A Beautiful DISASTER (Publish...

By skycharm24

1.4M 36.6K 3.5K

(Instant Mommy Ako Book 2) Story of Chloe Alexandria D. Rosales " My world fell apart when you left me. You... More

Synopsis
1.Chloe
2. Zaide
3. Granny's Bday
4. Match
5. Newbie
6. Talk
7. Bakit?
8.Crush
9. Death
10. Grief
11.Feelings
12. Doubt
13. Fierce
14. Internship
15. Reasons
16. Truth
17. Grounded
18. Respect
19. Graduation
20. Vacation
21. Vacation 2
22. Monthsary
23. Party
24. Broken
26. Devastated
27. Plan
28. Wedding
29. Island
30. Olivia
31. Blackmail
32. Birthday
33. Goodbye
34. Distress
35. Hope
36. Sorrow
37. New Beginnings
38. New Life
39. Presentation
40. Ice cream
Ask Author
41. My Daddy
42. Your Daughter
43. DNA
44. Positive
45. Accident
46. Forgiveness
47. Jealous
48. Mistaken
49. Walk out
50. Serenade
51. Jarred
52. Happiness
53. Vow
54. Upcoming Stories
Epilogue

25. Lies

16.7K 451 102
By skycharm24

Zaide Travis

Nakauwi na ako sa wakas. Dumating na kasi si Tito Renan ang kapatid ng Mommy ko. Kailangan ko din kamustahin ang isa ko pang pinsan si Ryan, nag aalala si Mom dahil baka nasasangkot na naman ito sa gulo. Hindi ako magtataka dahil may kayabangan ito.

Namimiss ko narin ang girlfriend ko. Halos dalawang linggo ko din siyang hindi nakita tapos busy pa ito sa trabaho dahil sa bagong posisyon, kaya madalang kaming hindi mag usap. Miss na miss ko na siya.

Naligo muna ako at nagbihis saka dumaan ng flower shop. Bibili ako ng bulaklak para sa maganda kong nobya.

Puting mga rosas ang napili ko, inaayos na nila ito. Nag ikot ikot muna ako sa loob ng shop ng may makita akong cute na teddy bear. Alam kong magugustuhan ni Chloe ito.

Kukunin ko na sana ito ng may isa pang kamay na humawak dito.

" Ethan pare.." nandito din siya?

" Mondejo..." paborito ng isang ito ang apelyedo ko. " Nakabalik kana pala, mabuti naman." alam ba niyang galing akong Manila? Baka na kwento ng nobya ko.

" Oo kanina lang. Bibisitahin ko Chloe, na miss ko ang girlfriend ko." Nagsalubong ang kilay nya..

" Ay Sir, kukunin n'yo po ba yan?" tanong ng sales lady sa hawak kong stuffed toy. Nabaling dito ang atensyon namin ni Ethan.

" Ay oo' paki lagay nalang sa paper bag, salamat." alam ko magugustuhan ni Chloe yon.

" Kung para kay Chloe ang mga binili mo, hindi na kailangan. Kaya kong bilhin yan para sa fiancee ko." Ano raw? Fiancee?

" Uyy talaga pare? May fiancee kana, congrats!" tinapik ko pa siya sa balikat, mabuti naman at naka move on na siya kay Chloe.

" Magpapakasal na kami ni Chloe, kaya kung ako sayo huwag ka ng mag aksaya ng pera sa mga yan." nag init ang ulo ko sa sinabi niya pero dahil kaibigan siya ng babaeng mahal ko pinili ko padin magtimpi.

" Hindi ka naman lasing Ethan, pero bakit parang wala ka sa wisyo?, kung ano anong pinagsasabi mo." lumapit ako sa cashier at nagbayad saka lumabas ng shop bitbit ang bulaklak at paper bag na pinaglagyan ng stuffed toy.

Nakasunod parin siya saakin. Ayaw niya talaga akong tantanan. " Bakit hindi mo siya tanungin? Para malaman mo na nagsasabi ako ng totoo. Magpapakasal kami ni Chloe at wala ka ng magagawa, isa pa.." napangisi ito. " May nangyari sa amin, baka dinadala niya na ngayon ang anak namin."

Dahil sa narinig ko sinuntok ko siya. Hindi niya inaasahan yon kaya alam kong nasaktan siya.

" Ang aga pa' high kana pare ah, ano bang tinira mo?" iniwan ko siya at nagdrive papunta sa bahay ng nobya ko. Alam kong nasa bahay siya dahil sabado ngayon. Gagong Ethan kung ano ano ang ini ilusyon.

Si Tita Trisha ang nagbukas sa'kin at tila gulat na gulat siyang makita ako.

" Z..kamusta kanakabalik kana pala? Kamusta ang pinsan mo? Halika pasok ka." tila tahimik ang bahay nila.

