For Kisses

By silentpancake

1.2K 94 34

Like a child again I'm at a loss for words How does one define A crush combined with longing? Longing to poss... More

Intro..
Prologue : Childhood Days
Chapter 1: Temporary Goodbye
Chapter 2: Those Eyes
Chapter 3: Crush??
Chapter 4 : Sweet Sixteen
A/N lang
Chapter 6: Pretty Boy🎶

Chapter 5: La La La🎶🎶

121 10 7
By silentpancake

SAC

Mag-eenroll na siya at pasukan na sa susunod na buwan. Luckily may  pasok ang Ate May niya since ngsusummer ito,kaya kasama niya itong  ngtungo.

Sa SAC din ngaaral si MayMay. Hinatid lamang siya nito sa  school registrar at nagtuloy na ito sa Educ Bldg. 3rd year college si  MayMay sa kursong Secondary Education. Scholar ito ng Company nila dahil  ang ama nito ay higit sampung taon ng naninilbihan sa Kirsten.

Ang SAC  ay isang pribadong unibersidad pang sekondarya at kolehiyo sa lalawigan  nila. Pawang mga  nakakaangat sa buhay lamang sa lugar nila ang nakakapag-aral doon. At kilala ang unibersidad na iyon na pinagmumulan ng mga mahuhusay na enhinyero.

" Kisses! Kisses! Kamusta ka daw sabi niya oh!"
Nahinto sa pagsusulat sa form na hawak ang dalaga ng marinig ang  pangalan niya. Mag isa lamang siyang nakaupo sa isang bleachers sa  silong ng acasia. Mangilanngilan pa lamang ang mga estudyanteng  nageenroll. What else is new,, sanay ang mga estudyante sa last minute. Nilingon niya ang grupo ng mga binatilyo na tumawag sa  pangalan niya at kiming nginitian ang mga ito. Naghampasan ang mga binatilyo sa ginawang paglingon ni Kisses.

" Wooohooo lumingon si crush"
At tila mga batang ngtulakan at ngtuturuan kung sino ang tumawag.Nangingiting muling itinuon sa form ang atensyon.

" Can I borrow your pen? "

Natigilan ang dalaga ng biglang may nagsalita sa likuran niya. Kahit hindi niya lingunin, kilala niya ang tinig.

Edward.

Lumingon siya at bumungad ang gwapo nitong mukha. Gusto niyang sabihing bakit wala itong dalang  ballpen kung mageenroll ito pero tinikom niya ang bibig at sa halip ay  iba ang sinabi niya. Hindi naman pwedeng lagi silang mag-iringan na  parang bata.

"Sure, patapos na din ako." Tipid niya itong nginitian, bigla ay labis niyang pinagsisihan ang ginawang paglingon dahil nagsalubong nanaman ang  mga mata nila. And her heart  was already beating so fast knowing na  nasa likod niya lang ang binata.

"Ahm, umupo ka muna, patapos na ako" turo niya sa bakanteng upuan sa tabi niya ng hindi na ito nililingon.

Be still my heart.

Shit Parang tatalon ang puso niya ng maramdamang umupo sa tabi niya ang binata. Minsan iniisip niya kung anong kulang sa bakuna niya. Hindi kaya may kulang at parang nghihina ang tuhod at lumalakas ang kabog ng dibdib niya sa mga ganitong pagkakataon?

Mabilis na pinasadahan ng tingin ang form at inabot ang ballpen kay  Edward. Akma na sana siyang tatayo ng biglang magsalita ang binata.

"Do I smell?" At ngtataka pang inamoy nito ang sarili.

"Huh? No ofcourse. Ambango mo nga- I mean , ano,.."

What made you say  that? Gusto niyang sapukin ang sarili sa pag iistammer sa harap nito.

Kirsten..umayos ka..

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Edward sa narinig. "Really? Haha, I thought I smell kaya ngmamadali kang aalis"

Luh walang regla ang mokong. Parang ang bait bait nito. ngaun ah.

