Mystiqua Royale: The Legendar...

By auldepsykhe

742K 13.3K 813

[T a g a l o g S t o r y] Not your typical Damsel in Distress story. She's Maven Velasquez. The ever abnorma... More

Warning!!
CHARACTERS
MRTLG One : ( Meet Maven)
MRTLG Two : ( The Two Guys)
MRTLG Three : (Emerald Stone)
MRTLG Four : (Ruthless Ruler)
MRTLG Five : ( Arrival )
MRTLG Six : ( First Day of School and Disaster )
MRTLG Seven : ( Second Day )
MRTLG Eight : ( Meet the Royalties)
MRTLG Nine : ( United )
MRTLG Ten : ( With them )
MRTLG Eleven : ( Mission )
MRTLG Twelve : ( Mission pt. 2 )
MRTLG Thirteen : ( Danger )
MRTLG Fourteen : ( Introduction )
MRTLG Fourteen (Continuation)
MRTLG Fifteen : ( Secret )
MRTLG Sixteen : ( Postphone + Free Week )
MRTLG Seventeen : ( The Mysterious Girl)
MRTLG Eighteen : ( Training )
MRTLG Eighteen.2 : ( Training pt. 2)
MRTLG Nineteen : ( Friends )
MRTLG Twenty : ( Change )
MRTLG Twenty-One : ( The Gu-gay.)
Cassy's Past
MRTLG Twenty-Two : ( Mystery )
MRTLG Twenty-Three : ( Complete )
MRTLG Twenty-Four : ( Bait )
MRTLG Twenty-Five : ( Another Mission )
MRTLG Twenty-Six : ( The Suicidal Mission)
MRTLG Twenty-Seven : ( Dreams )
MRTLG Twenty-Seven ( Continuation)
MRTLG Twenty-Eight : ( The Lost Village)
Continuation of Chapter 29
MRTLG Thirty : ( The Mysterious Door )
MRTLG Thirty-One : ( Untitled )
MRTLG Thirty-Two : ( Attention )
MRTLG Thirty-Three : ( Duel Battle pt. 1)
MRTLG Thirty Four : ( Duel Battle pt. 2)
MRTLG Thirty-Five : ( The DANGEROUS Battle)
MRTLG Thirty-Six : ( Power)
MRTLG Thirty-Seven : ( Her Power )
MRTGL Thirty-Eight : ( Sweetness Overload )
MRTLG Thirty-Nine : (Happiness)
MRTLG Forty : ( Suspicious )
MRLTG Forty-One : ( Chase )
MRTLG Forty-Two : (Beginning of Wrath)
MRTLG Forty-Three : (The Destruction)
MRTLG Forty-Four : (New Girl)
MRTLFG Forty-Five : (Difference)
MRTLG Forty-Six : (Friendship Forgotten)
MRTLG Forty-Seven : (Disaster)
Continuation
MRTLG Forty-Eight : ( Starting Chaos)
MRTLG Forty-Nine : ( Chaos )
MRTLG Fifty : ( End Game)
Epilogue
Author's Note
Updates
Author's Churva
Announcement (Important)
Happy 500k reads!

MRTLG Twenty-Nine : ( Riddles )

10.3K 200 20
By auldepsykhe

(Arkos Forest on the Multimedia)

Warning : May mga offensive words po dito. I hope na intindihin ninyo. POV ni Shawn eh.

Shawn's POV

"Ang kailangan ninyong gawin ay pumasok sa Darkos Cave nasa kanlurang bahagi ng Arkos Forest. Ang Cave kong saan nakikita ang mga bagay na ninanakaw ng mga Dark Rebels na hindi nakakalusot sa kastilyo nila. The only problem is may isang napaka-delikadong nilalang na nakabantay sa bukana ng kweba. Kailangang di kayo pa dalos dalos sa pagpasok doon." Sabi ni Tyrone guy.

I don't know why I really hate him. Kakilala palang namin pero kumukulo ang dugo ko pagnakikita ko siya.

