Retired Playboy

By JFstories

13.5M 385K 136K

Macario Karangalan Sandoval More

Prologue
MACARIO KARANGALAN SANDOVAL
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 20.1
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
BLACK OMEGA SOCIETY

Chapter 35

495K 16.9K 5.9K
By JFstories

ALAM KO NA MAY KASALANAN AKO. Pero may kasalanan din siya kung bakit kami nagkaganito. We both had our share of mistakes.


Pareho kaming may pagkukulang. Ang isa ay hindi nagampanan nang tama ang papel bilang lalaking asawa, habang ang isa ay nilunod ang sarili sa sobrang pag-iisip at kalungkutan. Subalit sino nga ba sa amin ang mas nasaktan?


Naka-moved on na si Macoy. Ikakasal na nang magkita kami ulit. Ako ay mula nang maghiwalay kami, hanggang sa ipagbuntis ko nang mag-isa si Macky, ay puro sama ng loob ang dinanas. Matapos kong manganak, ang dami pang paghihirap ng loob ang pinagdaanan ko.


Kung nagpasya man ako na magpakasal na rin sa iba at isantabi si Macky, hindi naman iyon desisyon na ginawa ko lang para sa aking sarili. It was for my family, too. The family who raised me, provided for me, yet the family that I let down when I got pregnant.


Despite the disappointment I gave my family, they still supported me during my pregnancy. Nararapat lang talaga na sumunod ako sa kanila bilang pagtulong na rin sa pamilya namin... and of course, pagtanaw ng utang na loob.


Gayunpaman, hindi mababago ang katotohanan na kahit kanino pa ako ipakasal ng pamilya ko, mahal na mahal ko pa rin ang anak ko. Husgahan man ako ng iba dahil sa mga desisyon ko, wala akong pakialam. Ako lang ang may alam ng tunay na pinagdadaanan at nararamdaman ko.


Bumangon ako mula sa pagkakahiga nang marahang bumukas ang pinto sa aking kuwarto. Dahan-dahan ay humakbang si Macky papasok. Nauna ang kalahati niyang katawan. Bahagya siyang natigilan nang masilip niyang nakatingin ako sa kanya. Napayuko siya.


"M-Macky..." Pumiyok ako. "A-anak..." Isa-isa ng pumatak ang mga luha ko.


Humakbang siya hanggang sa makapasok ng tuluyan. Hindi siya makatingin sa akin. Kinukusot ng kanyang kamay ang kanyang damit. Kulang na lang ay magsumiksik siya sa pader.


"G-galit ka ba?" naluluhang tanong ko sa kanya.


Umiling siya. "P-Pampam, totoo ba?" Malat ang boses niya. "'Kaw ang nanay ko?"


Tumango ako matapos kong punasan ang aking mga luha.


Nagtubig ang kanyang mga mata. Bago pa magtago ang mga mata namin ay lumuha na siya. "S-sana sinabi mo agad..." Kinusot niya ang kanyang mga mata. "E-eh di sana di kita natirador..."


Napahagulhol ako.


"S-sana di ako nagpasaway sa'yo..." Iyak niya. "S-sana naging mabait ako sa'yo..."


Tumayo ako at lumapit sa kanya. Kulang na lang ay lundagin ko siya. "A-anak ko..." Mahigpit ko siyang niyakap. "S-sorry... anak... patawarin mo ko..."


Gumanti siya ng yakap sa'kin. "M-Mama ko..."


And that word... is the greatest thing I've ever heard in my life. Kay tagal kong inasam ito – ang tawagin niya akong "Mama".


Parang ang lahat ng mga paghihirap ko ay bigla na lang naglaho. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasayang ina sa mundo. This time, yayakapin ko siya. Hindi bilang Pampam lang sa buhay niya, kundi bilang kanyang ina. Hindi lang isang babae na nag-alaga sa kanya, kundi isang ina na nagluwal sa kanya.


"P-patawarin mo ko, baby ko..." hagulhol ko.o.


