Ang Bayang Naglaho

By GYJones

105K 6.5K 365

Sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari, ang mahigit limang daang mamamayan ng maliit na bayan sa Quezon Pr... More

Introduction
Prologue
Chapter 1: Si Andy Madrid, Isang Private Investigator
Chapter 2: Maverick P.I.
Chapter 3: Ang Kaso ng Mga Nawawalang Tao
Chapter 4: Bisita sa Dilim
Chapter 5: Ang Tinyente at ang Psychic
Chapter 7: Simula Ng Pagsaliksik
Chapter 8: Ang Simbahan
Chapter 9: Ang Simenteryo
Chapter 10: Mga Bolang Ilaw sa Gabi
Chapter 11: Kabaong ng mga Muling Nabuhay
Chapter 12: Silang mga Espiritu sa Simbahan
Chapter 13: Alien Blood
Chapter 14: Mga Ala-ala ni Andy
Chapter 15: Press Release
Chapter 16: Ilang Mga Pamamaalam
Chapter 17: Ang Mga Aliens
Chapter 18: Close Encounters
Chapter 19: Kuha Mula sa Camera
Chapter 20: To Arms!
Chapter 21: Battle Stations!
Chapter 22: Bala at Ilaw
Chapter 23: Mga Asong Ligaw
Chapter 24: Aftermath
Chapter 25: Finale
Chapter 26: Epilogue

Chapter 6: Callejon

3.3K 237 9
By GYJones

(I)

Nang makarating sa bayan ng Callejon, hindi makapaniwala sina Andy at Jang-Mi sa nakita...o sa hindi nakita. Nagmistulang isang ghost town ito. Wala ni isang mamamayan. Wala ni isang kaluluwa.

Tanawin ang mga naiwang bukas na mga bintana ng bahay, mga hinahangin na kurtina. Mga damit sa alambreng sampayan na natuyo na. Mga bakuran na naiwanan sa kalagitnaan ng pagwawalis at pagsusunog ng basura.

Dinaanan ng sinasakyang Revo nila Andy ang plasa kung saan nagkalat ang mga tuyong dahon. Tanaw mula roon ang barangay hall, ang himpilan ng pulisya at iba pang mababang mga gusali, na dati'y matao ngayo'y tahimik tulad ng mga ulap sa langit.

Sa kalsada ay mga inabandonang kotseng bukas pa ang mga bintana at pintuan; Mga pampasaherong jeepney na nakahambalang; Mga truck na bukas ang hood; Mga tricycle na nakapila sa pampublikong sakayan na walang mga driver.

Walang matatagpuan na nilalang saan ka man magtungo.

Sa mga sari-sari-store, palengke, bigasan, karinderya, at bakery.

Sa mga barberya, beauty parlor, bilyaran, sanglaan, at repair shops.

Pagkalampas ng plasa at ilang kilometro sa pahabang kalye ay nadaanan nila ang simbahan ng Callejon na nakatirik sa mataas na lupain. Tulad ng sa plasa, nagkalat din dito ang mga tuyong dahon na hindi nawawalis. Nang matanaw nina Andy at Jang-Mi ang simbahan ay may naramdaman silang kakaiba—na tila ba hinahatak sila nito papaloob.

Sa gilid ng simbahan ay may napansin si Andy na gumalaw. Hinabol niya ng tingin at nakita ang ligaw na aso na pagala-gala. At kanya agad na itinuro iyon sa mga kasama.

"Wala na kasing amo niya, sir, wala nang nagpapakain," komento ni Esguerra. "Kaya naghahanap ng pagkain kung saan-saan."

"Poor dog," may awang sabi ni Jang-Mi.

Tama naman sila, pero ang punto ni Andy na kanyang na-realize ay na hindi damay ang mga hayop sa alien abduction. And by instinct, ay naghanap pa siya ng ibang hayop sa paligid. Sa kawad ng kuryente ay natanaw niya ang mga nakadapong ibon. Sa kabila ng kalsada ay may isang kalabaw.

