The God Has Fallen

De JFstories

7.8M 229K 118K

Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets... Mais

Prologue
The God Has Fallen
Episode 2
Episode 3
Episode 4
Episode 5
Episode 6
Episode 7
Episode 8
Episode 9
Episode 10
Episode 11
Episode 12
Episode 13
Episode 14
Episode 15
Episode 16
Episode 17
Episode 18
Episode 19
Episode 20
Episode 21
Episode 22
Episode 23
Episode 24
Episode 25
Episode 26
Episode 27
Episode 28
Episode 29
Episode 30
Episode 31
Episode 32
Episode 33
Episode 34
Episode 35
Episode 36
Episode 37
Episode 38
Episode 39
Episode 40
Episode 41
Episode 42
Episode 43
Episode 44
Episode 45
Episode 46
Episode 47
Episode 48
Episode 49
Episode 50
Episode 51
Episode 52
Episode 53

Episode 1

374K 10.2K 8.6K
De JFstories

Episode 1

ROGUE'S


"When the time comes, your arrogance will bring you to ruin..."


NAPABALIKWAS AKO NG BANGON.


Again? Those words from my grandfather, I dreamed about it again. Maybe I just miss that old man. Hindi lang siya, even my parents, I miss them now. Ilang buwan ko na kasi silang hindi nakikita. I was busy with my business in the city and going out of the country for some exclusive interviews for my band, The Black Omega Society. Yes, BOS is not only an elite brotherhood but also a famous band.


Nagusot ang aking ilong nang maamoy ko ang malansang amoy ng karagatan. Nasisilungan nga ako ng makakapal na mga dahon ngunit butas-butas naman. Nababalutan nga ng pawid ang paligid subalit mukhang mahupa naman.


Bumagsak ang balikat ko nang mapalingap ako sa paligid. Dito ko rin natagpuan ang sarili ko noong una. How I wish that everything was just a dream.


But it was not. Everything was real. I was stranded on some kind of a joke island.


Napatayo agad ako sa pagkakahiga nang maramdaman ko na ang hinihigaan ko ay buhangin.


Gross!


I suddenly realized I was naked – again. Kaya naman nang matanaw ko ang aking pants sa di kalayuan ay dinampot ko iyon at isinuot. Natigilan lang ako nang may mapansin ako sa aking harapan.


Nang maisuot ko ang aking pantalon ay napansin ko rin na nawala wala akong sapin sa paa. I needed my shoes. Hindi ako sanay na maglakad nang nakayapak lang. Nasaan ang sapatos ko?


But I found nothing. Maliban sa pantalon ko ay wala na ako makita iba sa paligid.


Biglang bumukas ang nakakadiring pinto kaya nasilaw ako sa liwanag. Iniluwa ng pinto ang isang tila diwata na umiilaw. It was Pukangkang.


"Gising ka na pala, Bathala." Tiningala niya ako. 


Umiwas ako ng tingin sa kanya. I don't want to look at her. Kung anu-ano lang ang pumapasok sa isip ko. I just frowned. "What kind of prank are you playing on me?"


Pumaling ang kanyang ulo. "Hindi kita maunawaan, Bathala."


Crap! Mukhang totoong mga taong isla nga talaga sila. Umasa pa man din ako na baka prank lang talaga lahat ito. Pero totoo nga. Stranded nga talaga ako sa islang ito. Okay lang sana kung isa itong first class resort pero hindi. Isa itong liblib na isla sa gitla ng malayong karagatan. So, how can I survive here? Hindi ako adventurous na tao. 


Sanay ako sa city. Sanay ako na malinis at mabango ang paligid. Sanay ako sa building at hindi sa kubo na pawid. Sanay rin ako sa aircon at hindi sa natural na hangin na dala ng alon. At lalong mas sanay ako na may mga bodyguards, personal assistants at personal chef na nagsisilbi sa akin. Damn it! I am a city billionaire!


