The Heiress and the Pauper

By frozen_delights

2.3M 68.8K 7.9K

Rich and beautiful Filipino-American Annika is making amends for an old misdeed but falls in love with her un... More

Introductory Note
1-Please Forgive Me
2-The New Boarder
3-The Maid
4-Silver Spoon
5-Dope
6-Fire
7-Boy In Love
8-Chocolate
9-I Need You
10-The New Neighbor Named Dy
11-Tomorrow
12-Miss Right
14-2U
15-Hold Me Tight
16-Rain
17-Lost
18-Goodbyes Are Not Forever
19-Begin
20-Reflection
21-The Rival
22-Annie's Scheme
23-His Goal
24-Intuition
25-Secrets, Lies, and Deceits
26-In Motion
27-A Seed of Doubt
28-Invalid Password
29-Misery Loves Company
30-Happy Birthday
31-Guilty or Not Guilty
32-Broken and Betrayed
33-Let Her Go
34-Fake Love
35-I'm Fine
36-Her
37-Paradise
38-Crystal Snow
39-Love Maze
40-One Plus One Equals Three
41-Stupid Cupids
42-The Truth Untold
43-Reunited
44-Duyan
45-Homecoming
46-Euphoria
47-Don't Panic
48-All For You
49-So In Love With You
50-Insomnia
51-To Love and Protect
52-No Matter What
53-I'll Protect You
54-Sublime
55-The Encounter
56-Unforeseen Enemy
57-Save Me
58-The Aftermath
59-Bridal Shower
60-Stag Party
61-The Vow
62-Finale

13-Just One Day

45.1K 1.1K 23
By frozen_delights

Chapter Twelve

"BABY Nik-Nik."

"Hm, baby. Inaantok pa ako," nagtalukbong ng kumot si Annika upang patigilin sa paglilikot sa mukha niya si Walter.

"Gising ka na, Baby Nik-Nik ko. Punta tayo sa palengke."

"What?"

"Punta tayo ng palengke."

"Palengke?" dahan-dahan niyang ibinaba ang kumot at kinusot ang mga mata.

"Uh-hmn. Palengke. Bili tayo ng ulam. Pero kung inaantok ka pa—"

"Sasama ako."

Dali-daling bumangon si Annika upang gumayak papuntang palengke. Kamuntik na siyang matalisod sa pagmamadali. Mabuti na lamang at maliksi siyang nasalo ni Walter bago pa siya lumagapak sa sahig.

"Tsk. Hindi naman aalis ang palengke masyado kang nagmamadali."

"Hmp! Nakakainis ka. Minamadali mo kasi ako."

Tatawa-tawang iniyakap ni Walter ang mga braso sa baywang niya. Kinudlitan siya nito ng halik sa tungki ng ilong.

"Sorry na. Sige, take your time. Ako na ang magliligpit ng hinigaan at magtitimpla ng kape. Hilamos ka na at magbihis."

"You're a dear. Thank you," she pecked his nose and headed straight to the bathroom.

Paglabas ni Annika ng banyo ay may nakahanda ng kape at pandesal.

"Yummy," isa iyon sa mga paborito niyang parte ng kanilang umaga.

Sa tuwing magigising siya ay may kape at pandesal nang nakahain sa mesa. Hindi siya mahilig sa kape, pero simula nang matira siya sa bahay nito ay walang araw na lumilipas na hindi siya nito ipinaghahanda ng kape sa umaga.

"Thank you, baby."

Bilang sagot ay itinuro ni Walter ang mga labi. Nakangiting hinagkan ito ni Annika. They usually drink their coffee in one cup. Nakuha niya ang habit ng pamangking si Samantha na kinakagat ang dulo ng pandesal saka isinasawsaw iyon ng lubog na lubog sa kape. Ayaw na ayaw ni Walter na may naiiwang himaymay ng pandesal dahil nasasamid ito kapag lumulunok. But he doesn't have a choice. Kalaunan ay parang nasanay na rin ito at hindi na nagrereklamo.

"We should buy a bigger cup," aniya sa nobyo. Sa ikalawang pandesal kasi na isinawsaw niya sa kape ay halos maubos na niya ang laman ng tasa.

"Sa palagay ko nga rin," amused na tugon ni Walter.

"Naninilaw na ang ngipin ko. I think I need to set an appointment with my dentist."

Parang natigilan ito sandali pagkatapos ay marahang tumango.

"Sabihin mo sa akin kung magkano ang magagastos mo," sabi nito pagkatapos lumagok ng kape.

"Gastos? I don't need to pay for my dental check-up. My brothers take good care of those things. All I need to do is walk right in there and everything will be taken cared of."

"Ah, gano'n ba? Ahm, bilisan na natin. Tapos ka na ba?"

"Uh, y-yeah. I'm done. I'll get our bags," tumayo na siya at kinuha ang dalawang reusable bags na ginagamit nila pamamalengke.

Twice na sila nitong namalengkeng magkasama. Hindi sa talipapa kundi roon sa malaking pamilihan talaga na pinag-aangkatan ng mga gulay at isda. It was a refreshing experience for her the first time she went there. Sa buong buhay niya kasi ay hindi niya pa naranasang mamalengke sa ganoong lugar. Maputik, mabaho, mainit, siksikan ang mga mamimili at ang tanging transportasyon nila ay traysikel na ang sakay ay hanggang bubong. Pero kung nagmamadali sila ay maaari silang mag-rent. Iyong tinatawag na special. Isandaan ang bayad.

"Isuot mo 'to," sinuutan siya ni Walter ng sumbrero.

"Thanks."

"Ang ganda talaga ng Baby Nik-Nik ko."

