2 in 1 Book Critique

By 2in1Critique

14.2K 631 2K

A critique hub where critics really mean business. More

The Critique Hub
Rules to Follow
The Critique Process
Know Your Critics
Payment Terms
Form
Announcement
Target Dates
When Love is Undefined
Wintercearig
Asteria de Arcana - 1
Asteria de Arcana - 2
Deliciously Cursed - 1
Deliciously Cursed - 2
I Have Been Loving You - 1
I Have Been Loving You - 2
The Best of Me - 1
Darkest Regret - 1
Darkest Regret - 2
Announcement
Batch 2
Target Dates - Batch 2
A Mystery of Athena; it's you - 1
A Mystery To Athena: It's You - 2
Hell All Over Again
Hacienda Dela Vega: Natalie - 1
Hacienda Dela Vega: Natalie - 2
Fragment of Memories - 1
Soul Watcher - 1
Prince of Denmark
The Magical Mermaid - 1
In Between Worlds
Batch 3
The Outcast - 1
The Outcast - 2
Vendetta - 1
Vendetta - 2
Beyond The Midnight Sun - 1
Sands and Sparrow
Warning
Ang Mutya ng Salamin - 1
Ang Mutya ng Salamin - 2
Natalie: The Awakening - 1
Natalie: The Awakening - 2
Pragma
Update
Sixty-Minute Memories of First Love
Tales of Zestaria: Seven Deadly Sins
Draw me closer
Fated Lovers - Kaluawalhatian Chronicles - Book 1
Mission 143
Fater lovers - 2
Ang maalamat na reyna ng babaria

Thirteen Days of Summer Vacation

99 7 3
By 2in1Critique

Author: EpicNaWriter

Critic: charmdiatz

Target Reader: 15+

A. OPENING

Prologue

Ito na yata ang pinakamaikling prologue na nabasa ko. Hindi ko pa nga masasabing prologue nga ito. Ilang beses na rin naming nabanggit sa mga naunang review ang tungkol dito. Ang suhestiyon ko, basahin mo lang iyon para magkaroon ka ng ideya.

Day 1-C1

Siguro tama na energetic iyong pagkakasalaysay upang makuha ang interes ng mga batang mambabasa, pero hindi iyon dahilan para balewalain ang ilang mahahalagang detalye. Sa pagiging hyper ng narrator, tumatalon ang kilos ng mga characters.

Halimbawa:

Inayos na ng pinsan niya ang higaan nang nakahiga pa siya sa kama?

Kumakatok pa lang sila ng pinto, pero bigla na lang lumitaw si Nanay?

Nakakalito rin iyong biglang pag-shift ng iniisip ng MC. Puwede naman iyon, pero dapat isulat nang maayos para maintindihan ng reader na nag-iba ang daloy ng iniisip ng MC.

Halimbawa:

Tungkol sa nalimutan niyang bakasyon ang sinasabi rito tapos biglang tumalon sa dati niyang nobyo. May koneksyon ang salitang 'limot' sa baskasyon at sa nobyo niya, pero iyong salaysay tungkol sa pag-shift ng isip niya ang malabo.

Masyado na ring gasgas ang umpisa ng eksena na nagising mula sa maidlip na tulog iyong MC. Mabuti na lang at hindi alarm clock ang dahilan ng paggising niya. (Come to think of it, ganito rin ang start ng isang story ko. Thankfully, walang alarm clock.)

Ito 'yong bahagi ng kuwento na dapat interesting iyong mga pangyayari para mapansin ng readers. Pero paano makukuha ang kanilang atensyon kung puro tulog lang ang ginawa ng MC. Sa umpisa ng kuwento, tulog siya at ginigising. Sa gitna, nakatulog siya sa bus. Sa huli, pinapagpahinga siya. At kung titingnan sa susunod na kabanata, talagang natulog na naman si MC.

B. CONFLICT

Walang masyadong conflict sa umpisa, pero mas naramdaman ko sa bandang huli.

C. PLOT

Main Plot

Kuwento ng isang babae na nahulog ang loob sa isang lalaki habang nasa bakasyon ito. Kapani-paniwala naman ang konsepto nito.

