Retired Playboy

By JFstories

13.5M 385K 136K

Macario Karangalan Sandoval More

Prologue
MACARIO KARANGALAN SANDOVAL
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 20.1
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
SPECIAL CHAPTER
BLACK OMEGA SOCIETY

Epilogue

563K 17.2K 7.9K
By JFstories

EPILOGUE


MAY mga pagkakataon talaga na susubukin ka ng tadhana kung gaano ka katatag. Masasaktan ka, magtatagumpay ka at masasaktan ulit. Magkakamali ka nang maraming beses, pero pagkatapos ng lahat ng iyon ay may matututunan ka. Kung hindi ka susuko, ang premyo mo ay magiging mas matatag ka.


Bata pa ako noon nong una ko siyang minahal.


Sabi nila, lahat ng magiging desisyon ay may kaakibat na rason at kahihinatnan. Ang rason ko lang noon ay mahal na mahal ko siya, kaya nagpadala ako sa agos. Ang kinahinatnan ay nalunod ako at nasaktan. Pero umahon ako. Bumangon ako. At ngayon ay mas buo na ako. Mas matapang at matatag na ako. Ngayon ay buong tapang ko na naman siyang tatanggapin sa buhay ko.


Handa na akong magtiwala ulit.


Marami nang nagbago sa aming dalawa. Malakas na ako ngayon at mahina na siya... pero ang isang hindi nagbago sa aming dalawa ay ang katotohanang mahal pa rin namin ang isa't isa. At ngayon, susugal kami nang sabay; hindi iyong ako lang mag-isa, dahil ngayon kasama ko na siya. Hawak-hawak ko na ang kamay niya at hawak-hawak niya ang kamay ko.


[ unedited raw copy ]


Maigi ng sumugal kesa habangbuhay akong magsisi. Maigi ng malunod ang importante ay naranasan ko ang tubig. Di bale ng masaktan basta naranasan kong magmahal. Di bale ng umiyak dahil magiging masaya naman ako.


Hindi mawala-wala ang pagkakangiti ko. Ang excitement sa dibdib ko ay hindi mabura-bura. Parang kahit ano'ng mangyari ngayong araw na ito ay wala pa ring makakaalis sa saya na nadarama ko.


Pagpasok ko ng bahay, sinalubong agad kami nina Papa at Mama. Bakas sa mukha nila ang excitement. Nakatingin sila kay Ate Nita na kasama ko mula sa clinic hanggang sa pag-uwi.


"'Balita?" Tanong ni Mama.


Nagkatinginan muna kami ni Ate Nita bago kami sumagot. "Confirmed!" magkapanabay naming sagot.


"Positive?" Ang mukha ni Papa ay para bang nambubulaga.


Tumango ako habang nakangiti sa kanila.


Napatalon sa tuwa sina Papa at Mama. Halos mapapalakpak ang mga paa nila.


Niyakap ako ni Ate. "Congrats!" Sabay himas niya sa tiyan ko. "He needs to know."


"Sasabihin ko agad sa kanya,"


"I'm sure matutuwa iyon." Humawak si Ate Nita sa kamay ko. Alam na rin nila si Macoy ang tunay na ama ni Macky. Sobrang hiya nga ni Ate Nita kay Macoy, lalo nang malaman nilang mahal ni Macoy ang bata kahit noong hindi pa nito alam ang totoo na ito ang tunay na ama.


Bumaling ako kay Mama. "Nakapag-empake na po ba kayo? Sa susunod na araw na po ang flight natin to Paris."


Napagpasyahan kasi namin ni Macoy na magpakasal sa Paris. Siyempre, plan din namin na doon tumira kahit isang taon. And I want my family to be with us.


Nagbago ang timpla ng mukha nila. Nagkatinginan si Ate at Mama. Si Papa naman ay napayuko.


Nagbago ang timpla ng mukha nila. Nagkatinginan sina Ate Nita at Mama. Si Papa naman ay napayuko. "M-may problema po ba?" tanong ko sa kanila.


Hinuli ni Mama ang kamay. "Anak, pasensya ka na. Napagpasyahan namin na 'wag nang sumama."


"Po?" Napatingin ako kay Ate Nita. Yumuko lang ito.


