Clueless (Candy Stories #3) (...

由 TheCatWhoDoesntMeow

1.7M 78.6K 33.5K

No plot twists or whirlwind romance like in the books. Such is the fate of a side character like Mimi, who ne... 更多

Copyright
Teaser
Hello! This story is under Wattpad Originals.
Chapter 01: Always is Easy
Chapter 01: Always is Easy (part 2)
Chapter 02: Something to Look Forward to
Chapter 02: Something to Look Forward to (part 2)
Chapter 03: Love is Exclusive
Chapter 04: Eyes on Me (part 2)
Chapter 05: Stealthily
Chapter 05: Stealthily (part 2)
Chapter 06: Who caught your eyes?
Chapter 06: Who caught your eyes? part 2
Chapter 07: Who are you thinking of?
Chapter 07: Who are you thinking of? part 2
Chapter 08: Some expectations
Chapter 08: Some expectations part 2
Chapter 09: Undertones
Chapter 10: Guesses
Chapter 10: Guesses part 2
Chapter 11: Slipping away
Chapter 11: Slipping away part 2
Chapter 12: Wrong Confession
Chapter 12: Wrong Confession part 2
Chapter 13: My heart is for...
Chapter 13: My heart is for... (part 2)
Chapter 14: Deep Waters
Chapter 14: Deep waters (part 2)
Chapter 15: Mutual
Chapter 15: Mutual (part 2)
Chapter 16: Rendezvous
Chapter 17: Beautiful sunsets
Chapter 17: Beautiful sunsets part 2
Chapter 18: Wishes
Chapter 19: Clueless
Epilogue
Cont... part 2
Cont... part 3
Cont... part 4
Cont... part 5
Cont... part 6
Cont... part 7

Chapter 04: Eyes on Me

40.6K 2.1K 1.1K
由 TheCatWhoDoesntMeow


"Eat properly, Amethyst."

Tagusan ang tingin ko kay Warren bago nagbuga ng hangin. Masikip ang tiyan ko sa tensyon. Walang appeal ang umuusok na kanin at masarsang ulam sa harapan namin.

"Eh kasi eh..." simula ko at ngumuso, "wala pa si Gwen. 'Di makontak nina Libby mula pa kaninang umaga."

May ilang oras na lang bago ang live broadcast namin. Pagkatapos lang ng tanghalian, may dry run kami. Wala pa ang anchor.

Hindi pumasok si Gwen sa mga morning classes namin. Hindi rin makontak. Wala tuloy kaming malay kung darating pa ba siya o kung kailangan naming magbago ng plano para sa live. Nakasalalay pa naman ang final grade namin sa performance.

"Hindi naman makakatulong sa broadcast kung hindi ka kakain," Warren reasoned out.

"Alam ko naman 'yon... kinakabahan lang talaga ako."

"Eat just enough to keep you going the whole day. You need energy."

Sumubo ako kahit hirap akong lumasa. Mabagal akong ngumuya at mas mabagal na lumunok. Nang tumunog ang cell phone ko at lumitaw sa screen ang pangalan ni Libby, mabilis pa sa kidlat kong sinagot 'yon.

"Nakontak mo na si Gwen?" tanong ko kaagad.

"I still couldn't reach her. At kahit na makontak ko siya ngayon, hindi na siya aabot sa dry run. Tapos na ba kayong kumain?"

Napatungo ako sa namumuting kanin sa tray ko at sa apaw pang ulam sa platito.

"Ano'ng gagawin natin?" tanong ko.

"Kailangan nating baguhin ang set-up," sabi nito.

Napatango ako habang nakatingin si Warren. I checked his plate. Mabuti na lang at matatapos na siyang kumain.

"Kung tapos na kayong mag-lunch, head over to the studio," sabi ni Libby. "Let's discuss."

"Sige, Libby. Papunta na kami."

"What happened? 'Di pa rin makontak si Gwen?" tanong ni Warren pagkababa ko ng cell phone ko.

