If I Fall (Taglish)

Door shirlengtearjerky

13.9M 234K 47K

Tagalog/English [PUBLISHED UNDER POP FICTION - 2017] Meer

If I Fall
0.5: You're The One That I Want
Chapter 1: First Day High(way to hell) Part 1
Chapter 2: First Day High(way to hell) Part 2
If I Fall Chapter .5 (#2) - You're The One That I Want
Chapter 3: Second Day's The Charm?
Chapter 4: SASSA
Chapter 5: Spell Physics? H-E-L-L!
Chapter 6 - Honors Class
Chapter 7 - Uh oh.. Secret Revealed?!
Chapter 8: Ex Marks The Spot
Chapter 9 - What Goes Around Must Come Back Around
Chapter 10: Friday I'm in...?
Chapter 11: The Devil Made Me Do It
Chapter 12: You, Me, Plus The Devil Makes Three
Chapter 13 - Not My Cup of Tea
Chapter 14: Knight in Shining.. NOT!
Chapter 15: A Night Like This
Chapter 16: The Thing With First Impressions
Chapter 17: Picture To Burn
Chapter 18: Academics For Dummies
If I Fall Chapter .5: You're The One That I Want (#3)
If I Fall Chapter 19: Stuck With You
If I Fall Chapter 20: Hot For Hoops, Not For You
If I Fall Chapter 21: August Rush
If I Fall Chapter 22: Tipping Point
If I Fall Chapter 23: The Clash
If I Fall Chapter 24: Flashback (Janine)
If I Fall Chapter 25: The Mixed Tape
If I Fall Chapter 26: Twelve Hours
If I Fall Chapter 27: No Good Without You
You're The One That I Want Update (#6)
If I Fall Chapter 28: Who's Who
If I Fall Chapter 29: Every Night Is Another Story
If I Fall Chapter 30: To Date Or Not To Date, That Is The Question
If I Fall Chapter 31: Switcheroo
If I Fall Chapter 32: Two Trick Pony
You're The One That I Want Update #7
If I Fall Chapter 33: Fourth Comings
Chapter 34: Harder To Breathe
Chapter 35: Your Ex Girlfriend Sucks
Chapter 36: Inexpressible Love (n)
Chapter 37: All The Small Things
Chapter 38.1: On The Side Of Me
Chapter 38.2: Please, Please, Please Let Me Get What I Want
Chapter 38.3: Lost In Space
Chapter 38.4: You And I
Chapter 39: October Blues
Chapter 40: Hands All Over
Chapter 41: Pep Rally
Chapter 43: Flashbacks (Vivien)
Chapter 44: Friends, Lovers or Nothing
Chapter 45: MTF.. BCWSBF?
Chapter 46: What Are You Willing To Lose?
You're The One That I Want Updated #8
Chapter 47: Weights And Measures
Chapter 48: The First Cut Is The Deepest
Chapter 49: Fuschiang Pag-ibig. Track 01
Chapter 50: The Unopened Letter To The World
You're The One That I DO NOT Want
Chapter 51: Champagne For My Real Friends, Real Pain For My Sham Friends
Chapter 52: I Know It's True, But I'm Sorry
Chapter 53.1: Memory Lane [First Year]
Chapter 53.2: Memory Lane [2nd Year]
Chapter 53.3: Memory Lane [3rd Year]
Chapter 54: Are You True?
Chapter 55: Turning My Safety Off
Chapter 56: Twenty Three
Chapter 57: Truth, Bitter Truth
Chapter 58: (I Just) Died In Your Arms
Chapter 59: Yet
Chapter 60: There Is A Light That Never Goes Out
Chapter 61: Love Is A Losing Game
Chapter 62: Perfect Little Secret
Chapter 63: Bad News For People Who Love Good News
Chapter 64: You Know I'm No Good
Chapter 65: Evidence
Chapter 66: I Can't Lie
Chapter 67: Show Me What I'm Looking For
Chapter 68: Steal Your Heart
Chapter 69: As Long As It Matters
Chapter 70: I Can't Make Me
Chapter 71: The Worst Day Since Yesterday (I)
Chapter 71: The Worst Day Since Yesterday (II)
Chapter 72: I Would Do Anything For You
Chapter 73: Stand By Me
Chapter 74: Forever Young
Chapter 75: Time Of Our Lives
One Last Angry Look
Author's Note: If I Fall Sequel

Chapter 42: Rumor Has It

121K 2K 143
Door shirlengtearjerky

Chapter 42: Rumor Has It

May pinost akong Ch 41 bago 'to! 2 updates today kaya wag malito XD

Irregular ang updates ko for IIF. Susulpot na lang ang UDs so wala na po sana magtatanong ng update sked ko. Wee di ako nagtataray ah!

Comment and vote pag nagustuhan!

-

Tsismis. Sino nga ba ang ayaw sa tsismis?

Wag kang magkunwari dyan! Likas na curious ang mga tao. Like what Lean and Vivien said, "Curiousity killed the cat, satisfaction brought it back."

May kumakalat na mga tsismis sa Charleston ngayon. Sumakto pa talaga sa Intrams!

Sige, mag ala- Gossip Girl muna tayo.

