Eyes Nose Lips (Knightinblack...

By Kyligms

2.4K 92 10

We all know that famous author named KNIGHTINBLACK. We all know his stories but what we do not know about him... More

Please Read!!!
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
NOT AN UPDATE! PLEASE READ!
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22/Epilogue

Chapter 13

49 4 1
By Kyligms

~13~

Ngayon ang araw ng labas ko sa ospital. Maaga kaming nagising dahil na rin sa akin. Sumakit na naman kasi ang ulo ko at nanghihina na naman ako pero naging okay rin naman ako kaagad dahil pinainom ako ng mga doctor ng gamot. Mamayang hapon ay babalik ulit ako dito sa ospital para sa daily treatment ko. Sasamahan nalang ako ni Kib dahil may importanteng bagay raw na gagawin si Mama.

"Ano anak handa ka na bang lumabas?" nakangiting tanong ni Mama sakin. Nasa labas na si Kib kung kaya't kaming dalawa na lamang ang naiwan sa loob ng kwarto ko.

Napangiti rin ako at tsaka tumango. Isinara ko na rin ang zipper ng back-pack ni Kib na nilagyan namin ng kaonting gamit nang maospital ako.

Pagbaba namin sa main floor ay agad naman kaming sinalubong ni Kib at tsaka niya kinuha ang bag pack sa likod ko. Nakita ko rin si kuya na nasa kanyang sasakyan. Hanggang next week ang stay ni Kuya samin dahil gusto niya raw akong bantayan. Akala mo naman ay bata pa ako para bantayan. Ugh!

Tahimik lang ang byahe. Nasa likuran kami ni Mama habang si kib naman ay katabi ni Kuya na seryoso sa pagmamaneho. Walang kumikibo at nababagot na ako dito sa kinauupuan ko. Nang ibaling ko ang nga mata ko sa unahan ay agad na nagtama ang mga tingin amin ni Kib. Nakatingin siya sakin trought the mirror. Seryoso ang mukha niya at hindi ko maintindihan kung bakit.

Hindi ko nalang siya pinansin at muli na lamang ibinaling ang tingin sa hilid ng bintana sa tabi ko. Medjo malakas ang ulan ngunit maaliwalas parin ang kalangitan.

Sabi sa akin ng lola ko noon na kapag raw umuulan at sikat na sikat ang araw ay may hindi raw magandang mangyayari. Ewan ko lang kung totoo iyon. Hindi naman ako naniniwala kasi mga katang-isip lamang iyon na galing sa mga matatanda.

Pagkarating namin sa bahay ay agad na nakunot ang noo ko. May isang kotse kasing nakaparada sa labas ng gate. Familiar ang kotseng iyon ngunit hindi ko kagawang isipin kung saan ko ba nakita iyon.

"Pa!" narinig kong sigaw ni Kuya nang mabuksan niya ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko at tsaka napalingon kay kib na nakayuko na ngayon. Hindi ko alam pero gumuhit ang kaba sa dibdib ko. Hindi kasi alam ni Papa na may boyfriend na ako. Shocks!

"Asan ang kapatid mo?" seryosong tanong ni Papa kay Kuya at kumawala na sa yakap ng isa't-isa.

"N-nandito po ako Pa." nauutal kong sambit at tsaka dahan-dahang lumapit sa kanya at yumakap. Napalitan ng pag-aalala ang kaninang seryoso niyang mukha.

"Ano bang ginawa mo at nagkasakit kang bata ka?" bakas sa boses ni papa ang pag-aalala at pagkainis. Alam ko namang hindi niya nagustuhan ang nabalitaan niya lalo pa't busy siya sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

"Bakit po nandito kayo papa?" taka kong tanong. Hindi ko kasi magawang sagutin ang tanong niya. Umupo siya sa sala at ganon din ang ginawa ko. Pinaupo rin ni Mama si Kib sa kabilang sala at mukhang tense na tense siya ngayon.

