SAC
Mag-eenroll na siya at pasukan na sa susunod na buwan. Luckily may pasok ang Ate May niya since ngsusummer ito,kaya kasama niya itong ngtungo.
Sa SAC din ngaaral si MayMay. Hinatid lamang siya nito sa school registrar at nagtuloy na ito sa Educ Bldg. 3rd year college si MayMay sa kursong Secondary Education. Scholar ito ng Company nila dahil ang ama nito ay higit sampung taon ng naninilbihan sa Kirsten.
Ang SAC ay isang pribadong unibersidad pang sekondarya at kolehiyo sa lalawigan nila. Pawang mga nakakaangat sa buhay lamang sa lugar nila ang nakakapag-aral doon. At kilala ang unibersidad na iyon na pinagmumulan ng mga mahuhusay na enhinyero.
" Kisses! Kisses! Kamusta ka daw sabi niya oh!"
Nahinto sa pagsusulat sa form na hawak ang dalaga ng marinig ang pangalan niya. Mag isa lamang siyang nakaupo sa isang bleachers sa silong ng acasia. Mangilanngilan pa lamang ang mga estudyanteng nageenroll. What else is new,, sanay ang mga estudyante sa last minute. Nilingon niya ang grupo ng mga binatilyo na tumawag sa pangalan niya at kiming nginitian ang mga ito. Naghampasan ang mga binatilyo sa ginawang paglingon ni Kisses." Wooohooo lumingon si crush"
At tila mga batang ngtulakan at ngtuturuan kung sino ang tumawag.Nangingiting muling itinuon sa form ang atensyon." Can I borrow your pen? "
Natigilan ang dalaga ng biglang may nagsalita sa likuran niya. Kahit hindi niya lingunin, kilala niya ang tinig.
Edward.
Lumingon siya at bumungad ang gwapo nitong mukha. Gusto niyang sabihing bakit wala itong dalang ballpen kung mageenroll ito pero tinikom niya ang bibig at sa halip ay iba ang sinabi niya. Hindi naman pwedeng lagi silang mag-iringan na parang bata.
"Sure, patapos na din ako." Tipid niya itong nginitian, bigla ay labis niyang pinagsisihan ang ginawang paglingon dahil nagsalubong nanaman ang mga mata nila. And her heart was already beating so fast knowing na nasa likod niya lang ang binata.
"Ahm, umupo ka muna, patapos na ako" turo niya sa bakanteng upuan sa tabi niya ng hindi na ito nililingon.
Be still my heart.
Shit Parang tatalon ang puso niya ng maramdamang umupo sa tabi niya ang binata. Minsan iniisip niya kung anong kulang sa bakuna niya. Hindi kaya may kulang at parang nghihina ang tuhod at lumalakas ang kabog ng dibdib niya sa mga ganitong pagkakataon?
Mabilis na pinasadahan ng tingin ang form at inabot ang ballpen kay Edward. Akma na sana siyang tatayo ng biglang magsalita ang binata.
"Do I smell?" At ngtataka pang inamoy nito ang sarili.
"Huh? No ofcourse. Ambango mo nga- I mean , ano,.."
What made you say that? Gusto niyang sapukin ang sarili sa pag iistammer sa harap nito.
Kirsten..umayos ka..
Gumuhit ang ngiti sa labi ni Edward sa narinig. "Really? Haha, I thought I smell kaya ngmamadali kang aalis"
Luh walang regla ang mokong. Parang ang bait bait nito. ngaun ah.
"No, kasi ano.. mamaya mahaba na yung pila, and its almost lunch na baka maabutan ako ng lunchbreak." sabay dampot ng mga gamit at aktong aalis na pero napahinto siyang muli sa sinabi ng binata.
"Kisses.. wait" Tumayo din ito at sininop ang mga papel. At inabot sakanya ang ballpen na hiniram nito.
Kumunot ang noo ng dalaga." Ang bilis naman? "
BINABASA MO ANG
For Kisses
FanfictionLike a child again I'm at a loss for words How does one define A crush combined with longing? Longing to possess you oh so dearly I'm obsessed by you completely I'll go mad if I can't have you🎶🎶🎶