapag minamasdan. But life is indeed ironic. What seems to be perfect doesn't mean to last. Heto kami, nauwi pa rin sa hiwalayan. Isa kami sa mga nagpatotoong wala nga talagang "forever".

Kanina ko pang tinitignan ang pictures naming dalawa. Matagal ko nang iniisip na burahin ang lahat sa paniniwalang mababawasan nito ang pighating dala ng aming mga alaala; subalit hanggang ngayon ay sumasalungat pa rin ang Patron ng mga Umaasa sa iniisip ko, kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuhang burahin ang mga ito.

Matapos naman ang ilang minutong pagtitig sa mga old pictures namin ay naisipan kong mag-CR. Ngunit sa di-inaasahang pagkakataon, ilang metro mula sa harap ko'y natanaw ko ang babaeng dahilan ng mabigat na loob ko--ang ex ko na si Lani kasama ang mga kaibigan niya.

Kalma.

I don't know how exactly playful fate is. But regardless, I'm not interested to play with her. Ang lakas makaloko ng tadhana. Nakakapikon. Kanina lang, si Lani ang laman ng utak ko. Tapos ngayon, nandiyan na siya, papalapit nang papalapit.

Naisipan kong umiwas sa kanya--lumiko o bumalik na lang--pero agad ko ring naisip na maaari akong magmukhang talunan kapag ako ang umiwas kaya nagpatuloy lang ako. Isa pa, malapit na ako sa CR--hindi na kakayanin ng pantog ko ang mag-inarte pa.

Binilisan ko pa ang lakad ko nang matapos agad ang awkward salubungan namin ng ex ko. One, tuloy ang lakad. Two, tumingin sa malayo. Three, gamitin ang mobile phone. Four, makipag-usap sa kasama. Ilan lang ang mga ito sa mga pasimpleng paraan para iwasang pansinin ang taong makakasalubong mo na kakilala mo pero ayaw mo. I use the first three ways. I walk fast, look straight ahead, then use my mobile. She use the fourth way. "Ganun nga talaga," is what I heard from her at the point of our intersection.

There are four awkward stages when you cross a path with your ex. Awkward Stage I is when you saw her from a distance; this is the Oh-my-God! point kung saan mapapatigil ka at mapapaisip kung babalik ka o lilihis ka ng daan. Awkward Stage II is when you're walking either away from her or towards her; this is the I-am-surviving walk kung kailan ka matapang na nakikipaglaban sa loob-loob mo laban sa isang batalyong sundalo ng salitang--awkward.

Awkward Stage III is the most powerful yet worst point; this is the Ugh! stage kung kailan muli kayong nagsalo sa iisang lugar at iisang oras. Ito 'yung pagkakataong iisa ang hanging nilalanghap niyo. Ito 'yung panahong pwede kayong maghawakan muli ng kamay. Subalit ang anumang pwedeng magandang gawin ay hindi niyo nagawa dahil sa nakakabinging sigaw ng bawat puso niyong, "Mag-ex na lang tayo."

Finally, the Awkward Stage IV where you felt relief kasi tapos na. Nasa likod niyo na ang isa't isa. Papunta na kayo sa kaniya-kaniyang patutunguhan. Ngunit natapos man ang pangyayari, hindi pa rin kayo nagkaroon ng assurance na tapos na pati ang nararamdaman niyong awkwardness sa katawan kasi makulit ang utak. Pilit nitong aaalalahanin ang lahat ng nangyari.

Naghuhugas na ako ng kamay nang ma-realize kong nakaihi na ako't lahat, iniisip ko pa rin siya. "Ganun nga talaga," aniya sa kaibigan niya nang magkasalubong kami kanina. Sinadya niya bang sabihin iyon? Baka pinariringgan niya ako? Anong gusto niyang iparating? Na ganun nga talaga--'yung dating kahawak-kamay mo habang naglalakad, ta's ipinagbubuhat mo pa ng bag, maaaring makasalubong mo ngayon na parang hindi mo na kakilala? Nakakasura na siya.

♫ Ang pangarap ko’y nagmula sa’yo /
Sa’yong ganda ang puso’y ‘di makalimot ♪ ♫”

Napatigil ako paglabas ko ng CR nang marinig ko ang boses ng babaeng kumakanta.