"No, kasi ano.. mamaya mahaba na yung pila, and its almost lunch na  baka maabutan ako ng lunchbreak." sabay dampot ng mga gamit at aktong  aalis na pero napahinto siyang muli sa sinabi ng binata.

"Kisses.. wait" Tumayo din ito at sininop ang mga papel. At inabot sakanya ang ballpen na hiniram nito.

Kumunot ang noo ng dalaga." Ang bilis naman? "

"I just realized na transferree ako, and all the necessary form were all filled up last night." Nginitian siya nito at sinabayan maglakad. "So..Where to?"

Tumango tango ang dalaga. "Ah i see.., iaabot ko lang to sa cashiers window then uuwi na."

Nakatitig ang binata sa kanya kaya di niya alam kung saan itutuon ang mata.

Jusko Edward wag mo akong tignan ng ganyan!

Ano bang kailangan nito at bat hindi pa sabihin dahil hindi siya makakilos ng maayos dahil sa presensya nito."Ahm i'll go ahead na pala. Dun ka yata pupunta kapag transferree" ,  itinuro niya ang window 4 . Di na inantay ang sagot nito at lakad  takbo ng pumunta sa cashiers window.

Diyos mio Kirsten. kapitbahay mong  ungas lang yun bat ngkakaganyan ka..

**💛**

What was that Edward John? Bat di ka nalang ngtuloy umuwi? Bat intentional mong hinanap ang babaeng yon?

He just walked away from the admin and went to the campus parking area near the bldg. Binuksan niya ang engine ng sasakyan, aalis na sana siya ng nakita  niya si Kisses na lumabas agad sa bldg.

Kumunot ang noo niya ng makitang may  lalaki at babaeng lumapit dito.

The guy was Marco.

Sino ang babaeng  kasama nito? Malapit lang sa parking lot ang admin bldg. At kitang kita  niya ang iritasyon sa magandang mukha ng kasama ni Marco. Nakita niya  ding iba ang tingin niyon kay Kisses. While Kisses just ignore the girl .  Marco was talking to Kisses. And from the looks of it parang niyaya  nito ang dalaga.

He immediately get out of the car and went to the three.

***

Oh there he is again. Kita niya sa gilid ng mata na papunta sa pwesto nila si Edward.

"Bro." ani Edward habang papalapit. Nakatingin kay Marco

"Oh hey, i thought enrolled ka na the other day. ? " Nakakunot noong tanong ni Marco sa papalapit na kaibigan.

Enrolled na pala ang binata bat naandito pa ito? Baka hindi natapos?

Lihim siyang umismid ng biglang ngbago ang hilatsa ng mukha ni  Heaven ng makita si Edward.
From iritable to pasweet real quick.

Si Heaven ay kaklase niya since Grade 7 up to now. Maganda at.. No.  Maganda lang.

Papasang kontrabida ang bitchy na ugali nito. Hindi niya  naman niya ito inaano pero lagi itong nakasimangot kapag nakikita siyang  kasama ni Marco. May gusto ito kay Marco.

Hindi pinansin ni Edward ang sinabi ni Marco sa halip ay nginitian nito si Heaven.

"Oh , by the way.. Edward this is Heaven. Classmate namin ni  Kisses. And if you'll be in the first section , which you'll be, for sure - she'll be your classmate too. Dun lang din siya nakatira malapit samen. Ven, si Edward miy gwapitong kapitbahay nila Kisses." pagpapakilala ni Marco.

Kisses rolled her eyes inwardly ng makitang tila pusang di  maihi si heaven while nakikipag kamay kay Edward.
She looked at Edward.
Poker face.

Karamihan sa mga clasmates nilang lalake ay attracted kay  Heaven. Why not? The girl is a beauty. Kaya hindi na siya mgtataka kung  maattract din si Edward dito.

Hmmp.

May next target na ang hitad. Baka sa first quarter palang ng school year, bf na nito si Edward.

