NIKKI'S POV
"Hi guys!!" Bati ni Ranz sa amin habang pababa ng hagdan. "Hi Nikki!" Bati pa nya sa akin. Special mention. Hahaha!
"Hello." Bat ko sa kanya ay ngumiti.
"Ganun lang? Wala man lng.." Bumiwelo muna sya at "Ranz, na miss kita!" Sabi nito at ngumiti ng nakakaloko.
Aba! Bwiset.
"AYIEEEEEEE!" Sigaw ng barkada. Hala, sige. Hmp!
"At bakit nman kita mamimiss?" Tanong ko sa kanya at tinaasan ng kilay.. Pero actually nakakamiss bestfriend ko. Hahaha charot.
"Ah.. Ganun? Sige hindi na ako sasama.." Sabi nito at umupo sa couch at nakahawak yung dalawang kamay nya sa batok nya nakataas pa paa. Hay nako! Nakapikit pa!
"Ano!? Pinag antay mo kami tapos di ka sasama!?"
"Hoy! Di ka tlga sasama!?"
"Ranz!!"
Aba ayaw pa rin ako pansinin nitong lalaking to. Eto nmang mga barkada halatang nagpipigil ng tawa. Hay nako! Ano na nman trip ni Ranz!? Hindi man lng nila ako tutulungan para pilitin tong si Ranz!? Sapakin ko tong mga to eh. Hahaha joke lang..
Huminga ako ng malalim.. "Ranz, na miss kita! Tara na!!" Sabi ko at nag cross arm.
Ngumiti nman ito ng nakakaloko. "Tara na nga, tanghali na tayo.." Sabay tayo. "Ay wait lang, magsasapatos pa ako."
"Ranz!! Bilisan mo nga dyan! Ka lalaking tao, ang bagal mo kumilos!! Bilis na!!" Sigaw ni Kim kay Ranz. Bagal kasi kumilos, pa import masyado hahaha
"Eto na nga eh! Una na kayo sa labas sunod ako." Sabi ni Ranz habang nag susuot ng sapatos. At nauna na nga sila. Tumayo nman si Ranz at nag ayos ulit ng buhok! Jusko nman. Kanina pa tong lalaking to ah!
Hinila ko sya. "Ranz, kanina ka pa nag aayos ng buhok mo. Tara na, naghihintay na sila oh.." Sabi ko habang hinahatak pa rin to. Eh ang lakas nya huhuhu
"Eto na.. Wait.. Hmmm.. Tara na!!" Sabi nito at hinawakan ang wrisk ko habang papalabas
And my heart was like...
*dugdug* *dugdug*
Huhuhu bat ganun... Waaah!! Kinikilig ba ako? Nako, hindi Nikki. Nagulat ka lng!! Okay, hutaena!!
Sumakay nman kami sa Van.. Nagtataka kayo kung saan kami pupunta? Edi sa EK. Gusto daw nila mag hang out. Para nman daw mabawasan yung lungkot ko dahil dun sa b--- ARGH! Oo na, aaminin ko. Malungkot ako, nasaktan ako. Pero hindi nman maiiwasan yun kasi mahal ko sya. No, I should say minahal.. Past is past okay? 2 weeks na rin kasi nakakalipas simula nung nangyari sa samin ni Thirdy. 2 weeks syang nag tetext or call sa akin pero hindi ko sinasagot. Sasapukin ko na yun eh! Huhuhu joke. Unti unti na ako nakaka pag move on. U-unti unti-in ko to.
"Hoy!! Nikki!!" Sigaw nitong katabi ko. Oh, sino pa ba? Edi si ranz na bansot na cute :((( ayy hahaha. Masyado bang malalim yung iniisip ko?
"Bakit na namn?" Tanong ko.
"Iniisip mo na nman si Thirdy. Tsk." Sabi nito at kumunot ang noo. Aba! Gago, hindi no. Asar
"Hindi ah. Tss." Sabi ko nman.
"Nagseselos lng yan, Nikki.." Sabi nman ni Ully at nag smirk. Sinamaan nman sya ng tingin ni Ranz.. Ehhhh.. Hay. Bahala na!
Mga ilang oras pa biyahe nito. As always si Ully lagi nag di-drive. Ang tahimik nga eh. Mga tulog tong mga to. Hayy. Eto nmang katabi ko naka earphone at naglalaro.. Hindi ko alam kung ano nilalaro nung mokong na yun. Wala tuloy akong magawa. Kinuha ko na lang yung earphone ko at nakinig ng music..
******
RANZ'S POV
Sa wakas! Nandito na kami sa EK. Etong mga kasama ko, mga tulog. Mga tulog mantika tlga eh no. Pati si Nikki tulog.. Ang cute nya matulog, yung red lips nya.. Yung cheeks. Argh! Ano ba tong pinag sasasabi ko!? Aish!!
"Oy! Gising na!!" Sigaw ko sa kanila. Pati si Ully sinabihan ko na gisingin na rin sila. At ginawa nman nito ang sinabi ko.
"Nikki..." sabi ko "Gising na, nandito na tayo.."