" Ayos lang po ako. Baka po makalabas na si Rhian sa makalawa. Si Chloe po? " malalim ang mga mata ni Tita na tila kulang sa tulog.

" Nasa kwarto niya si Chloe, bago ko siya tawagin' sana Z, unawain mo siya bago ka magalit sa kanya." tapos ay iniwan niya na ako.

Di nagtagal ay natanaw ko na si Chloe na pababa ng hagdan. Teka bakit parang may iba sa kanya.

" Lovey.." niyakap ko siya ng tuluyan siyang makalapit sa akin, dahil narin siguro sa mga narinig ko kay Ethan, hindi ko maiwasang maisip ang mga sinabi niya. " I miss you so much Lovey." naramdaman ko ang pagyakap niya, napangiti ako.

" I miss you too Love." naramdaman ko ang paghikbi niya. Namiss niya yata talaga ako.

" Patay na patay ka talaga sa'kin noh? May paiyak iyak ka pa." hinampas niya ako ng mahina sa balikat ko.

" I love you. Wag kang mag alala patay na patay din naman ako sayo." bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya saka siya hinalikan sa noo.

Pero tuloy padin ang pagluha niya.

" Abah mukhang sobrang namiss mo talaga ako ah para umiyak ka ng ganyan Lovey." pero kinakabahan na ako dahil hindi padin siya umiimik.

I was surprised when she held my face with her two hands and kiss me fully on the lips na para bang gusto niyang iparamdam kung gaano niya ako kamahal. Tinugon ko ang halik niya ng buong pagmamahal. I love her so much at hindi ko alam kung kakayanin ko sakaling mawala siya saakin.

Agad naman niya akong niyakap ng mahigpit ng matapos ang halik na yon.

" I love you so much Zaide Travis Ventura Mondejo. Ikaw lang ang mamahalin ko at wala ng iba pa, tandaan mo sana yan." niyakap ko din siya.

" Mahal na mahal din kita Lovey.." bigla nalang may humila sakin at sinuntok ako.

" Layuan mo ang Fiancee ko!" si Valdez na naman. Letsugas talaga tong si Ethan. Panira ng moment.

" Eh gago ka pala eh! Fiancee fiancee mong mukha mo! Eh girlfriend ko yan! Ako ang mahal niya, gumising ka nga!" akmang susuntukin niya na naman ako pero humarang si Chloe.

" Ethan stop! Wala kang karapatang saktan si Z." Niyakap ako ni Chloe pero hinila siya ni Ethan.

" Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang totoo Chloe? Hanggang kailan mo siya papaasahin?" Teka ano daw?

" Hoy Valdez, isang salita pa galing d'yan sa bibig mo, tatamaan kana sakin!" pero tumawa lang ang gago.

" Sabihin mo sa kanya Chloe, nagbibingi bingihan parin siya. Hindi mo ba sinabi sa kanya na may nangyari... " hndi natapos ni Ethan ang sasabihin dahil sumigaw si Chloe.

" Stop! Ethan stop! Umalis kana, kung may natitira ka pang respeto sa'kin umalis ka na." narinig yata ni Tita Trisha ang sigawan namin dahil nag aalalang lumapit ito sa amin.

" Mom please, paalisin n'yo muna si Ethan." umiiyak na pakiusap ni Chloe sa Mommy niya.

" Ethan hayaan mo muna sila. Umuwi kana muna." kailangang si Tita pa ang makiusap sa gagong Ethan para umuwi.

" Lovey..tama na. Hindi naman totoo ang mga sinasabi niya diba?" nilapitan ko siya at pinahid ang mga luha niya.

" I'm sorry. Sorry."

" Lovey naman, hindi mo kailangan mag sorry, wala kang kasalanan saka yong mga sinabi ni Ethan diba' hindi naman totoo yon." kinakabahan na ako.

Tinakpan niya ng mga kamay ang mukha niya. At mas lalo itong umiyak.

" I'm sorry Love..sorry. Wala akong maalala..nagising nalang ako.." panay ang hikbi niya. " Nagising nalang ako sa kwarto kasama si Ethan." parang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya pero mahal ko siya at ako ang mahal niya.

" Sus, ano naman kung nagkasama kayo sa isang kwarto. Magbestfriend naman kayo. Wag kana umiyak Lovey. "  pilit ko pading itinatangi sa sarili ko ang gusto nyang sabihin..

" Ma-maay nangyari sa a-amin. I'm sorry.." mas lalo siyang umiyak.. " Lasing ako at ang sabi niya lasing din siya." fuck! Hindi totoo ang lahat ng to..

" Kailan?" two weeks lang akong nawala tapos ito agad?