Subplot

Maganda iyong konsepto na ang subplot ay isinabay sa bawat araw na nangyayari sa MC. Nagustuhan ko ang ideya na iyon. Ang maipupuna ko lang dito, bakit may nilaktawan na araw? Thirteen days na nga lang, hindi pa binuo at ginawan ng eksena/ plot iyong day 3, 5 at 10.

Medyo magulo rin ang format na ginamit.


Mas malinis kung iyong simpleng format lang ang gagamitin tulad ng nasa ibaba. Sa unang linya ng Chapter 1 ilalagay ang Day 1. Ang Day 2 naman ay sa unang linya ng Chapter 5 ilalagay.

Suhestiyon:

Tama na dapat realistic ang plot, pero huwag namang gawing masyadong normal na ang mababasa ay iyong daily routine sa isang normal na araw – gigising, kakain, usap-usap, tapos tutulog na. Boring iyon.

D. SETTING

Paulit-ulit iyong setting kaya nakakasawa. Sabihin na natin na sa Sitio Dimas nangyari ito pero dapat bang palaging nasa dalampasigan lang umiikot ang kuwento? Palaging nanonood lang ng sunset ang ginagawa nila? Hindi ba puwedeng nag-island hopping sila? Umakyat ng bundok, nag-camping, nangisda, naligo sa dagat, namalengke o nag-picnic sa park? Maraming puwedeng gawin bukod sa panonood ng sunset para hindi puro kalangitan at kulay ng araw ang dini-describe.

E. CHARACTERIZATION

Kate – Napakatamad ng character na ito. Palaging tulog o 'di kaya'y kumakain. Ito ang problema kapag ang plot ay katulad na katulad sa pang-araw-araw na gawain ng tao.

Okay rin naman siguro kung nasa kuwarto o hapag-kainan, basta babawi ka sa dialogue. O, dapat may importanteng pangyayari habang nasa silid-tulugan o habang kumakain sila.

Keith – Hindi consistent iyong emotion niya. Hindi ibig sabihin nito na kung galit si Keith sa dati niyang nobya, dapat palagi niyang ipinapakita at ipinaparamdam na galit siya rito. Puwede namang magbago iyon, tulad ng nasa kuwento. Pero kailangang ipaliwanag nang mabuti kung bakit nawala iyong galit niya rito. Kaaamin niya lang na gusto niya si Kate at naiiinis siya kay Trina. Tapos, hinalikan lang siya, kinalimutan niya na na ipinagpalit siya sa kaibigan niya? More justification pa para mas katanggap-tanggap iyong eksenang iyon.

Minsan nakasalalay rin kasi ang characterization ng tauhan sa sitwasyong kinalalagyan nila. Lalabas ang mga katangian nila (pangit man iyon o maganda) kung may kakaiba silang sitwasyong dapat harapin, isang sitwasyong hahamon sa kanila – sa moralidad nila, sa pananaw nila sa buhay, sa bagay na pinahahalagaan nila. Paano lilitaw ang personality ng mga characters kung panonood lang ng sunset ang gagawin nila?

Kinulang din ito sa physical description. Anong itsura nila? Kulay ng balat, hugis ng mata at bibig, tangos ng ilong, korte ng mukha, gaano sila kataas, ano ang pangangatawan nila? Sa ibang genre, hindi ito gaanong importante. Pero pagdating sa romance, kailangan ito para may malinaw na image na nabubuo sa isip ng reader habang nagtititigan iyong mga bida , naghahalikan o gumagawa ng baby.

F. DIALOGUE

May mga eksena na isa lang iyong salita nang salita. Mas maganda kung nag-uusap sila. Marami akong napansin na ganito.

Ayos din naman iyong ibang dialogue. Pero mas magiging interesting ito kung ang dialogue ay tumutulong para mag-move forward iyong plot. Na kapag tinanggal mo iyong dialogue, hindi mo na maiintindihan iyong buong kuwento. Iyon ang test para malaman na relevant ang dialogue.

