Love Somebody

By xxakanexx

6.6M 150K 25.6K

Ares Adolf Consunji is high mighty. He believes that everything will go on his own way but when his long time... More

Love Somebody
Prologue: Mr. Big
1. Sighing and grinning
3. Hatred
4. Mapagtitiisan
5. Oh... Flat!
6. Chances lost
7. Then why?
8. Marunong
9. Tao ka
10. Girlfriend
11. Over dinner
12. Engagement Party
13. Speech
14. How?
15. Tension
16. Still the same
17. Ares
18. Something wrong
19. What hurts the most
20. It's time
21. Magmamahal sa kanya
22. Lost and found
23. Marked
24. The Fall
25. Free Fallin
26. According to...
27. Beg
28. Deep.and hard
29. Parang awa mo na
30. When you love a Consunji
Epilogue: Start of the real story

2. Second names

213K 4.5K 891
By xxakanexx

“Bathseeba, hinahanap ka noong Matthew Fernandez daw.”

Napaawang ang labi ko nang marinig ko ang pangalan ng Matthew Fernandez na sinasabi ng kasamahan ko sa trabaho. Inilagay ko ang librong hawak ko sa shelf at saka inayos ang sarili ko. I was wearing our prescribed uniform ng Library. Iniayos ko din ang salamin kong napaling na at pilit kong sinusuklay ang buhok ko sa pamamagitan ng mga daliri ko. Anong ginagawa ni Matthew sa lugar na ito? Bakit kailangan niya pa akong puntahan? Wala naman na kaming pag-uusapan.

Lumabas ako sa waiting area at ganoon na lang ang panghihinayang ko nang makita ko siyang kasama si Candida – ang babaeng ipinalit niya sa akin – hindi pala ipinalit wala nga pala kaming relasyon. Huminga na lang ako nang malalim at saka pinuntahan ang kinauupuan nila. Nakita agad ako ni Candida. Agad siyang tumayo at saka kumaway sa akin. I just smiled. Nakapalda ako, binagalan ko ang lakad ko dahil ayoko talagang makita at makausap sila.

“Batshe!” Bati sa akin ni Matthew. Pilit ang ngiti ko. Nakipag-beso ako sa kanya pati na rink ay Candida.

“Anong atin?” Tanong ko habang papaupo. Nakita kong hinawakan ni Candida ang kamay ni Matthew at saka tumingin sa akin. They were smiling so wide – so sobrang wide – nakakasilaw na iyong mga ngipin nilang sigurado akong ni-tooth brush gamit ang Happee toothpaste. Mga cheap! Hindi man lang COLGATE ang gamit. I rolled my eyes.

“Hihingi sana kami ng pabor sa’yo ng aking cupcake.” Sabi ni Matthew.

Tumagilid ako saglit at itinakip ang kamay ko sa aking bibig. Nasusuka ako.

“”Batshe, okay ka lang?” Tanong pa ni Matthew.

“Sorry, nasusuka ako. Ang sweet ninyo kasi! I wanna puke rainbows!”

Nagulat ako nang biglang tumawa nang napakalakas si Candida with matching hampas pa sa hita ko. I made a face.

“Ay, wow, close tayo?” Naiinis na tanong ko.

“Ikaw naman, mapapangasawa ako ng best friend mo kaya close na tayo!” proud pang sabi niya. Napailing na lang ako.

“Anong pabor ba iyan?” Tanong ko na lang para maiba ang usapan. Hinihintay kong sabihin nila ang pabor na hinihingi nila at saka ko iisipin kung madali ba o hindi iyon, kung kaya ko bang ibigay o hindi iyon.

“Hindi kasi makakauwi ang kapatid ni Candida sa kasal naming kaya sana iniisip naming dalawa na ikaw na lang ang maging maid of honor.”

Nanlaki ang mga mata ko. Matapos niyang gawin sa akin ang mga ginawa niya noon, hihilingin niya na maging maid of honor ako sa kasal nila? Sana sinabi na lang niya na saksakin ko ang sarili ko, warakin ko ang dibdib ko at ibabad sa chlorine ang puso ko para mamatay na ako. Pumikit ako at nagbilang ng sampung angry bird at nang matapos iyon ay dumilat ako at saka ngumiti.

“Pag- iisipan ko ha.” Tumayo na ako at saka tumalikod. Bumalik ako sa trabaho ko habang naiisip ko si Matthew. Bakit ganoon? Bakit ang saya-saya niya habang kasama niya si Candida – ang babang kailangan ng napakaraming pahinga? Naisip ko pa lang ang eye bags ni Candida, nahihiya na ako sa sarili ko. Sabagay, baka proud siya sa eye bags niya, pinagpuyatan kasi niya iyon. Huminga ako ng malalim, naalala ko si Lola Anita – ang nanay ni Mama, noong bata ako, sinasabi niya palagi na bulag ang pag-ibig at sa kaso ni Matthew – oo, bulag nga ang pag-ibig. Hindi lang bulag, nakakasira pa ng ulo. Sa gwapong iyon ni Matthew, nauwi siya sa ganoon lang.