Nang mapatingin ako kay Pukangkang ay nangunot ang noo ko. Nakatingin kasi siya sa akin na para bang naaaliw. Seriously? Naaaliw pa siya habang namomroblema ako rito?!


Ngumiti siya sa akin. "Nagugutom ka na ba, Bathala?"


She's cute when she's calling me Bathala. Pero iyong ka-tribo niya, nangingilabot ako kapag naririnig ko na tinatawag nila ako ng ganon.


Umiling ako. "Hindi ako gutom."


Mahirap na dahil baka ma-food poison lang ako sa pagkain nila. Maselan kasi ako at madalas na na-f-food poison. Resulta siguro ng klase ng pagpapalaki sa akin. Sobrang selan kasi ng mommy ko pagdating sa akin dahil ako ang bunso. Ang pagkakaalam ko nga ay sampung katao ang babysitter ko noong baby ako. May sarili akong chef sa pagkain at lahat ng meals ko ay fresh from the farm. 


Alagang-alaga ako na ultimo sa lamok ay hindi ako pinadadapuan. Homeschooled din ako hanggang makatapos ng elementary. At private chopper ang service ko noong high school. I know it was kind of OA, pero ganoon talaga ako pinalaki. Kaya nga siguro ganito rin ako kaarte.


"Bathala," pukaw ni Pukangkang sa naglalakbay kong diwa.


"Ano?" inis na tanong ko. Naistorbo niya kasi ang pag-iisip ko. Isa pa ito sa ugali ko, maiksi ang pasensiya.


Bumaba ang paningin niya sa harapan ko. "Okay na ba ang panokhang mo?"


"Huh? Panokhang?"


Tumango siya. "Panokhang."


Napatingin na rin ako sa harapan ko. Is she referring to my cock? And if I'm not mistaken, they called it 'Panokhang'.


I don't get it. Napakamot ako. "Hindi kita maintindihan."


"Panokhang ang tawag namin dyan sa sandata na nasa harapan mo."


"Huh?" Okay lang ba siya?


"Ganito na lang, Bathala, para maunawaan mo. Halimbawa sinipingan mo si Libag,"


Napangiwi ako.


"Pwede na nating sabihin na – natokhang mo si Libag."


Seriously? In my place, iba ang meaning ng natokhang.


"At alam mo ba, Bathala? Lahat ng tribo ay nasasabik na matokhang mo."


Nalamukos ko ang aking mukha. Ano ba itong lugar na napasok ko? Lalo tuloy akong nanggigigil kay Panther Foresteir, ang lalaking pinaghihinalaan ko na may kagagawan sa pagkasira ng yate ko sa karagatan. He's the leader of Red Note Society, an elite brotherhood na kalaban naman ng Black Omega Society


"'Lika, Bathala." Dinampot ni Pukangkang ang aking pulso at basta ako hinila patayo. Damn, she's strong! "Ipapakilala kita sa buong tribo."


"Sandali." Pumreno ako. "Marami akong tanong." Marami akong gustong malaman tungkol sa islang ito. I need some information to figure out how to escape from here.


"Ang lahat ng tanong mo ay masasagot ng pinakamatandang ninuno."


Hinila niya ako palabas, and to my surprise, nagpahila naman ako.


I had been with different women, of different nationalities, mostly socialites and some were models or celebrities, but I had never agreed to be ordered by any of them. Pero bakit ngayon ay wala akong reklamo na halos kaladkarin na ako ng babaeng isla na ito?


Habang hila-hila niya ako may kung ano akong naramdaman sa dibdib ko. Napatigagal ako. Ano ito? And to think na sa isang simpleng hawak lang sa kamay ay parang may kung anong kakaibang damdamin ang lumulukob sa akin. No it's not lust... I think it's more than that.


I looked at her hand that was holding me and noticed that she was wearing a bracelet. Bagama't luma ay hindi maitatanggi na yari iyon sa ginto. Where did she get that? Ah, why should I care?


