Undeniable Feelings

By JheangLiit

46K 1.1K 202

"Opposite do attracts ika nga. Pero maniniwala ka ba kung ang magkaparehas ay ma-attract sa isa't isa?" More

Let's Stop, To Begin
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Nine.
Chapter Ten.
Chapter Eleven.
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen.
Chapter Fifteen.
Chapter Sixteen.
Chapter Seventeen.
Chapter Eighteen.
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One.
Chapter Twenty Two.
Chapter Twenty Three.
Chapter Twenty Four.
Chapter Twenty Five.
Chapter Twenty Six.
Chapter Twenty Seven.
Chapter Twenty Eight.
Chapter Twenty Nine.
Chapter Thirty.
Chapter Thirty One.
Chapter Thirty Two.
Chapter Thirty Three
Epilogue:

Chapter Eight

974 27 4
By JheangLiit

Hi to you, Arinea26

Chapter Eight

Dahan dahang pinaghiwalay ni Uno ang mga labi naming dalawa. Halos hindi kumurap ang mga mata ko habang tinitingnan kung paano s'ya dumilat. Nagkatitigan kaming muli. Mabagal ang paghinga ko at alam kong ganon rin s'ya.

"U-uwi k-ka na..." he said.

Doon lang kumurap ang mga mata ko. Dahan dahan akong tumango, s'ya naman ay lumayo na sa akin.

"S-sige."

Nagmamadali akong umalis sa eskinitang iyon. Gulat ako sa nangyari. Hindi ko inaasahan iyon at mukhang hindi rin n'ya inaasahan na gagawin n'ya 'yon.

Nakalabas na ako sa eskinita nang mapahinto ako dahil sa tawag n'ya.

"Jamila."

Hindi ako kumibo pero hinintay kong magsalita s'ya.

"Sleep well."

Ilang beses na akong nagpa-ikot ikot sa higaan. Hindi ako makatulog. Sinadya n'ya bang sabihin iyon dahil alam n'yang hindi ako makakatulog sa ginawa n'ya? Nakakainis! Bakit n'ya ba kasi ako hinalikan?

Napahawak ako bigla sa labi ko. Ang lambot ng labi n'ya... I mean, lahat naman ng lalaking nahalikan ko ay malambot ang labi pero ang labi n'ya ang siguradong hindi ko makakalimutan. Kahit na saglit lamang iyon ay hindi ko makalimutan.

Hinila ko ang unan na nasa gilid ko at itinabon sa mukha ko. I don't know but I think... kinikilig yata ako.

"Puyat ka na naman?" Ani lola pagkalabas ko ng kwarto.

"Hindi naman, la. Konti lang." Sagot ko sabay kusot sa mga mata ko. Kulang na kulang ako sa tulog.

"Hindi pa rin ba nagbabago si bebe, lola?"

Naidilat ko ng malaki ang mga ko nang marinig ang boses ni kuya. Hindi nga ako nagkakamali! Si kuya nga!

"Kuya!"

Tinakbo ko ang distansya naming dalawa at yumakap sa kanya. Mas nag-mature ang katawan ni kuya ngayon kaysa noong nakaraang limang buwan. Matagal kasi umuwi si kuya, minsan once a year pa nga eh. Dahil iyon sa trabaho n'ya. Seaman kasi si kuya.

"Kumusta ka bebe ko?"

Nag angat ako ng tingin kay kuya at humiwalay ako sa pagkakayakap.

"Ayos lang, ikaw? Baka may ibang bebe ka na!" Kunwari ay nagtatampong sabi ko.

Natawa lang s'ya at iginiya na ako sa upuan. Siya ang naghila ng upuan para sa akin. He's such a sweet kuya. He's ten years older than me, halata naman. Hindi ko alam kung bakit ang tagal nilang sinundan si kuya o baka unwanted child ako?

"Wala akong ibang bebe 'no. Paano ako makakahanap, ganito ang trabaho ko?"

Nasulyapan ko si lola na nakasimangot. Ganyan na naman s'ya. Naiinis s'ya sa pagiging sobrang sweet ko kay kuya. Akala n'ya kasi ay may gusto na ako sa kuya ko. Gross! Mga iniisip ni lola, hindi katanggap tanggap.

