Love Is:

By alvuzplena

12.8K 555 184

Enjoy Reading ✌️ More

What Is Love?
Love Is . 1
Love Is . 2
Love Is . 3
Love Is . 4
Love Is . 5
Love Is . 6
Love Is . 7
Love Is . 8
Love Is . 9
Love Is . 10
Love Is . 11
Love Is . 12
Love Is . 13
Love Is . 14
Love Is . 16
Love Is . 17
Love Is . 18
Love Is . 19
Love Is . 20
Love Is . 21
Love Is . 22

Love Is . 15

357 22 4
By alvuzplena

Cha's POV

"Gutom ka na ba? 2 minutes idol nandiyan na ko"

Napangiti nalang ako ng mabasa ko ang text nito, ewan ko ba para akong kinikilig na ewan.

"Parang baliw lang ditse" sulpot nitong si Kimmy.

"May naalala lang" sagot ko.

"Yung sa resort ba yan nung isang gabi?" Nakakaloko nitong tanong.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito, langyang Victonara yun! Kwinento pa ata!

"Di ko alam yang sinasabi mo" maang-maangan ko.

"Tsss, kunwari ka pa diyan eh. Nakita ko no, I mean kami pala ni Mika" pangaasar nito.

Bigla namang uminit ang mukha ko sa sinabi nito.

"Oy nandiyan na pala yung prince charming mo eh" napatingin naman ako sa pogi na paparating. May dala itong anim na box ng pizza.

"Iba na talaga ang bigtime" sulpot ni Aby.

Nagsilapitan na ang iba naming teammate, kanya-kanyang kain na.

"Ahhh" utos ni Victo.

Ayoko ko man kumagat sa hawak nitong pizza pero nagpout na ito ng lips, sorry di ko matitiis yan.

"Yowwwwwn oh!" Kantyaw ng mga kasama namin.

Napayuko nalang ako, feeling ko sasabog na ang pisngi ko eh.

"Bawiin ko yang pizzang kinakain niyo eh" pagbabanta naman ni Vic.

"Joke lang naman kasi daughterF" bawi ni Aby.

"Wag mo ng pansinin ang mga yan" malambing na sabi ni Vic saakin, tumango nalang ako at kumain na.

"Ikaw, hindi ka kakain?" Tanong ko sakanya ng mapansin kong nakatitig lang ito saakin.

"Busog na ako natititigan na kita eh" tyaka ito ngumiti ng napaka tamis.

Parang sasabog yung puso ko sa sinagot nito, ang lakas magpakilig eh.

"Cute cute mo talaga" humalik ito sa noo ko "CR lang ako" tumayo na ito at umalis.

Yung mga kasama namin dito nakatitig lang saakin dinaig ko pa yung isang suspect sa krimen eh yung iba naniningkit pa.

Tinaasan ko lang sila ng kilay, si Kim naman napapailing nalang.

"Bilisan niyo ng kumain diyan at padating na si coach" utos ko.

Mula kasi nung gabi na hinalikan niya ako sobra kaming naging clingy sa isa't-isa, lalo na siya masyado siyang showy eh.

Di ko tuloy mapigilang mapangiti pag naaalala ko yun.

-flashback-

Pagpasok ko ng pad niya ay nadatnan kong nag-iinum ito, ang lakas rin ng trip niya eh no. Nagiinum lang naman pala tapos hindi man lang magawang sagutin ang mga tawag at messages ko.

"Ano bang problema mo?" Bungad ko sakanya, gulat naman itong napatingin saakin "ano tititigan mo nalang ako?" Inis kong tanong.

Nakakayamot naman kasi, hindi na niya inisip na nag-aalala ako sakanya. Sinabihan ko na siyang wag na wag niyang gagawin saakin yung hindi pag sagot sa mga tawag at messages ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito.

"Nag-aalala ako sayo, hindi mo sinasagot ang mga tawag at messages ko tapos madadatnan kitang nagiinum lang" sermon ko.