"Oo, eh. Sabi ni Libby, pumunta tayo sa studio kung tapos na tayong mag-lunch. May pag-uusapan daw na panibagong plano."

Bumaba ang mata ni Warren sa plato ko, bago sa 'kin. Pumalatak siya.

"Okay lang ako," una ko sa kanya. "Mas importante 'yong broadcast. Finals 'yon."

Pero tumayo siya kaysa madaliin ang natitira pang pagkain niya sa plato. "Hintayin mo 'ko sandali."

"Bakit? Sa'n ka pa pupunta? Matagal ka?"

"Bibili lang ng prutas para sa 'yo," sabi niya.

"Hala, hindi naman na—"

He cut me with a glance. Bawal magreklamo.

"Okay na, sige na," sabi ko na lang at lumabi. "Kainis kang Warren ka."

He walked away with a smug.

***

"Who can take Gwen's place for the broadcast?" tanong ni Libby sa buong block namin na nasa studio. "Hindi puwedeng saluhin ni Roxie o ni Sam ang parts niya."

Tahimik kaming lahat. Main anchor sina Gwen at Sam. Naka-arrange ang script para sa tandem reporting. Silang dalawa ang sentro ng stage ng newscast. May bukod na maliit na espasyo sa tagiliran para kay Roxie na magbibigay ng showbiz at kicker news (light news).

"Walang kayang pumalit?" tanong pa uli ni Libby. Gumagala ang mata niya sa mga blockmates namin.

"It's hard to take over her role," sabi ni Penelope. "Kailangan na alam ng papalit ang buong script or kahit flow man lang, as well as the camera movements."

Nagsimulang magdiskusyon ang mga kaklase namin.

"Puwede namang senyasan na lang ng floor director ang papalit kung saang camera titingin, 'di ba?"

"Yes. But the replacement will look like an idiot doing that. Magmumukha tayong hindi nag-practice para sa broadcast."

Totoo 'yon. Tatlo ang camera sa floor namin. Naka-feed iyon sa monitoring room na adjacent ng Performance Studio. Mula sa monitoring room ay idinidirekta ni Libby kung alin ang ibo-broadcast sa buong school.

"Baka naman puwede tayong humingi ng consideration since bigla na lang nawala ang main anchor natin?"

"Si Prof, magbibigay ng consideration? We are given a full month and a half to prepare. We should have made back-up plans."

At hindi talaga mahilig magbigay ng consideration si Prof. De Castro. Make or break ang motto nito. Gaya ng totoong broadcast, you can only go through a live showcase once.

"Oo nga. Dapat gumawa tayo ng back-up plan para kung sakaling may aberya gaya nito."

"Pero hindi natin nagawa at hindi na rin natin puwedeng gawin ngayon. Let's look for a solution now."

"Ang option natin ay mamili ng replacement."

Pero lahat ay may role nang ginagampanan.

"So, sino nga ang puwedeng replacement?"

May katahimikan uling pumagitan habang nag-iisip ang bawat isa.

"Alam sana ni Libby ang script at ang flow. Pero hindi na siya puwede dahil direktor siya."

"Mas mahirap palitan ang direktor."

Natahimik kami. Napatungo ako sa script na hawak ko. Sayang, wala man lang akong maitulong. Kung mas payat lang ako, siguradong hindi sila magdadalawang-isip na sa 'kin ipasa ang responsibilidad. Pero kasi, kung gusto namin ng mas mataas na grade, mas okay kung visually appealing ang mag-a-anchor. Lalo na, panonoorin sa buong school ang broadcast.

Sayang talaga. Four kilos pa lang ang nabawas sa timbang ko.

"Si Amethyst na lang ang main anchor kasama si Sam. Alam niya ang buong script, ang flow, at ang camera movement."

Nanlaki ang mata ko sa pagsasalita ni Warren. Lumingon sa amin ang buong block. Madaling basahin ang apprehension sa mga mata nila.

