Learn To Love Again (Boyxboy)

By jwayland

332K 9.1K 903

After bumalik sa Canada two years ago ni Dustin ay kinailangan niyang bumalik sa Pilipinas kahit labag sa kal... More

After Two Years
The Wedding
Home Sweet Home
Responsibilidad
Rebelde
I Lost My Virginity.....
Failed to Be a Goodboy
A Complication
What The F?!
Fly Like A Bird
Revenge is Sometime Salty
Pag-amin
Missing Him
Siya Ulit!
New Home
Meeting Alexander Villanueva
Game Over
New Guy
Hindi Pa Tamang Panahon
Time to Find My True Love
Are You In Drugs?!
My Abductor
Stranded
Restraint
This Is The End
You Get What You Want
The Right Choice
Living With Andrei Montevista
Three Days
Unexpected Meeting
Walk A Tight Rope
The Escaped
The Brawl
A Promise Of Forever
Special Chapter

Can't Wait to Go Back

11K 310 25
By jwayland

Hi guys thanks sa pagsuporta sa story na to ito na po ang chapter 3 nang learn to love again

By the way may guest tayo from May Itsura :)

Picture of Alexander Villanueva (from May Itsura)===>>>>>

Song is I Want To Fly Away From You by Lenny Kravitz

===============================================================================

CHAPTER THREE

Dustin's POV

Finally natapos din ang kasal nila Marvin and Xavier at naging maayos naman ang naturang pag-iisang dibdib at ngayon nga ay lilipad ang dalawa papuntang Paris para maghoneymoon.

"Well enjoy na lang sa trip." nakangiti kong sinabi sa kapatid ko matapos ako nitong yakapin nang sobrang higpit, umaga kasi ang flight nang mga ito paputang Paris.

"I will, and see you in Canada since malamang sa malamang pagbalik namin wala na kayo sa Pilipinas." natatawang sinabi nito.

Ilang sandali lang ay tinawag na ang mga pasahero sa sasakya nilang flight kaya naman sa huling pagkakataon ay niyakap ko nang mahigpit si Marvin.

Tama! Ngayong araw din ang magiging flight namin, bandang gabi pa ang flight namin kaya may sapat na oras pa kami para asikasuhin ang ilang bagay.

Hindi ko na mahintay na dumating ang oras na aalis na kami sa Pilipinas gusto ko nang bumalik sa Canada kung saan alam kong kaya kong ihandle ang lahat.

"Dad puwede bang gumala muna ako?' tanong ko dito at pumayag naman ito at pinaalalahanan ako ng oras nang flight namin.

"Just leave your bag to us." ang sinabi nang Daddy ko ngunit minabuti ko nang dalhin iyon just in case na may kailanganin ako.

Matapos masigurado na nasa bag ang dala kong wallet ay agad akong sumakay nang bus papuntang SM North Edsa para mag ubos oras, nakakabato naman kung sa bahay nila Tita Anita lang ako tatambay baka makita ko pa ang taong iniiwasan ko.

Actually wala naman ako talagang gustong bihiln kaya naglakad lakad lang ako sakto naman napadaan ako sa Timezone at nakita ko ang larong Tekken medyo nagdalawang isip pa ako kung maglalaro na agad ako since mayroon nang nauna sa akin ngunit nagkibit balikat na lang ako at sinubukang hamunin ang kung sino man naglalaro.

Aminin ko magaling ang kung sino man naglalaro at kung hindi lang nangalawang ang mga moves ko sa paglalaro ng Tekken ay malamang natalo ko na ito.

"Damn!' asar kong sinabi dahil natalo ako nito, tuluyan na akong nawalan nang gana at tinuloy ko na lang ang paglilibot sa mall hanggang makarating ako sa Starbucks.

"Dustin?" nagulat na lang ako nang may marinig akong tumawag nang pangalan ko at nang tignan ko kung sino iyon ay medyo kumunot ang noo ko dahil hindi pamilyar sa akin kung sino man ang guwapong lalaki na nasa harap ko ngayon.

"Do I know you?" nagtataka ko namang tanong dito dahil hindi ko talaga maalala kung kilala ko ba talaga ang taong ito.

"Yes, you know me we met like two years ago and the last time we met you had a big problem with someone name Jonathan?" paliwanag nito ngunit hindi ko pa din maalala.

"Dustin Wills, ako ito si Alexander Villanueva, nakilala mo last two years ago." pagpapatuloy nito

"Alex is that really you?" gulat na gulat kong sinabi dahil maliban sa hindi ko inexpect na magkikita pa ulit kami nito ay sobrang laki na nang pinagbago nito.

"Yes it is I, Alex but I prefered to be called Xander nowadays." ang nakangiti nitong sinabi.

"Wow ang tagal na nang huli tayong nagkita, how are you na?" tanong ko dito at muntik na akong matawa nang bigla itong mapamaang.