"Ahm guys I really have to go, See you sa pasukan." Putol niya sa palitan ng pleasantries ni Ed at Heaven.At tinanguan si  Heaven, Marco at Edward.

Nahinto ang balak niyang paghakbang ng  magsalita si Edward."Kisses, sabay ka na saken. Pauwi na din ako."  kaswal na turan nito.

"Edward, why dont you let Marco nalang na ihatid si Kisses. If  hindi mo alam, matagal ng ngpapasaring tong si Marco kay Kisses. May mga  girls lang pala talaga na pahard to get." nakangiting wika nito.
"-And,  sayo nalang ako sasabay pauwi."

My ghad. Bumilang siya ng samph sa isip para pakalmahin ang sarili.

Hilahin ko kaya buhok ng babaitang to? Ang arte.

Di nalang  sinabing siya ang ihatid. at pinagduldulan pa siya kay Marco at  sinabihan ng hard toget!.

Kalma Kirsten.

Napakamot ng ulo si Marco sa sinabi ng kababata. "Ven, naman."
Nahihiya itong tumingin kay Edwrad pagkatapos ay kay Kisses.

Nginitian ni Edward si Heaven, "Really? , hindi ko alam yun haha.  Ahm magkatapat lang kasi ang house namin ni Kisses, and kanina tumwag  ung kuya ko, andiyan siya ulit sa bahay nabanggit ko na nakita ko si  Kisses dito sa school, sabi niya sabay ko daw pauwi at may pasalubong  siya for her" mahabang paliwanag nito.

"Ganun ba, OK sige.. Ahm can I have your number nalang pala?  Bukod kina Kisses and Marco, count me in as your new found friend" Disappointed na wika nito ngunit matamis pading nakangiti.

"Just give me your number and I'll text you" Wika ni Edward na sinamahan pa ng pagkatamis tamis na ngiti.

"I'll send him nalang your number, Ven.. Lets go. Bro.. we'll go ahead na. Kisses, see you sa pasukan" matamis siya nitong nginitian at ngpatiuna ng maglakad.

"Shall we?" walang emosyong baling ni Edwrad sa kanya.

As if utang na loob ko na pasabayin niya! Hello may sasakyan at driver kaya kami!

Tumaas ang kilay niya sabay sabing "Pumayag ba akong sasabay sayo?"

"I dont take NO for an answer. You see, di ko naman gustong maging  driver mo, si Tanner eh. Andiyan siya and as what I've said kanina.May  pasalubong daw siya sayo." tila naiiritang wika nito.

Her chinky eyes lit. "Wow baka ung sinabi kong plushies ng animal crossing."

Laruan lang ang pasalubang ng kapatid niya dito and yet parang buong disneyland na ang natanggap nito kung ang pagbabasehan ang reaksyon nito.

How much more if I'll give her the world?

Ipinilig ng binata nag ulo sa naisip.

"Ohh so nglalaro ka pala nun" sa halip ay tanong niya.

"OO, kaya tara na bilis. Oh my god im so excited. How about you? Naglalaro ka ba ng ACNL? Wala kasi nun diyan sa town center eh, where's your car?

"Nope, I dont.. Pang bata lang yun" at nglakad n patungo ng parking lot.

Ngumuso ang dalaga sa tinuran nito.

**💛**

"Daan tayo ng town center pala, Lunch muna tayo" wika ni Edwrad habang ngmamaniobra palabas ng parking lot.

"Huh? bat di nalang sa bahay niyo? deretso na tayo" kunot ang noong wika niya.

"Im so hungry.. di ko na kayang iabot pa ng bahay. And di ako  nakapagsabi na babalik ako agad ng lunchtime. Ayoko mapagod si Nana"

"Ok, but i dont have my wallet with me. Naiwan kanina sa sasakyan  namin" iiling iling na wika niya. Papasundo naman kasi siya kaya di  siya ngworry na wala siyang dalang pera.

Nilingon siya nito, "All fine,  its on me, ako ang ngyaya." at muling tumotok ang mata nito sa daan.