" 'Wag n'yong isipin ang sinabi ni Warren," sabi ko. "Sigurado akong merong isa na kayang pumalit kay Gwen."

"Amethyst wrote the whole thing," dagdag ni Warren.

Hinawakan ko siya sa braso para patigilin sa pagsasalita pero patuloy lang siya. Hindi pati siya tunog namimilit. He was talking in a matter-of-factly, almost bored tone.

"Nakabantay siya sa bawat rehearsal at nanonood sa direksyon ng camera. She even wrote down Libby's directions for me. No one can replace Gwen but her."

Sa akin na natuon ang paningin ng lahat. Libby sighed.

"Warren's right. Okay ba sa inyo si Amy, team?"

Nagkatinginan ang mga blockmates namin pero tumango.

"Kaya mo ba, Amethyst?" tanong sa 'kin ni Libby. "Can we count on you?"

Kaya ko ba? Ang pressure ng final grade, ang pagharap sa camera, ang mata ng mga tao?

Bumaling si Warren. Tumapik sa likod ko. It was so light but it's what I needed to believe a little.

Napatingin ako sandali sa kanya bago huminga nang malalim at sumagot kay Libby, "Kaya ko pero—"

"Okay." Libby clapped her hands. Nalunok ko na ang pero ko. "I asked for additional thirty minutes of preparation bago ang dry run. Sabi ni Prof, manonood sa broadcast natin ang ibang blocks so let's make good use of the time." Hinagod ako ng tingin ni Libby. "Pen, make-up-an mo si Amy. She is wearing slacks but the blouse is tacky. We need a coat for her—"

"Use mine," sabi ni Warren at hinubad ang coat na suot niya. Inabot niya sa 'kin.

"Wala ka nang coat," sabi ko.

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ako kailangan sa visual."

Hindi naman nakabawas sa itsura niya na wala siyang coat. Lapat na lapat sa kanya ang kamiseta niya, eh. Kaunting galaw niya, nababanat ang tela sa muscles niya. Grabe. He always looks good. Hindi kailangang mag-effort.

"Let's proceed with your make-up. Halika, Amy."

Tumayo ako at lumapit kay Penelope.

***

Eksakto ang thirty minutes para sa pag-aayos ni Pen. Simple lang ang make-up ko at kinulot lang nang bahagya ang buhok ko. Madali raw akong i-make-up dahil maganda ang skin ko. Tinanong niya pa 'ko kung anong beauty products ang ginagamit ko para maiwasan ang break-out. Sabi ko naman, nag-e-exercise lang ako tuwing umaga (pero hindi ko na binanggit na kasama ko si Warren).

Maraming benefits ang exercise ko. Dati, lagi akong problemado sa break-out. Tinanggap ko na nga na parte 'yon ng puberty at growing up. Ng hormones. Ng katabaan. Pero kapag regular ka palang nagpapawis, regular ding nakahihinga sa toxin ang katawan. Mas gumaganda ang skin ko. Mas madali ring kumilos at huminga. At higit sa lahat, pumapayat ako kahit mabagal.

Kinakabahan pa 'ko nang magtawag si Libby para sa dry run pero nang tumutok na ang spotlight sa stage namin sa studio at tumugtog ang ginawa naming program ID, nabuhay ang dugo ko.

I really love anchoring. I want to live for this. Lagi akong nagpapraktis sa bahay mula nang maging Broad Comm student ako, kahit na alam kong walang pag-asa na ako ang piliing anchor. Hindi ako kasingtalino ni Yanyan o kasin-talented ni Iya, pero ako ang pinakamatatas sa pagsasalita. Sana, makita 'yon ng mga kaklase ko.

Sumenyas si Warren para i-cue ang pagsisimula. Ngumiti siya nang magtama ang mga mata namin.

Good luck, he mouthed.

I relaxed a little. Nag-fade out ang program ID at tumutok sa amin ang camera na nasa gitna ng studio.

"Sa ulo ng mga nagbabagang balita..."