I f*ckin hate him.

Kanina pa kami dito sa Plan Room 'daw' nila. Kumbaga dito sila nagplaplano ng mga tactics or iba pa, nabigla nalang kami kanina ng nabulahaw ang tulog namin.

Nag-iinit ang ulo ko dahil they f*ckin wake me up in the middle of my peaceful sleeping pero di nalang ako nag-reklamo. I just remind myself repeatedly that this is for our mission.

"Do you know who is the guardian of the cave?" Tanong ni 'Mr. Leader' (Tsk.)

"Freyos."

"Have you heard that name before?" Tanong ni Tyrone guy

I heard that name before pero ewan ko kung asan.

"Siguro narinig niyo na pero nakalimutan niyo lang." Sabi niya sabay tingin kay Maven. Tsh pasikat😒.

"Can you just answer our question? Daming satsat." Sabi ni Mr. Leader.

"Freyos is the guardian of the cave. He is one of the most dangerous creature in Arkos Forest or rather all Mystiqua Royale. Freyos is a Soul. Di siya nakikita at di nahahawakan, he is the soul eater. He can eat your soul if he want, He is known as 'God of Death and Darkness." Napa-ayos ako ng upo.

"Tama nga ang nasa isip ko! Siya nga si Death." Sabi ni Emerald

"Yes, tama ka. Freyos is also known as Death." Sabi ni Tyrone guy.

"Diba nasa libro na hindi na nag-eexist si Death?" Sabi ni Aqua

"He still exist. Nilagay lang doon sa libro na wala dahil walang nakaka-alam kong nasan siya maliban sa mga membro Magic Council at ngayon sa inyo." Sabi ni Tyrone guy

"So? He's dangerous for goodness sake. Ano na gagawin natin?" Airene

"We can find a way." Sabi ni Venth

"May paraan." Sabi ni Maven

"Ha?" Napalingon kami sakanyang lahat. Pero deym napatitig ako sa mukha niya.

Why is this girl is so beautiful.

*Tug tug tug tug

"A-anong paraan b-ba yan?" Sh*t bat ba nauutal ako! F*ck.

"I'm a Dimension Opener. Maari nating ikulong ng pansamantala si Freyos sa Dimension of Nowhere if ever malinlang natin siya at mahulog sa bitag natin." Sabi ni Mave.

My heart goes crazy again, F*ck why she is so perfect? Turn-on sa babaeng maparaan.

"Paano natin siya mapapasok sa Dimension na yun?" Tanong ni Cassy

"All we need to do is to think wiser....deeper. Hahanap tayo ng paraan." Sabi niya

"I have an idea." Sabi ni Mr. Leader

"What is it?" Nakataas kilay kong tanong tsk. Pabida e.

"Gather around."

Maven's POV

Kasalukuyang naglalakad kami sa gitna ng Lostessis Forest hindi na kami nagtagal sa Lost Village kahit gustuhin namin. We get along naman sa mga tao.

Nakakalungkot nga e.

They welcomed us open heart. Napakabait ng mga tao sa Lost Village 'as usual' at napaka-jamming nila. Di ka mabobored.

They even invite us sa nalalapit na kaarawan ng 'kanilang' Princesa.

Ng makapagpaalam kami ay agad na ginawa namin ang dapat na gawin. Naglalakbay na kami patungo sa Arkos Forest na di naman nalalayo dito sa Lostessis Forest kung tinatanong ninyo kung kasama ba namin si Tyrone ang sagot ay hindi.

Ng nasa kalagitnaan kami sa pagpla-plano ay pinatawag siya sa Magic Council sabi ng isang kawal. May nangyari daw at kailangan siya don. Kahit gusto niyang sumama sa kasamaang palad ay hindi pwede kaya binigyan nalang niya kami ng guidelines at mapa upang makapasok at makapunta kami sa Arkos Forest.

