My dream girl is a BASSIST

FeelingPretty

273K 4.1K 944

3rd story of Scandal band (Tomi Takizawa) Bassist si Tomi sa girl band na SCANDAL sya ang tinaguriang sweethe... Еще

My dream girl is a BASSIST
Chapter 1: Nakakadistract ka!
Chapter 2: Nag iinit ako sayo!
Chapter 3: Body speaks louder than words
Chapter 4: Ang mama ni Troper
Chapter 5: Battle of the bassist!
Chapter 6: Healthy Lifestyle
Chapter 7: Si Tomi at Si Troper
Chapter 8: Ang laro ni Tomi
Chapter 9: Sorry na pwede ba
Chapter 10: Lunch date <3
Chapter 11: BS Chapter
Chapter 12: Wala ng kawala
Chapter 13: Deal
Chapter 14: Pag ibig na kaya
Chapter 15: Mas masarap kaysa sa takoyaki
Chapter 16: Di ko kaya
Chapter 17: Mula noon hanggang ngayon
Chapter 18: Umayos ka ng sagot!
PLEASE READ ME!!!
Chapter 19: Nakakainis ka
Chpater 20: Simula ng makilala kita
Chapter 21: I'm all about you
Chapter 22: Pinaiyak mo na naman ako
Chapter 23: Five little angels
Chapter 24: Ang mga pasaway
Chapter 25: Trip to Davao
Chapter 27: I miss you
Chapter 28: My stress reliever
Chapter 29: Ang Donya
Chapter 30: Childhood friend
Chapter 31: Mag isa nalang ako
Chapter 32: Dito sa puso ko

Chapter 26: Maria

4.2K 130 57
FeelingPretty

Tomi 

Pag katapos mag usap ni Troper at Marcus saka kami nag dinner ng sabay sabay, hindi na rin kami pinaalis ni marcus dahil nga gabi na, kaya ngayon dito sa bahay nya kami matutulog. Kakatapos ko lang maligo si Rina naman nasa kama na. maraming kwarto ang mansyon ni Marcus pero pinili namin ni Rina na mag tabi nalang. si Troper  nasa kabilang kwarto lang namin.

Nanunuod si Rina ng T.V. ng maisipan kong tanungin sya tungkol sa hinala ko.

“Rina-chan, pwede mag tanong?”

“Ano yun?” Tumingin sya sa akin  tapos bumalik sa TV ang atensyon nya. Umupo ako sa tabi nya at nanuod na rin. Kanina pa ako kating kati na mag tanong sa kanya kung ano ba talaga ang tunay na relasyon nila ni Marcus sana sagutin nya ako ng maayos.

“Anong meron sa inyo ni Marcus? mag kakilala ba kayo dati pa?” Tanong ko. Hindi sya agad nag salita, parang iniisip nya kung anong sasabihin nya. Ganyan talaga sya.  Masyadong maingat sa lahat ng bagay. Perfection kasi,

“Classmate nga namin sya ni Mami sa isang subject dati. “ Tipid nyang sagot. Poker face sya kaya hindi ko mabasa kung anong iniisip nya. Arghhhhh! Kailangan may malaman ako!

“Bakit hindi ko sya nakikita dati? Kung classmate nyo nga sya ni Mami?”

“Ewan ko sayo, basta classmate lang namin sya ni Mami, yun lang talaga…” Sagot nya. Pakiramdam ko hindi lang basta classmate ni Rina si Marcus. Aalamin ko ang totoo.

“Ahhh, Okay. Tara tulog na tayo.” Sabi ko. Nauna akong humiga sa kama. Pinatay nya yung T.V saka tumabi sa akin.

“Good night. Tomi.”

“Good night Rina-chan.”  Sagot ko. Pareho na kaming tahimik pero hindi pa rin ako makatulog agad. Sobrang curious talaga ako sa past na meron si Rina at Marcus. pumikit na ako para matulog.

8am ako na gising pero mas maaga si Rina dahil wala na sya sa tabi ko. Naligo na ako at nag ayos ng sarili para lumabas pero pag bukas ko ng pinto nandun si Troper at bagong ligo din. Mukhang hinihintay ako. ang gwapo ng fiancé ko.

“Good morning milkshake. How’s your sleep?” Bati nya. Hinapit nya ako at hinalikan sa labi. Ang sarap. Ang aga ng lambingan namin pero keri lang masaya naman eh. Nilagay ko ang mga braso ko sa batok nya.

“Maayos. Nakatulog ako ng mahimbing. Ikaw?” Tanong ko.