-

RUMOR #1

Spotted: 23 hits off with.. the Wicked Witch.

*

ROCKY'S POV

AAAHHH THIS IS THE INTRAMS SPIRIT!

Kaya fave ko ang October, wala masyadong ginagawa. Walang klase. Puro games and booths. Fun fun fun! XD

Kaso may downside rin 'to for me, lalo na kasama ako sa intrams committee. Kailangan ko mag-ikot sa school grounds, baka kasi may kung anong kalokohan na ginagawa ang ibang estudyante.

Downside kasi..

"Do you really have to follow me around?"

Tumingin pa sya sa paligid, as if hindi sya ang kinakausap ko.

"Wes muntanga. Ikaw kasi kausap ko!"

Tumawa pa ng fake ang loko. "A-ako ba? Sinusundan kita? Asa ka!"

(--.) "Kanina mo pa ginagawa so wag kang magtanong sakin."

"Feel mo naman! Bakit, ikaw lang ba pwedeng umikot sa booths?"

"Hindi naman kasi bawal pero bakit kung san ako pumunta, nandun ka rin?"

Medyo tumaas ang right eyebrow nya. "Baka namamalik-mata ka lang."

"No I'm not. You're following me."

"Fine fine," tinaas nya ang kamay nya, as if sumusurrender sya. "I am following you. Delikado na, gumagala ang pinaka-KJ na tao sa balat ng Charleston."

Di ko na napigilan ang sarili ko at hinampas ko sya. "I am not KJ!"

"Aray! Masakit!" hinimas nya yung braso nya. "KJ ka kaya! Yung bata na nagpapalobo ng plastic balloon pinigilan mo kanina."

"That's bad for her health!"

"Nagsalita! Ikaw nga 'tong umiiyak kung Senior Kinder tayo pag nauubusan ka ng plastic balloon sa may canteen!"

Ay sapul! </3 "I'm trying to correct my mistakes!"

"By trying to correct others? Man, you're screwed up."

I eyed him intently. "Nuxx! I knew it! Nagmarathon ka ng How I Met Your Mother noh!! Feeling Barney Stinson yer sass!"

"Aww come on, Rachel!" he placed his arm over my shoulder. "I'm gonna teach you how to live life." He even extended his free hand upwards.

"Ano 'to, pray over? I'll live my life but please, get your hands off me." Todo taas-baba ako ng balikat para ialis nya ang braso nya.

"Psh, KJ!" he somehow pouted. Eeww. "Ano na? San ka na?"

"Iikot pa. And don't you dare follow me!"

"Eh kasi I'm a daredevil s--" sinamaan ko sya ng tingin. "Sama nako sa'yo please?"

"Ano ka, Nursery? Kailangan bantayan? Please lang ha Wes." I started to walk away from him. Nakakainis! Masaya na nga akong naglilibot mag-isa dito!

"Hoy Rachel wait!" hinabol pa ako arg. "Bakit ayaw mo akong kasama?"

"Kasi you're a buzzkill."

"I am not. In fact, ako ang pinakasuitable Intrams buddy." Todo ngiti pa sya.

"Yeah right." Naglakad ulit ako.

Kaso nakasunod pa rin sya sakin. "Give me 10 minutes! Yun lang. Kung hindi ka naging masaya.. then let's split ways. Deal?"

Hmmm.. "Basta ililibre mo ko ng cotton candy. Deal." We shook hands.

Ayun nga, sa loob ng 10 minutes inikot namin ang mga booth. Okay naman, kinausap namin ang mga bantay sa bawat booth. Syempre per club ang booth, at ang Music Club ang may handle ng song requests. Dun kami pumunta, na sakto si Chester ang bantay.

"Okaaaay.." weird nyang sabi habang nakatingin saming dalawa ni Wes. "Anong meron?"

"How's the booth?" tanong ko sa kanya?

"As usual, mabenta. Hindi na nga ako magkanda-ugaga sa pag-aasikaso ng requests!"

Kain naman nang kain si Wes ng cotton candy. "Uy Rachel maawa ka naman kay Chester, kanina pa yan nandyan!"

"Psh." may naisip ako! "Hoy! Magrequest ka nga ng kanta! 5 pesos lang! Tulong sa club namin!!"

"Aba asa ka!" lumayo pa sya sakin.

"Para fair magrerequest din ako ng kanta," sana mauto ko 'to! "Dali na!"

"Ano ako tanga? Eh kayang-kaya mong bawiin yung pera mo dyan eh! Psh. Sige na nga!" naglabas sya ng 5 pesos at may binulong kay Chester. "Paki-dedicate sa kanya Ches!"

(_ _ ) "Anong kanta na naman yon?"

"Secret walang clue!" Parang tanga lang.

Bago pa i-play ni Chester ang request ni Wes, sumingit na ako. "Wag muna! Me first!"

Bumaling si Chester kay Wes. "Ano sya muna raw?"

"Fine!" Bakit ba sya nakasmile? Ugh.

Binulong ko yung request ko kay Chester, na agad naman nyang sinearch sa Youtube. Nag-apir pa kaming dalawa.

"AHEM AHEM. Ano yan?" nairita agad?

"Secret walang clue padlocked!"

"At sino ang isip ba--" natigilan sya kasi naka-play na yung request ko.