"S-sorry din... Mama... kasi naging pasaway ako..." Para bang sabik siya sa yakap ng isang ina.


Kumalas ako sa kanya at pinunsan ang kanyang mga luha. "M-Mahal na mahal ka ni Mama, ha? Mahal na mahal ka..."


Tumango siya. Hindi pa rin maampat ang mga luha niya. Basang-basa na ang matambok niyang pisngi.


"G-galit ka ba kay Mama?"


Umiling siya. "T-tampo lang..."


"B-bakit?"


"K-kasi... pinipigilan niyo ko magkasyota ng dalawa..."


Nagbago ang timpla ng mukha ko. Hindi ko alam kung magagalit ba o matatawa ako. "B-bata ka pa..."


"Eh bata din naman si Rogue at si Panther, di ba? Patas lang..." Lumabi siya.


Nanggigigil ako sa batang ito. Gusto ko siyang kurutin. Hinimas ko siya sa ulo. Nagpipigil ako. "Wag matigas ulo, anak. Wag malandi, ha?" Pasimple ko siyang piningot.


Napakamot siya. Mayamaya ay niyakap niya ulit ako. "Mama, anong tunay kong pangalan?"


Ngumiti ako. "Macey."


Kumalas siya sa akin. "Ganda pala pangalan ko, pang chix."


Natawa ako sa kanya. Hindi ko mapigilang mapahalakhak kahit puro luha pa ang aking mga mata.


"Mama, bakit ka tumatawa?"


Hinagkan ko siya sa noo. "Thankful lang ako dahil natanggap mo agad ako."


Kinusot muli niya ang kanyang mga mata. "Ayos nga, eh. Kasi tinupad ni Papa God yung pray ko sa Kanya."


"Ano bang pinagdadasal mo?"


"Gabi-gabi, nagpi-pray ako na sana... sana ikaw na lang mama ko..."


Naglandas na naman ang mga luha ko. Pagkuwan ay niyakap ko siyang muli.


Gumanti din siya ng yakap at saka bumulong. "Mama?"


"Hmm?"


"Mahal mo ba si Daddy?"


Napapikit ako. "Mahal na mahal, anak..."


Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Alam kong napangiti siya kahit hindi ko tingnan ang kanyang mukha.


Sana nga ay mahal din ako ni Macoy. After all that I've done. I lied to him. Ginawa ko siyang tanga. Hindi ko siya masisisi kung totoo ngang magalit man siya sa akin.


...


"PAMELA, may naghahanap sa 'yo." Boses ni Mama. Siya ang gumising sa akin nang umagang iyon.


Napabalikwas ako ng bangon. I think it was Macoy. Baka mag-uusap na kami tungkol kay Macky.


Panandalian lang akong humarap sa salamin at mabilis na sinuklay ang buhok. Binasa ko lang ng laway ang aking mga labi. Paglabas ko kuwarto, isang babae ang nadatnan kong prenteng nakaupo. Nadismaya ako sa nakita ko. "P-Pearl?"


Tumayo si Pearl bitbit ang mamahalin niyang bag na ang tatak ay Hermes. Nagmumura sa diamonds at gold ang kanyang leeg at pulso. Halos hanggang balikat niya lang ako sa taas ng takong ng kanyang sapatos.

"A-ano'ng kailangan mo?" tanong ko sa kanya. Kusa ng lumabas si Mama ng bahay at nagpaalam sa amin na iiwan muna kami para makapag-usap.


Tiningnan niya lang ako. Pagkatapos ay nilingap niya ang paligid ng bahay ko. "You're Pamela, right?"


"Yes."


Tinanggal niya ang kanyang shades. Muntik na akong magulat sa kulay ng kanyang mga mata. Kulay dilaw kasi ang contact lense niya. Mukha tuloy siyang ahas. "You're just a simple woman. Paano ka nagustuhan ni Macoy?"


Kumuyom ang palad ko. "Why don't you ask him?"