Habang naglalakad kami ni Pukangkang ay hindi rin ako makapaniwala na naglalakad ako na walang sapatos. Seriously, this is the fucking first time!


Napalingap ako sa paligid. May mga bahay sila na gawa sa pawid. Ang iba ay yari sa dahon ng saging. Hindi naman ito magkakalayo sa isa't isa. Ang iba ay nasa itaas ng puno, at ang iba naman ay nasa buhanginan.


The sun is about to go down. Mahina na ang alon ng dagat. Iniisip ko tuloy kung paano ako makakatakas.


Habang naglalakad kami ay may mga napapatingin sa amin na mga katribo niya. Mga taong isla talaga ang mga itsura. Nakapagtataka lang dahil lahat sila ay matatanda. Parang si Pukangkang lang talaga ang bata. Bakit kaya?


Hindi na tulad noong una na pinagkakaguluhan ako ng tribo. Nasa paligid lang sila at may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Iyon nga lang, kapag napapatingin sila sa akin ay kinikindatan nila ako. It's like they were excited na 'matokhang ko'.


Napatingala ako. Napansin ko na may isang gurang na nasa tuktok ng puno. Nangunguha ito ng buko. "Sino yun?"


"Iyan si Gagambuy."


"Huh?"


"Siya ang pinakamagaling umakyat sa puno dito sa tribo."


Natanaw ko ang isa na nanghuhuli ng isda. "Eh iyon. Sino yun?"


"Iyon si Akwabuy."


"Eh iyong gumagawa ng bahay?"


"Iyon si Hombuy."


"Eh iyong isang yun? Iyong parang galit kung maglakad."


"Iyon si Tombuy."


"Eh iyong laging nakasimangot na iyon?"


"Iyon si Badbuy."


"Eh iyong nilalangaw na yun. Iyong mukhang nangangamoy."


"Iyon si Binabuy."


"Iharap mo nga sa'kin kung sino ang nagpangalan sa kanila at sasakalin ko."


Sumulpot sa harapan namin si Libag. She's the tallest among them all. Sa harapan ko agad siya nakatingin – sa panokhang ko.


Pasimple ko itong tinakpan. She's big and the strongest. Gasino lang iyong lundagin niya ako at dagnan.


Dumila siya sa palad niya at saka inilahad sa akin ang naglilibag niyang kamay. "Maligayang pagsalubong, Bathala."


Napaatras ako. What am I supposed to do?


Kinuha ni Pukangkang ang kamay ko. "Dilaan mo rin ang palad mo, Bathala, at kamayan mo siya."


"Huh? Is that necessary – I mean, kailangan ba talagang gawin iyon?"


"Nararapat. Siya ang tagapagtanggol mo."


My jaw clenched. What if I don't want to? Baka pukulin ako nito ng bato. And if that happens, baka lalo akong mahirapan na makatakas dito. "Fine." Dinilaan ko ang palad ko at kinamayan ang kamay niya.


If only I have my sanitizer, baka ibinuhos ko na ito sa kamay ko. Sana ay may mabilhan ako dito kahit Isopropyl alcohol lang. Hindi ako mabubuhay ng wala iyon.


"Dito ang daan, Bathala." Iginiya ako ni Libag sa isang daan. "Kanina ka pa hinihintay ng tatlong ninuno."


From the word ninuno, pihadong mas matanda pa ang mga ito kaysa sa mga narito. At hindi ko masisikmura na pati ang mga iyon ay matokhang ko.


Pumasok kami sa kagubatan, at pinasok namin doon ang pader na gawa sa halaman. I was thinking how to escape but I can't focus well. Nasa peripheral vision ko kasi ay tila diwatang umiilaw si Pukangkang. Damn! Bakit ba ganito siya kaganda?!


After a while, natanaw ko na ang tatlong matandang babae. Nakaupo silang tatlo at nasa harapan nila ang isang apoy. Ang nasa gitna ay si Jamod.