♫ Tuwing kapiling ka /
Tanging nadarama /
Ang pagsilip ng
bituin sa'yong mga mata ♪ ♫”

Hinanap ko kung saan nagmumula ang tinig. Tumingin ako sa buong paligid ngunit wala akong nakitang tao. Nakaramdam ako ng takot nang maalala ko ang ilang horror stories ng mga classmates ko tungkol dito sa bandang CR. Lalo akong kinabahan ng pumasok sa isip ko ang kwento ni Perez nang mag-CR siya dito last week. Sabi niya, may nakita raw siyang nilalang dito na hindi mukhang tao. Engkanto ang hinala nila. Hindi kaya naeengkanto ako? Ngunit hindi ko napigilan ang pagkahumaling ko sa boses ng babae. Pakiramdam ko nawawala ako nang unti-unti sa tunay na mundo.

Malumanay ng tinig niya--nakakabighani. Ngunit nahinto ito bigla kasabay ng paglabas ng isang babae mula sa washroom nila. Namukhaan ko ang babae. Tingin ko classmate ko siya, pero hindi ko alam ang pangalan niya. Napatingin ako sa kanya habang siya naman ay halatang nagulat. Sanay na naman ako sa mga ganyang reaksyon ng babae kapag tinitignan ko. Okay! Mayabang na kung mayabang, pero aware ako na marami ang nagkakagusto sa akin.

“Ikaw ‘yung kumakanta?” maangas kong tanong sa kaklase ko.

“Ha? Aahh...oo,” pautal-utal niyang sagot.

Napanatag ako nang umamin siya. Akala ko kasi pati mga engkanto naakit na sa akin. In fairness naman kasi talaga, ang hanep ng boses niya. She sounds like an angel—but she surely doesn't look like one.

Tumango na lang ako sa kanya bilang tugon, tumalikod, at lumakad palayo para bumalik sa classroom namin.

Habang naglalakad naman ako pabalik sa classroom ay may grupo ng kababaihang tumawag sa akin.

"Hi, Daaave!" sigaw nila mula sa likod ko. Kadalasan lumilingon ako at kumakaway din sa kanila. Lahat ng pumapansin sa akin ay pinapansin ko rin pabalik. I like that feeling. Pero ngayon, iba na. Hindi ako lumingon. Nagbingi-bingihan ako sa kanila. Wala rin akong nginitian sa mga babaeng nakasalubong ko. Lahat ay dahil kay Lani.

Naghiwalay kami ni Lani dahil sa pagiging selosa niya. Sabi niya naman sa iba, naghiwalay kami dahil sa pagiging unfaithful ko. She's accusing me of being a playboy. Ganyan naman silang mga babae. Sila ang palaging inaapi, niloloko, pinapabayaan, at sinasaktan. Babae ang kawawa, lalake ang may sala. Sila kasi ang emosyonal. Sila rin ang madadaldal. Kaya ang lumalabas, sila ang palaging bida sa pagmamahal.

Alam ko sa sarili kong hindi ako naging unfaithful. Yeah, I talk to other girls. Of course! But not because I'm flirting or what. I'm just being friendly. I don't wanna be a snob, anyway.

Marami na akong narinig na may bago na siyang dine-date. Sinubukan kong muling mag-reach out sa kanya after one week nang magkahiwalay kami, pero wala—FAILED! Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. In-unfriend niya pa ako sa Facebook, at in-unfollow sa Tumblr at Twitter. Pakiramdam ko tuloy daig ko pa ang may ketong kung layuan niya ako. Mabuti na lang gwapo pa rin ako. Nag-exert ako ng effort for reconciliation, pero napagod din ako sa pambabalewala niya, kaya nagsimula na rin akong mag-move on.

Bad mood na ako pagbalik ko ng classroom dahil kay Lani. Okay. I admit, hindi pa ako nakakapag-move on. Hindi madali.

Pagkaupo ko sa upuan ko ay muli ko na namang narinig ang tinig ng kaklase ko.

♫ Constantly /

You’re on my mind /

Thinking 'bout you all the time ♪

Shit the song! Yes, Lani's contantly on my mind, so eff the one who's singing right now for reminding me. But eff! Her voice! Ugh! Napaka-angelic.

Lumingon ako sa likod kung saan ko narinig ang boses. So much like a BA in The Voice where a coach will turn if they like the one singing. But when I've  finally turned around, I immediately felt turning back again. Nakita ko na naman ang kaklase ko kaninang kumakanta sa loob ng washroom. Nakatingin siya sa akin. Ako ba ang kinakantahan niya? Ang awkward. Nakangiti siya sa akin habang kumakanta. Ano bang plano niya: Mag-concert sa buong Sacred Heart University? At ano, ako ang nasa VIP seat? Oo nga, approve sa akin ang tinig niya pero… Ugh! Hindi siya maganda. Napakunot-noo tuloy ako at umiwas na lang ng tingin. Haist! Baka mag-asume pa ‘tong panget na ‘to na type ko siya—mahirap na!