"Guys, ano man ang mangyari. Buo tayong babalik ah?" Sabi bigla ni Aqua

"Bat kung makapagsalita ka, parang papalpak ang plano natin?" Lawrence

"Uy wag naman ganon! Manalangin tayo na sana magtagumpay to." Sabi ni Emerald

"Si Leader nagplano, may back-up plan yan kung sakaling papalpak ang una." Sabi ni Venth

"Tama." Terrence

"Tsk." Shawn, oh anong drama nanamn to? Ewan ko talaga no. 1 hater to ni Kycer e.

"Just continue walking and don't forgot what I've tell you earlier." Sabi ni Kycer

"Yes." Sabi namin.

"Stupid, come here. You have the biggest rule in this plan. I have something to tell you." Sabi ni Kycer saakin.

Hindi na ako nag-reklamo pa at lumapit nalang sakanya. He is right I have the biggest rule sa plano.

Ng makalapit ako ay may sinabe siya saakin na konektado sa gagawin ko.

"I trust you." Bulong ni Kycer pagkatapos ng bilin niya saakin.

Ang lapit niya kaya naamoy ko ang mabango niyang hininga. Deym.

*Tug tug tug tug

S-shyet di to pwede.

"Ano ba! Personal Space!" Sabi ni Shawn kaya napabaling ang tingin ko sakanya, nagtaka ako nakatingin kasi siya sa kawalan.

Nababaliw na ba tong si Shawn?

"Jelly jelly lang yan." Sabi ni Lawrence tsaka tinapik ai Shawn

"Tsk." Kycer

Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad habang ang iba ay pangisi-ngisi lang.

Sa totoo lang para silang mga baliw sarap nilang ipasok sa mental.

"Malapit na tayo." Sabi ni Blue

"Talaga?! Yes." Cassy

"Prepare yourselves. Remember, trust no one in that Forest." Sabi ni Kycer.

"Yes." Sagot namin

I breathe out.

This is it. I have to focus.

Ilang metros lang ang nilakad namin at narating na namin ang ARKOS Forest.

Maraming PATAY na puno. Itim ang paligid at maraming mga statue ng mga nilalang.

(Credits from : Google )

Yan ang agad na nakikita pagpasok ng Arkos Forest.

Nagtataka ako kung bakit maraming statue e forest to diba? Then I realize na may history pala tong forest na'to and keep on reading this story if you want to find out why.

"Geez, I've got goosebumps." Sabi ni Aqua

"Ba't ang lamig? Geez." Lawrence

"Creepy."

At kanya-kanya na kami ng komento kaso napatigil ng...

"Nagugutom ako." Napalingon kami kay Terrence at binatukan ito.

Maganda na ang mood e. Ang creepy na at thrilling na ng atmosphere kaso sinira niya. Psh.

"Panira ka talaga!" Sabi ni Emerald kay Terrence

"E nagugutom----Awwoooooo!" Nagsiksikan kami ng may umungol na isang nilalang. Deym.

Dapat di na kami natatakot, Fantasy to. Huhuhuhuhu.

Namumukha kaming sardinas dito.

"Ano ba! Masi-ayos nga kayo!" Sabi ni Airene

"Nakakatakot." Sabi ni Cassy

Nagulat ako ng may umakbay saakin sa likod. Sisipain ko sana kaso...

"Wait, ako to. Nandito lang ako." Sabi ni Shawn.

Yeah right, si Shawn po.

Naiilang ako kaya dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya sa balikat ko.

"S-sorry." Sabi niya at yumuko

"O-okay lang, n-naiilang l-lang ako." Sabi ko

Tumango ito.

Habang naglalakad kami mas naging nakakatakot ang paligid. May mga web ng gagamba at may isang abandoned na kubo.

Deym, tumatayo lahat ng balahibo ko.

Ang dilim dito at ang tahimik. Tanging mga ungol ng mga lobo at ang mga tunog ng crickets lang ang tanging naririnig aside sa mga tunog ng yabag namin.