Now I know that I can't make you stay 

But where's your heart? 

But where's your heart? 

But where's your?

"Saaaay whaaaat?!" napaganun na lang si Wes. Gulat na gulat ata. Kami naman ni Chester tawang-tawa. "Siraulo ka talaga!"

"Sus ako pa ang siraulo! Ikaw nga 'tong may favorite dyan nung 1st Year tayo!" pang-asar ni Chester.

"Tamaaa! Palagi mong pinapatugtog yan! Na-LSS tuloy ang klase natin nun!"

Di na rin na pigilan ni Wes ang kumanta na may kasabay na headbang.

So many bright lights to cast a shadow, but can I speak? 

Well, is it hard understanding I'm incomplete? 

A life that's so demanding, I get so weak 

A love that's so demanding, I can't speak

"SHET WES!!! HAHAHAHA!!" EPIC LANG!! May ilang bata na ang nanonood saming tatlo. As if on cue, sabay kaming kumanta sa chorus.

I am not afraid to keep on living 

I am not afraid to walk this world alone 

Honey if you stay, I'll be forgiven 

Nothing you could say can stop me going home

Hiningal na kami sa kakatawa. Wala lang, ang saya lang magreminisce ng aming 1st Year days XD Nang matapos ang kanta, sumunod naman ang request ni Wes. Sumeryoso agad sya.

"Hoy ano ba yang request mo?" Napansin kong nakayuko sya.. at unti-unti nyang inaangat ang ulo nya, as if sinasabayan ang mus--

Oh sh*t.

All the loneliness has always been a friend of mine 

I'm leaving my life in your hands

(O__O) "FEELING NICK CARTER KA!?!" I can't stop laughing! Feel na feel ni Wes ang paglilipsynch sa As Long As You Love Me!! AHAHAHA!!

Nilabas naman ni Chester ang cellphone nya. "Sshhh," medyo bulong nya sakin. "Papakalat ko 'to pag inaway ka nya." Nag-apir ulit kami.

Pati yung mga bata na nanonood samin natatawa sa kanya. Eh mukha talagang sira eh!

I don't care who you are 

Where you're from 

What you did 

As long as you love me..

4 minutes tumagal ang tawa namin ni Chester. Nang matapos sya sa kanyang 4 minutes of shame, nakangiti nya akong kinausap.

"Told you, I am not a buzzkill. And I'm definitely the ideal Intrams buddy."

"Fine, ikaw na. You're not the worst company in the world."

--

RUMOR # 2:

Spotted: Someone's curious

NORMAL POV

Ilang araw na rin ang nakalipas nang nanalo si Barbs as Miss Intrams. Ilang araw na rin syang pinagtitinginan ng mga tao, mapa sa school man o pati sa bahay. Ang mga ate ni Barbs, sa sobrang tuwa at naging 'girly' na ang itsura ng kapatid, pinagbibili ng bagong damit! Syempre, ayaw suotin ni Barbs ang mga yon, kaya tinago na lang nya ito sa cabinet nya. Ang mama naman nya, kinausap sya saglit, tapos wala nang sinabi about her appearance. Okay lang ata sa nanay nya.

Pero para kay Barbs? Hindi pa rin okay. Wa epek pa rin sa kanya yung drama ni Cyrus sa mga salamin. Alam nya sa sarili nya na kahit hindi sya tumingin sa salamin, o sa kahit anong bagay na makikita nya ang reflection nya, makikita pa rin nya si Vicky na nakatingin sa kanya.

Kaya.. pumasok sya as if hindi nangyari ang muse compet. As if hindi sya ang Miss Intrams. Back to Jeje-Barbs na naman sya. Sayad sa lupa na palda, malaking blouse, balik na rin sa girdle. Isang araw lang sya naging babae, naging si Vicky. Ang pinagkaiba nya sa Barbs na hindi muse ay ang buhok na ngayo'y maikli na.

Tahimik syang naglalakad papunta sa school. Buti na lang at Intrams ngayon, open house. Walang masyadong gagawin. Walang sakit sa ulong classes or whatsoever. Matutulog na lang sya sa CAT HQ maghapon. Basta, magtatago sya sa mga tao.

Sa sobrang lalim ng iniisip nya, hindi nya napansin na may nadaanan syang schoolmate sa tapat ng isang tindahan. Saktong pagdaan ni Barbs, napatingin ang schoolmate na yun sa kanya at...

"Sandali!"

Walang narinig si Barbs kaya hindi sya huminto. Hinabol sya ng schoolmate at hinawakan sa braso.

"Ano b--"

"Sand--"

Halos lumabas sa sockets ang mga mata nya. Hindi sya makapaniwala na..

"Ramirez? Ikaw ba talaga yan?!"

Blangko ang utak ni Barbs. Hindi sya makaisip ng pwedeng ireact sa sitwasyong 'to. Eh kasi naman, ang awkward lang ng tingin sa kanya ni..

"Hoy Bello," nagkaron na sya ng lakas ng loob. "Get your hands off me!"

Binitawan naman nya agad ito, pero tuloy pa rin sya sa pagtitig. "What.. happened to you?"