"Bolero. Let's go."

Kinuha nito ang kamay niya at ikinawit sa braso nito paglabas nila ng bahay.


EVERY day with Annika is like their last. Kaya naman habang kasama ito ni Walter ay tila ginto ang bawat sandali. Habang naglilibot sa pamilihan ay mahigpit na magkabuhol ang kanilang mga daliri. Manaka-naka ay nililingon niya ito. Hindi pa masyadong katirikan ang araw. Kaya niya rin ito minadaling gumayak dahil ayaw niya itong mabilad sa initan. Alam niyang sanay itong mamili sa mga de-aircon na supermarket. O baka nga hindi ito namamalengke. Sa buong buhay nito ay malamang na sa piling niya pa lang nito naranasan ang mamalengke. Katulad ng paglalaba, pagluluto, pamamalantsa at paglilinis ng bahay.

He wish he could give her all the luxury she deserves. All the luxury that she grew up with. Pero nagsisimula pa lang siya. Matagal-tagal na panahon pa bago mangyari iyon.

"Baby, look."

Nilingon niya ang nobya at tiningnan ang itinuturo nito.

"I think this cup is perfect for us."

Napangiwi si Walter nang makita ang cup na tinutukoy ni Annika. Halos kasinlaki iyon ng isang maliit na pitsel. May disenyong dalawang puso.

"Hindi naman kaya malunod tayo sa laman ng tasang 'yan?"

"It's okay. Dalawa naman tayo."

Naiiling na dumukot ng pera si Walter. Ang tamis ng ngiti ni Annika. Binayaran nito ang tasa. Nang maibalot iyon ng tindera ay nag-ikot-ikot pa sila. Kahit pawisan ay mukhang wiling-wili ito sa pagtingin ng mga paninda.

"Sabihin mo lang sa akin kapag may gusto kang bilhin," aniya rito.

"Hm, none."

Kunsabagay, naisip ni Walter. Hindi ito tiyak nagsusuot ng mga immitation at hindi branded na mga damit.

"Baby?"

"Hm."

"May ipapabili pala ako sa'yo."

"Ano?"

Itinuro nito ang batang may dalang bilao na may panindang mga aksesorya sa buhok.

"A, 'yan lang? Pili ka na. Kahit isang dosena."

"Silly you. I'm okay with two."

Lumapit sila sa bata.

"Pumili ka na," aniya sa nobya.

"Ikaw na."

"Baka hindi mo magustuhan ang mapipili ko."

"Kahit ano'ng piliin mo ay magugustuhan ko. Alam mo kung bakit?"

"Bakit?"

"Because you're the one who gave it to me."

Parang binaha ng mainit na emosyon ang puso ni Walter sa sinabi ng nobya. Pumili siya ng dalawang bulaklaking pantali sa buhok. Kapag isusuot iyon sa braso ay mukha iyong bracelet at hindi pantali sa buhok.

"Heto."

Inilahad nito ang kaliwang braso. "Isuot mo sa akin 'yong isa. 'Yong isa ay itali mo sa buhok ko."

"Yes, Ma'am." Nang mabayaran ang binili ay pumunta sila sa isang tabi upang hindi makasagabal sa hugos ng mga mamimili. Tinalian niya ang buhok ni Annika gamit ang hair ribbon na binili. Ang gamit niyang suklay ay ang mga daliri. "Hayan, ayos na."

"Thank you," hinagod ni Annika ang buhok matapos niyang maipusod iyon. "I wonder, why are you so good at this?"

"Dahil po kay Samantha."

"Oh."

Natawa si Walter nang magkulay-rosas ang magkabilang pisngi nito.

"Selosa," pinalis niya ang pawis sa tungki ng ilong nito.

Kinulutan lang siya nito ng ilong.

"Tara na at baka abutin na tayo ng sobrang init," hinagip niya ang kamay ng nobya.

Kung wala lamang sila sa publikong lugar ay mahahalikan na naman niya ito. Tumuloy muna sila sa pamilihan ng gulay. Ito ang pinapili niya ng gulay na gusto nito. Siya kasi, kahit anong gulay kinakain niya. Pagdating sa pamilihan ng isda at karne ay ito rin ang pinapili niya. Kahit mahal ang presyo, ayos lang. Basta't kung ano ang gusto nito.

Matapos nilang mamili ay yayayain niya sana itong kumain sa Jollibee. Pero umiling ito at itinuro ang nagtitinda ng banana cue at turon. Mas gusto raw nito niyon at saka isang basong gulaman. Bumili siya ng tig-isang stick ng banana cue at gulaman. Habang kumakain ay naglakad na sila papuntang sakayan ng traysikel.

"Sana lagi tayong ganito."

Nilingon ni Walter ang kasintahan. Ngumiti. "Siyempre naman."

"Kahit uugod-ugod na tayo, gusto ko magkasama pa rin tayong namamalengke."

"Kahit nirarayuma na tayong pareho, magkasama pa rin nating gagawin 'to."

"Promise?"

"Promise."

Continue Reading

You'll Also Like

46.4K 717 5
This was my first story. Hope that you will enjoy it. Sorry for the grammar couz im not that good in English. :D Vote and comment..♡♡ Chuu! Chuu! Chu...
3.4M 95.1K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
27.1M 449K 43
Shiela tried her best to be civil with Magnus, her one-night stand--after all, they have twins to take care of. But when circumstances bring them tog...
452K 14.3K 34
[THIS STORY IS A WATTYS 2020 WINNER UNDER ROMANCE CATEGORY!] Totoong tomboy nga ba si Mikaela Saavedra? O dala lang ito ng trauma sa mga lalaki dulot...