Sinabi ni Esguerra na bagama't naririyan ang mga hayop, ay hula nila na may ilan din sa mga ito ang nawawala. At may ilan din silang nakitang bangkay ng hayop na mahiwaga ang pagkakamatay. Ang tinyente mismo ay may natagpuan daw na bangkay ng baka na buka ang tiyan at nawawala ang mga laman loob. May isa pa na hati ang katawan at nawawala ang kalahati.

"Animal mutilations. 'Yun ang tawag ng mga scientist," sabi ni Esguerra.

"May kinalaman din sa alien abduction?" tanong ni Andy.

"Yes, sir."

Nagpatuloy ang Revo lampas ng simbahan tungo sa daan na paahon, paakyat ng burol, at sa mataas na lugar kung saan naroon ang isang malaking bahay. Isang dalawang palapag na resort house na ngayo'y ginawang himpilan ng militar. Ang headquarters ng task force ni Colonel Laxamana.

Pumarada ang Revo sa bukas na parking area kung saan may ilang mga sasakyan ang naroon: Mga SUV na tulad ng sa kanila, mga motorsiklo at mga military trucks.

Bumaba sina Andy at Jang-Mi at inikutan ng tingin ang paligid. Dito ay may malawak na tanawin ng bayan. Tanaw nila ang krus sa itaas ng simbahan at ilang mga gusali sa may bayan proper. Dito rin malawak ang tanawin ng kalangitan. Strategic ang lokasyon, ani ni Andy. At secured. Nilagyan nila ng perimeter na outposts ang area na may mga sundalong sentry.

Sinundan nila si Esguerra papasok ng military headquarters. Sa lobby, ay masaya silang sinalubong ni Colonel Laxamana.

"Ah, andito na kayo!" bati ng opisyal. "Kumusta biyahe n'yo?"

"Okay naman," tango ni Andy habang nagkamay sila.

Bumaling ang colonel kay Jang-Mi.

"Hello. You must be Jang-Mi."

"Yes," pag-bow ng Koreana.

"I'm glad you are here."

Maraming sundalo sa loob, lalaki at maging babae, na paroon at parito na abala sa mga ginagawa. Nagmistula na ngang military headquarters ang loob ng resort. May mga kuwarto na kinonvert bilang opisina. May kuwarto para sa supplies, computers at files, at ammunition.

"Torres!" sigaw ng colonel.

Maya-maya'y lumapit ang isang matangkad at maitim na sundalo. Snappy ang saludo nito.

"Sir!"

Ipinakilala siya ng colonel na si Private Torres.

"Turo mo mga kuwarto nila," utos sa kanya.

"Yes, sir!"

Agad na kinuha ni Torres ang bagahe nina Andy at Jang-Mi.

"Torres will show your rooms, okay?" sabi ng colonel sa psychic.

"Okay," nakangiting balik ni Jang-Mi.

Tumalima si Torres at sinundan nina Andy at Jang-Mi.

"Pare, salamat sa pagpunta," habol ni Colonel Laxamana. "Settle down first," aniya. "Tapos bibigyan ko kayo ng full briefing."

Taimtim na tumango si Andy.

Sa second floor, halos magkatapat lamang ang mga kuwarto nina Andy at Jang-Mi. Matapos mailagay ang bag ni Jang-Mi sa kuwarto nito ay sinudan ni Andy si Private Torres tungo sa kanya namang silid tulugan.

"Sir, kung may kailangan kayo, sabihin n'yo lang sa akin," alok ng private habang nilapag ang bag ni Andy sa sahig. Nagpasalamat si Andy at iniwan siya ng sundalo.

Simple lamang ang kuwarto. Single bed, dresser at closet. Airconditioned at may maliit na ref. Malinis at maayos. Nahiga si Andy sa kama. Medyo masakit nang likuran niya sa matagal na pagkakaupo sa sasakyan.

Hindi pa rin siya makapaniwala na nakabalik na siya sa Callejon sa tagal-tagal na panahon. Ngayong naroon na siya'y hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman.

(II)

Hindi pa gaanong nakaka-settle down si Andy nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone at siya'y napabangon mula sa pagkakahiga.

"Hello?"

Sa opisina ng Maverick Private Investigators, hawak ni Marissa ang telepono.