May mga maling gamit ng punctuation sa dialogue. Na-discuss na rin ito sa previous reviews. Pakisilip na lang doon.

G. POINT OF VIEW

First person POV at ang nagsasalaysay ay si Kate at Keith. Pero minsan, POV ng minor characters – Ry, Ralph and Scot. Iyong iba, inulit lang iyong naikuwento na nina Kate at Keith. Maiintindihan pa rin ng reader kahit wala iyong POV nila.

Pareho ang voice nila kaya mahirap ma-distinguish kung sino ang nagkukuwento.

H. SHOW VS TELL

Karamihan tell. Sa setting napakita ang show. Sa ekspresyon ng mukha, paulit-ulit iyong tumaas ang kilay. Lahat yata ng characters, tumaas ang kilay. Maraming salita ang puwedeng gamitin para ilarawan ang nakikita sa mukha ng tao. Tulad ng:

sumimangot, humaba ang nguso

nalukot ang mukha, nangasim ang itsura, ngumiwi

nagsalubong ang kilay, kumunot ang noo

umarko ang kilay (pamalit sa tumaas ang kilay)

lumiit ang mata, lumaki ang mata, napamulagat

numipis ang labi

ngumiti, ngumisi, tumaas ang gilid ng labi

napanganga, umawang ang labi

Mukhang hindi rin masyadong nagamit ang ibang senses. No'ng nasa dalampasigan sila, anong narinig nila? No'ng nasa hapag-kainan sila, anong naamoy niya? No'ng hinalikan siya ni Keith, anong naramdaman niya physically, mainit ba iyong labi?

I. FORMAT OF THE TEXT

1) Kapag title, malaking letra iyong umpisa ng salita:

Hal: Harry Potter and the Half-Blood Prince

2) Sa inner dialogue, hindi na kailangan lagyan ng thought tag dahil first person POV naman ang ginamit. Alam na ng reader kung kaninong thought iyon. Mas maganda kung normal text din ang gagamitin. Nagki-create kasi ng mas malaking distansya kapag naka-italics pa iyon.

3) Kung pasigaw iyong dialogue, sapat na ang exclamation point. Puwede rin malaking letra, pero h'wag namang lahat ng sentences. Masakit sa mata. Ang hirap basahin. Piliin mo lang siguro kung anong sentence doon ang gusto mong i-emphasize nang mabuti.

J. GRAMMAR AND SPELLING

Kung mayroon man, very negligent. Hindi ko na talaga pinansin.

May napansin akong maling pagbabaybay:

nalang - na lang
sakin - sa akin/ sa 'kin
parin - pa rin
netong - nitong
neto - nito

OVERALL IMPRESSION

Maganda iyong konsepto ng kuwento. Napansin ko rin na nag-improve iyong narration nito mula sa Day 9-2. Naging evident ang show. Mukhang nag-edit ka na sa umpisa nito. May mga pupunahin sana ako roon pero no'ng binalikan ko, wala na. Sa tingin ko, mas maayos na iyong edited kumpara sa unang version.

Ang light ng scene ng intimate part nina Keith at Kate. Kiss lang iyon. Palagay ko, hindi na kailangang gawing mature ang rating nito. Saka ang target reader naman nitong libro ay 15+. Unless may plano kang gawing mas intense ang eksenang iyon.

Salamat sa pagsali dito sa critique hub. Sana may naitulong ako. Kung may tanong ka, I welcome it. Sasagutin ko kung kaya ko.

charmdiatz    

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 231K 12
Special chapters/AUs that are written during my Write with Me session in KUMU! Join me for spoilers, polls, and prizes! Kumu: @gwy.saludes
1.1M 46.6K 39
Head shall bow, knees shall kneel, look into eyes, you shall die! ABSOLUTE adjective ab·so·lute \ˈab-sə-ˌlüt, ˌab-sə-ˈ\ : complete and total : not li...
203K 248 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞
370K 11.4K 34
Date Started: April 30 2023 THE TWO RED FLAGS MET!🚩🚩 Isa lang akong ordinaryong babae na di alam kung anong patutunguhan sa buhay. Tahimik lang nam...