“Hmm. Di masyado kasi gusto ko katabi kita.” He kissed me again. Wala na  talo na naman ako. ang sarap kasi humalik ng lalaking ito. I kissed him back.  We do french kissing ng lumayo sya. Shit lang na bitin ako!

“Milkshake. baka hindi ako makapag pigil..” Bulong nya habang mag kadikit ang mga noo namin. I held his face.

“Edi wag kang mag pigil.” Sabi ko. Ngumiti sya. Napangiti na rin tuloy ako. ang sarap na makita ng mga ngiti nya.

“Hindi pwede, hinihintay tayo ni Marcus sa baba kasi ngayon namin titingnan yung bukid nya. Ipapatikim nya din sa akin yung mga alak kaya mag ayos na kayo ni Rina.” Bigla ko naman naalala si Rina. Hindi ko alam kung nasaan sya dahil pag gising ko wala na sya sa tabi ko. Nasaan kaya yun?

“Maaga syang gumising, baka nasa baba na yun.” Sagot ko.

“Good. Let’s go.” Sabi nya saka hinawakan ang kaliwang kamay ko para bumaba. Si Marcus agad ang nabungaran namin sa dinning table. Nag babasa ng news paper. Umupo kami ni Troper saka nag umpisang kumain.

“Marcus, nakita mo ba si Rina?” Tanong ko. Natigil sya sa pagbabasa at tumingin sa akin. Ang gwapo naman nya, ang laki pa ng katawan. In short ang HOT nya.

“Hindi.” Tipid nyang sagot. Sungit naman. Akala ko pa naman makakakuha ako ng sagot sa kanya pero mukhang wala rin pala.

“Good morning.” Napatingin kaming tatlo sa nag salita. It’s Rina. Looking cute and fresh. Well that’s my girl. Nakita kong tiningnan ni Marcus si Rina mula ulo hanggang paa.  Nakakatawa sila dahil halatang may something sa kanila pero todo deny naman sila. Nakakaloka.

“Where have you been?” Tanong ko. Tumabi sya sa akin saka nag umpisa na ring kumain.

“Nag lakad lang sa labas, maaga kasi akong nagising.”

“Ahhh, Okay.” Sagot ko. Pinag patuloy ko yung pag kain ko.

“Cheesecake, wag ka ngang kumain masyado ng taba, masama yan sa katawan!” saway ko kay Troper saka ko inalis yung taba sa plato nya.

“Milkshake, minsan lang naman.” Nag pout pa sya saka nag puppy eyes sa akin pero walang epekto.

“Basta, wag kanang kakain nito huh lagot ka sa akin!” kinurot ko yung pisngi nya sinubuan sya ng  hotdog. Para syang batang masunurin na kinain ang binigay ko.

“Opo.” Sagot nya.  Napansin ko na mahaba na pala ang buhok nya, at dahil kulot sya mukha syang si santino na blonde. Hinaplos ko ang buhok nya.

“Cheesecake, ang haba na ng buhok mo pagupit kana pag balik natin sa manila huh.”

“Alright.” He kissed on my left cheeck. Habang nag lalambingan kami, wala naman imik ang dalawang kasama namin sa table.

Pag katapos kumain agad kaming nilibot ni Marcus sa lupain nya. Infairness ang laki ng lupa nya ang yaman nya. sa ubasan habang nag lalakad kami nakaramdam ako ng pagod kaya kinalabit ko si Troper para sabihin na napapagod na ako.

“Come on, I’ll carry you.” Tinapik nya yung likod nya. napangiti ako saka pinulupot ang mga braso ko sa leeg nya saka nya hinawakan ang dalawa binti ko mula sa likod.

“Thank you, cheesecake.” Sabi ko. I kissed his cheecks.

“For you, milkshake,  love you.” Sabi nya. Shit kinikilig  ako.

“I love you too.” Sagot ko.

Nag usap si Marcus at Troper sa daan habang nasa likod nya ako, si Rina naman naka sunod lang sa amin hawak ang camera nya na busy sa pag appreciate sa paligid.

Ang dami namin na puntahan. Pati horseback riding sinubukan namin. Mag kasama kami ni Troper sa isang kabayo habang si Rina naman kasama ni Marcus dahil hindi rin sya marunong mangabayo. Kumain din kami kasama ang mga tauhan ni Marcus sa bukid.

“Ma’am baka po hindi kayo kumakain ng isda. Ito lang po kasi ang ulam namin saka itong pansit.” Sabi ng isang tauhan ni Marcus na si Mang gary. Nasa isang  kubo kami.

“Mang gary, wag po kayong mag alala dahil kumakain naman po kami ng isda.”