“Mag-e-early out ako.” Sabi ko sa assistant librarian ko. Mas matanda sa akin ng labin-limang taon si Ate Alberta. Tumanda na siya sa piling ng mga libro at alikabok sa bahay-akalatang iyon. Kaisa na si Ate Alberta sa mga BIR sa National Library – BIR mean – Babaeng Iniwanan na ng Regla pero hindi pa rin nakapag-asawa. No boyfriend since birth ang peg ni Ate Alberta at dahil halos lahat ng kasama ko dito ay BIR na, tinatakot na rin nila ako.

Noon, hindi naman ako naniniwala na tatandang dalaga ako pero matapos ng nangyari sa amin ni Matthew ay alam kong malaki na ang posibilidad niyon.

Nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko at umuwi sa bahay. Pagod ako. Pagod ang utak ko, pagod ang lahat sa akin at mas lalo kong naramdaman ang pagod na iyon dahil sa katotohanang magpapakasal na si Matthew sa babaeng pinaglihi sa eye bags.

Narating ko ang apartment namin ni Maria Mercedes. Ang alam ko wala pa siya – nasa trabaho niya pa iyon. May malaking kasong hawak si Mercedes ngayon. Kinukwento niya iyon sa akin noong nakaraang gabi. Ang sabi niya siya ang may hawak sa kaso ng isang artista na binugbog at pinagkaisahan ng isang business man sampu ng mga kasama nito. The case is sensational. Alam ko naman na maipapanalo ni Cedes ang kasong iyon. Magaling na abogada ang kaibigan ko – confident ako sa kanya.

I went inside the house. Tahimik na tahimik ang buong bahay. Wala namang kotse kaya alam ko talaga na wala si Cedes doon. Hinubad ko ang sapatos ko at saka inilagay iyon sa shoe rack – Japanese style ang apartment namin ni Maria Mercedes. Up and down iyon – tatlo ang kwarto. Isa sa baba, dalawa sa taas – malaki ang kusina, spacious ang salas. May dalawang bathroom at isa pang silid para sa entertainment. College pa lang ako ay doon na ako na ako nakatira. Cedes and I used to live together noon dito sa bahay na ito pero ilang linggo pa lang ay sinundo na siya ng Papa niya kaya ako na lang ang natira dito mula college. After passing the bar exams, Cedes came in to live with me.

Pumunta ako sa kusina para kumuha ng isang baso ng tubig. Hinubad ko na rin ang blazer ko at iniladlad ang buhok ko. Napapagod talaga ako. Hindi ko na muna iisipin si Matthew an gang fiancé niya ipinaglihi sa eye bags.

Matapos uminom ng tubig ay nagpasya na akong umakyat sa kwarto ko sa itaas para magpahinga at matulog. Tinatahak ko ang daan paakyat. Pakanta-kanta pa ako.

“Been running from these feelings for so long…

Telling my heart I didn’t need it… lalalalalala…”

 

Nakahawak ako sa pader habang paakyat. Nakatingin naman ako sa baiting ng hagdan nang mapansin kong may dalawang pang nakahinto sa ikaanim na baiting ng hagdan. Ang alam ko walang tao sa bahay pero bakit may mga paa? At pang lalaki paa pa? Kinabahan ako. Baka magnanakaw? O kaya man akyat bahay gang?

Ang puri ko!

Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko para kilalanin kung sino ang lalaking nasa harapan ko pero habang nag-aangat ako ng ulo ay ibang ulo din ang nakita ko.

There is a naked man in front of me!

And the naked man is none other than that asshole with a huge thingy!

“Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!”

“What?!” Ares Consunji asked me in a high voice. Natakot ako! Nakaturo sa akin ang putoytoy niyang BIG! Agad akong nagtatakbo! Nilagpasan ko siya. Finally, I got inside my room. Ni-lock ko iyon – double lock para sigurado akong hindi siya makakapasok! Ang kapal-kapal ng mukha ng lalaking iyon! Bakit siya maglalakad ng nakahubad sa loob ng bahay ko! Bahay ko ito!

Nahahapo akong napaupo sa sahig. I found myself shivering. I closed my eyes – sa lahat ng nangyari sa akin isa lang ang naisip ko – pwede rin palang mag-shave ang lalaki…

“Dammit, Bathseeba!”

------------------------------------

I woke up in the middle of the night with those sounds – annoying sounds that are coming from the other room. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko habang iniisip kung anong nangyari at kung bakit hindi ko man lang nagawang magpalit ng uniform.