"Magsi-kain na nga kayo at magsi-tigil sa kakalandi-an!" Eksena ni lola.

Nagkatinginan kami ni kuya at sabay na natawa. Na-miss ko ang mga kalokohan naming dalawa.

"Ihahatid kita sa school. May pupuntahan ako ngayon, eh."

Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nilunok ko ang kinakain ko bago ako sumagot. "Saan ka pupunta kuya?"

"Sa future bebe ko."

Kumunot ang noo ko at napahaba ang nguso. Sinong babae naman kaya iyon? Sana lang ay pasok sa taste ko. Pero bago 'yon, gusto ko na munang magtampo-tampohan. Tumango lamang ako at hindi na muling kumibo.

"Fasten your sit belt, Jamila."

Tinitigan ko s'ya ng masama at inayos na ang sit belt ko. Drama ko lamang ito. Gusto ko kasi na makilala 'yong babae.

"What's with your face?" Natatawang tanong n'ya.

"You did not call me, bebe."

Tumawa s'ya at nagsimula ng buksan ang makina ng sasakyan. Pinaandar n'ya iyon bago sumagot sa akin.

"Ang laki laki mo na," he chuckled. "Kilala na kita, ipapakilala kita sa kanya kapag sinagot na n'ya ako."

Lihim akong napangiti. Ang galing talaga ng kuya ko, kabisado na ang ugali ko.

"Sigurado naman akong sasaguting ka n'ya."

Sumimangot s'ya bigla.

"Hindi rin, ang hirap n'ya kasing ligawan..."

Nagkibit balikat na lamang ako. Imposible naman, si kuya pa! Eh, lahat yata nang niligawan n'ya ay napasagot n'ya. Ang gwapo kaya ni kuya!

Saglit lang ay nakarating na kami sa school. Inalis ko ang seat belt ko at humalik sa pisngi ni kuya bago nagpaalam. "Ingat ka kuya! Salamat sa paghatid!"

"Sige bebe girl, ingat!"

Nginitian ko si kuya at lumabas na ng kotse. Pagkasara ko ng pinto ay kinawayan ko s'ya habang papaalis ang sasakyan n'ya.

"Sige bebe girl, ingat!" Napalingon ako kay Uno na ginaya ang sinabi ni kuya. Nanlaki ang mga mata ko. Bigla ko tuloy naalala 'yong halik n'ya kagabi. My God! "Gaya gaya ka!"

"Sino ba 'yon? Ang baduy ng tawagan n'yo, bebe girl... so anong tawag mo sa kanya? Bebe boy?"

Napasinghap ako sa sinabi n'ya. Akala n'ya ba ay boyfriend ko si kuya? Hala s'ya!

"Pakielam mo ba?" Pagtataray ko.

Dire-diretsong naglakad na ako papasok sa school. Siya naman ay sumusunod sa akin, balak na naman akong asarin. Nakalimutan na n'ya yata 'yong nangyari kagabi.

"May boyfriend ka pala, nagpahalik ka sa akin. Grabe ka, nakonsensya tuloy ako."

Napahinto ako sa paglalakad at nilingon s'ya. Pinanlakihan ko s'ya ng mga mata. Nakakahiya! Ang lakas pa naman ng pagkakasabi n'ya. Akala ko noon ay tahimik na tipo ng lalaki si Uno, 'yon pala ay madaldal pa sa batang dalawang taong gulang!

"Huwag nga natin 'yan pag usapan! Ang daming estudyante."

Nagkibit balikat s'ya at lumapit sa akin. Inakbayan n'ya ako na nagbunga ng bulong bulungan sa paligid.

"Uno, bitiwan mo ako. Nakakahiya..." bulong ko.

"Hiwalayan mo 'yong pangit na 'yon kasi tayo na."

Napakurap kurap ako sa sinabi n'ya. Ano daw? Shit... pwede bang replay? Kami na? Paano? Ano daw?!

"Kuya ko 'yon! Kaya pwede ba tumigil ka na! Walang tayo!" Napasigaw na ako sa inis.

Marahas na inalis ko ang braso n'ya sa balikat ko at nagmamadaling pumasok sa classroom. Ano bang nangyayari sa lalaking 'yon? Hindi naman s'ya dating ganon, ah?