"Uh- Pa, si Kib nga pala. B-boyfriend ko." kinakabahan ko sambit. Tumaas naman ang kilay niya at tiningnan ng diretso si Kib. Ngumiti naman si Kib at tsaka inabot ang kamay niya para makipagshake-hands kay Papa.

"Ikaw pala si Kib. Nice meeting you, son." giit naman ni Papa at tsaka nakipagshake-hands kay Kib. Nawala ang kaba na bumabalot sa amin ni Kib at napalitan ito ng saya. Buong pusong tinanggap ni Papa si Kib at masaya na ako don.

"Nga pala anak, Maghanda ka na dahil lilipat na tayo sa states." dire-diretso na sambit ni Papa dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"Po?!" gulat kong sigaw. Napatingin ako kay Kib at mukhang gulat din siya at alam kong sa mga oras na ito ay nasasaktan siya.

"Napagdisesyonan na namin ito ng Mama mo. Isasama ko na kayo sa america at doon na tayo maninirahan para matutukan natin ng maayos ang pagpapagamot mo." muli niyang giit. Nanghina ang mga tuhod ko at nanginginig na ngayon ang mga kamay ko. Diretso lang akong nakatingin sa kanya at bakas sa mukha ko na hindi ako makapaniwala sa mga narinig.

Hindi pwede. Hindi ako pwedeng umalis. Ayokong iwan si Kib dito.

"Pa, wag na po. Okay naman na po ako dito sa pilipinas e. at tsaka may mga magagaling din namang doctor dito." reklamo ko sa kanya pero umiling lang siya.

"Anak, mas makakabuti kung doon ka sa states magpapagamot dahil mas high tech ang mga gamit nila doon at tsaka ayaw mo ba akong makasama?" giit niya. Hindi parin ako makapaniwala. Mukhang kailangan kong pumili ngayon ah. >_<

"Hindi naman sa ganon Pa. P-pero kasi--" hindi ko maituloy ang sasabihin konat napatingin na lamang ako kay Kib na nakayuko na ngayon. Hindi ko alam kung paano ba 'to ipapaliwanag sa kanya. Biglaan ang mga nangyayari. Maski ako ay hindi ko rin inaasahan.

Matapos ang usapan namin nila Papa sa salas ay napagpasyahan kong kausapin si Kib kung kaya't niyaya ko siya sa kwarto ko para doon mag-usap.

"K-kib." tawag ko sa kanya at hinang-hina na naman ang katawan ko. Masyado akong nagulat sa sinabi ni Papa.

"Y/N, it's okay." giit niya pero nasasalamin ko sa kanyang mga mata ang sinasabi ng puso niya na 'it's not okay. Don't go away.'

"S-sorry. Hindi ko inaasahan 'to. Ayokong umalis at iwan ka dito, Kib." nagsimulang tumulo ang mga luha sa mata ko. Hinawakan ko ang mga kamay niya at hindi ko magawang tignan siya ng diretso sa mga mata.

"Ayoko rin namang umalis ka sa tabi ko e. Ayokong magkalayo tayo pero kasi Y/N... tama ang Papa mo. Mas makabubuti sayo kung doon ka magpagamot sa ibang bansa." giit niya at parang gumagaral na ang kanyang boses. Umiiyak din siya. Hindi niya mapigilan ang pagtulo ng kanyang luha at ganoon rin ako.

"P-pero ayokong malayo sayo." pagmamatigas ko. Nakatingin lang ako sa kanyang dibdib at parang unti-unting binabasag ang puso ko habang iniimagine na magkakalayo kami ng mahabang panahon.

Hinawakan niya ang baba ko at inangat ang ulo ko para magkatinginan kaming dalawa.