Hinimas ni Mama ang pisngi ko. Nakakapagtakang bigla siyang lumuha. "H-hanggang dito na lang kami. Hayaan mo na kami na dumito na lang..."


Tumikhim si Papa. "Anak, nakakahiya na iyong binayaran ni Amag—este, ni Macoy pala, ang mga utang natin lahat sa bangko. Pati iyong mga lupa natin na nakasanla, tinubos niya. Sobra-sobra na iyon."


Ginawa nga ni Macoy ang lahat ng iyon. Hindi ako nagsabi pero ginawa ni Macoy nang bukal sa loob niya. Nagulat na lang kami nina Mama isang araw nang makatanggap ng notice sa bangko na debt free na kami, including the penalties. Nang sumunod na araw ay mga titulo ng mga lupa naming nakasanla ang dumating, kasama ang titulo nitong bahay na tinitirahan namin. Bayad na rin ang lahat.

Grabe ang iyak nina Mama at Papa noong araw na iyon habang yakap-yakap ang mga titulo.


Pati si Ate Nita ay napahagulhol habang nakalupagi sa sahig.


Pati ang mga kamaganak namin sa probinsiya ay nagalak dahil buo na nilang mahahawakan ang kita sa mga sakahan. Makakabili na sila ng mga dapat bilhin katulad ng dagdag patanim, mga makinarya, at makakabayad na rin sa kanilang mga pinagkakautangan. Nang araw na iyon ay batid ng lahat na maiaahon na ang lahat sa krisis.


Todo ang pasasalamat ko kay Macoy. Nangako ako na kahit mahirap at matagal ay sisikapin kong makabayad sa kanya, pero kinutusan niya lang ako sa ulo.


Ang sabi ni Macoy, isa pang pasasalamat ko, yari daw ako sa kanya. Dahil hindi ko dapat ipagpasalamat ang pagtulong niya sa aking pamilya. Ang pamilya ko raw kasi ay pamilya niya na rin dahil nga mag-asawa kami. At ang pera niya ay pera ko na rin.


"'Wag mo na kaming alalahanin, Pamela," ani Mama sa akin na nakangiti. "Wala naman na tayong mga utang. Wala nang pinapasan na mabigat na problema ang pamilya natin."


"Pero Ma, tutulungan ko pa rin kayo. Ako pa rin ang sa mga bills at maintenance niyo ni Papa—"


"Ako na roon, Pamela," nakangiting putol ni Ate Nita sa aking sinasabi. "Kaya ko na ang mga iyon. May trabaho naman ako sa Sandovals', di ba?"


Hinawakan ni Mama ang kamay ko. "Maging masaya ka na lang sa buhay mo, Pamela. 'Wag mo na kaming alalahanin. Maging okay na lang kayo at maginhawa ng apo kong si Macky, ayos na iyon sa amin."


Napahikbi ako. "Ma, Ate, Pa..."


Niyakap ako ni Ate Nita mula sa likuran. "'Wag kang mag-alala, Pamela."

"Pero, Ate..."


"Hindi ko pababayaan sila Papa at Mama..." Pumiyok siya. "Dahil wala na tayong utang, madali na akong makakaipon para makapagnegosyo ulit si Papa. Ibebenta ko lahat ng mamahaling gamit ko. Kahit walang matira sa akin, basta gagawa ako ng paraan."


"Pero dapat nandoon pa rin kayo sa kasal ko..." lumuluhang sabi ko.


Pinisil ni Papa ang pisngi ko. "Oo naman. Hindi kami mawawala. May utang pa sa aking inuman si Amag—Este si Macoy. Paiinumin naman daw niya ako ng mamahaling alak. Bilang kapalit, dadalhan ko siya sa Paris ng Emperador!"


Natawa ako kahit luhaan. Yumakap sa amin si Mama. Hinila ni Papa si Ate Nita at nagyakap kaming apat. 


"O, wag ka ng umiyak diyan... baka mapaano ang bata..." Sabay himas ni Mama sa tiyan ko.


Nang biglang sumulpot si Macey. Nakangiti siya sa akin habang kumakaway. Sa buhok niya ay meron siyang suot na headband na kulay pula at may bulaklak sa dulo. Nakadamit na rin siya ng damit na pangbabae.


Naluluha akong lumapit sa kanya at yumakap. "Baby ko..."


"Mama... totoo po ba na magiging ate na ako?"