Tinaasan niya ako ng kilay.


"Just to let you know, Macario Sandoval is my husband. May anak kami. Totoong anak namin. Galing sa dugo at laman namin." Tinaasan ko siya ng kilay. "Unlike ng iba dyan, ang husay mameke. May anak kuno, pero wala naman pala talaga."


"Pinatatamaan mo ba ko?"


"Panther? Does it ring a bell?"


Napangisi ang mga labi niya na pulang-pula dahil sa kulay dugong lipstick na gamit niya. "Panther is my son–"


"Pero hindi siya anak ni Macoy."


Natigilan siya sa sinabi ko. Mayamaya ay may hinugot siya sa bag niya na card. Iniabot niya sa akin iyon.


"Ano 'to?"


"Meet me on Sunday sa address na 'yan. Ipapakita ko sa 'yo na hindi seryoso si Macoy sa 'yo. He just want your kid."


"Weh? Baka naman patibong lang ito?"


Napangisi siya. "You know, it's so easy to wipe you off the face of the earth if I want to. But I won't get my hands dirty just for someone like you."


Pinanlamihan ako. Pearl Samantha Foresteir, the only heiress of her Italian billionaire father. Bukod sa pagiging sikat na modelo, isa siyang bilyonarya. Gasino lang iyong ipapatay niya ako sa isang professional assassin. Bakit nga ba siya mag-aabala pa na bumuo ng patibong para sa akin?


Humakbang sa palapit sa akin. "I can show you... that the retired playboy isn't real." Pagkasabi niya ay tinalikuran na niya ako. Lumabas na siya ng bahay namin. Kamuntik pa nga siyang matapilok dahil sa sobrang taas ng kanyang takong.


Siguro hindi niya lang matanggap na hindi siya pinakasalan ni Macoy. O baka sinabi na ni Macoy kay Panther ang totoo.


Well, that was her fault. Kung nasaktan man ang anak niya, kasalanan niya iyon. Bakit niya ginawang kasangkapan ang isang batang sabik sa isang ama? Bakit niya hinayaan na masaktan sa huli ang anak niya?


Hindi ko namalayan na nasa likuran ko pala si Macky. "Mama, sino iyon?"


"Ah... wala." Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kanya na nanay ni Panther iyon. Saka na kapag dalaga na siya.


"Eh, bakit nandito?"


"Wala," sagot ko. Kaya lang ay malakas ang radar ni Macky. Mukhang gets niya agad kung bakit nagbago ang mood ko dahil sa pagdating ng bisita kanina. Huli na para mapigilan ko siya.


Nanakbo siya papunta sa kwarto. Paglabas niya ang nakasumbrelo na siya at may hawak na tirador. Kinusot niya ang kanyang ilong. "Akong bahala, Mama."



"PEARL called me yesterday." Ani Macoy. "Basag daw ang salamin ng kanyang kotse. May bukol daw siya sa batok."


Napangiwi ako. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya na tinangka ko namang habulin si Macky, kaya lang ay may sa tipaklong yata ang anak niya. Bukod sa mabilis tumakbo ay maliksi rin tumalon.


"May nanirador daw sa kanya." Seryoso ang mukha ni Macoy. Hindi ngumingiti.


Um-acting na lang ako. Kunwari ay walang alam. Ayaw ko muna siyang galitin kasi ngayon na hindi pa kami nakakapagusap nang maayos. "I think si Macky na naman ang may kagagawan niyan—"


"It's Macey," he corrected me. "Not Macky. And she's my daughter." May diin sa pagbigkas niya.


Napayuko ako.


Umupo siya sa executive chair niya. Nakaharap ako sa kanyang desk. Nakasandal siya sa pagkakaupo. Hindi niya ako magawang tingnan sa mga mata. Ni minsan ay hindi na nagtagpo ang aming mga paningin sa isa't isa pagkatapos niyang malaman na anak niya sa Macky.