" Nong gabi ng party..maniwala ka sa'kin hindi ko alam kung papano ako nalasing at kung ano ang nangyari. I'm sorry." Ibig sabihin kakaalis ko lang. Nakakausap ko naman siya pero wala siyang sinabi.

" Bakit ngayon mo lang sinabi? Bakit kailangang ang gagong si Valdez pa ang unang magsabi sa'kin!" pinagmukha niya akong tanga? Kaya pala ang lakas ng loob ng gagong yon sa shop kanina..

" I'm sorry, hindi ko alam kung papano sasabihin sayo, ayokong saktan ka. I'm so sorry ." pero sino ba ang hindi masasaktan sa nalaman ko.
" Please Love, huwag kang magalit sa'kin please, hindi ko kaya. Mahal kita. "

" Anong sinasabi n'yang kasal? Fiancee? " gulong gulo na ako.

" Gusto nila Dad na ipakasal kami, baka daw..baka daw ma- mag bunga.."   hindi ko namalayan na gaya niya umiiyak na din ako. " Pero ayokong magpakasal kay Ethan, ikaw ang mahal ko. Ikaw lang."  ang sakit sakit sa dibdib ng mga nalalaman ko.

" Engaged na kayo?" langya nalingat lang ako, nakuha na siya ni Ethan ng walang kahirap hirap.

" Sila Dad lang ang may gusto ng lahat ng to.." lumapit siya sa akin at hinawakan ang isang braso ko. " Ikaw ang mahal ko at ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda natin." ang sakit makitang lumuluha siya.

Tinanggal ko ang kamay niya.

" Kung talagang mahal mo ako sana sinabi mo agad ang lahat ng ito sa'kin. I deserve to know..sana hindi ako nagmukhang tanga lalo na sa harap ng gagong si Valdez." doble doble ang sakit.

" Ayokong saktan ka. Mahal kita Z. "

" Pero mas nasasaktan ako ngayon. Walang madali sa lahat ng nalaman ko. Walang hindi masakit, sa sandaling panahon na nawala ako nakuha kana ng iba. At ang mas masakit ikakasal ka sa kanya?" 

" Hindi ko ginusto ang lahat ng ito sana maniwala ka sa'kin." hinawakan niya ang mukha ko at tumingin  sa mga mata ko. " Mahal na mahal kita. Ayokong nakikitang nasasaktan ka ng ganito kaya hindi ko magawang sabihin sayo. Marumi na ako, nakuha na ng iba ang pagkababae ko, hindi na ako nababagay sayo at ayokong patuloy na masaktan ka. Pinapalaya na kita." mas lalo akong nadurog sa sinabi niya.

" Ganon lang yon? Ganon lang kadaling bitawan ako at talikuran ang sinasabi mong pagmamahal?" mapapatay ko si Valdez...

" Bakit Z, sabihin mo nga sa'kin? Kaya mo pa ba akong tanggapin ng buong buo kahit may nangyari samin ni Ethan? Kaya mo bang sabihing mahal mo parin ako pagkatapos ng lahat ng nalaman mo? " hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Ang alam ko lang nasasaktan ako.

" Hindi mo na kailangang sumagot, nababasa ko sa mga mata mo ang sagot at naiintindihin kita. Pag aralan mong kalimutan ako at ituloy ang mga  pangarap mo kahit hindi ako kasama. May babaeng darating na mas karapat dapat sa pagmamahal mo." hinalikan niya ako sa pisngi at patakbong umakyat sa kwarto niya.

Wala sa sariling lumabas ako ng bahay nila. Pinaharorot ko ang kotse ko at di alintana sa oras na yon kung mabangga man ako. Sa isang iglap natapos ang lahat sa amin ni Chloe.

Napatingin ako sa cellphone ko ng magring ito. Si Mommy. Pinarada ko ang kotse ko sa gilid ng kalye at sinagot ang tawag niya.

" Mom.." my voice broke...

" Zaidey anak..umiiyak ka ba? Bakit anak? Anong nangyari? " nagaalala ang Mommy ko.

" Wala na kami ni Chloe Mom.." lalo akong napaiyak..ang sakit sakit..


" Anak..kumalma ka..nag dadrive ka ba? Umuwi kana muna sa bahay, baka anong mangyari sayo. Uuwi agad ako." binaba ko nadin ang tawag.

Hindi ko akalaing sa ganito kami mauuwi ng kaisa isang babaeng mahal ko. Napakarami kong plano para saming dalawa at isa lang ang may kasalanan ng lahat ng ito ang gagong si Ethan..

Itutuloy....

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 63.8K 58
"Ang dami mong sinasabi," nakangising sabi niya at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Yeah, maybe I'm not a good guy. I'm the selfish one. I take wh...
451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
88.3K 1.4K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...