Angel in Disguise

By alyloony

41.5M 828K 152K

Once upon a time, I am the biggest jerk in the world, until I met this crazy little angel, and everything tur... More

Angel in Disguise (Prologue ~ teaser)
Chapter 1 *First meeting*
Chapter 2 *Kiss*
Chapter 3 *Suspicion*
Chapter 4 *Voice of an angel*
Chapter 5 *Mr. Spy*
Chapter 6 *blackmailing snatcher*
Chapter 7 *Her smile*
Chapter 8 *tears*
Chapter 9 *Painful past*
Chapter 10 *I miss you*
Chapter 11 *Mr. Seduction*
Chapter 12 *The Manager*
Chapter 13 *flashback*
Chapter 14 *Mr. Stalker*
Chapter 15 *Blessing *
Chapter 16 *Mommy and Daddy*
Chapter 17 *Stolen*
Chapter 18 *unexpected news*
Chapter 20 *let go*
Chapter 21 *Best friend*
Chapter 22 *Subic*
Chapter 23 *unrecognized feelings*
Chapter 24 *first move*
Chapter 25 *second*
Chapter 26 *The Goddess' Pain*
Chapter 27 *One sided*
Chapter 28 Mind vs. heart
Chapter 29 *comfort*
Chapter 30 *Request*
Chapter 31 *trapped*
Chapter 32 *hug*
Chapter 33 *burst of emotions*
Chapter 34 *I love you*
Chapter 35 *another revelation*
Chapter 36 * Tight Hug*
Chapter 37 *sandalan*
Chapter 38 *Enchanted*
Chapter 39 *Sayonara*
Chapter 40 *questions*
Chapter 41 *beach disaster*
Chapter 42 *Venus' Plan*
Chapter 43 *Dionne's Choice*
Chapter 44 *Flight for freedom*
Chapter 45
Chapter 46 *One and only*
Chapter 47
Chapter 48 (06/09/14)
Chapter 49 (08-15-14)
Chapter 50 (08/29/14)
Chapter 51 (09/10/14)
Chapter 52 (09/11/14)
Chapter 53 (09/25/14)
Chapter 54 (10/06/14)
Chapter 55 (10/12/14)
Chapter 56 (10/19/14)
Chapter 57 (10/20/14)
Chapter 58 (10/21/14)
Chapter 59 (10/24/14)
Epilogue (10/24/14)

Chapter 19 *The Wake*

662K 13.3K 2.1K
By alyloony

Chapter 19

*The Wake*

[Dionne’s POV]

“J-japoy, pasok na tayo sa loob?” tinignan ko si Japoy habang nakatingin siya doon sa bahay nila Maya kung saan nakalamay yung bata. Kanina pa kami dito sa labas ng bahay nila. Nasa loob lang kami ng kotse habang tinitignan namin mula sa malayo yung bahay nila Maya.

I sighed.

Nung sinabi ko kagabi kay Japoy na wala na si Maya, hindi siya umiyak nun pero ramdam na ramdam ko ang lungkot niya. Ni hindi na niya nakuhang kumain nun at dumiretso na kami sa bahay. Walang nagsasalita saamin ng mga panahon na yun. Pareho kaming tahimik at walang imik. Nung umaga naman, ipina-cancel niya lahat ng appointment niya. Nakaaway pa nga niya yung director ng movie nila pati narin yung iba pa na mga icinancel niyang mga guestings and interview. Buti na lang at kinausap sila ni Ms. Rhian, yung manager ni Japoy.

Tinignan ko ulit si Japoy na nakatitig sa bahay nila Maya. Huminga ako ng malalim and I tried my best para bigyan ng isang ngiti si Japoy.

“Japoy, pasok na tayo sa loob. D-diba tumawag si Maya? Sabi niya g-gusto n-niya tayong makita” huminga ulit ako ng malalim just to restrain myself from crying “i-iniintay na tayo ng baby natin. Tara na?”

Nilingon ako ni Japoy then he gave me a sad smile tapos tumango siya. Bumaba na kami ng kotse at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay nila Maya. Agad naman kaming sinalubong ng lola nito.

“Lola, condolence po” salubong kong sabi sa kanya

Nginitian niya lang ako at niyakap ng mahigpit. Humiwalay siya sa pagkakayakap saakin at tinignan kaming dalawa ni Japoy

“kanina pa niya kayo hinihintay” sabi ni Lola saamin tapos sinamahan niya kami palapit kay Maya. Sinilip ko siya sa coffin niya at halos maiyak ako ng makita ko ang napaka peaceful na mukha nung bata. Nilagyan na siya ng wig at suot suot niya yung clip na bigay ni Japoy. Yakap yakap naman niya yung picture naming tatlo habang may nakapulupot na rosary sa kamay niya.