"Where is the Darkos Cave?" Tanong ni Kycer na nasa gilid ko lang at mukhang masama ang templa ng mood.

"Nasa kanlurang bahagi. I don't know if it is hidden or hindi. We have to arrived there as soon as possible dahil may masama akong pakiramdam dito sa lugar na'to." Blue

"Me too." Venth

"All of us thinks that way." Sabi ni Lawrence

"Let's continue to walk." Sabi ni Cassy

Nagpatuloy kami sa paglalakad kahit na nakakatakot.

Dahil medyo mabagal ako maglakad at parang nagmamadali ako ay medyo naiiwan ako.

"Shhhh, I'm here." Parang gumaan an pakiramdam ko ng marinig ko ang boses ni Kycer.

Inakbayan niya ako. This time not like Shawn hindi ko inalis ang pagkakaakbay ni Kycer, because Kycer makes me feel safe, not unlike Shawn na naiilang ako.

Baka isipin niyo pabebe ako. Di ah. Kycer is like a bestfriend to me, Close kami e. Naiilang lang talaga ako kay Shawn.

Sguro dahil mas matagal na kami nagkakilala ni Kycer kaysa kay Shawn kaya mas safe ang pakiramdam ko with Kycer.

"I hate that guy." Sabi ni Kycer may tinitignan sa harapan namin.

"Huh?" Nagtatakang tanong ko, sinong guy?

"I mean Shawn. He's annoying as hell." Napatawa ako sa sinabe niya.

"Baliw." Sabi ko

"It's true, I don't like him." Baliw talaga tong si Kycer

"Manahimik ka na nga lang diyan. Nasa gitna tayo ng nakakatakot na atmospera." Sabi ko kaya tumango siya

"Awoooooo." Letse talaga yang mga ungol na yan ng mga lobo!!!

"You are a scardy cat." Sabi niya

"Manahimik ka! Sapakin kita dyan e." Sabi ko

"Fiesty as always." Sabi niya habang tumatawa.

"Teka napapansin ko lang huh, bat tumatawa ka palagi pagtayo lang dalawa? Bat di ka tumatawa sa harap nila?" Tanong ko

"Because you make me laugh with your stupidity they can't." Ang salbahe talaga ng panget na'to.

"Ang panget mo!" Sabi ko

"Thank you, you are beautiful too." Sabi niya saka ngumiti. Deym.

"Heh!" Nauna na akong naglakad.

Pero ng makalapit ako ay siya namang kinahinto nila at nakangangang nakatingin sa harapan.

Nagtaka ako kaya sinilip ko ito. At napanganga ako sa nakita.

(Credits : Google )

"Get ready, we are here." Sabi ni Kycer

"Lets do this." Sabi ko

Tumango sila at napabuntong hininga.

"Hello!!!" Sigaw ni Emerald

"May tao ba dito??!!!" Cassy

I know it sound crazy but this is part of the plan.

Dahil wala namang kung anong nangyari ay tinangka naming pumasok ngunit may Scythe na bumulasok sa harap namin at kung hindi kami naka'iwas ay deads talaga kami.

"Trespassers!!" Nakakatakot na boses.

Nagsimula ng manginig ang mga kasama ko except saakin at sa mga lalaki.

Dapat kong magpakatatag dahil ako ang may malaking gagawin para sa plano.

"Who are you?! Trespassers?" Nakakatakot na sigaw ng isang boses.

Just like what Tyrone said.

Hindi namin nakikita si Freyos.

Alam namin na ito si Freyos, sa aura palang nito na sobrang lakas, maitim at delikado.

"May kailangan kami mula sa loob ng kwebang yan!" Sabi ni Shawn

"At ano sa tingin ninyo?! Hangal ako at papasukin ko kayo?! Umalis kayo sa aking Kagubatan bago ko kainin ang mga kaluluwa ninyo." Sabi nito

"Gusto naming makipagsundo sayo. Let's have a deal." Sabi ni Blue

"If you're interested though." Sabi ni Kycer

"Hahahahahhahahaha ano ako hangal?!" Sabi nito saka kumidlat bigla.