***

The dry run lasted for an hour and a half. The live broadcast lasted for one. Hectic ang buong studio at alerto ang lahat sa block namin. On point ang baling ng mga camera. Kapag nakalilimutan ko kung saan titingin, pasimple akong sumusulyap kay Warren na pasimple ring itinuturo sa 'kin kung aling camera ang gagalaw.

Nanood sa studio namin ang buong Block D at Block B. Ang Block A naman, naka-monitor sa LED panel sa reception ng Liberal Arts building, kasama si Prof. Naririnig din sa campus radio ang broadcast namin.

Nang mamatay ang spotlight, saka pa lang ako nakahinga nang maayos. Nagugutom ako at nauuhaw, pero may magaang pakiramdam sa loob ko. Maganda kasi ang make-up ko at hindi nahulas kahit na mainit ang ilaw. Niyakap din ako ng mga blockmates namin dahil flawless daw ang broadcast namin.

"Congratulations, Block C!" sabi ni Prof nang pumasok sa studio namin kasama ang Block A. Pumalakpak siya. Gumaya ang mga naroon. "I was expecting for something to go wrong since your main anchor didn't make it today." Natuon sa 'kin ang mata ni Prof. De Castro. "But Amethyst left me speechless. I didn't know that you have a commanding presence on camera."

Commanding presence. Good compliment 'yon sa mga gustong mag-anchor. Hindi ko alam kung pa'no titingin kay Prof nang ngumiti ako. "Thank you po."

Lumapit ito at tinapik ang balikat ko. "You did well, Ms. De Vera. For a replacement, you exceeded my expectations."

Nag-thank you lang uli ako.

Pagkatapos, humarap si Prof sa mga nakasalampak sa sahig ng studio. "Dinig ba 'ko hanggang sa pinto?"

Nag-thumbs up ang mga Broad Comm students na halos nasa labas na ng studio. Pinaurong ni Prof ang ilang gamit at mesa sa loob ng studio para makapasok ang iba. Pinatayo naman ang block namin sa stage na ginamit namin. Napuno ng estudyante ang silid.

"Since we're all here, I want to hear evaluations for their performance," sabi ni Prof at iginala ang mga mata sa mga naroon. "Anyone?"

May isang tumayo. Babae.

"I am observing here in the studio and I noticed that the anchor and the floor director has good working rapport," tukoy nito sa amin ni Warren. "Kapag hindi alam ng anchor kung saan titingin, nagbibigay ng hint ang FD sa kanya. Hindi obvious malito ang anchor... na, uh, replacement lang, tama ba?"

Tumango ang mga blockmates ko.

"Our main anchor is sick today," paliwanag ni Libby.

" 'Ayun nga. Hindi siya halata ma-confuse dahil nakakapagbigay agad ng direction ang FD niya. It looks professional."

"Anyone else?" tanong ni Prof.

"Magaling ang dynamics ng mga nag-anchor, Prof. Kahit mukhang nagpraktis sila, hindi tunog pinagpraktisan ang palitan at saluhan ng linya. Kahit 'yong mga adlibs sa side ng showbiz reporter, very smooth and non-distracting," komento ng isang lalaki.

"I also like to commend their director, Prof," sabi ng isa pang lalaki na nakatingin kay Libby. "Maganda ang transition ng camera works sa screen. Pang-professional."

"You were watching with me sa labas, ano?" sabi ni Prof.

"Yes, Prof. Sa Block A po ako."

"Anyone else?" anito.

"Cute 'yong mga commercials nila, Prof," one girl said. "Spoof 'yong iba. Enjoyable. In-effort-an talaga nila kahit na puwede naman silang mag-download na lang ng content sa Youtube. Na-threaten kami!"

Nagtawanan ang Block B.

"Ang ganda rin ng ilaw nila. Effort kay Kuya na humawak at nag-control sa spotlight. Sana, hindi ka napaso."