"Hindi naman tayo tuluyang magkakahiwalay. Lagi akong nasa tabi mo kahit saan ka man magpunta at alam kong lagi ka ring nasa tabi ko. Hindi mawawala ang pagmamahal natin sa isa't-isa kahit na magkalayo man tayo." nakangiti niyang sambit. Bakit ganito? Nagsisimula palang kami pero pinaglalayo na agad kami ng tadhana.

"Lagi tayong mag-uusap. Madaming paraan para magkausap tayo. Ang hiling ko lang ay huwag mong pababayaan ang sarili mo. Unahin mo ang sarili mo bago ang iba. Magpagaling ka para magkasama ulit tayo." lumabas sa kanyang bibig ang isang masakit na hikbi. Napapatunay na hindi niya tanggap ang mangyayari pero nilalakasan niya na lamang ang kanyang loob.

Tumango ako at kahit masikip sa dibdib ko ay susundin ko ang sinabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit at sabay kaming umiyak. Ayokong malayo sa kanya dahil siya ang lakas ko. Kapag wala siya sa tabi ko ay pakiramdam kong tuluyan akong nanghihina.

Kahit anong gamot man ang inumin ko para lang mawala ang sakit ay mukhang hindi tatalab dahil siya lang ang kailangan ko. Siya lang ang makakapagpalakas sa akin. Siya ang gagamot sa sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon.

Ngunit, kung ito nga talaga ang nakatakdang mangyari ay wala na kaming magagawa pa kundi ang tanggapin ito. Pagsubok lang ito upang mas lalong pagtibayin ang samahan at pagmamahalan namin.

Lumipas ang isang linggo. Dumito na rin muna si Kib para naman makasama ko siya habang hindi pa kami umaalis. Hindi ko parin matanggap na magkakalayo kami. Noong isang araw ay talagang pinilit ko si Papa na huwag ng ituloy ang plano niya pero nagmatigas siya at kinausap pa niya si Kib. Hindi ko naman alam kung ano ang sinabi niya. Pero sigurado akong tungkol 'yun sa aming dalawa.

Ngayon ay ang araw ng alis namin. Nasa airport na kami at mamayang 3:00 pm pa ang alis ng eroplano. Wala pa si Kib. Hindi siya sumabay sa amin dahil may pupuntahan pa daw siya. Nangangati na ang mga mata kong makita siya. Malapit ng mag-alas-tres pero wala parin siya.

Ayokong umalis ng hindi nasisilayan ang mukha niya sa huling pagkakataon. Napakasakit ng nararamdaman ko sa dibdib ko at napasikip rin ng paghinga. Pakiramdam ko'y unti-unting namamatay ang puso ko.


Lumipas ang oras ngunit wala parin siya.  Naghanda na kaming lahat upang pumasok na sa eroplano ngunit hindi ko magawang tumayo at umalis sa kinauupuan ko. Umaasa parin akong dadating siya. Umaasa parin akong mayayakap ko siya bago ako umalis.

"Anak, tara na." narinig kong tawag sa akin ni Papa. Nag-init ang mga mata ko at naramdaman ko ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha sa mata ko.

Hindi siya dumating.

Pero bakit?

Bakit hindi manlang siya nagpakita sa akin bago ako umalis?

Napapikit ako at tuluyan ng pumasok sa loob ng eroplano. Napakabigat ng mga hakbang na ginagawa ko. At patuloy parin sa pag-agos ang mga luha ko. Naiwan si Kuya dito sa pilipinas dahil nandito ang kanyang pamilya at ang kanyang trabaho. Siya muna ang mangangalaga sa bahay habang wala kami.

Buti pa siya ay makakasama niya ang taong mahal niya. Habang ako ay mabigat na naglalakad papalayo sa taong mahal ko. Hindi ko ginusto na mangyari sa amin 'to. Walang may gusto na mangyari ito pero sadyang tuso talaga ang tadhana at pinaglayo kami ng tuluyan ni Kib.

Kib's POV

Tulala akong nakatingin sa mga batang masayang naglalaro. Halatang maganda ang pamumuhay nila sa buhay dahil na rin sa kanilang kasuotan.