"Boss, nandito si Mrs. Arevalo, at galit na galit. Hindi daw kasi inaasikaso 'yung kaso niya," bulong ng sekretarya sa receiver.

Sa may puwesto ni Tony, kausap niya ang isang matabang ginang na kanyang pinapahinahon. Nagtatatalak ang ginang na magarbo ang suot at tadtad ng mga alahas. Si Vic ay kabadong nagmamasid sa isang sulok.

"Anong sasabihin namin?" patuloy ni Marissa.

Napahampas ng kama si Andy at hinawi kanyang buhok. Napamura siya. Akala niya'y nafollow-up na niya ang lahat ng mga kaso niya kahapon, heto at meron pala siyang nakalimutan. At sa lahat ng makakalimutan ay kung bakit iyon pang kaso ni Mrs. Arevalo, ang mayamang may-ari ng isang placement agency na hinire siya para sundan ang asawa nito na pinaghihinalaang niyang may "other woman."

"Anak ng putakte, wala pa akong lead diyan, eh," sabi ni Andy.

"Eh, paano ito, boss? Idedemanda daw tayo," bulong pa ni Marissa.

Kumunot-noo ni Andy. "Demanda?"

"Anong gagawin natin, boss?" alala ni Marissa.

Biglang narinig ang malakas na boses ni Mrs. Arevalo sa background nang kanyang maamoy na kausap ng sekretarya ang taong hinahanap niya.

"Si Mr. Madrid ba 'yang kausap mo?" dagundong na tanong nito.

"Hindi, Ma'm, boyfriend ko po," pagkunwari ni Marissa.

"Ikaw magkakaboyfriend? Si Madrid 'yan, alam ko! Akina 'yang telepono!" sigaw ng ginang.

Sumimangot si Marissa, nainsulto lang. Maririnig ang mabibigat na yapak ng matabang ginang, maging ang pag-agaw nito sa telepono ay may tunog din. Napalunok si Andy.

"Mr. Madrid! Anong klaseng private investigator ka? Hinire kita para alamin kung sino ang kinakalantari ng asawa ko! Dalawang buwan na wala ka pang impormasyon!" sigaw ni Mrs. Arevalo sa telepono.

Sa likuran, alalang nakatingin sina Tony, Marissa at Vic. Umuusok sa galit ang ginang. Dinaig ang usok ng kumukulong kape. Para bang lalamunin niya ng buhay si Andy.

"Mrs. Arevalo, sadyang matinik ang asawa n'yo eh. Madulas," sabi ni Andy. "Lagi akong nalulusutan. Parang pinaghalong ahas at tuko."

"Wala akong pake kung higanteng alupihan pa siya!" sabi ng ginang sa kabilang linya. "Gusto kong malaman kung sino ang babae n'ya! Gusto ko ng resulta bukas or you will hear from my lawyers!"

"Pero, Mrs. Arevalo..."

"Aba'y pinagbayad mo na ako ng advance tapos hanggang ngayon wala ka pang maibalita sa akin!" patuloy ng ginang.

Walang naman maisagot si Andy pagka't tutoong nakatanggap na siya ng downpayment para sa kaso. Ayaw sana niya pero si Mrs. Arevalo ang nag-insist na sulatan siya ng cheke. Ngayon, nagsisisi si Andy kung bakit niya tinanggap iyon pagka't hanggang ngayon ay wala pa talaga siyang nadidiskubre ukol sa madulas na asawa ng ginang.

Hindi alam ni Andy ang sasabihin nang marinig niya ang boses ni Jang-Mi.

"Ja-Meh."

Lumingon siya at nakita na nakatayo sa bukas na pintuan ng kanyang kuwarto ang Koreanang psychic.

"Ha? What?" pagtatakang sabi ni Andy. Sa kabilang linya, nagsimula na namang magtatatalak si Mrs. Arevalo.

"Ja-Meh. Her sister," tugon ni Jang-Mi.

"Sister?" pagtataka ni Andy.

"The other woman," sabi ni Jang-Mi at pagkatapos ay mabilis na tumalikod at bumalik ng kanyang kuwarto. Naiwan na nag-iisip si Andy.