Umiiyak akong tumango. "Totoo..."


"Sana boy, ipapamana ko kasi sa kanya ang tirador ko!"


Piningot ko siya.


...


FORESTEIR TOWER.


Isang matayog na building ang nasa harapan ko. Ito ang ang address na nakalagay sa card na ibinigay sa akin ni Pearl. Noong una ay wala akong plano na puntahan siya, kaya lang ay naisip ko na baka kailangan talaga naming magkita na dalawa.


The last time na tinawagan ako ni Pearl, sinabi niya na may relasyon pa rin daw sila ni Macoy. May usapan daw sila na huwag ipapaalam sa akin ang tungkol sa kanilang relasyon. Ayaw kong maniwala. Sa pagkakataong ito, kay Macoy ko lang gustong magtiwala.


Mapilit lang talaga si Pearl. Ayaw niyang tumigil sa kakatawag. She even try calling our house landline. Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang number, pero sigurado akong pinakilos niya ang kanyang pera. Naisip ko na para matapos na, pagbibigyan ko na siya sa hiling niya na pakikipagkita. 


Haharapin ko siya gaya ng gusto niya. Babae sa babae. Mag-uusap kami nang maayos. 


Sumakay ako ng elevator pataas sa floor na nakasulat sa card. Nakita ko si Pearl na nakatayo sa labas ng pinto ng isang suite. Hinihintay niya ako. Pulang damit ang suot niya... at nakayapak siya. Napansin ko agad na parang may kakaiba sa kanya maliban sa pamamayat niya at pamumutla ng kanyang makinis na balat.


We entered a suite. Her place was grand, spacious, and modern. It would have been nice if it wasn't so messy. Nagkalat ang mga gamit. May mga nagkalat na maleta sa sahig, ilang pinaghubarang damit at ginamit na bag ay nakatambak lang sa gilid.


Nagpalakad-lakad si Pearl sa harapan ko. Ang napansin ko lang sa kanya kanina ay ang pamamayat at pamumulta niya, pero ngayon ay pati na rin ang balisa niyang ekspresyon. Malikot ang kanyang mga tingin.


She was still beautiful, and elegant, but there was something really different about her today. It was like she was going through a lot of stress.


"Pearl, okay ka lang ba?" tanong ko na hindi ko na napigilan.


Tumingin siya sa akin at ngumisi. "I want to help you, Pamela."


Help me? Hindi ba sa ikinikilos niya ay siya ang may kailangang ng tulong?


Hinila niya ako patungo sa isang kuwarto na may malaking kama sa gitna. "See that vase?"


Napatingin ako sa vase na malapit sa kama.


"May hidden camera diyan."


Hidden camera? Para saan?


"And that picture frame?" Inginuso niya ang picture frame na nasa wall sa itaas ng kama. "There's a hidden cam there." Sabay turo niya sa chandelier. "Meron din doon."


"Para saan ang mga camera?"


Hinila niya ako. "Come." Dinala niya ako sa kabilang kuwarto ng suite. Bumungad sa akin doon ang limang screen. Malinaw ang live video doon. Ang scene ay iyong kuwarto na pinanggalingan namin.


Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya pero sa inunawa ko ang desperasyon na aking nakikita sa kanyang mga mata. Pinagbigyan ko siya at hinintay ang susunod niyang sasabihin.


"It's all in HD. Sa limang screen ay iba't iba ang anggulo. Malinaw rin ang audio kaya maririnig mo kami."


Tinabig ko ang kamay niya. Doon na ako umalma. "Ano bang pinagsasasabi mo?!"


Itinulak niya ako sa kama. "Stay here, Pamela. Let me show you... the bitter truth."


Napailing ako. "Nababaliw ka na, Pearl..."


Biglang tumunog ang cellphone niya kaya sinagot niya iyon. "Oh, you're here," sabi niya. Iyon lang at pinatay na niya ang linya.


"P-Pearl..." sambit ko. Bumangon ang laksa-laksang kaba sa dibdib ko.


Binalingan niya muli ako. "He's here."


Napatigagal ako sa sinabi niya. Pilit ko pa ring itinataboy ang ideya na si Macoy ang kausap niya sa phone kanina, pero heto at si Macoy nga talaga.