"Sino iyong nasa kanan? Iyong puro muta," bulong ko kay Pukangkang. Itinatanong ko kung sino pa ang ibang gurang na kasama ni Jamod.


"Iyan sa Jakod."


"Eh iyong nasa kaliwa? Iyan na ang dibdib ay nasa tagiliran na magkabila."


"Ah iyan naman si Kandod."


Kandod is chubby and short. She has short hair and thick lips. Iyong dibdib niya ay magkahiwalay na halos nasa ilalim ng ng kili-kili niya.


"Kumusta ka, Bathala?" Bakas sa mukha ni Jamod ang tuwa. "Maayos na ba ang panokhang mo?"


Napabungisngis si Jakod. Lalo tuloy naglabasan ang mga muta niya. Kung may dala lang akong tubig, baka hinilamusan ko na siya.


Sinimangutan ko lang siya. "Sino sa inyo ang makakasagot ng mga tanong ko?"


Nagkatinginan ang tatlo. "Ako," sagot ni Kandod. "Ano ang iyong tanong, Bathala?"


"Ano ang islang ito?" I just wanna know what island is this.


Tumayo si Kandod. May hawak siyang tungkod na gawa sa baging. "Ito ang Isla... Potanes."


Potanes? I never heard of it. Wala rin akong maalala na may pinag-aralan kami sa Geography na may ganitong isla.


"Sino ang pinuno sa islang ito?" I asked again.


"Ikaw ang nakatakdang mamuno sa amin, Bathala."


"Huh?"


"Ikaw ang nasa propesiya namin."


Napatingin ako kay Pukangkang. She was just staring at me. Naninimbang siya kung ngingiti ba siya sa akin o hindi. Alam kong napansin niya ang pag-igting ng aking panga.


I don't know what to do. If that's their prophecy, wala akong kawala. Ang tanging magagawa ko na lang ay tumakas. But I need more time. Kailangan ay paghandaan ko muna.


Napamura ako sa isip. Humanda talaga sa akin ang Panther na iyon once na makatakas ako sa islang ito. I will make him pay for what he did to me.


Lumapit sa akin Jamod. "Handa ka na ba na anakan ang aming Pukangkang–"


"You know what? This is bullshit! All of this!" Hindi ko na siya pinatapos.


Bakas sa mukha nila ang pagtataka. Alam kong hindi nila naintindihan ang sinabi ko. But I'm tired of making an adjustment for them. And I really hate seeing myself in this island. I'm Rogue Saavedra. Hindi ako magpapaalipin sa tradisyon nila.


Galit na tinalikuran ko sila. Hinabol ako ni Pukangkang pero hindi ko siya pinansin.


I need some air. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na nangyayari talaga ito sa akin.


...

JANE's


Ano kaya ang problema ni Bathala?


Galit kaya siya? Bakit kaya nakasimangot siya?


Gusto ko siyang lapitan ngunit natatakot ako na baka magalit siya sa akin. Ayaw niya kasi akong tingnan. Ayaw niya rin akong kibuin. Dalawang araw na siya dito sa isla pero ayaw pa rin niyang kumain. Ganito ba talaga ang Bathala? Hindi nakakaramdam ng gutom?


Si Bathala ang nakatakda na mapangasawa ko. Siya ang magiging ama ng mga anak ko. Siya rin ang taong iibigin ko at iibigin ako. Nakasulat na sa banal na bato ang kapalaran namin. Hindi na mababago iyon.


Bata pa lang ako, palagi ng ikinukwento sa akin ni Jamod ang tungkol kay Bathala. Lahat ng kanyang salaysay sa akin tungkol sa kanya ay tama. Pati ang deskripsyon niya rito ay totoo ngayong nakaharap ko na si Bathala.


Sabi pa ni Jamod, si Bathala raw ay may mahabang panokhang. Ang sandata raw na iyon na matatagpuan sa kanyang katawan ang may kakayahang makabuo ng isang bata, isang bagong lahi. Mabubuhay daw ito sa loob ng aking katawan, na dadalhin ko sa loob ng siyam na buwan.