Biglang naconscious si Barbs sa itsura nya. Pinilit nyang hilahin pababa ang buhok kaso wala na talaga. "You can laugh now."

"Bakit naman ako tatawa? Ano ka, sitcom?"

"Di ba you warned me about this? Eto napala ko. Masaya ka na? Tawanan mo muna ako para makumpleto araw mo."

Wala namang ginawa si Seth kundi tumitig. He can't believe it. Ginawa talaga ni Barbs. "And.. you won?"

"Unfortunately, yes."

"Wow. Kaharap ko pala ang Miss Intrams ngayon. Nice!" akmang papaluin sya ni Barbs ng bag kaya hinarang nya ang backpack nya. "Eh bakit ganyan pa rin suot mo?"

"Walang basagan ng trip!"

"Di bagay! Wag ka na lang pumasok!"

May something na nagclick sa utak ni Barbs. "Teka.. papasok ka ba? Bakit ka papasok?"

"Masamang pumasok?"

"Oo! Lalo na sa katulad mo!"

Tumigil si Seth saglit. "Bawal ako umabsent this month. Di ako makakagraduate."

"Ha? Sino nagsabi nyan, si Panot?" napailing si Barbs. "Wala ka pala eh, tiklop ka rin pala dun."

"Hindi, yung principal na mismo nagsabi. Dami ko na raw absent nung 3rd year, bawasan ko naman daw ngayong taon."

"Ano naman gagawin mo sa school? Magbobrood sa sulok, maglalaslas?"

"Matutulog ako sa classroom. Open house naman diba?"

"Ginawa pang bedroom ang school. Psh."

"Nagsalita. Yun din naman gagawin mo."

Napa-Ah na naman si Barbs. "Ayan ka na naman, sasabihin mo na parehas tayo ng takbo ng utak? Ulul ka. Asaness dude."

"Eh sa ganun talaga. Aminin mo man o hindi, parehas talaga tayo ng utak. Wag magdeny." Nagsimula na syang maglakad papunta sa school.

"Bastos! Kitang kinakausap pa eh!" sinundan na lang nya si Seth. Mukha tuloy silang tanga sa ginagawa nila.

"Bakit mo ko sinusundan?"

"G@go. Feel mo naman. Papasok ako, alangan lumipad ako diba?"

"Ikaw nagsuggest nyan."

(@.@) "Bastos talaga bunganga nito," mahinang sabi ni Barbs.

"Mas bastos bunganga mo. Ako nagmumura lang sa isip, ikaw nagmamanifest sa lahat ng sulok ng katawan mo."

Hinampas na ni Barbs ang pilosopong kausap. "LAMPANG EAGLE SCOUT!"

"Poser na non-conformist."

"HYPOCRITE!"

"Pretender." Natigilan si Barbs sa sinabi ni Seth. Napaisip tuloy sya, ganun ba talaga ako ka-transparent?

"Pakyu."

At dahil sa sobrang inis nya, inunahan na nya si Seth sa paglalakad.

-

RUMOR #3:

Overheard: All Apologies

CHESTER'S POV

Mas naunang pumasok si Janine ngayong araw. Sya kasi ang assigned sa pag-aayos ng Marriage Booth ng Performing. Toka naman ako ngayon sa Jailbooth ng CAT.

Magandang break 'tong Intrams para saming mga estudyante. Pampalubag-loob 'to mula dun sa Bagyong Nanding at ang exams last week. Kaso stress naman para saming varsity, may laban na kami next week versus the alumni team. Hello suicides at Monster Lean na naman (-.-)

Nagpalate na ako pumasok, sure kasi akong late rin si Barbs ngayon. Wala na nga ako masyadong dalang gamit eh! Pagpasok ko ng locker area, may sumalubong kaagad sakin.

Si Jenica.

Until now nagtataka ako kung bakit nila ginawa yun. Sure, yung ibang bastos na estudyante tuwang-tuwa sa eksena nila. Pero ako? Hindi ko alam ang irereact ko. Sige nga! Kung ikaw lalaki, varsity team member, tapos makikita mo na nakatahi ang jersey number mo sa bra ng isang babae, anong mararamdaman mo? Di ko gets.

At hindi ko rin gets kung bakit nasa harapan ko sya ngayon. Nakayuko pa sya.

"Jenica? Okay ka lang?" hinigit ko sya sa tabi para di kami nakaharang sa mga dumadaan.

"K-kuya Ch.." hala iiyak agad 'to?

"Teka wag ka muna umiyak!"

"About po.." bumulalas na sya ng iyak. Ano ba 'to, agaw eksena pa kami sa locker. "Sorry po talaga dun!"

"Haay Jenica," I patted her shoulder. "Apology accepted. Wag nyo na lang uulitin yun ah? Nadisqualify ka tuloy."

Unti-unti nyang inangat ang mukha nya. "T-talaga po?"

"Okay lang. I was shocked but I recovered. No big deal."

"Yaaaay!" niyakap agad nya ko. Okaaay. "Thank you po! Thank you po! Akala ko galit na kayo sakin!"

Teka di nako makahinga! "Hindi ah! Okay lang talaga."

Bumitaw agad sya at nakangiting humarap sakin. "Waahh Kuya Chester! Akala ko talaga galit ka na sakin. Sorry po talaga!" May sinilip sya sa likuran ko. "Where's Ate Janine?"

