LOVELY, LITTLE, LONELY
Chapter 15
"Shit! I'm sorry." Nasabi ko nang marealize ko kung ano ang nagawa ko. Mabilis akong umalis sa pagkakayakap niya at naitakip ko ang mga kamay ko sa mukha ko. Napansin kong lumabas yung doctor mula sa kwarto nila Jacob, buti na lang at hindi niya kami nakita, alam pa naman niyang teacher namin si Tessa.
"You don't look so sorry." Sabi ni Miss Tessa tapos ngumiti siya. "Tara na, titingnan ko ang kaibigan mo." Dugsong niya at nauna na siyang lumakad pabalik sa kwarto ni Jacob at Casey.
"Sorry talaga, sincere naman ako." Pag ulit ko habang naglalakad kasunod niya.
"Alam kong sincere ka, hindi ka nga lang mukhang nagsisisi." Inirapan niya ako at napabungisngis ako saka napakamot sa ulo ko. Hindi ko naman talaga pinagsisisihan, tangina bakit ko naman pagsisisihan ang nagawa ko? Oo nga at nabigla akong talaga sa nagawa ko, ewan, nag -automatic yung sistema ko kanina, siguro dahil kabado akong talaga at nag aalala kay Casey at Jacob, tangina, kapatid ko na sa ibang magulang 'yung dalawang 'yon at parang di ko na kayang mawala sa sistema ko ang kahit isa sa kanila, putangina, ang clingy lang pakinggan pero totoo. Tapos si Tessa, hindi niya kami iniwan, siya yung nakikipag usap at nag aasikasong talaga ng mga kailangan kaya sobrang nagpapasalamat ako sa kanya, ultimo yung nagastos para r'on sa dalawa siya ang umasikaso, sobrang laki ng utang na loob namin tapos utang sa kanya na cash ni Jacob at Casey, then ayun, nakahalik ako. Tangina.
-
Inihatid muna namin si Miss Tessa sa bahay niya, niyayaya namin siya sa apartment para kumain pero tumanggi na siya, may kailangan pa raw siyang asikasuhin, sa susunod na lamang daw niya pauunlakan sila Julian at Esso kapag hindi na siya masyadong abala. Nauna pa namang umuwi si Esso at Julian para ipagluto ang lahat. Muli kaming nagpasalamat sa kanya nang makababa siya ng sasakyan.
"Thank you ulit, Mahal." Text ko sa kanya. Gustung -gusto kong hawakan yung kamay niya kanina nang ilabas namin sila Jacob pero dahil maraming tao sa sasakyan ay ipinagpaliban ko na.
"You're welcome, alagaan niyo si Casey at Jacob."
"Yes po, Miss. Rest ka na, maraming salamat ulit."
"Okay, magpahinga na rin kayo, good night."
"Good night, Mahal. See you tomorrow."
Sa bahay naman ay pinabayaan na muna namin si Jacob at si Rachel, kanina pa nasa banyo ang dalawang iyon at kaming apat ay parang mga sira na may hawak na baso at nakikinig doon sa dalawa, nag iiyak yata si Rachel doon sa loob ng banyo, mukhang masinsinan silang nag uusap na dalawa hanggang sa di na kinaya ni Esso ang dami ng kinain niya at kinatok na yung dalawang palaging nag mo-moment sa banyo.
-
Wala akong seatmate dahil nga injured si Jacob, may tumabi sa'kin na kaklase naming babae, tinatanong lang niya kung kumusta raw si Jacob, sinabi ko lang naman na okay naman si brad. Pinagpatuloy ko lang yung pag take down notes sa klase ni Miss Tessa.
"So, Mr. Rodriguez, would you like to tell us something about what you are discussing with Ms. Santos?"
Tangina, nasa tabi ko na pala si Tessa, kinilabutan ako bigla lalo na nang ituon niya ang kamay niya sa balikat ko.
"Ah, ano po, si Jacob, opo, si Jacob kinukumusta niya." Pinawis ako ng malamig bigla, tumango naman si Miss Tessa sa akin pero lalo niyang idiniin ang mga daliri niya sa balikat ko bago lumakad papunta sa unahan habang napakagat labi ako, tangina, napayuko rin ako at napatingin sa "ethics" ko, pasimple akong nag cross legs at ipinatong sa hita ko ang libro namin, tangina talaga, tinigasan na naman si Pipo sa saglit na saglit na pagkakahawak ni Tessa. Lumipat naman ng upuan si Santos at nag sorry sa'kin at kay Miss Tessa.
Pero teka, anong ibig sabihin n'on? Nagseselos ba siya kay Santos? Ayokong umasa ng ganito kabilis, tangina, masakit ang lagapak nito.