***

Lunch break na, and as usual, ang mga kaibigan kong sina Daniel at Dondon lang ang kasama ko. One-for-all, all-for-one ang barkada naming tatlo. Tinatawag kami ng iba na 3D dahil pare-pareho kaming nagsisimula ang pangalan sa “D”, pero hindi namin ‘yun gusto—ang baduy kasi. Anong feeling nila sa amin? F4? Tss! Laos na ‘yun! T’saka hindi kami basagulero o siga sa school. Mga gwapo, oo.

Habang kumakain ako, may napansin akong tao sa harap ko na nakatitig lang. Sanay na ako nang tinititigan ako, pero dalawang oras lang ang ayaw na ayaw kong may tumititig sa akin: una, kapag nag-e-exam ako; at pangalawa, kapag kumakain ako. Dahil sa inis ko, naisip kong kunin ang atensyon ng classmate kong ‘to--kahit alam kong nasa akin na ang atensyon niya kanina pa.

“Hoy! Ikaw!” maangas kong pagtawag.

Nagulat na naman siya. “Huh? A-ako? B-baket?”

“Kumakain kasi ako, pwedeng ‘wag mo akong tinititigan?” reklamo ko.

Hindi siya agad sumagot. Ano ‘to? Nag-iisip siya ng isasagot o natameme na siya sa akin? Ayokong ma-offend siya pero ayoko lang talagang may tumitingin sa akin habang kumakain.

Agad siyang tumayo at sinabing, “A-aah... Ba’t alam mong nakatitig ako? Tinitignan mo din ako, ‘no?” sabay kuha ng bag niya, tapos walk-out.

Na-shock kaming tatlo, at bigla na lang nag-burst out ang tawanan sa canteen. Maraming nakarinig dahil sa lakas ng pagkasabi niya. And then na-notice ko na lang na pati sina Dan at Don ay kiliting-kiliti na rin sa kakatawa. Ako lang ang hindi tumatawa, at may isa pa—apat na lamesa mula sa kanan ko ay nakita ko na naman si Lani. Hindi rin siya tumatawa.

Napahiya ako dahil sa kaklase kong ‘yun. Kung anu-anong mapang-asar na komento ang naririnig ko sa paligid ko. Pero ang totoo, kay Lani ako pinakanapahiya.

“Wow! The heartthrob meets the witch!” Hinanap ko kung sino ang nagsabi nun pero hindi ko nakita—boses ng lalake.

“Ang ganda naman ng kapalit ni Lani!” boses ng babae. Hindi ko na iyon pinansin. Itinuloy ko na lang ang pagkain ko.

Babawian ko din ‘yang panget na ‘yan--sabi ko sa isip ko. 

Hindi na ako nakapagpigil kaya natanong ko na ang mga kaibigan ko ng, “Sino ba ‘yun? Classmate natin siya, ‘di ba? Anong pangalan nun?”

“Maria, 'tol! Transferee. Sabi nila galing daw Siquijor, kaya bulung-bulungan na aswang daw. Sabi naman ng iba, mangkukulam. Ha ha ha” ani Don-Don sabay tawa.

“Halata naman sa hitsura, e,”  dagdag pa ni Daniel.

“Hmp. Para namang natatakot ako, e, 'no?!” mayabang kong sagot sa kanila. “Basta! Makakabawi din ako sa kanya. Ang lakas ng loob niyang sagutin ako, bago pa lang naman pala siya dito.”

"She is sooo weird," komento pa ni Don.

Pagkabalik namin sa classroom after lunch ay nakita ko na naman si Maria. Kumakanta na naman siya habang nakatitig sa akin. She is effin' weird. Anong ginagawa niya? Inaakit niya ba ako? Wow, ha! As if effective. Kung umasta siya, akala niya kaakit-akit talaga siya. Well, ‘yung boses niya, oo, pero siya? Sana naging boses na lang siya.

“Maria! Maria, right?” mapanghamon kong tanong sa kanya.

“Hmm?” nakangiti niya namang response.