Tinitigan niya ito habang ngdadrive. Napakagwapo ng driver niya. Shems. Tanner too is undeniably handsome. Very manly na nga ang itsura ni Tanner, pasadong pasado na as Prince Charming. Pero parang may something kay Edward  na parang napakasarap tignan. No wonder si Heaven ay biglang tila  ngchange of heart kanina, bigla ay di na ito naging super clingy kay  Marco.

"It's impolite to stare."

Napapitlag ang dalaga. Gustong kutusan ang sariling ulo. Pinagmukha niya nanamang tanga ang sarili. Bakit ba kapag  ito ang kasama at kaharap niya parang laging nawawala siya sa sarili. 

May samangkukulam ata ang lalaking ito.

"Napakamagugulatin mo din eh no?" kahit di nakatingin sa kanya ay  tila may mata ito sa gilid at nakikita lahat ng ginagawa niya.

"Mabilis ang reflexes ang tamang term."  wika niya sabay ismid.

"mind if i turn this on?" tukoy niya sa car stereo,tumango ito at  mabilis niyang pinindot ang button. Punailanlang ang isa sa kanta ng local band. Side A.

Have you seen her?
Did you see her passed this way
What is it about her?
Is it her eyes? Maybe?
But Im not sure
Is it her laughter
Something I've never heard before..

Actually gusto niya rin ang song nayon. Napakasweet, napakasarap pakingan.
Oh, so ito pala ang trip niyang mga songs.
Tila nabasa naman nito ang sinabi ng isip niya.

So many questions,
But the answers are so few
All I really know is
I love you..

" It's Tanner's,not mine "

Luh, may samangkukulam talaga. Nakakabasa ng isip.

"You seem to be very popular sa school." Edward trying to start a matinong usapan, dahil tanging kanta nalang ang maririnig sa loob.

"What made you say that?" tanong niya.

"I heard your fanboys" Edward again,with a loopsided smile on his lips.

Ang gwapo niya talaga. Tila nawawala nanaman sa sarili ng mapatingin sa mata neto. "No I'm not. Not as popular as Heaven"

"Sinong Heaven?" nakakunot noong tanong nito.

"Seriously? Whoah. Kakapakilala lang ni Marco kanina di mo na kilala? Heaven will be angry kapag nalaman niyang kinalimutan mo agad ang pangalan  niya. Mukhang bet ka pa naman nun" exagerated as it may seem, pero  nanlaki talaga ang mata niya while ngsasalita.

"Ah.. Yes, Heaven.. So the girl was popular eh? Are you good friends?"

"Heaven doesnt like me, I can feel it."

"Really? Is it because of Marco? So Marco is courting you pala?" Question but sounded more like of a statement.

Save by the bell, nasa Town Center na sila. Ang kaisa isang mall sa bayan nila.

**💛**

Matamang pinagmamasdan ni Edward ang dalaga habang magana itong  kumakain. Napakacute nito sa simpleng ayos. Naka-pigtail lang ang buhok  at isang simpleng vneck yellow blouse and ripped pants, yet she still  looks like an oriental princess.

"Its impolite to stare, sabi nga ni konde Edwardo" ani ng dalaga na ginaya pati ang boses niya kanina.

He laughed, "Nagulat lang kasi ako. Akala ko kasi ako ang gutom na gutom. Pero..." may panunudyo ang himig ng boses niya.

"Eh niyaya mo ako eh.Natural kakain ako.. Nagmamadali ka ba?  sayang naman tong halohalo ipatakeout nalang natin" she said sa pagitan  ng pagnguya.

"No, sige lang. Ubusin mo yan. Kung makaprder ka naman kasi para  kang dinideprive nila Tito, but no worries you still look pretty kahit  pang mandirigma yang pagkain mo"  di maitatago ang amusement sa boses nito.

Kunway nagtatampong, inilayo ng dalaga ang platong nasa harap  niya. "Ayaw ko na nga. Ngtatampo na ako"  habang idinasal na sana hindi  napansin ng binata na ngblush siya sa simpleng pagpuri nito sa kanya.