"Inaayos yung marriage booth nyo. Di kami magkasabay e!"

('o') "Oh my god! Nakalimutan ko tutulungan ko pala sya!"

Natawa ako sa reaction nya. "Tapos na ata sila dun. Nagpatulong na sya kina Cyrus at Wes."

"Bakit di kayo tumulong sa kanya? I mean girlf-"

"She's not my girlfriend."

"Oh," napangiti na lang sya. "Sorry po! I thought.. kayo na."

"Di ka nag-iisa. Tell me, do we really look like a couple?"

She slowly nodded. "Akala po ng batch namin kayo na. Kaya nga po natakot sila nung.. sa pep rally. Akala nya sasagpangin ako ni Ate Nine."

"Pakisabi sa kanila hindi kami ah?" I looked at my watch. "Pano, una nako. Nagwawala na siguro si Barbs sa jailbooth."

"Sige po! Basta sorry po ulit Kuya Chester. Byeeee!" todo kaway pa sya.

Hmm.. Buong batch nila? I wonder.

--

RUMOR #4

Spotted: Green-eyed monster?

-

BARBS' POV

HAAAAAY KASTRESS! PERO STRESSFUL NA MASAYA! HAHA! XD

Ang genius ko talaga! BWAHAHA! No need to clap for me guys, matagal ko nang alam yan! Samin ang magiging pinakamabentang booth ever!

Jailbooth ang naisip ko para sa CAT. Wala lang, para masaya! Tsaka marami kaming mahuhuli dito, tapos malaki pa ang piyansa namin. Tiba-tiba kami dito!

Duty ako today, kaya naka-fatigue ako. Kanina pa nga ako naghahanap ng pwedeng hulihin eh. Haynako, sino ka--

ALAM NA! TARGET SPOTTED!

Inagaw ko ang mic kay Rocky, na kasalukuyang nagbabantay ng Request booth. "Next victim sa jailbooth: hulihin nyo si Leandro Abarquez!"

Tumigil naman si Lean sa paglalakad. Haha! Ano bang topak nyan at naggagala sa school grounds? Hindi na lang nya gayahin si Panot na mahimbing na natutulog sa office nya!

Pinanood namin ni Rocky ang paghuli kay Lean. "Sira ulo ka talaga Barbs! Baka mamaya biglang magpaklase yan satin!" pero natatawa rin sya.

"Sus, di yan! Subukan lang nya, upakan ko sya!" Mas lumakas ang tawa ko nang kaladkarin sya sa jailbooth.

Naghanap na lang ako ng pwede pang hulihin. Hmm.. dapat yung mayayaman eh!

"Barbs hindi ka pa ba kakain?" tanong sakin ni Rocky. Kanina pa sya kumakain ng cheesestick sa tabi ko.

"Psh. Anong oras na ba?"

"12:30?"

Wow, 12:30 na? Himalang hindi nagrebolusyon ang mga alaga at alien ko sa tiyan? (-_-) Umalis nako at nag-ikot sa food stalls. Ano bang meron sa itsura ko ngayon ah? Ba't tinitignan pa rin nila ako?

Hindi makamove on, people? Bullsh*t. Bawal food stall na puntahan ko pinagtitinginan ako. Pasalamat sila gutom ako! Kawawa naman ang mga sawa at alien sa tiyan ko [;.;]

Bumili ako ng footlong, shawarma, kwek-kwek, cheesestick, burger, french fries, coke.. BASTA KASI GUTOM AKO NYETA MAKIKIALAM NA NAMAN! Nag-ikot na rin ako sa campus. Medyo nakakatamad din pala 'to. Text ko na lang si Chester na sya na magbantay sa jailbooth!

AHA! Nasan na yung eps na yun!? Tinatakasan na naman ang trabaho nya! Pero pag oras ng pagmamarunong at pangingialam, present na present! Pucha talaga.

Pasimple akong pumasok ng HS building. Bawal kasing tumambay dito, baka mamaya may gumagawa na ng milagro dito. Ako? Matutulog lang ako sa classroom! Sarap matulog, siesta! Kaso dapat mag-alarm ako ng 2:30 pm, baka mamaya maiwan ako dito sa school. Creepy lang.

Sinilip ko muna ang classroom ng Soc, wala yung pesteng Bello na yun. Baka pumuga na. Bahala na sya! Basta ako makak--

*boogsh*

AY PUTSPAAAAA!!! ANO YON!?

T@NGNA ANG SAKIT!! NADAPA PA AKO!!! Leche, ang sakit talaga!!! Natapon pa sa fatigue ko yung coke! As in LAHAT NG COKE!!! NI HINDI PA AKO NAKAKAINOM!!!

"T@ngna ano ba yan!!!"

May narinig akong gumalaw sa may pinto. Nang lumingon ako.

"P*T@NGNA KA!!!! BAKIT KA BA PAHARANG-HARANG DYAN!!!!"

NAKAKAINIT NG DUGO!! SARAP TUMAGA NG TAO SA SOBRANG INIS!!! LECHENG TUKO!!! SYA ANG DUMAPA SAKIN!!