“alam niyo ba sobrang tuwang tuwa si Maya nung iginala niyo siya? Hindi ko pa nakitang ganung kasigla yung bata simula ng magkasakit siya” sabi ni Lola saamin “talagang tuwang tuwa siya sa inyo. Last year pa sinabi saakin ng doctor na wala ng pagasa yung bata, kaya naman lahat na ng hilingin ng apo ko ay ibinibigay ko sa kanya. Mabait na bata si Maya at wala siya masyadong hiniling na material na bagay. Pero kayo, napasaya niyo ng husto ang apo ko, kaya salamat ng madaming madami sa inyo. Lalo na sayo Jake. Alam ko na busy ka dahil isa kang artista pero sobrang saya ko dahil napagbigyan mo ang apo ko. Salamat talaga. Alam mo ba na bago bawian si Maya ng buhay ang saya saya niya dahil nakausap ka niya sa telepono at hawak hawak pa niya yung litrato mo? kaya laking pasasalamat ko talaga sayo na kahit sa maikling panahon lang ay napasaya mo ang apo ko”

Tinignan ko si Japoy at nakita kong nakatitig lang siya kay Maya habang nagsasalita si lola. Nilingon ko ulit si lola at binigyan ko siya ng isang ngiti “Lola masaya din po kami na nakasama namin si Maya. Hindi po siya mahirap mahalin kaya naman napalapit na po kami sa bata”

Hinawakan niya yung kamay ko “salamat Dionne. Teka muna at kukuha lang ako ng makakain niyo” tinalikuran niya kami at dumiretso sa kusina.

Nakita ko namang tumalikod din si Japoy sa kabaong ni Maya at naupo sa isa sa mga upuan doon. Tumabi ako sa kanya.

“J-japoy.. o-ok ka lang ba?” pag aalalang tanong ko dito.

Hindi niya ako sinagot at nakatitig lang siya doon sa malaking litrato ni Maya na nakapatong doon sa kabaong.

Huminga ako ng malalim.

Alam ko nasasaktan si Japoy ngayon kahit hindi siya nagsasalita o nagpapakita ng emosyon. Alam ko dahil ramdam na ramdam ko ang lungkot. Pero sa totoo lang, sa ngayon, hindi ko din alam ang sasabihin ko sa kanya. Oo ilang mga mahal ko na sa buhay ang nakita kong mawala, pero si Japoy, hindi ko alam kung naranasan niya na ang sakit na ito dati. Ang sakit na sa una, halos nakakabaliw.

“I-I prayed to God…”

Napalingon ako kay Japoy at nagulat ako ng makita kong nanginginig siya

 

“Dionne… I prayed to God and told Him to save Maya… b-but why? Bakit hindi niya pinakinggan? Bakit ganito ang nangyari sa bata?”

 

Hinawakan ko ang kamay ni Japoy “He listened to your prayer Japoy. Tinupad niya ang gusto mo but not the way you expected it to be…”

“but Maya’s so young! Madami pa siyang pwedeng magawa! Bakit kailangan ang aga niya mawala? Tell me Dionne! Bakit! N-nung tumawag yung bata saakin, kung alam ko lang na huling beses na namin maguusap nun edi sana iniwan ko ang trabaho ko at dumiretso ako sa ospital para kahit sa huling sandal nakita ko manlang siya ngumit. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko manlang nagawang pagbigyan ang huling hiling nung bata. Bakit pa kasi sa dinami-dami ng magkakasakit, bakit si Maya pa? Bakit hindi na lang ako? Masama akong tao at walang ibang pumasok sa isip ko kundi puro pera at kasikatan. Bakit ako binigyan ng malakas na pangangatawan ng Dyos? Bakit si Maya hindi?”

“J-japoy..”

“Dionne, bakit…” huminga ng malalim si Japoy at nagulat na lang ako ng may makita akong luha na tumulo galing sa mata niya “…bakit ako napalapit sa isang taong hindi ko pa nakakasama ng matagal? Bakit ko iniiyakan ang isang batang sandal ko pa lang nakakasama? Pakiramdam ko ngayon para akong namatayan ng sariling anak eh…” nagtakip ng mukha si Japoy at nakita ko ang panginginig niya. Alam kong tuloy tuloy na ang pagiyak niya ngayon.