Napangiti ako sa isiping iyon. Gustung-gusto ko na maranasan iyon. Matagal kong inasam ito. Bata pa lang ako ay pinaghandaan ko na ito. Umpisa pa lang ay naghahangad na ako na makasama si Bathala ko.


Napapikit ako matapos mapabuga ng hangin. Hindi ko malaman kung ano ba ang nais kong sabihin. Gusto kong kausapin si Bathala kahit mukha siyang galit. Ayaw ko na nakikita siyang malungkot.


Naglakas loob ako na lapitan siya. "B-Bathala?"


Tulad niyong una, hindi niya ako tiningnan.


"H-hindi ka ba nagugutom?"


Hindi siya kumibo.


Napalunok ako. "M-may nais sana akong ipakita sa'yo."


"Ano?" Salubong ang kanyang kilay.


"G-gusto ko sanang ipakita sa'yo ang perlas ko."


"Perlas mo?" Napaangat ang mukha niya, at tila kuminang ang kanyang mga mata.


Bigla na lang nagbago ang kanyang emosyon matapos mapaisip saglit.


Napangiti naman ako. Masaya ako na makita siyang masaya. "Oo, Bathala. Ipapakita ko sa 'yo ang perlas ko."


Umalon ang kanyang lalamunan. "Sige, gusto ko yan."


"Kung ganoon ay tara na!" Kinuha ko ang kanyang pulso ay hinila ko siya.


Sumama naman siya sa akin. Lumabas kami sa Silong niya. Silong ang tawag namin sa bahay na tinatawag niya.


Nagtungo kami sa Silong ni Jamod. Dito kasi ako nanunuluyan dahil ito ang nag-alaga at nagpalaki sa akin simula pa noong una. Sa ilalim ng higaan ay kinuha ko ang aking mga perlas. Kinuha ko iyon gamit ang aking dalawang palad. Inilahad ko ito sa kanya.


"Ano yan?" Umangat ang isang kilay niya.


"Perlas ko. Inipon ko iyan para sa'yo."


Bumagsak ang balikat niya. "Hindi yan perlas, kabibe ang mga yan."


"Ha? Pero sa amin, perlas ang tawag dito. Ang isa nito ay maari mo ng ipalit ng dalawang isda o kaya ng isang buko."


"So ito pala ang nagsisilbi nyong pera?"


"Pera?" Pumaling ang aking ulo.


"Nevermind."


Napalabi ako. Mukhang hindi siya natuwa sa ibinigay ko. Inipon ko pa naman ito para ibigay sa kanya noon pa man. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito na maibigay ko ito sa kanya.


Biglang sumeryoso ang mukha niya. Nakatingin siya sa bigkis ko na nasa pulso. "Bracelet yan, di ba? Sa 'yo ba 'yan?"


"Bracelet?" Napatingin ako sa pulso ko. "Oo, akin nga ito."


Kinuha niya ang pulso ko. Tinitigan niya ang gintong bigkis ko. "Jane ang pangalan mo."


Nakakabasa siya?


"Iyon ang nakasulat diyan sa bracelet mo."


Hinila ko ang kamay ko mula sa kanya. Napatitig siya sa akin. May pagdududa sa kanyang mukha.


Hindi ako kumibo. Hindi niya maaring malaman na nakakabasa ako. Kapag nalaman niya, baka isumbong niya ako sa tatlong ninuno. Mahigpit na ipinagbabawal sa amin ang matutong bumasa.


Noong ako ay bata pa, sinuway ko ang ipinagbabawal na utos. Nakiusap ako sa isang ka-tribo na turuan ako na magbasa, tinuruan naman ako nito, subalit agad din nitong inihinto ang pagtuturo. Bawal kasi talaga sa tribo ang magbasa. Gayunpaman, nagpatuloy ako sa lihim na pag-aaral nang mag-isa. 