"Oh, bakit ang putla mo?" Tanong sa akin ni Madeline.

"W-wala. Napagod lang ako."

Iiling iling na ibinalik n'ya ang tingin sa notebook n'ya. Nagsusulat na naman s'ya ng notes. Lagi naman s'yang ganyan, puro pag aaral na lamang ang inaatupag.

Pagkapasok ni Uno sa classroom ay napasulyap pa s'ya sa akin at ngumiti. And I swear, kinilabutan talaga ako! Akala ko ay nakalimutan n'ya 'yong halik kagabi pero hindi pala. At mas malala pa dahil ngayon naman ay sinasabi n'yang kami na? What the hell, right?

Pagka-lunch ay sumabay ako kay Madeline sa paglabas. Absent si Harvey sa 'di malamang dahilan. Medyo malungkot nga si Madeline, eh.

Kinapa ko ang phone ko sa aking bulsa at dinukot iyon. Ngunit napansin kong hindi ko pala nadala 'yong wallet ko!

"Naku be, naiwanan ko 'yong wallet ko. Madami pa namang magnanakaw sa room," bulong ko kay Madeline. "Mauna ka na."

Tumango s'ya. "Sige, balik ka agad ha?"

Tumango rin ako at nagmadali nang maglakad pabalik sa classroom. Tinakbo ko paakyat ng hagdan kaya pagkarating sa classroom ay hinihingal ako. Napahawak ako sa tuhod ko at hinihingal.

"Sinungaling ka."

Dahan dahan akong tumayo ng maayos at nilingon si Jayson. Galit ang mga mata n'yang nakatingin sa akin.

"J-jayson... kasi-"

Naglakad s'ya palapit sa akin at hinawakan ang braso ko. Mahigpit iyon kaya medyo nasaktan ako.

"Sabi mo tatawagan mo ako ngayong umaga, pero tumirik na lang ang mga mata ko kakahintay wala pa rin. I tried to call you but I can't. Hindi mo parin inaalis ang number ko sa blacklist mo. Sinungaling ka!" Nagngingitngit na paratang n'ya sa akin.

"Ano ba! Ang sakit ng pagkakahawak mo. Bitiwan mo ako, pwede? Ikaw na nga itong nanghihingi ng pabor na magkabalikan tayo, tapos ikaw pa ang ganyan umasta! Halika mag usap tayo, pero hindi dito." Naiinis na sabi ko.

Kinagat n'ya ang labi n'ya at saka ako tuluyang hinila palayo sa classroom. Sumasakit na lalo ang pagkakahawak n'yasa braso ko pero hindi ako makaangal.

Lumaki ang mga mata ko nang dalhin n'ya ako sa cr ng mga lalaki! Walang tao doon kaya nakapasok kami. Shit! I know what he's thinking!

"Jayson! Shit, this is not the right thing to do! Mag usap tayo, hindi 'yong ganito!"

Isinara n'ya ang pinto at ini-lock iyon. Halos maiyak na ako dahil sa ginawa n'ya. Noong mag-on pa kami at mag-aaway kami ito ang lagi n'yang paraan para magkabati kami...

"Jayson, 'wag!"

Bago pa ako magsalita ay hinalikan n'ya ako sa labi. Nanlaki ang mga mata ko. Nababaliw na s'ya! Pinilit kong itulak s'ya pero lalaki pa rin s'ya at malakas.

"Mmp!"

Kinagat n'ya ang labi ko at nalasahan ko ang lasang kalawang ng dugo ko. Tuluyan na akong naiyak.

"J-jayson!"

"Mag-sex tayo, baby. Hindi ba ito naman lagi ang paraan natin-"

Sinampal ko s'ya at pinagsusuntok sa dibdib pero wala 'yong nagawa. Mas idiniin n'ya ako sa malamig na dingding at pinaghahalikan. Naiiyak na ako... Gusto kong humingi ng tulong kaso alam kong walang makakarinig dahil ang lahat ay nasa cafeteria.

"May tao ba dito?" sabay katok.