"I told you. May relasyon pa kami. Pinapunta ko siya rito, and look what happened. Pumunta siya, right?"


Napaatras na lang ako. Biglang nayanig ang mundo ko.


If Macoy was here, malaki ang posibilidad na totoo nga ang sinasabi ni Pearl.


"Just watch, Pamela. I will show you how obsessed your husband is with me." Iniwan niya na ako sa kuwarto habang ang aking mga mata ay nakatuon na sa screen kung saan makikita ang sala ng suite.


Mayamaya nga ay pumasok na si Macoy. Hindi ako maaring magkamali. Ang asawa ko nga ito. Malinaw ang camera, malinaw ang audio. Malinaw ang kuha ng bawat anggulo, siya nga ito.


Macoy was wearing a black jacket. Mukhang bagong paligo pa ang hinayupak. Nag-shower yata muna bago makipagtagpo sa hitad. Naikuyom ko ang aking kamao.


No, I should trust him. Kaya lang kinakain ako ng selos kaya hindi ko magawang mag-isip nang maayos. Hindi lang iisang babae ang dumaan sa buhay niya mula nang magkahiwalay kami noon, pero si Pearl ang tanging nagtagal sa kanya sa mga babae niya, paanong hindi ako magseselos, di ba?


He liked this woman. He used to bed her. Paanong hindi ako mababaliw ngayong nandito siya sa suite ni Pearl?!


Lumapit si Pearl kay Macoy. "You really came, honey."


Tahimik lang si Macoy na nakatingin sa kanya. Samantalang ako ay hindi maiwasang mapatutok sa pinapanuod ko. Kalakip nito ang matinding kaba sa puso ko. Kung ano man ang kahinatnan ng kilos ni Macoy na makakasakit sa akin ay ikakaguho ko.


"How are you, Macoy?"


Walang kibo si Macoy.


"Come. We have a lot of talking to do." Hinawakan niya sa kamay si Macoy at hinila sa kuwarto na pinanggalingan namin kanina. Doon sa kuwarto na may malaking kama.


Nakita ko sa screen na napahilot si Macoy sa kanyang sentido nang makitang bedroom ang pinasok nilang kuwarto. "Pearl, this is not what I came here for."


Hindi pinansin ni Pearl ang sinabi niya. "What happened to us? We were so compatible, not only in bed but also in our opinion about each other's freedom. We trust each other so much that was why you thought of marrying me. Kaya lang, kasal ka pala sa iba. Akala ko hihiwalayan mo na siya, pero sa huli, ako pala ang hiniwalayan mo. Oh, honey, how cruel can you get?"


Ilang sandali pa'y isa-isang tinanggal ni Pearl ang saplot niya sa katawan. Nag-umpisa siya sa kanyang dress, then sa kanyang bra. Mabilis niya hinubo ang kanyang undies at buong pusong ipinagmalaki ang katawan sa lalaki.


"Anyway, I asked you to be here because I just wanna double check something. Gusto kong malaman kung nagbago ka na. Kasi sa pagkakatanda ko, nakakalimutan mo ang lahat kapag nakikita mo akong nakahubad."


Napatitig si Macoy sa katawan ni Pearl. Kitang-kita ko kung paano umalon ang kanyang lalamunan. Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa kama. Sa kabila ng malamig na buga ng aircon ay pinagpapawisan ako sa takot at kaba.


"I know how much you love my body," anas ni Pearl sa mapang-akit na tono. "Hindi mo kailangang pigilan ang sarili mo, honey. You can still have me on the side even while you're with your wife. I am fine with that. For you, I am willing to compromise."


Parang nahipnotismo na lumapit si Macoy sa kanya. Nang makalapit sa kanya ang asawa ko ay saka siya tumayo. Tiningala niya ito at nag-aabang sa halik nito.


Napalunok ako. Tagaktak ang pawis ko. Ano ang gagawin mo, Macoy? Nasaan na ang pangako mo?


Bumagsak ang mga luha ko nang hubarin ni Macoy ang kanyang jacket. Para akong binayo ng kung ano sa dibdib.


Nanghihinang tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama. Hindi ko na kayang manood. Hindi ko kaya. Aalis na ako. Baka mabaliw ako kapag nagpatuloy pa ako. Alam ko naman kung saan ang kahahantungan nito. Bahala na sila sa kung ano'ng gawin nila, pero aalis na ako.


