~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[Can't be Moved]
[Third Person's POV]
"Chessa? Chessa!!!" Kinalabog ng Tita ni Chessa na si Tita Alice ang pinto kung saan sila nakulong. Hindi nito magawang magalit sa guro na nagpaiwan sa kanila dahil hindi naman nila ito sinasadya pero hindi nito maialis ang pag-aalala sa pamangkin.
"Charles! Charles!" Kinatok naman ng Tita ni Charles na si Tita Ana ang pinto. Habang hinihintay nila yung janitor na kumuha ng susi, ay yun ang paulit ulit nilang ginagawa.
Nang mabuksan nila ang pinto, natagpuan nila ang dalawa na nakaupo na natutulog.
Nakasandal ang ulo ni Chessa sa balikat ni Charles at nakasandal naman ang ulo ni Charles sa ulo ni Chessa habang nakapalupot ang braso nito sa balikat ng dalaga.
Nawala ang lahat ng pag-aalala ng dalawang Tita ng makita maayos naman ang kalagayan ng dalawa. Automatiko pa nga itong napangiti.
"Chessa! Charles!" Napamulat naman agad si Charles. Ginising na rin niya si Chessa na tumagal din ng ilang minuto.
Natatawa pa nga siya dahil tulog mantika talaga ito.
Dahan dahan niya itong itinayo dahil alam niyang masakit parin ang ulo nito. Buti nalang at hindi lumala ang sakit niya.
Inalalayan niya ito hanggang makababa sila sa ground floor. Halata naman ang pagka-ilang ni Chessa dahil masakit man ang ulo niya, hindi pa rin niya nalilimutan ang sinabi ni Charles kagabi.
Isinakay na si Chessa sa kotse na dala ng kanyang Tita.
"Paguwi mo, inom ka ng gamot ha? Pahinga ka rin. Wag ka na magpagod." Payo ni Charles bago humiwalay kay Chessa. Um-oo nalang siya sa pamamagitan ng pag-nod.
Ginulo ni Charles ang buhok ni Chessa at tuluyan ng isinara ang pinto ng kotse na sinasakyan ni Chessa.
"Uhmm. Tita Alice, meron pong sinat si Mianna kagabi. Ngayon po nawala na pero masakit pa rin po ata ang ulo niya. Sinabihan ko na po siya na magpahinga."
"Nako, ganun ba? Osige. Ipapa-check up ko nalang siya paguwi. Salamat nga pala at hindi mo siya iniwan ha." Ngumiti lang si Charles.
Naisip niya na hindi naman talaga niya iiwan si Chessa.
At kung gugustuhin niya man, hindi niya rin magagawa dahil pareho silang na-lock sa classroom.
Nakauwi na sila sa kanya kanyang tirahan.
Mapapansin na may mali kay Chessa dahil iba ang kilos nito. Mabagal.
Nagpatawag naman agad ang tita niya ng doctor.
Sinabi ng doctor na okay naman daw ang kalagayan niya. Pagod lang yun na nasamahan ng init at lamig kaya kailangan niya ng konting pahinga. Buti nalang at walang pasok kaya libre siyang magpahinga.
Hapon na ng muling gumising si Chessa. Hindi na niya matandaan ang nangyari. Hindi niya mawari kung ito ba ay totoo o mga napaniginipan niya lang. Marahil ito ay epekto ng sakit ng ulo.
Pero sa kabila noon, may isang bagay na hindi niya malimutan at alam niyang totoong nangyari.
Ang sinabi ng...
"Oh Chessa, gising ka na pala. Tamang tama't kararating lang ng mga kaibigan mo para bumisita. Halika na samahan na kita." Inalalayan siya ng katulong na si Mae at bumaba na sila.
Ayaw sana ng dalaga dahil baka ang Deadly desserts ito pero naibsan naman ang damdamin niya ng makita na ang mga kaibigang babae ang bumisita.
Maliban sa kanila, ang dalawang katulong lang ang nasa bahay na abala naman sa kanya kanyang gawain.
"Sis! Sorry. Hindi namin alam na makukulong pala kayo dun. Si Mam kasi eh. May pa 'Let them sleep, let them sleep' pa. Tsk! Yan tuoy. Sorry talaga sis." Paghingi ng tawag ng kaibigang si Hannah.
Ngumiti naman ang dalaga kahit nakaramdam ng konting inis sa guro na may dahilan ng lahat.
"Okay na yun. Wala namang masamang nangyari eh. Nandito na ako. Hindi naman ako namatay."
"Kahit na noh! Tignan mo nagkasakit ka pa. Pero anong nangyari kagabi?" Nag-lean naman silang apat papunta kay Chessa na tila may ichi-chismiss ito na malaking sikreto.
Nanlaki naman bigla ang mata ni Chessa.
"A-anong pinagsasasabi niyo?! Mas lalo niyong pinapasakit ang ulo ko eh." =___=
"Sus! Hindi ngaaa?" Pang-aasar ng mga kaibigan.
"Wala nga. Anong gusto niyong sabihin ko? Tsk! B-but you know what... He told me something." Nag-aalinlangan pa si Chessa na sabihin. Pero alam niyang kukulitin siya ng mga kaibigan.
"Sabihin mo na girl. Wala ng atrasan to." Natawa naman siya sa sinabi ni Nech.
Huminga siya ng malalim bago sabihin ang sinabi ng kaibigan.
"He... he said... Sabi niya... UGH!" Itinungo nito ang ulo niya at itinakip ang dalawang kamay sa kanyang mukha.