Disoriented pa ang loko, kakagising pa lang. Sa harap ko pa nagtanggal ng muta!!

"Barbara? Ikaw ba yan?"

Binato ko sa kanya yung plastic cup ng coke. "Pakyu ako 'to!! LANGYA KA!!!" Umayos ako ng upo. Shet my future! Kahit nakagirdle ako it hurts!! <//3

Tumayo sya at lumapit sakin. "What happened?"

"What happened?" pinagsisipa ko ang legs nya. "G@GO KA WHAT HAPPENED?! KUNG HINDI PAKALAT-KALAT YANG LECHE MONG BINTI EH DI SANA HINDI AKO NADAPA!!! LOOK AT ME!!! LALANGGAMIN ATA AKO DAHIL SAYO!! NALIGO AKO SA COKE NANG DI ORAS!!"

Sinipa nya rin ang binti ko. "Masakit! At anong kasalanan ko? Ikaw ang tanga dyan!"

('o') "EPAL KA!!! KASALANAN MO TO!!! PANO AKO BABABA NYAN AH?!? BASANG-BASA AKO NG COKE!! PAG AKO NAMATAY SA KAGAT NG MGA LANGGAM IPAPAKALAWIT DIN KITA KAY KAMATAYAN!!!"

He gave me his confused look. "Ba't ka ba nandito?"

"Walang pakialamanan!!!" At himala, he extended his hand to me. "Excuse lang, kaya kong tumayo sa sarili ko." At tumayo na nga ako. Ang lagkit ko!!! Ugh!!!

"HAHAHAHAA!!!"

"T@ngna ka!" hinampas ko sya. "Tawa tawa ka pa!! Pakshet ka!!! Pano ako lalabas nito ha!! Wala akong dalang damit!! Leche ka!!"

Iniwan nya ako sa pwesto na yun at pumunta sya sa may desk nya. Psh, anong drama na naman 'to?

"Wear this." May hinagis sya saking jacket.

"I AM NOT WEARING THIS!"

"Pantakip lang sa basa. Baka may extra shirt sina Rocky, humiram ka pagbaba mo."

"No, thanks. Kadiri lang!! Eww!" hinagis ko sa kanya pabalik ang jacket nya.

*hagis ulit* "Suotin mo na."

"Nyeta ayoko!"

"Tapos magrereklamo ka sakin? Timang ka rin talaga ano?" napangisi pa sya.

"Pakshet ka!! Susunugin ko yan eh!"

Hinagis nya ulit sakin yung jacket. "Suotin mo na. Ge, alis nako." At lumabas nga sya ng classroom!! Walangya!!

Gusto kong matulog! Kaso alangan matulog ako na basa ako ng coke? Psh. Kumuha muna ako ng mop at nilinis ang kalat ko dun. Kasuklam-suklam na tao! Sarap nyang tagain!! Sarap nyang tagain nyeta!

No choice. Bahala na. Bibilisan ko na lang ang paglalakad. Teka itetext ko na lang si Rocky para nakaready na yung tshirt. Eww.. I'm wearing his jacket. Amoy Axe Chocolate. Gusto ko yung scent kaso eww.. Kay Tikoy 'to. Ewww.

Para akong pumugang preso sa ingat kong paglalakad. Sa CR kami magkikita ni Rocky. Sa C--

"Barbara!"

Oh sh*t. Wrong timing! Wag kang lumingon Barbs!

"Barbaraaaa!!!"

Ano ba yaaaan! *harap* "Yes, Tatin?"

Tumakbo naman sya agad papunta sakin, may dala syang papel. "Sino nga pala ulit ang volleyball players sa inyo? Pinapatanong ni Sir Rons."

Sinabi ko yung players samin. Napansin kong parang napatulala sya. "Tatin, okay ka lang?"

"Ha?" nabawi naman nya agad. "Yeah. Got the names. Thanks!" Umalis sya agad. Okaaay..

Hinintay ko si Rocky sa may pintuan ng CR. Nang dumating sya..

"Ba't ba kasi ang tanga mo rin noh?" hinagis nya sakin yung tshirt nya. Pumasok na ko sa loob ng cubicle at nagpalit.

"Hindi ko 'to kasalanan. Kasalanan 'to ng isang epal." Buti na lang nakagirdle ako! Putok sakin 'tong tshirt nya pag nagkataon.

Paglabas ko ng CR, nakita kong hawak ni Rocky ang jacket ni Tuko.

"Ba't nasayo to?" nagtataka nyang tanong sakin.

"Nakita ko lang yan sa classroom," I lied. "Bakit?"

"Kay Cyrus 'to ah."

"Weh?"

Pinakita sakin ni Rocky yung design ng jacket: #28. Ay sht, varsity jacket pala 'to nung 2nd year kaya color blue! "Anniversary nila yung 28, October 28 to be exact. Wow, tama nga siguro si Bru, hindi pa nakakamoveon si Cy kay Tatin. Ginagamit pa rin pala nya 'to?"

Ay pucha. Nayswan, kaya pala ganun itsura ni Tatin. G@go talaga yon!

-

RUMOR #5

Spotted behind the bars: a budding.. friendship?

LEAN'S POV

HAAAAAY BUHAAAY HAYSKUL!