Wala akong maramdaman at napakabigat ng dibdib ko. Masikip ang aking paghinga at pakiramdam ko'y ano mang oras ngayon ay tutulo na ang mga luhang pinipigilan ko nitong mga huling araw na lumipas.

Alas-syete na ng gabi at sigurado akong bumabyahe na sila ngayon papuntang america. Sinadya ko talagang hindi na magpakita pa sa kanya sa airport dahil baka hindi ko kayaning makita siyang humahakbang papalayo sa akin. Alam ko namang hindi kami talagang tuluyang magkakalayo. We will still keep in touch with each other through txt and call. Pero hindi parin 'yun sapat. Lalo na ngayon, nag-aalala ako ng sobra dahil sa kalagayan niya.

Gusto ko pa naman sanang ako ang mag-aalaga sa kanya at gusto ko ring lagi ko siyang kasama. Ngunit kung ito na nga talaga ang nakatakdang mangyari ay wala na akong magagawa pa. Hihintayin ko na lamang ang pagbalik niya. 'Yon lang ang magagawa ko sa ngayon, ang hinatayin siya at mahalin siya ng walang tigil.

"Kuya can you please pass the ball over here!" nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang cute na boses ng isang batang babae. Tiningnan ko 'yung bolang gumulong sa paanan ko. Kinuha ko ito at tsaka tumayo.

Ngumiti ako sa batang iyon at hindi ko namalayang may tumulo na palang luha sa mga mata ko. She reminds me of her. Hindi ko alam kung bakit pero nakikita ko si Y/N sa batang 'to. Yung boses niya ng tawagin niya akong kuya ay parang boses ni Y/N nung tawagin niya rin akong Kuya Kib noong una kaming nagkita.

"Here." abot ko sa bata. Ngumiti rin siya at tsaka kinuha 'yung bola sabay balik sa mga kasamahan niyang hinihintay siyang bumalik.

Umayos ako ng tayo at napagpasyahan kong maglakad-lakad nalang muna. Ang lugar kung nasaan ako ngayon ay ang lugar kung saan ako huling dinala ni Y/N nong lumabas kami. Kung saan ko siyang hinalikan.

Napangiti ako ng maalala ang reaksyon niya nong mga oras na 'yun. Naalala ko kung paano na muntik na siyang mahagip ng humaharorot na motor. Mabuti nalang ay nahila ko siya ngunit parang gulat na gulat siya non kaya bigla siyang naglakad palayo.

Sa kaonting panahon na nakasama ko siya ay agad akong napamahal sa kanya. Maybe because she made me feel like I'm so important to her. Maybe because she made me feel like she'll give all of her to me. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Sa haba ng panahon na nasanay akong mag-isa ay hindi ko aakalaing may dadating na isang taong magpaparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal. Alam ko namang kahit malayo kami ngayon sa isa't-isa ay patuloy parin ang pagmamahalan namin.

"Her eyes, nose, lips the way she used to touch my skin. It's like she's standing right infront of me now.

Tho, the lights gone, darker now. You've just gone way to far, I'll keep you in my heart Y/N. "


To Be Continued T^T

Note: Kyahhhh~ Hindi ko na kaya! Shaket-shaket bes huhu bakit ba kasi di siya nagpakita? T^T sayang may sasabihin pa naman sana si--ops jk lang hehehe. Balakaujan.

Kyahkibsaranghaeoppa <3

Continue Reading

You'll Also Like

33.6K 968 62
Paano kung malaman ni Kyra... na ang kinikilala niyang KUYA ay hindi niya pala tunay na kapatid? At papaano naman kung may tutol sa pagmamahalan nila...
18.9K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
83.2K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
256K 2.7K 80
Pangarap ni Ginger na makapasok sa isang sikat na University.Hindi dahil gusto niya, kundi dahil para sa isang taong matagal na niyang gusto.Pero hin...