Akma na akong aalis nang matigilan ako. Napatanghod ulit ako sa screen. Paano'y biglang umiwas si Macoy sa mga labi ni Pearl!


Maingat na isinaklob ni Macoy ang jacket na hinubad niya sa katawan ni Pearl. Pagkatapos ay magalang niyang hinagkan sa noo ang babae. "I can't do this."


Pero mapilit si Pearl. Niyakap niya nang mahigpit ang lalaki. "Of course, you can. Macoy, don't you remember how much we like each other? I left all my flings in Italy for you. You too, you also abandoned all your women for me. We are compatible in almost everything, we like each other, we love each other's body, and—"


Kinuha ni Macoy ang braso ng babae at kinalas sa sariling katawan. "Not anymore."


"What the fuck?"


"I'm sorry." Lumamlam ang mga mata ni Macoy. "But I love my wife."


Natutop ko ang aking bibig. Kasabay nito ang paglandas ng aking mga luha. I couldn'd believe he said that. Basang-basa ako ng luha habang nakatingin sa screen habang ang lahat ng bigat sa dibdib ko ay tila nagdahilan lang at isa-isang nawala.


Inayos niya ang kanyang jacket sa katawan ni Pearl. Isinara niya ang zipper nito upang tuluyan ng matakpan ang hubad na katawan nito.


Tulala si Pearl at hindi makapaniwala. Para itong buang na napahiya.


"Don't do this again, Pearl. We're through. I don't love you and you know to yourself that you don't love me either."


Nawala na ang pagiging kalmado ni Pearl. "Fuck, I don't want to fall in love!" sigaw nito sa tono na hysterical. "You know, Macoy, I don't like that! That's why I want you because we understand each other! But why the fuck are you spitting this bull now?!"


"Dahil kinain ko na iyong mga sinabi ko noon," mababa ang tono na sabi ni Macoy. "Akala ko hindi na ako magmamahal, pero kaya pala hindi ko magawang magmahal, ay dahil nagmamahal pa rin ako. Mahal ko pa rin pala iyong babaeng akala ko ay napalaya ko na. Ngayon, gusto kong bumawi sa kanya. Gusto ko siyang mahalin hangga't kaya ko, hangga't humihinga ako o hanggang sa kabilang buhay pa."


"Oh, you're crazy..." luhaan ng sambit ni Pearl.


Humakbang si Macoy papunta sa babae. Magaan na niyakap niya ito at saka nagsalita sa tainga nito. "Maybe I am. But I am crazily happy." Pagkasabi ay tinalikuran ito para lumabas ng pinto.


Wala akong masabi sa mga nangyari. Tulala lang ako habang nakamasid sa screen. Wala akong marinig kundi ang tibok ng aking puso. Ang puso ko na lumulundag sa tuwa dito sa dibdib ko.


Bago lumabas ng pinto ng kuwarto si Macoy ay nilingon niya pa si Pearl. "Oh by the way, If you try to threaten my wife, I'm gonna kill you. I don't fucking care if you're a Foresteir. I'm gonna kill you. Do you understand?"


Tigagal si Pearl na napatango sa kanya.


"For the record. I'm a retired playboy." Kumindat siya kay Pearl at saka siya tuluyang lumabas ng pinto.


Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Nanakbo ako palabas ng aking kinaroroonan kuwarto.


Nagkatagpo kami paglabas ko ng kuwarto. Bakas sa mukha niya ang takot ng makita niya ako. "P-Pamela... A-ano'ng ginagawa mo rito?"


Luhaan ang mga mata ko nang huminto sa harapan niya, pero hindi dahil nasasaktan ako, kundi dahil sobra at labis ang ligaya ko.


"L-look," napalingon siya sa pinanggalingang kuwarto. "Pearl is in that room. B-but believe me... walang nangyari sa amin–"


Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang lundagin ko siya. Mariin ko siyang siniil ng halik. Nang kumalas ako sa kanya ay saka ako bumulong. "I know... I believe you."


Umangat ang sulok ng kanyang labi. "Really?"


"Yes, Daddy. Magiging daddy ka na ulit."


Napaatras siya. Bumalatay sa mukha niya ang pinaghalong gulat at saya. "A-anong sabi mo?"