"Talaga ba? So tara na?" At ngkunwang tatayo na.

Dali daling hinila ng dalaga ang palato pabalik. "To kamo walang pagpapahalaga sa grasya,Di ka na mabiro." at muling kumain. "On a serious note, maruning ka naman palang tumawa at ngumiti. Dapat  lagi kang ganyan, mas gumagwapo ka"

"Nilibre ka lang gumwapo na agad. Pero syempre mas gwapo parin si Tanner?" nangingiting wika ng binata.

Tumango ang dalaga.

"Do you like him?"

Tumingin siya sa mukha nito. Seryoso ba ang tanong?

"Yes, remember when we were kids? I told him that I'm gonna wait for him. So yeah." sagot niya, partly yes. Nakakaganda ng araw ang mukha ni Tanner, laging nakangiti sakanya.Kabaligtaran ng kaharap na kung hindi nakasimangot ay pokerface lang.

"Hurry up Kisses. Petsa na." wika nito

Back to may-reglang-attitude nanaman ang binata.

**💛**

Nakita niya si Yaya Mel sa may gate kaya ngpasabi na siya na sasaglit muna kina Edward.

" Kuya Tanner! " tinakbo niya si Tanner na nakaupo sa couch at niyakap. Niyakap din siya ng mahipit ng binata.

"I have pasalubong for you." ani Tanner.

"I know, sabi ni Edward. He saw me sa scholl and sabi ko daw isabay na ako kasi me pasalubong ka nga" nakangiti niyang turan.

Nagsalubong ang kilay ng binata na agad ding nabura at napalitan ng  ngiti. Sinundan niya ng tingin ang kapatid na dumeretso sa kwarto nito.

"So where is my pasalubong.. is it the plushies?" and yeah. Inabot ni Tanner sa dalaga ang paper bag na nglalaman ng  mga nintendo animal crossing plushies na inorder niya pa from Japan. 

Tuwang tuwa ang dalaga sa pasalubong niya.

"Oh my god , isabelle,stiches and marshall are my faves. Im so happy Kuya.!" She hugged him once again.

Medyo nagulat ang binata. Matiim na tinitigan ni Tanner ang dalagita. Then suddenly asked, "Pumpkin do you already have a boyfriend? May nanliligaw na ba sayo sa  school niyo? wag mong sabihing wala coz i wont believe you."

Nahinto ang dalaga sa pagiinspect ng plush toys na bigay noto at  nakangiting tinignan ang binata.
"Wala talaga kuya. Wala akong makitang  kasing gwapo niyo eh." biro nito.

Natawa si Tanner. Sa sulok ng mata ay nakita ang kapatid na  bumababa mula sa hagdan "Hmm.. You're 17 and im 22, parang kanta yun  ah.. Mahihintay mo ba ako pag 21 ka na and im already 27 by that time. Wag ka ng humanap ng iba, rare ang mukhang to.. ako nalang" sakay niya  sa biro ng dalaga.

Natulala si Kisses sa sinabi ni Tanner. Diyata't natandaan pa nito  ang sinabi niya noong bata pa sila? Siya namang pagdaan ni Edward palabas ng bahay ay tinawag niya ito.

"Edward! look! sabi sayo plushies eh" nakangiting pinakita niya dito ang maliliit na manyika.

Tumango lang ang tinawag at walang emosyong lumabas patungong hardin.Ngumuso si Kisses. "Kuya Tanner, yang kapatid mong yan kamo parang pinaglihi sa sama ng loob. Ang sumpungin, kanina naman OK kami,tapos ngayon ang sungit nanaman."

Nangingiting sinundan ng tingin ni Tanner ang kapatid. "Nagseselos yan."

"Baka kasi di mo binilhan ng pasalubong. Ay by the way kuya, do you have twitter?"

"I dont have.. Believe me or not wala akong social media accounts." nakatitig sakanyang wika nito.