“Yabang mo kanina, ah. Alam mo bang napagtawanan ako kanina sa canteen? Ang lakas ng boses mo nang sabihin mong nakatitig din ako sa’yo. Para malaman mo, napansin ko lang na nakatitig ka sa akin, hindi kita tintitigan!” naiinis kong binanggit at idinagdag ko pa nang pabulong ang salitang, “Assuming.”

“S-sorry,” maamo niyang sagot.

Biglang nawala ang angas ko nang makita ang reaksyon niyang papaiyak. Para siyang napagsarhan ng suking tindahan. Pakiramdam ko tuloy ang sama-sama ko. Actually, isa din naman akong ‘assuming’, e. Nag-a-assume ako na may gusto sa akin ‘tong panget na ‘to, pero anong magagawa ko, e, halatang-halata naman kasi, kaya para pambalubag-loob ko sa kanya, sinabi kong, “Sige na... Okay na. Ayoko kasing pinagmamasdan ako kapag kumakain.” At bigla naman siyang ngumiti at muling kumanta ng kinakanta niya kanina. Whoa! What is she? Ang bilis ng switch ng emotions niya. Kanina, nang singhalan ko siya, mukha siyang pinagsarhan ng suking tindahan, ngayon naman na agad kong in-accept ang apology niya, mukha na siyang nabigyan ng VIP pass sa sale-today mall! Ang weird, weird niya! Siquijor? Witch? Tapos the way pa kung paano niya ako kantahan--tss! Parang gusto ko nang maniwala sa sinasabi ng iba tungkol sa kanya.

***

Blangko na naman ang utak ko habang nagle-lecture ang teacher namin. Pero hindi si Lani ang iniisip ko, kundi itong wirdong si Maria. Hindi. Actually, ako mismo. Napansin ko lang na nagiging masyado na akong suplado at mainitin ang ulo nitong mga nakalipas na araw. Sabi pa nga ni Dan, “Kung kailan naman kayo naging break ni Lani, saka ka naman ngayon naging suplado sa girls.”

Mukhang tama si Dan, napansin ko din ‘yun sa sarili ko. Hindi ko na nire-reply-an ang mga nagtete-text na babae sa akin. Hindi na ako palangiti sa kanila. Isang example pa ‘tong si Maria na nasinghalan ko pa kanina. Nang makita ko ang sad face niya na ‘yun, agad akong na-guilty, kasi alam kong ako ang dahilan. Kaya ang pagbabanta ko na babawian siya, kakalimutan ko na lang. Kung sa bagay, sapat na ‘yung ginawa ko kanina. Ayoko naman na mang-away ng babae. Siguro kapag nakapag-move on na ako completely, babalik din ‘yung friendly side ko. Tutal naman wala na kami ni Lani, useless na kung magagalit pa ako sa mundo.

Maggie

Kapag hindi siya nakatingin, nagnanakaw ako ng pagkakataon, matignan lang siya. Kapag kumokopya kami sa blackboard, pasimple akong lumilingon sa kanya. Kapag naglalaro siya ng basketball, pumupwesto ako sa malayo para mapanuod siya. Kapag uwian na, nagmamadali akong sundan siya matignan lang pati likuran niya. Araw-araw, from Monday to Friday, siya lang ang napapansin ko.

Ikaw 'yung kumakanta?

Hoy! Ikaw! Pwede huwag mo akong tinitignan? Kumakain kasi ako.

Yabang mo, ah.

Sige na. Okay na.

Paikot-ikot sa utak ko ang lahat ng sinabi niya sa'kin kanina, pati na ang mukha niya sa isip ko. Napakagwapo niya talaga. At dahil dun, gusto kong isigaw nang mas malakas pa sa 'I'm the king of the world!' ang nararamdaman ko ngayon: NAPANSIN NA AKO NG CRUSH KO!!!

Continue Reading

You'll Also Like

47K 641 33
Naniniwala ka ba sa UNCONDITIONAL LOVE? How about sa FOREVER? Paano kung ang akala mong man of your dreams ang magbibigay sayo ng inaasam mong happi...
2.5K 318 152
every lies theres a hidding truth
2.2K 201 15
She is Divina Grace, isa na namang istorya ng NBSB na nangarap mapansin at mahanap ang true love. Sa tulong ng kaibigang si Rowie, magtagumpay kaya...
31.9K 1.4K 52
Parker Cornejo is AZ Villareal's ultimate crush. But unfortunately, kahit ano atang gawin niyang pagpapa-cute dito ay immune ito sa charms niya. And...