Sarap! Grabe, walang klase! Kaso kailangang pumasok. Tss. Okay lang, at least petiks lang dito sa school! Dami pang booths! Hanggang matapos ang October, ganto? Nice nice!

Hindi pa rin ako makapaniwala sa itsura ni Barbs ngayon. Actually di ako naniwala nung pinapanood sakin ni Wes yung video ng Muse Compet nung Saturday habang nagpapractice kami para sa showdown game. May tinatago palang ganda ang baliw! XD

Anong gagawin ko sa open house na 'to? Hmm.. bukas pa ako pupunta dun sa Film Showing, Mission Impossible 2 ang palabas bukas \m/ Isa kasi yon sa favorite movies ko! Hmm.. ano kayang pwedeng gawin ngayon? Dumaan na rin ako sa booth nina Rocky kahapon at nagrequest ng sandamukal na kanta. Sarap makinig pag rinig sa buong school ang kanta! Hahaha! =))

Hmmm.. ano pa kaya? Hmm..

"ATTENTION CAT CADETS!"

Sino yun? Angas makaa--

Napatingin ako sa may stage at nandun nga si Barbs, na nakasuot ng fatigue. Teka.. anong meron? Bahala na nga!

Palakad na sana ako nang..

"Next victim sa jailbooth: hulihin nyo si Leandro Abarquez!"

H-ha?! Ako? Psh. Ako? B--

Bago pa ako makatakas, sinalubong na ako ng 6 na kadete ni Barbs.

"T-teka.. san nyo ako dadalhin?"

"Sorry po sir!" sabi nung isa. "Utos po ni Ma'am Barbs!"

No choice ako. Pinabayaan ko na lang sila na kaladkarin ako sa "jail booth". Psh, jail booth? Eh eto lang yung vacant classroom sa tabi ng locker area ah! Nice nice.

May ilang estudyante, o kosa dito sa loob. Bakit kaya pinaghuhuli ni Barbs ang mga 'to?

Sa sulok na lang ako pupwesto para makatulog ako. Haaay sayang ang bayad dito, matutulog na lang ako.

(>.<) (O.o)

Ba't nandito 'to?

"Psst Vivien!"

Agad naman syang lumingon sakin.. at sumimangot.

"Oh no." Tinabi nya agad ang notebook nya.

"Anong oh no? Ayaw mo ko makita?"

"Hindi naman po sa ganun."

"O e bakit?"

She sighed. "Nagpadetain talaga ako dito."

"Ha?"

"Tinatapos ko po kasi ang papers namin para sa IP this November. Mas tahimik dito."

"Pwede naman sa classroom!"

"Bawal po kami umakyat dun sa taas, Sir."

Kinuha ko yung paperworks nila. "Ano ba 'to, wala akong maintindihan!!"

"Wag nyo na lang intindihin," inagaw nya ulit sakin.

"So.. kamusta? Nakamove on ka na sa contest?"

Napangiti sya. "Okay lang sir, nakamove on na. It was a very educational experience. At least nakasali ako sa ganun."

"Come on, 3rd place is not that bad! May points ka pa rin for that."

"Eehhh.." she trailed off.

"We did our best, Vivien. Don't be sad!"

"I am not sad!" bumalik sya ulit sa pagsusulat. "Sshhh be quiet please."

Aba sungit! "May period ka ba ngayon?"

(-////-) "I am not answering that!"

"S-sorry naman! HAHAHAHA!!! Malay ko ba!" naiiyak na naman ako dito! Natawa na rin sya.

"Tama nga ang sabi ni Barbs, bully ka nga!"

"Aba, kelan sinabi ni Barbs yon?"

"Uhh.. all the time?"

"Wag ka ngang maniniwala dun! Di ba mabait naman ako?"

Vivien gave me a weird look. "Uhh.. Medyo?"

"Medyo lang? Ang bait ko nga sa'yo eh! Nilibre pa kita nung Friday!"

"Fries lang kasi yon Sir, di yun pang mabait. Pangkuripot yon."

"Grabe naman 'to! Pero mabait pa rin ako, diba? Kuripot nga lang."

"Oo na po, mabait na po kayo."

"Eh matulungin?"

"Opo."

"Eh masunurin?"

"Opo."

"Friendly?"

"Opo."

"Gwapo?"

"Sakto lang."

(-__-) "Sayang! Akala ko pa naman mauuto kita!"

Tumawa na naman sya. "Hindi nyo ako mauuto sa ganyan, Sir."

"Hoy, hindi naman kita inuuto. Pinapatawa lang kita! Masyado ka kasing seryoso eh."

"Hindi ka--"

"Itatanggi pa! Sus, bata ka pa. Inenjoy mo yan! Yung problema isipin mo na lang pagtanda mo."

"Thanks for the advice, Sir."

"Pero wag ka rin makikinig sakin masyado. May advices na dapat ibabagay mo sa'yo. Wag ka lang basta tanggap nang tanggap."

Tumigil na rin sya sa pagsusulat. "Pwede kayo dun sa mga nag-aadvice sa radyo, Sir. Yung Dr. Love ba yun? Or Papa Jack?"