Si Japoy na palasigaw, masungit, maarte at matapang, ito ang unang beses kong makita siyang umiyak ng ganito. And I don’t know why, but it totally breaks my heart.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at napayakap ako sa kanya ng mahigpit habang tumutulo din ang sarili kong mga luha.

“S-syempre masakit Japoy, b-baby natin si Maya remember? N-nasasaktan din ako sa nangyari. Sobra. Pero a-alam mo ba iniisip ko na lang n-na atleast ngayon kasama na ni Maya si God, at least ngayon hindi na nahihirapan ang baby natin. S-sigurado ako, nasa heaven na siya ngayon, masaya siyang naglalaro t-tapos meron siyang isang mahaba at itim na itim na buhok na napaka ganda. Japoy, are baby is now free of pain”  bigla na lang akong napahagulgol ng iyak “let’s be happy. Hindi na nahihirapan si Maya ngayon”

Naramdaman ko na humigpit ang yakap saakin ni Japoy. For a while, hinayaan naming umiyak sa braso ng isa’t isa. Alam ko na pareho ang sakit na nararamdaman namin ngayon at kailangan namin ang comfort ng isa’t isa. Habang yakap yakap ako ni Japoy at umiiyak sa braso niya, kahit papaano ay gumagaan na ang loob ko.

Sana ganun din siya. Sana in some ways nakatulong ako para pagaanin ang loob niya.

Ilang araw din kaming tumulong ni Japoy sa pagaasikaso ng lamay ni Maya. Isang Linggo kasi ang lamay at ngayon, halos apat na araw na kami wala masyadong tulog at pahinga ni Japoy. Bukod kasi sa pagtulong sa lamay, pumupunta rin kami sa iba pa niyang appointment at sumasaglit din kami sa mga taping. Buti na lang at napakiusapan ng maayos ni Manager Rhian ang mga director at kung anu-ano pa sa mga na-cancel na schedule ni Japoy.

Tumingin ako sa orasan. It’s past midnight. Nilingon ko si Japoy “Japoy, saan na tayo pupunta?” tanong ko dito

“uuwi na muna tayo para makatulog saglit”

 

“pero hindi ka pa nakakapag dinner. Alam ko meron ditong 24 hours open na fast food, gusto mong dumaan muna?”

Tinignan niya ako “di ba nakakain ka na kanina? Gusto mo pa ba ulit?”

“no not me. I mean ikaw. Hindi ka pa kumakain”

 

“ok lang ako”

 

“hindi! Kailangan mo kumain! Mamaya ikaw pa magkasakit eh” pagpupumilit ko sa kanya.

Sa ilang araw na pagod namin, sa pagkain na lang talaga kami kumukuha ng lakas. Kahit papaano naman ay nakakakain ako ng tama kada may shooting si Japoy pero siya halos hindi narin siya kumakain kaya naman nagaalala na ko sa kanya. Mamaya siya naman ang magkasakit dahil sa ginagawa niya.

“Japoy please?”

Nginitian ako ni Japoy “Dionne… s-salamat..”

 

“b-bakit?”

“wala.. sige punta na tayo sa kainan..”

Dumiretso kami ni Japoy sa MCDO na may drive thru then after maka-order umuwi na kami. Pagkadating sa unit, inintay ko lang na matapos siya sa pagkain pagkatapos nun ay natulog narin ako.

Sumalampak ako sa kama. Ramdam na ramdam ko rin ang sakit ng katawan ko dahil sa pagod at inaatake ako ng sakit sa ulo. God sana po wag ako magkasakit. May tatlong araw pang natitira para kay Maya. Kailangan naming tulungan ang Lola niya.

Napapikit ako at tuluyan ng nakatulog.

“Hey! Wake up!! wake up!!!”

 

Nagising ako ng maramdaman kong may yumuyugyog saakin. Napadilat ako para tignan kung sino ito.

“M-ma’am Venus?”

May ibinato siyang damit sa akin “plantsahin mo to. I need to wear this early tomorrow”

Kinusot kusot ko yung mata ko at napatingin sa orasan. It’s 2 in the mind night. Kinuha yung damit niya “opo ma’am. Ok lang po ba kung gumising na lang po ako ng maaga?”