"Ok naman ako at totoo ba to marunong ka nang magtagalog?" ang natatawa nitong komento.

"Oo nang bumalik ako sa Canada ay kumuha ako ng Filipino Language at nagpractise para pagbalik ko nang Pinas ay marunong na akong magtagalog." paliwanag ko dito.

"Ah ganoon pala." ang tanging sinabi nito.

Medyo humaba ang oras nang pagkukuwentuhan namin, hindi ko na tuloy namalayan ang oras kaya naman nagulat na lang ako nang makareceive ako nang tawag sa Daddy ko kaya matapos kong makuha ang number nito ay dali dali na akong umalis.

"Patay ako sa Daddy ko." bulong ko sa sarili ko, kaya naman nagtaxi na ako para makarating sa bahay nila Tita Anita.

Pagkababa ko nang taxi ay saka ko lang napansin na hindi ko pala dala ang bag ko at lalo akong nagpanic nang marealize kong nandoon nga pala ang passport ko.

"Shit" I muttered at dali dali akong pumara nang Taxi at nagpahatid sa SM iniisip ko kasing baka naiwan ko ang bag ko sa Starbucks.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko at nahigit ko ang paghinga ko nang makiita kong Dad ko ang tumatawag, double shit.

"Hello Dad?" medyo pabulong kong sagot as if naman maiiwasan ko ang inevitable kung hinaan ko ang boses ko.

"What the hell Dustin, where are you?!' sinabi nito sa medyo may kataasang boses nito.

"Uhm about that, nawala ko kasi ang bag ko at nandoon ang passport ko." lalong humina ang boses ko sa bandang nandoon ang passport ko.

"DUSTIN WILLS!" naiimagine ko na ang pamumula nang mukha nito.

"Chill Dad, kita na lang tayo sa airport, bye!" agad kong inend ang tawag bago pa makapagsalita ito.

Pagkadating na pagkadating ko SM ay dali dali akong bumalik sa Starbucks medyo umasa na din ako na makita ko pa si Alex... I mean Xander doon ngunit mukhang nakaalis na din ito.

"Excuse me puwedeng magtanong?" tanong ko sa isang employee na naglilinis nang table.

"Yes sir, what can I do for you?" nakangiti nitong tanong sa akin.

"Actually I lost my bag and I was wondering if I lost it here?" pigil pigil ko ang paghinga ko nang tanungin ko iyon.

Pumasok muna ito sa loob ng store para itanong kung may nakita ba sila or nag-iwan nang nawawalang bag ngunit lumaylay ang balikat ko nang makita ko ang malungkot na mukha ng crew na pinagtanungan ko sa itsura palang nito ay alam ko nang wala itong magandang balita para sa akin.

"Sir sorry po wala daw pong ganoon bagay na naiwan sa store." paliwanag nito sa akin just as I expected.

"Ahh ganoon ba, sige salamat na lang." nakangiti kong sinabi dito ngunit sa totoo lang nagpapanic na ako sa loob loob ko.

Sabi nila kapag may gusto kang maalala o may nawawala ka iretrace mo lang ang mga lugar na pinuntahan mo.

Kaya naman sinubukan kong puntahan ang lahat nang pinuntahan ko nang araw na iyon which sa mall lang din naman kasi sa pagkakatanda ko sinubukan ng Dad ko na kunin ang bag ko ngunit tumanggi ako.

Ngunit kahit anong gawing kong pagbalik sa mga pinuntahan ko ay hindi ko pa din nakita ang bag ko kaya nawawalan na talaga ako nang pag-asa.

Three hours na lang bago ang flight namin at mukhang nagiging malabo nang mangyari makasama ako pauwi ng mga kasama ko, pero ayokong mawalan nang pag-asa dahil gusto ko na talagang bumalik sa Canada.

Isang idea ang biglang nag pop sa isip ko at gusto kong batukan ang sarili ko bakit hindi ko naisip kanina iyon.

"Excuse me saan ang lost and found dito?" tanong ko sa isang sa mga guard nang mall at matapos ituro sa akin ang naturang lugar.

"Yes can I help you sir?" nakangiting tanong sa akin sa likod nang counter nang lost and found sa SM.

"Yes gusto ko lang icheck kung may nagreturn ba nang lost bag?" nagmamadali kong tanong dito, napansin kong nagulat ito dahil marunong akong magsalita nang tagalog pero agad din naman nitong naitago iyon.

Dinescribe ko ang bag kong iyon at nang makita kong hawak hawak niya ang bag na iyon ay parang nanlambot ang tuhod ko sa relief na nararamdaman ko at matapos kong mapasalamatan ito ay agad akong sumakay nang Taxi hanggang sa Munoz kung saan sumakay ako nang LRT para maiwasan ko ang traffic kung mag tataxi pa ako hanggang airport.

"Hello Dad got my bag." nakangiti kong sinabi dito, nalaman kong nasa airport na pala ang mga ito at naghihintay na nang flight namin.