Tumango ako. Naglandas na naman ang mga luha ko. "B-buntis ako Macario Sandoval... Magiging daddy ka na ulit."


Napasabunot siya sa kanayng buhok. Hindi siya makapaniwala. Isa-isang pumatak ang mga luha niya. "Oh, God..."


"A-ayaw mo ba?"


"No!" Napaluhod siya sa harapan ko. Hinimas niya ang tiyan ko. "T-thank you..." Luhaan ang kanyang mga mata ng tingalain niya ako.


Pinunasan ko ang kanyang mga luha. "A-ako ang dapat magpasalamat sa'yo."


Tumayo siya at niyakap ako. Nang kumalas siya sa akin ay nagsisigaw na siya. "Magiging daddy na ko! Magiging daddy na ulit ko!"


Tinakbo niya ang kwarto kung saan naroon si Pearl. Pumasok siya ron at hinanap ang babae. "I'm gonna be a dad again!" Para siyang nasiraan ng bait.


Hinabol ko siya at inawat. "Macoy... ano ba?"


Malungkot na ngumiti sa akin si Pearl na nakatayo pa rin sa gitna ng kuwarto. "Congrats, Pamela. You just ruined my life." She said sarcastically.


Tinitigan siya nang masama ni Macoy. "Get lost."


Awat-awat ko siya dahil tila ba susuntukin na niyang ang babae. Hinila ko na lang siya palabas ng kwarto. "Umuwi na tayo. May premyo ako sa'yo."


Pigil siyang napangiti, pero napangiti pa rin. "Talaga?"


Tumango ako habang nakatitig sa mga mata niyang halatang may naglalaro sa isip. "Kahit anong ipagawa mo... gagawin ko..."


Bigla niya akong pinangko gamit ang kanyang mga braso. "Sinabi mo yan, ha?" Itinakbo na niya ako pababa ng elevator.


...


HALOS ayaw magbitaw ng mga labi namin ni Macoy habang papasok sa kanyang condo. Mukhang na-excite siya sa sinabi kong gagawin ko lahat ng iutos niya. Kanina pa kasi nakatindig ang harapan niya habang nagmamaneho kanina.


"M-Macoy... ang sarap mo talaga humalik..." ungol ko nang panandaliang nagkalas ang aming mga labi.


"Wag kang mag-alala... ikaw na lang ang makakaranas ng halik na yan..."


Napangiti ako sa kanya.


"Basta ha? Gawin mo ang lahat ang iuutos ko sayo ngayon, ha?" Nag-aapoy ang kanyang mga mata.


"Kahit ano pa yan... gagawin ko."


Sinipa niya ang pinto papasok. Nakakapagtakang umiwas siya sa mga labi ko nang nasa loob na kami.


Napatanga tuloy ako sa lalaking bumungad sa amin na nakaupo sa sofa. Tumayo agad ito nang makita kami. Kamuntik na akong mapatili.


It was Santi Montemayor!


"Honey, this is Santi." Pakilala sa akin ni Macoy sa lalaki.


"I know who he is." Sino bang hindi makakilala sa lalaking ito? He was tall and gorgeous. May mahabang pilikmata, matangos na ilong, mapulang mga labi. He's a member of Black Omega Socety Band and a brother in their frat, too. There was no way na hindi ko siya makikilala dahil I'm a fan!


Pormal akong tiningnan ni Santi. "How are you?"


"O-okay lang..." Ito bitin.


"Good."


Napatingala ako sa kanya. Pagkatapos nun ay napabaling ang aking tingin sa apat na bata.


Biglang bumulong sa akin si Macoy, "You said that you'll do anything I ask of you, right?"


"Ha?"


"See those kids? Tayo muna ang in charge sa kanila."


Kumulo ang dugo ko. Nasaan ang hustisya? Iba ang gusto kong ipagawa niya sa akin! Iba ang tinutukoy ko!


"N-nasaan ba ang mga yaya nila?" inis na tanong ko.


"Nag-resign na," sagot ni Macoy.


"Bakit nag-resign?"


Si Santi ang sumagot. "Sinuntok ni Rogue sa ilong."


"Ha? Eh, di ba may bagong yaya?"


"Nag-resign na rin," sagot ni Macoy.


"Bakit?"


"Ehem." Tumikhim si Santi. "Tinirador ni Macey sa bunbunan."