"Hmmm.. 3 minutes more. Please." Sabi nito ng nakapikit. Nangiti nman ako, ang cute cute nya kasi eh.
"Nikki!! Wake up, nandito na nga tayo!" Sigaw ko sa knya. Halos lahat gising na sya na lng hindi eh.
"Oo, na, eto na." Sabi nya at kinuskos ang mga mata nya.
Bumaba nman kami sa sasakyan at bumili ng mga tickets nmin.. Pagka bili ng tickets pumasok na kami at kanya kanya -___- syempre, couples couples yan! Anak ng!! Huhu de kami ni Nikki magkasama! No choice. Lagi nman ganito eh.
Pero aminin mo Ranz, gusto mo din eh.
Puctha! Oo na.
"Ano gusto mong unahin?" Tanong ko kay Nikki.
"Uhm.. Ikaw bahala. Hehe." Sabi nya.
Sabi nya ako bahala, dinala ko sya sa roller coaster. Alam ko nmang favorite ride nya yun kaya dinala ko sya dun. Pumila kami ng 15 minutes at sumakay na..
"Ready, Nikki?"
"Ready!" Sabi nya at ngumiti. Napa ngiti nman ako :')
"Ready.. 1..... 2..... 3......"
"WOOOOOOOOOOHHHH!!!"
"WAAAAAAAAAHHHH!!"
"SHITTTTTTT! ASKOFEROPHVBH"
"NIKKI!!! MAY SASABIHIN AKO SAYO!!!!!!!" Sigaw ko.
"ANO YUN!? WOOOO!!"
"NIKKI!!!!! I LIKE YOU.. NO I MEAN, I LOVE YOU!!!!!!"
"ANO!? HINDI KITA MARINIG!!"
"SABI KO I LOVE YOU!!!"
"HINDI KOO TLGA MARINIG. SORRY KYLE.. WOOO!"
"WAAAAAAAAHH!!!"
Tangina! Talaga bang hindi nya marinig? Sakit nman. Eh Ranz, nman kasi bakit dun mo sasabihin kung kailan naka sakay kayo sa roller coaster? Tanga ka rin eh no? Hmp!! Pagkatapos nmin sumakay sa roller coaster bumaba na kami.. Grabe! Nakaka enjoy.
"It was a blast!" Sabi ko at tumawa nman kaming dalawa.
"Hahaha. Ano nga pala yung sasabihin mo?" Tanong nito sa akin.
*dugdug* *dugdug*
*gulp*
Sasabihin ko ba? Pakshet nman!
"Wala. Sabi ko ang pogi ko."
"We?"
"Oo nga."
"Sino may sabi?"
"Fans ko."
"Che!" Sabi ni Nikki at lumakad papalayo. Ay nako. Tampo nman tong bestfriend ko hahaha!
******
"Ano nag enjoy ka ba Nikki?" Tanong nman ni Biboy.
"Oo nman. Hehe." Sagot nito.
"Syempre kasama nya ako eh." Sabi ko at sumakbay kay Nikki sabay kindat at lipbite. Tiningnan nya lng ako ng masama. Hahahahahaha! Ang cute!
"Manahimik ka dyan Ranz!" Sagot nito at tinanggal ang pagkaka akbay ko. Aray q bh3 huhuhuhu
NIKKI'S POV
Ano ba tong nararamdaman ko!? Bakit ganun!? Huhuhu. Bakit.. Argh!!! Hindi ko alam bakit ganito. Dapak! Kapag nahahawakan ako ni Ranz parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko!! Ano ba yan! May kuryente ba si Ranz sa katawan nya!? Anak ng manako :(( bakit ganun? Argh! Hindi... Hindi ko sya crush. Tangina! I can't fight this feeling anymore... Ang gulo.
Yung kanina sa roller coaster? Yung sinabi sa akin ni Ranz? Narinig ko yun.. Kaya ko lng sinabing hindi ko marinig kasi.... Kasi gusto ko lng ulit marinig. Huhuhu! Bakit ganun!? Nung time na yun naramdaman kong nag iinit mukha ko.. Oh my gosh..
"NIKKI!!!!! I LIKE YOU.. NO I MEAN, I LOVE YOU!!!!!!"
"SABI KO I LOVE YOU!!!"
Tapos yung akbay nya sa akin kanina. May kuryenta na nman :(( ano ba to? Inlove na ba ako sa bestfriend ko? No, erase! Erase!! Hindi pwede yun... Mag bestfriend kayo for 12 years.
NOTHING MORE.. NOTHING LESS..
"The more you hide your feelings, the more they show. The more you deny your feelings, the more they grow." Bulong sa akin ni Patricia at nag smirk.
Ano daw!? Ano ibig sabihin nun!? Tangina!! Huhuhu gulong gulo utak ko ngayon. Parang puzzle na nasira. Paki buo please. Huhu jk
Tumabi nman sa akin ni Ranz habang lumalakad. Tinignan ko sya. Kumindat lng sya at nag lipbite.
Ranz please. Lalo akong nahuhulog sayo. Kainis! Don't do that!
Hinawakan nya yung wrisk ko..
And my heart goes to *dugdug* *dugdug* again..