Nagngitngit ang galit sa mukha ni Jayson at pinilit n'yang takpan ang bibig ko. Sinubukan kong sumigaw pero sobrang lakas ng pagkakahawak n'ya sa bibig ko.

Inipit n'ya ang ulo ko sa braso n'ya habang hawak ang bibig ko. 'Tsaka n'ya binuksan ang pinto.

"Anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong n'ya doon sa likod ng pinto. Nakatago ako sa likod ng pinto.

"Banyo 'yan di ba? Malamang naiihi ako."

Lumaki ang mga mata ko. Si Uno 'yon!

Sinubukan kong sumigaw pero mas lalo lang hinigpitan ni Jayson ang pagkakahawak sa akin.

"Doon ka sa second floor! Gumagamit ako, eh."

"Lahat ba ng cubicle ginagamit mo?"

"Aba't-"

Lumuwag ang paghinga ko nang bumagsak si Jayson sa sahig. Sinuntok s'ya ni Uno!

"Abnormal ka, akala mo hindi ko alam ang ginagawa mo!" Bulyaw ni Uno kay Jayson.

Pumasok si Uno sa banyo at nilingon ako. Tumamlay ang mukha n'ya ng makita ako. Mas lalo lang akong naiyak.

"U-uno..."

Muli n'yang nilingon si Jayson at hinablot ang collar ng uniporme nito. Takot ang mga mata ni Jayson habang nakatingin kay Uno.

"Dadalhin kita sa guidance office!" Nanggagalaiting ani Uno kay Jayson.

"Uno, h-huwg na!" sigaw ko sa kanya.

Lumapit ako sa kanilang dalawa at inalis ang kamay n'ya sa collar ng damit ni Jayson. Hinarap ko si Jayson at sinampal sa kanang pisngi n'ya.

"Huwag mo na ulit ako lalapitan, Jayson. Kung hindi, mapipilitan na akong magsumbong sa guidance office."

Hinablot ko ang kamay ni Uno at hinila s'ya palabas ng banyo. Tumutulo ang luha ko habang hinihila s'ya. Nagpapahila naman s'ya sa akin. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang buhok ko nang makitang may mga estudyanteng dumadaan. Sinusulyapan kami dahil kasama ko lang naman si Uno.

Hila hila pa rin s'ya ay inakyat namin hanggang sa rooftop. At nang nandoon na kami ay binitawan ko na s'ya. Yumuko ako at pinunasan ko ang mga luha ko bago s'ya tiningala.

"Wala kang pagsasabihan nito."

Hindi s'ya umimik. Nanatili s'yang nakatayo sa harap ko habang nakatitig sa mga mata ko.

"Ang sabi ko, huwag mong sasabihin kahit kanino na umiyak ako at nangyari 'yong kanina."

Hind pa rin s'ya nagsalita. Sa halip ay dumukot s'ya sa kanyang bulsa at inilabas ang kulay puti n'yang panyo. Umawang ang labi ko nang punasan n'ya ang gilid ng mga mata ko.

"Akala ko matapang ka, may kahinaan ka rin pala."

Nanatili ang titig ko sa kanya. And again, my heart starts beating so fast. Na halos mabingi na ako sa lakas ng pagtambol nito.

"I won't let that happen again. I won't let any man kiss you again without your permission." Saka n'ya pinunasan ang labi ko.

Mariin iyon at tila gusto n'yang maalis ang ginawa sa akin ni Jayson. Seryosong seryoso ang itsura n'ya. Habang ang puso ko ay tuluyan na yatang nahulog... sa patibong n'ya.

***

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 137 41
The story of Jenim Essa Santiago. ©shanexyz
66.8K 880 23
GRAB THE HARD COPY OF REACHING THE SKY PUBLISHED UNDER 8LETTERS BOOKSTORE AND PUBLISHING ♡ || There are things that people wanted to have but they ca...
241K 5.2K 45
Natuto si Benjamin Franco Salazar na ipaglaban kung ano ang dapat sa kanya. He learned to sacrifice and commit a mistake for this tireless love. Kaya...
Erin's Heart By KD

General Fiction

348K 6.6K 43
Sino nga ba ang pipiliin ni Erin Cristobal? Ang lalaking unang minahal nya o ang lalaking nagparamdam sa kanya na masayang magmahal?