Nawala ang ingay na naririnig ko. Baka guni-guni ko lang. Tumayo ako para patayin ang air-condition nang marinig ko na naman ang ingay na iyon.

“Ahhh! Ares! Oh fuck! Ahhhh! Please let me come! Ahhhh!”

 

My eyes widened when I realized what was happening in the other room. Virgin ako pero hindi naman ako ganoon Katanga para hindi maisip kung ano talaga ang ginagawa ni Ares Consunji sa best friend ko sa loob ng kwarto nila. Nanginig ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Papasukin ko ba sila at pipigilan siya sa ginagawa niya kay Mercedes o dito na lang ako sa kwarto ko dahil ayoko naman talagang makita ang mamang may malaking bird.

Hindi ko alam. Muli ay napaupo ako sa aking kama. Dinig na dinig ko sila. Tinakpan ko ang dalawang tainga ko pero hindi pa rin iyon sapat. Hindi ko alam kung anong nakikita no Mercedes sa lalaking iyon at hinahayaan niyang gawin nito sa kanya ang mga bagay na hindi naman dapat.

AHHHHHH!!!

 

It was Mercedes again – but now she is screaming. Hindi na ako makatiis. Kahit na gusto ko silang katukin ay hindi ko magawa. Tumayo na lang ako at lumabas ng kwarto. Bumaba ako ng hagdan at dumiretso sa kusina. Hindi ko alam kung anong gagawin ko talaga. Naalala ko ang napanood kong video noong nakaraang linggo. Nakakasuka iyong ginagawa niya kay Mercedes paano kaya nasisikmura ni Mercedes ang bagay na iyon.

Kumuha ako ng isang pitsel ng tubig at saka baso. Naupo ako sa dining chair at saka inabot ang bote ng peanut butter na nasa gitna ng lamesa. Binuksan ko iyon at saka kinuwit-kuwit. Nagugutom ako pero ayokong kumain dahil baka hindi ako matunawan dahil alam ko kung anong nangyayari sa loob ng silid na iyon habang nagpapakasasa sa kamunduhan ang kaibigan ko at ang lalaking iyon.

Hindi ko na nga alam kung gaano na ako katagal nakaupo sa kusina. Naulinigan ko na lang ang mga yabag ng paa na pababa ng hagdan. I was thinking, hoping and wishing and praying that the one coming down the stairs is Mercedes but then, parang sinasadya ng pagkakataon na makita kong ang demonyong si Ares ang makita kong bumaba doon. Huminto siya sa paglakad nang makita niya akong nakaupo sa dining chair na malapit sa ref. He stared at me. Ako din naman ay nakipagtitigan sa kanya – I was trying to concentrate on his eyes pero iyong mata ko bumababa sa nakita ko kanina. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita kong naka-boxer shorts naman siya ngayon.

But still – his bared abs is disturbing. I just looked away.

“I hope, I didn’t scare you this time, virgin.” He muttered. I shook my head. Tumayo ako na dala ko ang baso ko. Wala naman akong balak makipag-usap sa kanya pero gusting-gusto kong itanong ang isang bagay na matagal nang naglalaro sa isipan ko.

“Mahal mo ba si Maria Mercedes?” Biglaang tanong ko. Tinitigan niya ako. Tumaas ang sulok ng bibig niya.

“Hindi. I believe in love but I just don’t see Mercedes as that perso----“

Hindi na ako nakapagpigi; Nag-init ang ulo ko. Binuhos ko sa kanya ang laman ng baso ko.

“Ang kapal ng mukha mo!” Sigaw ko sa kanya. Nilagpasan ko siya pero bago ako nakaalis ay nahatak niya ang braso ko. Nang tumingin ako sa kanya ay gigil na gigil ang mukha niya – galit nag alit. Nakatiim ang mga bagang niya na para bang kahit anong oras mula ngayon ay sasaktan niya ako.

“No one messes with me.” Sabi niya na halos hindi bumubuka ang bibig.

“Bakit? Sino ka ba?” Inis na tanong ko. Pilit akong lumalayo. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa mga braso ko.

“I’m Ares Fucking Consunji!”

“Oooohhh! Second name mo ba iyon? Akala ko, asshole ang second name mo!” Pinitik ko siya sa mata sabay takbo!

“AWWWW! Fuck you bitch!” 

Continue Reading

You'll Also Like

82.2K 4.8K 18
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
4.6K 105 1
Skyler Monasterio and Heislee Suarez De Ayala
Scoop By anamariess

General Fiction

15.5K 393 21
[ Buenos Mafios Operations #2 ]
2.7M 95.9K 21
Orion Consunji hated Red's former secretary, Victoria. She is too stiff, too organized and she always always rude to him. He made sure that he will s...