Napangiwi ako. "Di ba, may mas bago pang yaya?"


"Nilagari ni Rogue ng ruler sa tainga." Sabi muli ni Santi.


"May mas bago pa, di ba?"


Napakamot si Macoy. "Tinirador ni Macey... pero nakailag naman."


"Nakailag? Iyon naman pala, e nasaan na siya?"


Nagkatinginan ang dalawa. "Nung nakailag, tumalbog yung bato sa pader... ayun nasapol sa batok. Nagresign na rin."


Napapikit ako.


"But don't worry. Mababait ang mga batang ito." Santi said abruptly. "Look at my son," itinuro niya ang isang bata. "That's Voss Damon. He's only three years old. He's a good kid."


Nang mapatingin ako kay Damon ay sinisipsip nito ang kanto ng lamesa.


Napangiwi sa Santi. "Mahilig lang siyang mag-explore. Pero mabait talaga yan."


"Rogue is a good kid now," singit ni Santi. "Look at him. Tahimik na lang–"


Nang mapatingin kami ng Rogue ay tahimik nga ito. Pero nakakapagtakang nakahubo ang bata. Kaya naman pala ay nilalaro nito ang alaga!


Napasentido si Santi.


"Nasaan si Macey?" tanong ko.


"She's asleep. Napagod kakaiyak. Itinago ko kasi ang tirador niya." Ngayon ko lang napansin na namumula ang panga ni Santi.


"Tinirador siya ni Macey kanina." Si Macoy na ang napaliwanag.


Natutop ko ang aking bibig. Napansin ko bigla ang isang batang lalaki na nakaupo lang sa sulok. Guwapo, curly ang hair at mukhang mabait. He looks 10 years old to me. Nakatingin lang sa amin ang kulay tsokolate nitong mga mata.


Napansin yata si Santi na nakatingin ako dito. "His name is Quiro. Panganay na anak siya ni T."


"T?" ulit ko.


"Terrence Saavedra." Si Macoy ang sumagot.


"So you mean second son si Rogue?"


"Yes." Pagkuwan ay lumuhod si Macoy upang hagkan ang aking tiyan. "All of them... they are going to be the Black Omega Society Second Generation."


"O wag mo nang idamay si Macey sa fraternity na 'yan, ha? Malilintikan ka sa akin!" banta ko sa kanya.


"Of course not. Pero si Phoenix..." Napatingin siya sa tiyan ko.


"Phoenix?" Kumunot ang noo ko.


"Phoenix will be his name... Phoenix Laz Sandoval."


Natawa ako. "Paano mo naman nalaman na lalaki nga ang anak natin?" Wala pa kasi itong gender sa ngayon.


"I have a strong feeling that he's a baby boy."


Kinurot ko siya sa pisngi. "I hope so... sana nga lalaki siya kasi may baby girl na tayo." Iniba ko ang usapan. "Bakit nga ba kailangan niyo silang iwan sakin?! Nasaan ba ang mga nanay ng mga yan?"


"Nagsh-shopping abroad." Si Macoy ang sumagot.


Nagkatinginan muli ang dalawa. "We'll have our last concert in Korea," Santi explained. "Wala nang gustong mag-alaga sa kanila. Kapos na rin sa oras para makahanap ng yaya."


"I see. So mawawala na talaga ang Black Omega Society band?"


Tumango si Macoy.


"How about your frat?" curious na tanong ko kay Macoy.


Kinuha ni Macoy ang kamay ko. "We can't stop our brotherhood. Kahit ilang generation pa." Kinintilan niya ako ng halik sa likod ng aking palad. "And Phoenix, my son, will be one of them."


Napangiti na lang ako.


Napangiti rin siya. "We'll train them well."


"Let's get married," usal ko.


"Let's get married... again." Tugon niya.


"Pero bago iyon..." Hinugot ko ang cellphone sa aking bulsa.


"Huh?"


Lumabi ako. "Pwede ba kong magselfie with Santi?"


WAKAS

JAMILLEFUMAH  

Continue Reading

You'll Also Like

9.8M 385K 36
X, the green-eyed handsome boy who hangs around Quiapo, Manila, is the suitor of Rita. She believes her future is uncertain if she ends up with him a...
448K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
23M 588K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
26M 784K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...