"Hoy! Mr. Madrid! Andyan ka pa ba? 'Wag mo kong taguan! Nagaala-ninja ka na naman! Hello! Hello!" galit na bulyaw ng ginang sa telepono. "Mr. Madrid!"

"Mrs. Arevalo..." sabi ni Andy. "May kapatid ba kayong babae?"

Napahinto sa pagbunganga ang matabang babae. Nagulat sa tanong. Sa kanyang likuran, makikitang hawak ni Marissa ang extension na telepono sa kabilang mesa, katabi si Vic. Si Tony ay hawak din ang telepono sa kanyang mesa. Lahat sila'y nakikinig sa usapan.

"O-oo, m...may nag-iisa akong kapatid na babae," amin ni Mrs. Arevalo, bumaba ang tono ng kanyang boses bagama't nanginginig ang kanyang double chin. At bigla na lamang nanlaki ang kanyang mga mata. "I-ibig mong sabihin..."

"Yes, Mrs. Arevalo," sabi ni Andy sa kabilang linya.

Biglang umusok na naman sa galit si Mrs. Arevalo.

"Sinasabi ko na nga ba! Sinasabi ko na nga ba!" bulyaw niya. Nayanig ang mga tasa sa pantry. "Ang malandi kong kapatid! Humanda sila! Papapatay ko sila!" pagtaas ng kamao ni Mrs. Arevalo.

Binagsak ng ginang ang hawak na telepono sa mesa at parang susugod sa giyera na lumabas ng opisina patungo ng elevator habang sumisigaw pa ng: Papapatay ko sila! Papapatay ko silaaaaa!"

Naiwang nagtataka sina Tony, Marisaa at Vic.

"Hello, pare. Anong nangyari?" tanong ni Tony sa telepono.

"'Yung kapatid n'ya ang mistress," sagot ni Andy.

Nagkatinginan sina Marissa at Vic at nag-apir.

"Narinig nga namin," sabi ni Tony. "Pero, paano mo nalaman?"

"Sabi ng kaibigan kong psychic," sagot ni Andy.

"Psychic?" react ni Tony.

"Hinire siya ni Laxamana para tumulong sa paghahanap," sabi ni Andy.

"Me ganon?" taas-kilay ni Marissa.

Natawa si Tony. "Well, mukhang tama ka na naman, pare," aniya. "At magiging accessory ka pa sa murder. Parang susugod sa giyera si taba eh. Teka, 'yun bang psychic na sinasabi mo eh maganda? Mala-Jinri Park ba?"

Napa-roll ng mga mata si Marissa, at umiiling na ibinaba ang extension. Usapang D.O.M. aniya sa sarili. Bumalik naman si Vic sa kanyang ginagawang pag-i-stapler.

"Well, ingat na lang, pare," paalam ni Tony. "Basta balitaan mo na lang ako."

"Okay, salamat, pare," pagtatapos ni Andy at kanyang ibinaba ang cellphone.

Saglit pang natulala si Andy habang nakaupo sa kama. Iniisip ang kakatapos pa lamang na mga pangyayari. Napahanga siya sa pinamalas na psychic ability ni Jang-Mi. Ang kapatid na babae ang mistress. Oo, nga naman. Bakit hindi niya naisip iyon? Bakit hindi niya inimbestigahan?

Mataposmakapag-unpack ng mga damit at gamit sina Andy at Jang-Mi ay ipinatawag sila niColonel Laxamana para bumaba at mabigyan ng full briefing.


NEXT CHAPTER: "Simula ng Pagsaliksik"


Continue Reading

You'll Also Like

13.6M 607K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
203K 6.1K 71
Hinghest Achievement in Horror - #7 Transfer Student si Jasmin Fajardo sa Kirin Art Academy , Eskwelahan na akala niya ay Normal ngunit hindi pala...
98K 1.6K 46
PUBLISHED under LIFE IS BEAUTIFUL CREATIVES. Ano kaya ang magiging papel ng "sketch" sa buhay ni Xyza?
113K 4.8K 18
Every school has its own creepy tales...