"Hmmm ayaw mong makipagsundo saamin na hamak na mga simpleng immortal lamang? Naturingan kang God of Death and Soul pero duwag ka?!" Malakas na sabi ko

Natahimik ito at bigla nalang kumidlat at dumagunog ng malakas.

"Ano ang iyong sinabi binibini?! Ako bay iyong ginagalit?!"

Hindi masidlihan ang takot na nararamdaman ng mga kasama kong mga babae, ako rin naman pero kailangan ito. Kahit delikado.

"Kung hindi ka duwag makipagsundo ka saamin!" Sabi ko

"Sino ka at para ako'y utusan?! Gusto mo bang ika'y aking paslangin?!" Galit na sambit nito.

Biglang nagalawan ang mga kahoy at mas dumilim lalo at may puting usok na biglang nagpakita.


Mas lalong nakadagdag ng nakakatakot na atmospera.

"H-HINDI KITA INUUTUSAN! Kung hindi ka talaga duwa, Sige at makipagsundo ka saamin." Hamok ko

Knowing a God ma'pride at ayaw nilang minamaliit ng nakababa sakanila.

"Sige, akoy pumapayag na. Pero siguraduhin niyong maganda ang ipagkakasundo niyo kung hindi ako mismo ang kakain sa mga kaluluwa ninyo. Don't trick a God or you will be dead." Sabi nito

Tumango kami.

"Give us five riddles and we are going to answer them in exchange....." Pambibitin ni Kycer.

"In exchange what?"

"In exchange you will let us pass and do what we want to do inside." Sabi ni Kycer.

"Mhmmmmm...." Kunwari nag-iisip pa ito dahil sa tinig nito.

Maya-maya ay di kami nagkamali at nagpakita ito saamin.

No not in flesh pero naka-black cloak ito at may dalang Scythe--yung tinapon niya saamin kanina.

"Magaling mag-isip pero sige." Sabi nito sabay halakhak pa.

Hindi na nakakagulat na sumang-ayon siya pero alam namin may iniisip pa itong iba.

Knowing Death, tuso siya.

"Let's start the game I have condition." Sabi nito

"A-ano yun?" Tanong ni Airene

"I will choose someone who will answer my riddles. You can help her/him by giving hints but he/she is the one to answer. BWAHAHAAHAHAHAHHAHA." Naalerto kami.

Tuso nga di ako nagkakamali.

"Trust yourselves." Tanging sabi ni Kycer.

Tumango kaming lahat kasi tama si Kycer we have to trust ourselves.

"Mhmmmmmmm....Ako ay pipili na sa sasabak sa pagsagot ng mga bugtong na aking ibibigay." Sabi ni Freyos.

Napalunok kami lahat.

Deym di ko gusto to.

Inisa-isa niya kami. Hanggang sa huminto siya sa harap ng isa saamin.

"Ikaw! Ikaw ang pipiliin ko." Nanlaki ang mga mata nila except saakin at kay Kycer na kalmado lang.

"Tf?! Deym!" Sila

"Bakit siya?"

"Bakit si.............






--------------------------

Hulaan niyo kong sino ang tinutukoy nila HAHAHAHAHHAHA.

Pabitin si Author no? Wait lang kayo at may kasunod pa.

Happy Halloween👻.

Continue Reading

You'll Also Like

69.7K 6.2K 62
Simula nang pumanaw ang kanilang lolo ay napunta sa pangangalaga ng kanilang tiyohin ang apat na magkakapatid. Ito rin ang siyang nagdala at nagpakil...
231K 6K 53
Heaven's Angel University isang unibersidad kung saan puno ng lihim, misteryo, at mga hindi pangkaraniwang nilalang. Mga nilalang na tanging sa imahe...
810K 23K 50
Angel Nui Lee M. Black, the girl who has no fears and faces everything and all problems that will be thrown at her. She never quits in any challenges...
175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...