Napabuntong-hininga siya. Hindi siya magsasalita kung hindi pa ako magsalita. "H-how's Panther? Kumusta siya?"


"He's broken. He's mad at me."


Napayuko muli ako. "I'm sorry."


Malaki ang ipinagbago ni Macoy. Nagbago rin ang trato niya sa akin. Kinakausap niya nga ako pero hindi na katulad ng dati. Sinasagot niya nga ang mga tanong ko ngunit walang sigla. Kinikibo niya nga ako subalit nararamdaman ko naman na galit siya.


Umiiwas siya kapag si Macky na ang pinag-uusapan.


 Tinatalikuran niya ako kapag nababanggit ko ang nakaraan. Nagdadabog siya kapag nginingitian ko siya. Gusto ko sana siyang amuhin pero natatakot ako sa magiging reaksyon niya.


Napalunok ako. "S-so anong plano mo?"


"I don't know." Ayaw niya talagang tumingin sa mga mata ko. "Galit na galit siya sa akin. Isinusumpa niya ko."


"Hindi na tungkol kay Panther. T-tungkol na sa atin ang gusto kong malaman, Macoy..."


Pinagsalikop niya ang kanyang mga daliri. Nakatanaw lang siya sa kawalan. "Why don't you go home? Bantayan mo ang anak natin."


Nagtubig ang mga mata ko. Ilang araw na akong nasasaktan sa ipinapamalas niyang reaksyon. Hindi ko mahulaan kung ano ba ang nasa isip ng lalaking ito. "H-hindi mo ba ako tatanungin?"


"Like what?"


"K-kung bakit ko sa 'yo itinago ang anak natin?"


"I know the answer."


Pigil-pigil ko ang aking luha na wag tumulo. "A-ano sa tingin mo ang sagot?"


"Dahil gago ako? Is that what you wanna hear?"


"W-wag mo akong pahirapan nang ganito, Macoy. S-sabihin mo sa akin kung ano ang plano mo." Gusto ko'ng malaman para naman makapaghanda na ako kung saan man ako pupulutin sa huli.


Napayuko siya. Napahilamos siya sa kanyang mukha.


"P-please, Macoy... Sabihin mo sa akin kung ano'ng gagawin ko..." May pagmamakaawa sa boses ko. "Kung ano nang mangyayari sa pagitan natin..."


Tumayo siya matapos niyang humugot ng folder sa kanyang drawer. Inilapag niya iyon sa kanyang desk. "Take this."


"A-ano 'yan?" Napamaang ako sa folder na nasa aking harapan.


"That's... our annulment paper."


Namanhid ang katawan ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko nga ay mabubuwal ako sa aking kinatatayuan. "H-ha?" Naestatwa ako. Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko.


Napansin niya yatang hindi na ako kumilos kaya dinampot niya iyon. Lumapit siya sa akin at kinuha ang aking kamay. Inilagay niya sa palad ko ang folder. Tinalikuran niya ako pagkatapos. Bumalik siya sa kanayng kinauupuan. "Send it back to me when you're done." Hindi na niya ako tiningnan pagkuwan.


Para akong zombie na naglakad palabas ng kanyang apartment. Tila ako hibang at baliw na umiiyak sa daan. Napahagulhol ako. Wala akong ideya kung saan patungo ang mga paa ko.

Galit pala siya sa akin, bakit ayaw niyang sabihin? Gusto niya pala talaga ng annulment, bakit pinatagal niya pa? Bakit ngayon pa? Bakit kung kailan kompleto na kami ng anak niya?


...


"MA, bakit ka naiyak?" tanong sa akin ni Macky. Hindi ko napansin na nasa likuran ko pala siya nang gabing iyon.


Pinunasan ko ang aking mga luha. "Bakit gising ka pa?"


Tiningnan niya lang ako. "May nang-away na naman ba sa Mama ko?"


Umiling ako. "Malungkot lang si Mama."


"Bakit ka malungkot?"