"Whoa! sang planeta ka galing kuya? as in facebook or instagram, wala?"

"Promise, wala.. Meron ako before dineactivate ko at puro negativity yung nababasa ko." natatawang sabi nito

"Oh my god, I cant believe na meron pa pang kagaya mo. Kuya tanner,  if you dont mind my asking, ikaw, do you have a girlfriend na?" nakangiting  wika nito na nangalumbaba pa at tila batang ngaantay ng kwentong  pambata.

"Nagkaroon.. but as of the moment.. wala " nakangiting sagot niya.

Kung saan saan pa napunta ang kwentuhan nila ng muling pumasok sa kabahayan si Edward.

"Kisses, your yaya's looking for you" pagkasabi ay tumalikod narin ito at tinungo ang dirwksyon ng hagdan.

"o siya kuya, I have to go na, nakita ako ni Yaya kanina na bumaba  sa car ni Edward kaya alam nun na andito ako. Have to go" mahihimigan  ang panghihinayang sa boses ni Kisses na parang gusto pang mag stay dun  ng mas matagal.

"OK Pumpkin, punta ka nalang ulit dito tomorrow.. On Sunday balik narin ako sa Manila." Sinundan ng tingin ni Tanner ang dalagang ngmamadaling lumabas.  Bigla ay naalala niya ang sinabi nito noon sakanya na antayin daw niya  ang paglaki nito at siya ang magiging boyfriend. Natatawang nailing ang  binata. Kisses is really beautiful. At the age of 16 para na itong  bulaklak na ngsisimulang mamukadkad. Ang tsinita nitong mga mata ay  bumagay sa napakagandang mukhang hindi mo pagsasawaang titigan kahit pa  maghapon.

May hawig si Kisses sa isang actress eh. Oh yes, Marian  Rivera..

**💛**

"Yaya Mel..Ang Mommy at Daddy po ba nariyan?" Tanong ni Kisses ng madatnan ang matanda na ngpapalit ng kurtina sa kwarto niya.

"Oh Anak, Ay wala pa eh, bukas pa ang dating ng mga iyon.Hindi ba ngsabi sayo sa telepono mo?"

"Kung business meeting po ung inaatenand nilabay malamang mamayang  gabi pa yun tatawag, Akala ko po dumating na at pinatawG niyo na ako"

Napahinto ang matanda sa ginagawa. "Pinatawag? kelan kita pinatawag?"

Napatingin ang dalaga sa matanda, "Ngayon lang po, ang sabi ni Edward ay tawag niyo na daw ako"

"Ay nagkamali ng pagintindi ang batang iyon, tinanong ko siya kung  ngtanghalian ka na ba dun sa kanila , ang sabi niya naman ay oo , di ko  naman sinabing umuwi ka na "

Hmmp, hindi ngkamali ng intindi ang mokong nayon, pinaalis lang ako  sa bahay nila sa swabeng paraan. Nakuuuu Edward. Gulo gulo mo, mas  matino pa si Via kesa sayo. Kala mo naman aagawin ko si Kuya Tanner sayo. Kadamot. Gigil na wika ni kisses sa isip.

****

A/N

Too many typos. Paumanhin sa mga ngbabasa. Haha.btw, congratulation to us dahil napansin ung mga KW nung AL ng prinsesa natin. Naamoy ko na, ilalayag yan pramis. Sa aming tortol, naiintindihan ka namin.. lam namin na hirap ka din sa situation mo. Basta maghihintay kami.

Continue Reading

You'll Also Like

43.3K 2.3K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
6.6K 468 16
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and accomplished doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her aloof attitude e...
3.7K 72 64
"I won't leave you. I am always here by your side. I will always be your number one fan and supporter." ...
2M 45.7K 53
Iiwan nya talaga ako? Nainis talaga sya sakin gusto ko naman makipag date eh. Baka lang may Quiz talaga. "Hubby? Hubby whaaaaa... ayoko na sayo!!!" ...