“NO! iron it now! Binabayaran ka ng tama dito kaya gawin mo ng tama ang trabaho mo!!” lumabas na siya sa kwarto ko

Bumangon ako at kinuha ko yung damit ni Ma’am Venus. Inayos ko yung plantsa at sinimulan ko na ang pagpaplansta.

Napahawak ako sa noo ko. Hay inaantok na talaga ako. Nakakagulat din na umuwi dito ngayon si Ma’am Venus at sa hindi pa napakagandang pagkakataon.

Napasampal ako sa magkabilang pisngi ko. Ano ba Dionne, wag mo nga isipin yan. Amo mo si Ma’am Venus at kailangan mong sundin ang utos niya.

Ipinagpatuloy ko ang pagpa-plantsa ng damit niya kaya lang sa sobrang antok ko ay napapapikit pikit na talaga ako. Idagdag mo pa na sobrang sakit ng katawan ko.

“WHAT THE F--!!! HEY!!”

 

Bigla akong napadilat ng marinig ko ang sigaw ni Ma’am Venus at doon ko lang napansin na nasusunog ko na ang damit niya at nagkaroon na ng isang malaking hole dito.

“ANONG GINAWA MO?!”

 


“So-sorry po ma’am! Hindi ko sinasadya! Hindi ko po talaga sinasadya! Ibawas niyo na lang po sa sweldo ko!”

 

“Sh1t! kahit pang isang taong sweldo mo hindi mo mababayaran to!!! Don’t you know how much it costs?! Mahal pa to sa buhay mo!! ikaw nakakainis ka!!!” lumapit saakin si Ma’am Venus at sinabunutan ako “hindi ko pa nasusuot ang damit na yan sinira mo na agad?!”

 

“ma’am s-sorry po! Hindi ko talaga sinasadya! Tama na po nasasaktan ako!!”

“anong sorry sorry?!?!” hinila niya ang buhok ko “eh kung mukha mo kaya sirain ko ha?!”

 


“Ma’am tama na! nasasaktan ako!”

“VENUS!!”

Natahimik kami pareho ng marinig namin ang sigaw ni Japoy.

“J-jake—“

“LET GO OF HER!!”

Lumapit si Japoy saamin at hinila palayo saakin si Ma’am Venus atsaka niya hinawakan ang magkabilang braso nito ng sobrang higpit

“ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?!?! bakit mo siya sinasaktan?!?!”

 

“sinira niya ang damit ko!!”

 

“bakit sa kanya mo pinapaplantsa ha?!?!”

 

“at bakit hindi?! Chimay siya dito di ba?!?! Trabaho niya ang pagsilbihan tayo!!”

“Listen Venus” tinignan ng masa ni Japoy si Venus that even me, sobrang natakot doon sa tingin niya “Dionne is my maid. Ako lang ang may karapatan na magpahirap at mang api diyan. Don’t lay even a single finger on her or else ako ang makakaharap mo” kinaladkad ni Japoy si Ma’am Venus papunta sa may pintuan ng unit niya

“teka Jake anong pinaplano mo ha?!”

 

“obvious ba?! Pinapalayas na kita sa unit ko!”

 

“b-but--!!!”

 

Tinulak ni Japoy si Venus ng malakas palabas ng unit niya at bago pa makapag react to, sinaraduhan niya na ito ng pinto.

Tinignan ako ni Japoy at lumapit siya saakin

“Are you alright?”

I slightly nod pero bigla na lang akong nahilo at nagdilim ang paningin ko.

“Dionne?! Dionne!!”

Ang huling narinig ko ay ang boses ni Japoy

At tuluyan na akong nawalan ng malay.

***

A/N salamat po ng madami sa pag aantay ng update! Anyways I dunno if I was able to ive justice to this chapter especially doon sa first part pero sana in some ways ay natouch kayo. Believe me, this is the very first chapter na talagang umiiyak ako habang nag ta-type. As in ang saya-saya ko pero habang tinatype ko yung part nung kay Maya, iyak ako ng iyak na parang ewan. Pag author ka talagang magiging bipolar ka T____T

Anyways thank you very much to those who patiently wait. And for those people who said rude things to me just because they cannot wait for the update... Godbless you na lang po.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 76.2K 164
Sml? An epistolary.
1.8M 30K 14
Collection of my one-shot stories written from 2011-2016. Book cover by Taryn [@soundthealarm]
37.4M 1M 70
Teen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand...
76.5K 92 1
Abigail Valerio doesn't have a lot of friends. She figured its because her classmates thinks she is childish and immature. Abi is used to being the c...