"How about the script, class? Any reaction?" tanong pa ni Prof.

"Magaling ang script nila for me," sabi ng isang babae. "Easy sa tainga. Maiintindihan ang balita kahit na hindi panoorin ang nangyayari sa screen at makikinig lang."

"Nakaka-pressure kasi parang na-ace rin nila 'yong simultaneous na radio broadcast ng show, Prof," sabi ng isa.

Sumang-ayon ang mga nando'n.

"Anything else?"

May nagtaas ng kamay na nakatayo na halos sa pinto. Parang nakatingin siya sa 'kin kaya medyo natakot ako. Baka kasi papansinin na mataba ako. Napadikit ako kay Warren.

"May napansin pa 'ko, Prof. Sabihin ko na habang may chance," sabi ng lalaki. Sa akin pa rin siya nakatingin.

"What is it?" ani Prof.

"Ang ganda ng main anchor nila," sabi nito at bahagyang ngumiti.

Bumaling ako sa likuran ko. Ako ba ang kinakausap? O nalilito siya? Akala niya si Roxie ang main anchor?

"Amethyst, right?" patuloy nito.

"Uh... ako?" Itinuro ko na ang sarili ko. "Ako 'yong tinutukoy mo?"

"Yes," sabi niya. "You're Amethyst, right?"

Ako nga si Amethyst pero... Tumango muna ako.

"Ang ganda niya sa screen," patuloy ng lalaki. I looked at him like looking at something extraterrestrial. "Pero mas maganda pala siya sa personal."

Tumaas ang mga balahibo ko. Hindi nga? Sa 'kin talaga siya nagsasabi? Na maganda ako? Hindi kay Roxie?

Nagkantiyawan ang mga nasa studio. Nag-cheer.

"Mr. Ybarraz, I know you're young and impulsive but I am asking for a feedback for their performance, not about a crush," sabi ni Prof na natatawa.

Tumango ako. 'Yong performance talaga dapat ang pagtuunan ng pansin.

Pero lalo lang nanukso ang mga nasa studio. Hindi raw dapat humahadlang si Prof sa first love.

"Sige, Prof. Ganito po. Amethyst looks good on screen. She's beautiful but she has a commanding presence like all established anchors that we have today. When she speaks, kahit soft voice siya at parang mas bagay sa radyo, may authority. Firm. Convincing. We have no choice but to take her every word seriously. Kahit na no'ng nagre-report lang siya ng result ng Literary contest natin last time." Tumingin ang lalaki sa mga nasa studio. " 'Di ba?"

Tumango-tango ang mga naroon.

"One last thing..." anito pa.

Nakatingin kami sa isa't isa. Hindi ko kasi maialis ang mata ko sa kanya at sa mga sinasabi niya. Baka kasi sabihin niyang nagjo-joke lang siya. Dapat sakto ang timing ko sa pagtawa.

"Puwede bang makuha ang number mo?" tanong nito at ngumiti nang malapad.

"Mr. Ybarraz!"

Hala ka. Hindi ko alam kung saan ako magtatago para hindi ako makita. Pinagtitripan ba 'ko nito?

Nanukso uli ang mga kaklase namin. Nangantiyaw na ibigay ko raw ang number ko.

But Warren cut through the voices. Firmly, he said, "No, you can't."  #520ma / 11072017

继续阅读

You'll Also Like

297K 27.4K 268
Kabit advocate-masaya on the outside, madugo on the inside. Bakit ka tanga, Silas? Sagot ni Silas, oo. *** Si Silas, isang masayang kabit. Si Alice...
149K 11.4K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
2.4K 193 75
An epistolary. Lou finally shoots her shot to message her ultimate crush on twitter. Happy crush stage, bubbly confessions and chats that will lead...
652K 41.1K 177
❝ Magpapakasal na ang first love ni Nana for 10 years. Ang masaklap? Hindi siya ang bride. Huhu. ❞ Y Chronicles Universe #SNMSL1 of Kabulastugan Boy...