Umupo ako at hinagkan ko siya. "Baka kasi mapalayo ako sa'yo..."


"Hala..."


Kumalas ako. "P-pero wag kang mag-alala, magkikita naman tayo." Nabasag ang tinig ko. Parang hindi ko kaya na mawalay sa kanya.


"Saan naman ako pupunta ba?"


"I-isasama ka ni Daddy."


"Di ka kasama?"


Umiling ako. "M-may trabaho si Mama kaya di makakasama."


Nalungkot ang mukha niya.


"P-pero wag kang mag-alala. Magkikita naman tayo. B-baka matagalan nga lang,"


"Promise?"


Ngumiti ako sa kanya. Hindi ko maawat ang mga luha ko. "P-promise." Niyakap ko siya. "M-mag-iingat ka, ha? I-iyong mga bilin ko wag mong kakalimutan..."


Hindi ko masabi sa kanya na baka hindi na kami magkita. Hindi ko naman kasi alam kung saan siya dadalhin ni Macoy. Basta ang alam ko lang, hindi iyon aalis sa bansang ito nang hindi kasama si Macky. And to the fact na galit siya sa akin ay pihadong ilalayo niya sa akin si Macky.


"Mama, excited na ko makasama si Daddy."


Napapikit na lang ako. "A-ako rin... excited na ako na magkasama kayong mag-ama..." Pero ang totoo ay gumuguhit sa akin ang sakit.


I love Macky, and I love Macoy. I should know how to handle my feelings. Kinaya ko nga noon nang maghiwalay kami ni Macoy, tiyak na kakayanin ko rin kapag parehas na silang nawala sa akin. Ang kailangan ko lang ay magpakatatag. Kailangan ko silang palayin kung gusto ko ng lumigaya ang aking anak.


Mahal na mahal ko silang dalawa...


...


MAINGAT akong pumasok sa pinto. Kaya naman nang makapasok ako ay maingat ko rin iyong isinara. Naroon si Macoy sa kanyang executive desk. Narito ako ngayon sa kanyang office dito Sandovals'. Kausap niya ang kanyang secretary. 


Nang lumabas ang kanyang secretary ay lumapit ako sa kanya. Umiwas siya ng tingin sa akin. Hinugot ko sa aking bag ang folder kung saan naroon ang annulment papers. Inilapag ko iyon sa kanyang desk.


Sumandal siya sa pagkakaupo at tiningnan lang iyon. Nakasuksok ang isa niyang kamay sa kanyang bulsa.


"Saan mo balak dalhin ang anak ko?" tanong ko sa kanya nang hindi siya tinitingnan.


Bumuga siya ng hangin. "We're going to Italy."


Napayuko ako. "B-bantayan mo siyang mabuti, ha?" Gumaralgal ang tinig ko. "M-matigas pa naman ang ulo non..." Pumatak ang mga luha ko mula sa aking mga mata.


Nakayuko lang siya habang nakikinig sa akin.


"M-mahal na mahal ko ang batang yun." Sabi ko pa habang pinipigilan ang mga luhang hindi naman mapigilan. W-wag mo siyang pababayaan, ha?"


Tumango siya.


"S-saka ilayo mo sa kanya yung tirador niya. B-baka manirador na naman yun doon." Tumawa ako kahit ang puso ko ay nadudurog na.


"I know."


"W-wag mo hayaang malipasan ng gutom, ha? K-kasi tamad kumain yun... saka wag sana masyado sa candy at chocolate, baka kasi sumakit na naman ang ngipin non, marami ng bulok iyon, e... Palagi kamo siyang magtu-tootbrush..."


Nagdilim ang kanyang mukha.


"A-at saka kung pwede..." Bumigay ang boses ko dahil sa aking mga luha. "P-pakisabi sa kanya araw-araw... na mahal na mahal ko siya..."


Hindi kumibo si Macoy.


Inginuso ko yung folder na inilapag ko sa desk niya. "O-okay na 'yan... napirmahan ko na."