Ang mahalaga nakuha ko na ang bag ko kung saan nandoon ang passport ko....

"Wait nasan na ang passport ko?" tanong ko sa sarili ko nang sinubukan kong tignan sa loob nang bag ko ang passport ko ngunit nailabas ko na ang lahat nang laman nang bag ko ngunit wala pa din ang passport ko.

Actually wala ngang nawawala sa bag ko maliban sa passport ko at malabong kung sino man ang nakakuha nang bag ko ay passport ko ang kukunin dahil mas may iba pang madaming mahalagang bagay na nandun like some of my money.

Binaligtad ko na ang bag ko at napansin ko na ngang pinagtitinginan na nga ako nang mga tao sa ginagawa ko ngunit wala akong paki ang mahalaga sa akin ay makita ko ang passport ngunit nakarating na ako sa station na bababaan ko ay hindi ko pa din makita ang passport ko, dumiretso pa din ako sa airport to check if may maari akong gawin para makasakay sa flight namin.

"Finally Dustin, pinakaba mo kami nang Tita Anita mo." ang sinabi sa akin ng Dad ko, hindi tuloy ako makatingin dito nang diretso.

"Uhm Dad I found my bag but it seems my passport is missing." mahina kong sinabi dito at ilang segundo din bago nagregister sa dad ko ang sinabi ko at nakita ko na naman ang pamumula nang mukha nito samantalang si Maggie ay pailing iling lang. "Stop it! It's not helpin!' gusto ko sanang isigaw dito ngunit pinigil ko lang ang sarili ko.

"Dustin in less than an hour kailangan na nating sumakay nang eroplano." sinabi nito na huminga muna nang malalim.

"I will check kung may magagawa sila." sinabi ko at agad kong tumungo sa admin nang airport na iyon.

Kinausap ko ang puwedeng kausapin ngunit sinabi nito na kailangan kong pumunta sa consulate nang Canada para mapaprocess ko ang replacement nang passport ko.

"Ok, I can do that pero gaano katagal bago ko makuha ang replacement nang passport ko?' tanong ko dito thinking couple of days is quite fine.

"Uhmm depende po sa embassy nang Canada pero pinakamabilis niyong makukuha ang replacement nang passport ninyo is siguro isang buwan." paliwanang nito at nanglaki naman ang mata ko sa sinabi nito.

"No way I can wait a month bago makabalik nang bansa namin." medyo panic mode na naman ako ngunit sinabi nitong wala na itong magagawa.

Wala naman akong nagawa kung hindi bumalik sa mga kasama ko at ipaliwanag ang mangyayari at kanina ko pa gustong bulyawan ang ate ko na kanina pa umiikot ang mga mata.

"So you don't have any choice kung hindi mag stay sa Pilipinas." ang sinabi ng Dad ko.

"Yes ganoon na nga but I will try everything to check kung may paraan pa para mapaikli ang wait time ko sa replacement nang passport ko." pangako ko dito.

"We understand Dustin just think about it as a vacation." nakangiti namang sinabi ni Tita Anita kung alam lang nito.

"Maybe I can call Marvin kung puwede ba akong tumuloy sa condo unit nila ni Xavier." ang sinabi ko.

"No can do son, nakalimutan mo na bang pinaparenovate nila ang condo unit nila." paliwanag nang dad ko at naalala ko ngang sinabi sa akin iyon ni Marvin.

"Ok maybe I can just stay in a cheap hotel for a month or so." sinabi ko ngunit agad umiling ang daddy ko sa suggestion ko.

"Bakit hindi ka na lang sa bahay namin dati sa Caloocan tumuloy." suggestion ni Tita Anita at biglang parang may buzzer na tumunog nang mga oras na iyon telling me na masamang idea iyon pero hindi ko naman puwedeng tanggihan ang alok nito.

"Uhmm sure salamat po." pilit kong ngiti dito at nagtaka ako nang biglang inabot sa akin ang susi daw nang bahay nila at nagtaka ako kung bakit dala nito ang susi.

"Wow mabuti pong dala niyo ang susi." medyo nag-aalangan kong sinabi dahil napaka coincidence naman.

"Binigay kasi sa akin ni Marvin yan bago siya umalis kaninang umaga, just in case daw na may mangailangan." nakangiti nitong sinabi.

"Right, mabuti na lang at parang boyscout si Marvin." nakangiti kong sinabi ngunit parang napagtagpi tagpi ko na ang nangyari.

Continue Reading

You'll Also Like

667 104 31
Boys'love Story This is a story of two same sex gender who fall inlove to each other but they're afraid to show it to the world or express of what th...
2.5K 308 42
Si Max Ethan Garcia ay isa lamang simpleng estudyante ng Imperial College. Kagaya ng isang normal na estudyante ay mayroon din siyang crush, at ito n...
2.8M 175K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...