Mahirap para sa kanya na sabihin ito dahil bukod sa alam niyang mang-aasar ang mga kaibigan, nahihiya din ito.
"Anu ba yan girl! Sabihin mo na kasi. Hindi kami tatawa o ano pa. Diba?" Tumingin si Claire sa mga kasama para humingi ng confirmation na hindi sila tatawa. Sumang-ayon naman ang mga ito.
"Fine. Sabi niya kasi kagabi... 'Don't worry Mianna. I'll always be here for you. Babantayan kita at hindi iiwan. Kaya matulog ka na. Good night.' Ayun! Tapos meron pa pero hindi ko na talaga narinig yung part na yun. Basta. Tapos hindi ko makalimutan. Ewan!" >///<
Dire-diretso niya iyong sinabi sa mga kaibigan. Pakiramdam niya, kulay kamatis na ang mukha nito. Dahil sa hiya... O dahil sa...
'Hindi. Hindi maaaring dahil dun.' Nasabi nalang niya sa isip.
Tumingin naman siya sa mga kaibigan. At pagkakita niya sa mga ito, lahat nakayuko.
"Huy! Bakit? Ano yan? Naiiyak kayo? Wala naman nakakaiyak sa sinabi ko ah?" Inangat naman ng mga ito ang kanya kanyang ulo at humagalpak na sa tawa.
"HAHAHAHAHA. Henebeyen teh?! HAHA! Alam namin kung ano yan! HAHAHA." Walang humpay sa kakatawa ang mga kaibigan niya habang siya ay hindi maintindihan kung anong nararamdaman.
Alam niyang namumula siya.
Maaaring sa inis, hiya o kilig? Hindi niya talaga alam. Wala din naman kasi sa bokabularyo niya ang salitang kilig. Ni hindi niya nga rin alam kung may hiya ba sa dictionary niya.
Nung nagka isip kasi siya, sa mundo na ng gangsters siya namulat at hindi sa ordinaryong buhay ng ibang tao.
"A-ano ba yun? Does that mean I'm crazy? C'mon. Tell me." walang tiyagang tanong nito.
"Hindi ikaw ang baliw sis. Ang puso mo." Mas lalo naman naguluhan si Chessa sa sagot sa kanya ng kaibigang si Kelly.
"What?! You guys are freaking me out!"
"Asus.Pag-ibig yan bading! P-A-G-I-B-I-G! Weeeeeee." Sabi ng isa sa mga kaibigan niya.
+____+" Yan ang tanging reaksyon ni Chessa.
"Oh! Bakit speechless ka? Totoo noh?" Pangungulit nila.
"Walang totoo sa sinasabi niyo. Psh. Alam niyo kung anong totoo? Kayo ay nababaliw na. Aish! Kumain na nga lang tayo. Tara sa dining room." Hindi na niya pinansin ang pangungutya ng kaibigan at naglakad na papuntang hapag kainan.
Ilang oras pa ang inilagi ng mga kaibigan bago ito magpasyang umalis sa kadahilanang magpapahinga pa siya.
"Bye Sis! Pahinga ka na ha. Wag mo ng isipin yun. Baka mastress ka lang eh. Haha."
"Oo na. Ingat kayo ha."
"Yeah sure. Kitakits nalang bukas!"
Umalis na ang mga kaibigan niya.
Siya naman, pumunta nalang sa kwarto at nahiga.
Naglalaro siya sa cellphone niya pero paulit ulit siyang nage-game over. Marahil ay kulang ito sa konsentrasyon.
'Don't worry Mianna. I'll always be here for you. Babantayan kita at hindi iiwan. '
O__O
Bakit ko to naiisip?
'Don't worry Mianna. I'll always be here for you. Babantayan kita at hindi iiwan.'
Waaaaah. Bakit ganun? >_<
'Don't worry Mianna. I'll always be here for you. Babantayan kita at hindi iiwan.
"HAAAAAY. Nababaliw na ata ako. Hindi ko na alam yung iniisip ko. Aish!" Yan nalang ang nasabi sa sarili.
***
Kung ang dalaga na si Chessa ay naiinis dahil hindi maintindihan ang sarili ang binatang si Charles naman ay walang humpay ang ngiti.
"Charles, hijo. Nakakain ka ba ng glue at nagdikit na yang lahat ng ngipin mo?" Napalingon naman ang lalaki sa Tita niya at natawa sa sarili.
Para na kasi siyang tanga. Ngumingiti ng walang dahilan. Idadag mo pa na hindi niay ito madalas gawin.
Akala ng nakakakita. Akala nila, wala. Pero sa loob loob nito, merong dahilan na hindi niya mailabas.
"Hay. Ang pamangkin ko. Malaki na. Umiibig na." Nabigla naman siya sa sinabi ng Tita Ana niya.
"No, tita. Hindi po yun. It's just because of the movie that we're watching." Pagsisinungaling nito.
Ang tita naman niya ang natawa. Alam naman niyang hindi talaga nanonood ang pamangkin. At isa pa, drama ang pinapanood niya kaya malabong matawa ito.
Hinayaan niya lang. Dahil hindi naman ito aamin kung sakaling tama siya.
Nahiya naman si Charles kaya napayuko ito pero nanatiling nakangiti.
Tila pareho sila ng dalaga na hindi makalimutan ang mga nangyari. Pero sa ibang paraan.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
@torpedobelly mali ang iyong hula. Haha :pp
MAG-COMMENT KAYOOO. Nakakamiss mag-ingay T__T
Btw, Try to read "An Unfortunate Twists of Fate" written by: ChaptersOfThePast :)
Chuporybeer, waiting.