-
Lumabas na ang lahat sa klase at nagpaiwan lamang ako doon. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako nagpasyang umuwi, halos fifteen minutes din ako at nabasa ko na yata ang isang buong chapter ng textbook namin malibang ko lang ang sarili ko at mawala lang ang dugo sa "ethics" ko. Tangina naman kasi talaga. Medyo madilim na rin sa labas. Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko sa bulsa ko at nang tingnan ko iyon ay message ni Tessa ang nakita ko, ito na, ang dahilan ng pagkabuhay ng kalamnan ko nag text na.
"Nasaan ka?"
"Nasa school pa, ikaw?"
"Sa gate 1 palabas ng school, dinner tayo, gutom na ako."
"Sige, papunta na ako sa may gate 1."
"Okay."
Nakita ko si Tessa na nakatayo sa may gate, mabilis kong idinial ang number niya dahil medyo marami pang estudyante na pwedeng makakita sa amin. Dapat ay laging alerto sa mga ganitong pagkakataon.
"Saan tayo kakain? Ang dami pang tao?" Bungad ko kaagad sa kanya nang sagutin niya, nakakaintindi namang lumakad na rin siya nang makita ako. Tinahak niya yung daan pauwi sa bahay niya at sumunod naman ako sa kanya, may limang metro yung layo namin sa isa't isa.
"Di ko alam, basta gutom na ako at gusto ko ng kumain."
"D'on na lang tayo sa bahay mo, mag take out na lang ako, mauna ka na." Suhestyon ko, para wala na ring makakita sa'min.
"Sige."
"Wala ka bang request na kakainin?" Tanong ko.
"Pizza na lang para mabilis."
"Roger, Miss."
Nakita ko siyang natawa sa sinabi ko at nilingon niya ako, nag peke siyang saludo sa'kin at ginaya ko naman siya.
"Sige, Mr. Rodriguez mauuna na ako sa apartment."
"Copy that, Miss." Sabi ko habang nakangiti sa kanya. Pumara na siya ng tricycle at pinutol na namin ang tawag, mabilis naman akong tumakbo papunta sa malapit na Pizza Hut chain dito sa university.
-
Nag order ako ng dalawang pizza, nang tanungin ko kasi siya kung anong flavor ang gusto niya ay bahala na raw ako. Nag order ako ng supreme at bacon margherita, ayoko kasi ng pinya sa pizza at gustung gusto ko naman ang lasa at aroma ng basil sa pagkain.
Kumatok ako sa pinto niya at narinig ko lang ang boses niya mula sa loob na nagsasabing pumasok na ako. Pinihit ko ang seradura ng pintuan at nakita ko siya sa may dining area, naka maong na skirt na siya at naka t-shirt na itim. Napalunok ako, parang mas masarap yatang papakin yung legs niya kaysa sa dala kong pizza. Nanlambot yata ang tuhod ko.
"Kain na tayo, gutom na ako." Sabi niya, inilapag ko naman sa lamesa yung pizza at binuksan ko na rin iyon. Kumuha naman siya ng bote ng tubig mula sa ref niya. Dumaan siya sa harapan ko at nasinghot ko na naman na amoy strawberry siya. Mas masarap nga talaga siya kaysa sa pizza.
Mabilis kong ipinilig ang ulo ko, baka gutom lang din ako kaya kung anu -ano na ang pumapasok sa isip ko.
"Ito binili ko kasi di ako sigurado kung ano ang gusto mo." Sabi ko sa kanya.
"Ang dami mong binili, dalawa lang tayong kakain."
"Hindi ko kasi alam kung ano ang prefer mong flavor kaya dinalawa ko na." Paliwanag ko.
"Basil?" Tanong niya sa'kin at tinaasan ako ng kilay.
"Oo." Alangang sagot ko.
"Sige, sayo 'yang may basil at akin itong isa, hindi ako mahilig sa basil." Sabi niya at kumuha na kaagad ng isang slice mula r'on sa isang flavor.
"Okay." Sagot ko lang at kumuha na rin ako. Lumakad siya sa may sala at binuksan niya ang malaking bintana, may hagdaan pala na nagsisilbing fire exit d'on. Naupo siya sa ikalawang baitang at tinawag ako. Dumaan din ako sa bintana at sumiksik sa kanya r'on. Ayos pala d'on, natatanaw mo yung playground na tinatambayan namin para mag yosi.
"Di tayo kasya dito, dyan ka na sa ibaba." Natatawang sabi niya kaya naupo ako sa kung saan niya isinenyas.
"Dito ka." Ganti ko sa kanya at bahagya siyang hinila papalapit sa'kin, muntik na siyang mapakandong sa'kin kung hindi lamang siya napatuon sa railing ng hagdan. Shit, hindi na ako naglilikot masyado at baka may tumaas na naman sa'kin, masakit na sa puson.