“Favorite ko nga po ang isda.” Dagdag ni Rina. Nakita ko naman na parang nakahinga sila ng maluwag sa sinabi namin.

“Mukha po kasi kayong mga laking maynila kaya nag aalala lang po kami  baka hindi kayo sanay kumain ng isda.” Sabi ni mang Gary habang pinag hahanda kami ng pag kain.

“Nako, hindi po kami maarte, wag po kayong mag alala.” Sagot ko. Napatingin ako kay Troper na tumabi sa akin at nakisalo sa plato ko. Lumabas sila ni Marcus kanina at ngayon lang bumalik.

“Sir Marcus, Birthday po ni kapitan mamaya at imbitado po ang lahat baka po gusto nyong pumunta.” Imbita ni Mang karding.

“Ahmmm Sige ho pupunta ako. gusto nyo bang sumama mamaya?” tanong ni Marcus sa amin.  Tumango lang kami ni Troper habang si Rina busy sa pag kain nya.

“Ikaw Rina gusto mo bang  sumama?” tanong ko. Tumango lang sya saka kumain nalang ulit. Grabe ang tahimik nya. hindi ako sanay.

Pag katapos kumain nag kwentuhan muna kami, mga 6pm kami umalis para pumunta sa birthday ng kapitan ng baranggay nila. Maraming tao dahil imbitado ang lahat. Para ngang fiesta.

Pag kakita palang ng mga tao kay Marcus agad na nilang dinumog ito. Sikat pala ito sa bayan nila dahil nga mayaman at gwapo pero higit sa lahat mabait daw. Pinakilala kami ni Marcus sa mga mga tao pero nagulat ako ng makita ko na sikat din si Troper sa kanila dahil kung si Marcus matatanda ang kausap si Troper naman puro babae. Napataas ang kilay ko. Ang lintik na to nalingat lang ako nambabae na!

“Troper!” Sigaw ko. Agad nyang kinamot ang tenga nya. Lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa noo.

“kababata ko lang sila. Kinakamusta lang nila ako.”

“Mukha mo! Wag mo nga akong hawakan!” tinulak ko sya pero niyakap nya lang ako ng mahigpit sa  bewang.

“Selos ka no?  yieee nag seselos ang milkshake ko.” Asar nya sa akin saka tumawa. Ang sama ng tingin ko sa kanya pero balewala. He give me peck on the lips.

“Ano ba! Wag mo nga akong halikan!” pinunasan ko yung labi ko. Naiinis ako sa kanya. Naiirita ako kapag may babaeng lumalapit sa kanya.

“Sorry na nga po diba. Wag kang mag selos dahil sayo lang ako nababaliw at  ikaw lang mahal ko.” Lambing nya saka ako niyakap ng mahigpit.

Napanatag ako sa sinabi nya. Nag selos lang talaga nga siguro ako, ayaw ko lang aminin sa kanya dahil nahihiya ako na asarin nya ako.

“Troper, kamusta, ngayon ka lang nadalaw dito, dati palagi kang nandito.” Nag bitaw kami ng yakap ni Troper at tumingin sa babaeng nasa harap namin. Simple lang sya. Ang totoo mukha syang probinsyana  talaga pero maganda sya. Kahawig ni jessy mendiola.

“May kailangan lang kasi akong asikasuhin,” Tipid na sagot ni Troper. Tumingin ako sa kanya. ang seryoso ng mukha nya, hindi ako sanay. Pakiramdam ko may kakaiba sa babaeng nasa harap namin kung bakit biglang nag bago ang mood nya.

“Girlfriend mo?” Tanong nung babae.

“Fiancé ko. Maria, mauna na kami nagugutom na kasi kami. Sige.” Hinila ako ni Troper para lagpasan yung babae

“Troper, sino sya? Kababata mo lang ba talaga sya?” Tanong ko. Pakiramdam ko kasi may hindi ako alam.

“K-Kababata k-ko lang sya.” Halos utal na sabi nya.  Saka umiwas ng tingin.

May mali talaga. Kailangan kong malaman kung ano yun. Napatingin ako kay Marcus dahil sya ang makakasagot kung sino si Maria sa buhay ni Troper.

 ----------------------------------

Ngayon lang ako nakapag UD. marami na kasi akong ginagawa dahil graduate na ako at kailangan ng mag hanap ng trabaho. saka partly tinatamad din ako mag type, wala nakakatamad lang talaga.

Anyway sa mga naka miss sa akin, natuwa ako dahil talagang nag message at comment pa kayo sa akin medyo touched ako dun kaya na motivate akong mag UD dahil sa inyo. 

50 comments ulit bago UD. this time totoo na ito. XDDD

Продолжить чтение