Wala siyang imik na tumayo. Naglakad siya malapit sa akin at saka binuklat ang folder. Tiningnan niya ang pirma ko.


"W-wag kang mag-alala... pirma ko talaga yan..."


Iniangat niya ang folder. Pagkatapos ay pinunit niya ang papel.


Napatigagal ako sa ginawa niya.


"Akala ko okay na ako, Pamela. Akala ko okay na ako dahil okay ka na. Akala ko, magiging maganda ang buhay mo kapag nawala na ako. Umalis ako kahit durog na durog ako. Akala ko para sa makakabuti sa 'yo ang paglayo ko. Kinalimutan na kita. Ang gago ko, kasi wala akong kaalam-alam na nagkaanak tayo."


Uminit ang mga mata ko sa luha.


"Pero nang makita ulit kita, bumalik lahat sa akin ang sakit at pagmamahal na akala ko ay wala na. Sinubukan kong itanggi iyon, pero hindi ko kaya. Lalo na ngayon..."


Napalunok ako habang nakatingala sa kanya. Nagtagpo ang aming mga mata.

"The last time you told me that Macey... is my daughter..." Pumiyok siya. "I-I was the happiest father in the world..."


Tumitig siya nang deretso sa mga mata ko.


"A-at the same time... I was the happiest HUSBAND."


Napahikbi ang aking mga labi. 


"I-I'm longing for this to happen. N-ngayon na nandito ka na... pakakawalan pa ba kita?" May pumatak na luha sa kanyang mga mata.


Lalo akong napaluha. "M-Macoy..."


"Pero inaamin ko, nasaktan ako nang sobra," basag ang boses na sabi niya. "Tinago mo iyong bata sa akin. Wala kang balak sabihin sa akin ang tungkol sa kanya kung hindi pa ulit tayo nagkalapit na dalawa. Ang sakit, Pamela. Ang sakit na malamang may anak pala ako sa mundong ito na nangungulila sa akin. May anak akong nahihirapan pero wala akong kaalam-alam."


"I'm sorry... I'm sorry, Macoy... Natakot ako, I'm sorry. I'm so sorry..." iyak ko habang nanginginig ang katawan.


"I do understand you. But please, understand me, too. Naging mahirap ang pagtanggap sa akin. Ang dami kong naisip na posibleng mangyari kung hindi ko nakilala si Macky. Ang sakit. Ang sakit-sakit."


Tumango ako habang lumuluha.


"Patawad din, Pamela. Patawad dahil wala ako sa tabi mo noong panahong kailangan niyo ako ni Macky. Pero ngayon, magagalit ka ba kung hindi na ako aalis sa tabi niyo?"


Napahagulhol na ako.

"I told you that I signed that annulment paper..." Lumapit siya sa akin. "But I didn't tell you that you have to sign it, too... Ang gusto ko lang, timbangin mo ang nararamdaman mo. Pero ngayon, wala na akong pakialam kung ano ang desisyon mo. Kasi ako, I've already made my decision. And my decision is final now, I'm not gonna lose you again."


"P-Pamela, mahal na mahal kita... mahal na mahal pa rin kita... I'm sorry... I'm really really sorry..." garalgal na sabi niya. "A-and there's no way in hell na pakakawalan pa kita..." Biglang siyang lumuhod sa harapan ko. "To hell with that annulment, magsisimula tayo ulit." May hinugot siya sa kanyang bulsa. Isang kumikinang singsing ang inilabas niya.


Napaluhod na rin ako habang humahagulhol.


Tigmak ng luha ang kanyang mukha nang ilahad niya sa akin ito. "P-Please... I'm begging you... please marry me again."


JAMILLEFUMAH

@JFstories


Continue Reading

You'll Also Like

46K 1.8K 51
Perfect Two Sequel After what happened to Tyrone, Calliy's life became miserable and full of surprises.
23M 588K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
26M 784K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...
768K 27K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.