"Ang kulit." Sabi lang niya at kumagat sa pizza niya, nag iwas tingin naman ako at kumagat din sa pizza ko. Nagulat ako nang punasan niya ang gilid ng labi ko gamit ang daliri niya. "May amos ka." Sabi lang niya tapos inalis na niya yung daliri niya at tumingin na rin sa ibang direksyon habang naiwan akong nakatitig sa kanya.
"Ikaw din, meron." Sabi ko at saka ko siya kinabig at mabilis na dinilaan ang gilid ng labi niya saka ako bumalik sa loob ng bahay para kumuha ng isa pang slice ng pizza.
"Peter Paul!" Narinig kong sigaw niya at nang lumingon ako ay nakita ko siyang naka -pamaywang sa'kin at pinandidilatan ako.
"Bakit? May amos ka pa ba?" Patay malisyang tanong ko sa kanya.
"Luko -loko!" Sabi niya tapos kumuha na rin siya ng isang slice pa, doon na siya naupo sa may dining area at tumabi naman ako sa kanya.
"Baka lang may ipapalinis ka lang sa'kin, walang problema." Sabi ko sa kanya at kinindatan ko siya, tangina, ang dumi ng isip ko, dapat siguro scallops ng Shakey's ang binili ko.
"Sige, linisin mo itong bahay pagkatapos mong kumain, idamay mo na rin iyong kapitbahay, kung gusto mo pati yung buong barangay, magkawang gawa ka na rin sa university." Dere -deretsong sabi niya at napakamot naman ako sa ulo.
-
Hating gabi na pero hindi pa ako umuuwi, nakatambay pa rin ako sa bahay ni Tessa, may binabasa na naman siyang libro habang ako naman ay umiinom ng beer sa tabi niya habang pareho kaming nakalupagi sa sahig sa sala.
Isa lang ang binuksan ko kanina pero ang nangyayari ay nakikiinom din siya. Kanina pa kami nag she-share sa iisang bote.
"Panay ang indirect kiss natin, dapat itinutuloy na." Bulong ko.
"Dapat umuuwi ka na rin kasi malalim na sa gabi." Pambabara niya sa'kin.
"Pwede po bang pa -kiss muna ako, Miss?" Direktang sabi ko.
"Aren't we demanding?" Sabi niya habang hindi inaalis ang tingin sa librong binabasa niya.
"Alam ko naman pero ayaw ko na lang din na itinatago at sinasarili ko lang ang mga gusto kong gawin, mas wala kasing nangyayari, pero ayaw ko rin naman na basta ko na lamang ginagawa ng walang pahintulot mo dahil baka isipin mo naman ay hindi kita nirerespeto at binabastos na kita kaya nagpapaalam ako."
Tumango -tango siya.
"Hmm, but then, you licked the side of my mouth." Sabi niya at napaiwas ako ng tingin.
"Ibang istorya 'yon, nilinis ko lang yung amos mo." Pangangatwiran ko.
"Ang galing naman talaga maglinis ng amos ni Peter Paul."
"Oo naman, pwede mo rin iyong gawin kapag may amos ako."
Tumawa siya at inilapag sa lamesa ang libro niya.
"Umuwi ka na and check your friend, Jacob, mas kailangan ka niya."
"Hindi ako kailangan n'on, may nag aalaga na sa isang 'yon, nand'on tiyak si Rachel at inaasikaso siya."
Huminga siya ng malalim at sumandal sa'kin.
"Okay ka lang ba?" Agad kong tanong sa kanya at sinapo ang noo niya.
"Sobra akong nag alala nang may tumawag sa faculty, nang sabihin nilang si Jacob ang naaksidente ay naisip ko na baka ikaw ang kasama niya. For some reason, nakaka guilty man ay gumaan ang pakiramdam ko nang sabihin ng pulis na si Casey ang kasama niya."
Parang tinunaw bigla yung puso ko nang marinig ko ang sinabi niya. Putangina, Kupido, ginagago mo ba ako? Para akong inilulutang sa mga salitang narinig ko mula sa kanya.
"Shit." Mura ko at naisuklay ko ang mga daliri ko sa buhok ko.
"Bakit?" Tumunghay siya nababanaag ko ang biglang pag aalala sa mga mata niya.
"I want to kiss you at narealize ko na mas lalo pa yata akong nahuhulog sa'yo."
Hindi siya umimik at yumuko siya, pero kasabay ng pagyuko niya ay ang pagyakap niya sa braso ko. Wala na, namuti na naman ang mga mata ni Pedro.
-