Tae, natawa na naman ako nang di oras! "G-grabe! Dr. Love agad? Imagination mo talaga! Akin na nga yang papel mo, tignan ko kung matutulungan kita!"

--

RUMOR #6 (A THREAT)

Nilabas muna ni Barbs ang inis nya kay Cyrus sa pamamagitan ng pagpunta sa booth ng Athletics Club (buti wala dun si Cyrus). Sa darts nya binuhos ang inis nya. Parang t@nga lang kasi, sinasadya ba talaga ng Tuko na yun ang jacket? Kitang okay na sila ni Tatin tapos eepal na naman? Walang magawa?

Takot na takot ang bantay sa booth ng Athletics. Iba kasi ang aura ni Barbs. Nawala tuloy ang slight crush nya dito nung Intrams. After ng laro, inabutan sya ng Barbs ng 200php, di na kinuha ang sukli. Ganun kainis si Barbs. Di nya alam kung anong gagawin sa jacket. Bitbit pa rin nya ito kasi nasa jailbooth nga ang gamit nya. Mamaya na lang nya kukunin. Sa HQ sya tumambay para matulog. Nagising sya around 2:30, saktong papalayain na ang mga 'preso'.

Kaso.. medyo hindi sya natuwa sa nakita nya.

Sina Lean at Vivien.

She has nothing against with Lean. In fact, ito ang pinakapaborito nyang teacher ever. Cool, marunong makisama, ayos ang sense of humor.

Kaso para sa kanya, ibang usapan si Vivien.

Protective si Barbs sa barkada nya, lalo na after nung nangyari kay Janine. Pero kay Vivien talaga sya pinakastrikto. Alam nyang may crush si Vivien sa teacher nila (well alam nilang tatlo yun). Well, sino nga naman ba ang hindi magkakacrush kay Lean? Inaamin nya na medyo naging crush nya ito, for like 3 minutes. Hanggang dun lang.

Ilang kwento na rin ang nabasa nya about sa set-up nina Vivien at Lean. May idea na sya kung san pwedeng pumunta ang dalawa. Ayaw ni Barbs na matulad si Vivien sa mga bida sa fiction stories. Hindi para sa ganun ang kaibigan nya.

Pumasok na sya sa makeshift jailbooth. "Makakalabas na kayong lahat!"

Di naman natinag sina Vivien at Lean kay Barbs. Tuloy pa rin ang dalawa sa kung anuman ang ginagawa nila. Mas nainis dun si Barbs kaya pinuntahan na nya ito.

"Ahem ahem.. kung wala kayong planong magbayad, lumabas na kayo."

"Chill lang Barbs!" masayang sabi ni Lean. "Intense talaga 'tong IP nina Vivien! Wala akong maintindihan."

Natatawang inayos ni Vivien ang papers at nilagay sa envelope. "B, nakita mo ba si Ms. Medina? Ipapasa ko sana 'to."

"Nasa lounge."

"Hala baka umuwi na yun!" sinukbit na nya agad ang bag. "Una na ko ha? Bye B! Bye Sir!" Patakbo syang lumabas ng room.

Kinuha naman ni Barbs ang gamit nya at pinagsiksikan ang jacket sa bag. Pagtalikod nya, nakaabang pa pala sa kanya si Lean, na naka-cross arms pa.

"Hoy Barbs," nagkunwari pa syang galit. "Bakit mo ko pinahuli?"

Iniwasan na lang sya ni Barbs. "Bye."

Nag-alala naman si Lean. "Okay ka lang Barbs?"

Bigla na lang binagsak ni Barbs ang pintuan at medyo inis na humarap kay Lean. "Lean.. anong plano mo kay Vivien?"

Nagtaka naman dun si Lean. "Ha? What do you mean na plano?"

"Uhh," huminga ng malalim si Barbs. "Lean mabait kang tao, alam ko yun. Kaso.. wag si Vivien, please."

"Barbs hindi kita magets. Anong i-"

"Hindi sa ayaw ko sa'yo.. Ayaw ko lang masaktan ulit si Vivien. I know that you're not leading her on. Just.. don't.. Sh*t why am I even saying this? Just don't hurt her. Kung san man pupunta yang closeness nyo, ingatan mo sya. Kasi once, once na mapaiyak mo yan.. hindi kita mapapatawad."

Nakaramdam ng takot si Lean sa sinabi ni Barbs. Totoong-totoo ang sinabi nito, na kayang gawin ni Barbs ang sinasabi nya.

"Barbs.."

Isang malalim na tingin na lang ang binigay ni Barbs sa kanya, at umalis na ito sa room.

--

WEEEHH SORRY! HAHAHAH! Bitin para may abangan. Malaman ang binitawang salita ni Barbs? Gusto nyong malaman ang mga laman? XD Next update yun! Basta lilitaw na lang ang Chapter 43!

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

11M 110K 79
Published under Pop Fiction (2014)
107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
1.3M 67.2K 56
Cupid Gone Wrong Book 2 Light only
SEATMATE Door zhidez

Tienerfictie

396K 8.2K 8
Short stories related to Seatmates: 1) ZID'S STORY 2) LOVE SEAT 3) PARALLEL 4) MY SKINNY LOVE 5) THAT GUY 6) NEXT TO YOU 7) MR. LIBRA