Nakatulong sa akin ang napulot ko sa dalampasigan na mga pinagdikit-dikit na papel. Natuklasan ko na ang aklat ang tawag doon. Nakalagay iyon sa isang kakaibang lalagyan na hindi nababasa ng tubig ang loob. Ngayon ay bihasa na ako sa pagbabasa.


At alam ko kung ano ang nasa bigkis ko. Alam ko kung ano ang nakasulat dahil nababasa ko.


"Anyway, ano ba ang tungkulin ng isang bathala bukod sa pakasalan ka?" Binago ni Bathala ang usapan.


Tumingala ako sa kanya. "Tungkulin ng Bathala na mamuno sa tribo."


"Talaga?"


Tumango ako.


Tila nangislap ang magandang uri ng kulay dahon na mga mata ni Bathala. "Kung ganoon, susundin niyo ang mga utos ko?"


Tumango muli ako.


"Kung iuutos ko ba na gawan nyo ako ng balsa ay gagawin nyo?"


"Balsa? Iyon ba yung sasakyan para sa dagat?"


"Oo. Magagawan niyo ba ako?"


Napayuko ako. "Ano naman ang gagawin mo sa balsa?"


"Maglalayag ako sa karagatan paalis sa islang ito." Ngumiti siya sa akin. Meron siyang mapuputing mga ngipin. "At isasama kita."


Napangiti ako subalit panandalian lang. Napalitan ng lungkot ang aking mukha. "Ngunit, Bathala. Ipinagbabawal ang paglalayag sa karagatan."


Hinawakan niya ako sa kamay at hinila palabas. "Tingnan mo ang karagatan." Utos niya. "Dadalhin kita sa dulo nun."


Pangarap ko iyon bata pa lang ako. Gusto kong makapunta sa likod ng dulong karagatang iyon. Gusto kong malaman kung ano ang mayroon doon. Gusto kong alamin kung bakit lumulubog ang araw doon at doon din umaahon.


Pero isa iyon sa ipinagbabawal ng tatlong ninuno. Malaki ang parusang kakaharapin kung sino man ang lalabag sa batas na ito.


Hinawakan ako ni Bathala sa magkabila kong balikat at iniharap niya ako sa kanya. Hindi ko maiwasang mamangha sa mukha niya. Totoo ang nasa propesiya. Si Bathala nga ang may perpektong mukha. Taglay niya ang isang magandang uri ng lahi. Napakasarap sa pakiramdam na siya ang magmamahal sa akin.


"Sabihin mo sakin, Pukangkang. Ano ba ang tungkulin mo?"


Hindi ako nakawala sa luntian niyang mga mata mata. "Tungkulin ko na mahalin ka, Bathala."


"Mamahalin din kita, Pukangkang."


Ano itong nararamdaman ko? Bakit ganito kabilis ang kabog ng dibdib ko? Pakiramdam ko ay nagdiriwang ang puso ko. Nararamdaman ko ang labis na galak dito sa dibdib ko. "T-talaga, Bathala?"


Tumango siya. "Mamahalin kita, Pukangkang." Pagkuwan ay may gumuhit na ngiti sa kanyang mapulang mga labi.


"Totoo, Bathala? Salamat..." May kung anong kumislap sa mga mata ni Bathala at ang mga ngiti niya ay tila ba mas naging kaakit-akit.


"Oo. Basta gawan mo ako ng balsa."


JF

Continue lendo

Você também vai gostar

23.1M 591K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
1.4M 44.8K 48
Halimaw sa banga ang bansag ng makulit na si Anne Reyes sa kanyang guwapo pero grumpy boss na si Hunter dela Merced. Masungkit kaya niya ang puso nit...
1.3M 43.4K 34
THE WATTY AWARDS 2021 WINNER: ROMANCE Due to an unexpected pregnancy, ex-lovers Ryo and Frankie are forced to live under the same roof. They can't st...
9.1M 220K 47
Hestia has learned her lesson: never flirt with a casanova or else, you'll end up with a broken heart and a fatherless child. She has done everything...