"Sorry" wala sa sarili nitong sabi.

Lumapit ako sa bintana at napatingala nalang sa langit.

"May problema ba?" Tanong ko ng hindi siya nililingon, nang wala akong matanggap na sagot mula sakanya ay humarap na ako sakanya natigilan nalang ako ng nasa harap ko na pala siya.

Sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa, hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa isip nito.

Nakatitig lang ito saakin, bumaba ang tingin nito sa labi ko kaya napalunok nalang ako.

Nanlaki ang mata ko ng idinikit nito ang labi niya sa labi ko, nung una hindi ko alam ang gagawin ko. Oh HELL! Pumikit narin ako at sumabay sa kanyang halik.

...

"Sorry" pangbabasag nito sa katahimikan.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa paghingi nito ng tawad, bakit siya nagsosorry? Pinagsisihan ba niya na hinalikan niya ako?

"Sorry kung nabastos kita ditse, pero yung halik na yun ginusto ko" masuyo nitong sabi, napabuntong hininga ako.

"Wag kang magsorry, ginusto ko rin naman" ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.

Humalik muna ito sa ulo ko tyaka siya yumakap, gumanti narin ako ng yakap sakanya.

Walang nagsasalita saamin, sa simpleng yakap namin sa isa't-isa ramdam na namin ang ibig ipabot ng bawat isa.

"Mahal kita" bulong nito.

"Mahal kita" sagot ko.

-end of flashback-

Hindi malinaw kung ano kami ngayon basta ang importante yung nararamdaman namin, masyado pang komplikado ang sitwasyon okay na muna kami sa ganito.

"Tama na ang pag de day dream ditse parating na si coach" bulong ni Kimmy.

Sasabunutan ko sana ito pero nagtatatakbo na palayo napailing nalang ako at tumayo.

"STRETCHING NA TAYO GUYS!" Utos ko.

Kanya-kanya na kami ng partner syempre si Vic ang partner ko.

"Higa na" utos ko.

"Wag naman dito" tyaka ito nagtakip ng dibdib, kinurot ko ito sa ilong.

"Ang kapal mo!" Nakatawa kong sabi.

"Whooo, kunyari ka pa eh" nakakaloko nitong sabi.

"Mukha mo!" Ni-facepalm ko ito.

Hinawakan naman nito ang kamay ko at hinalikan ito.

"STRETCHING NA!"

Napatingin nalang kami kay Kim na syang sumigaw, nagtawanan lang sila ni Mika.

"Halika na nga" niyakap ako nito mula sa likod at binuhat.

"Bitaw Victo!" Madiin kong utos.

"Ayaw! Ito nalang ang warmup ko" nakatawa nitong sabi, tyaka ako inikot.

"Isa Victo!" Pagbabanta ko.

"Oy! Oy! Oy! Ano yan?" Sita ni Aby.

"Bagong warmup ko motherF, para mas ganahan ako mamaya" nakatawang sagot nito.

Napatigil nalang itong isa sa pag-ikot saakin ng pumasok si coach, dahan-dahan ako nitong binaba. Napahawak nalang ako sa balikat niya, nakakahilo kaya.

"Anong meron?" Tanong ni coach.

"Bagong warmup daw po" nakakalokong sagot ni Kim.

Nagkibit balikat naman si coach.

"Try natin, gawin niyo rin" nakatawang utos ni coach sa iba namin teammate.

"Seryoso?" Tanong ni Paneng.

"Oo" sagot ni coach tyaka umalis.

"VICTONARA!" Nagtatakbo sila saamin para batukan itong isa.

"Aray! Aray! Sorry na! Bawi naman dun sa pizza eh" pagmamakaawa nito.

"Awat na!" Hinila ko ito at niyakap.

Kawawa na kasi 15 na tao kaya ang bumatok sayo puro volleyball player pa! Hinimas ko ito sa ulo at hinawakan siya sa magkabilang pisngi.

"Okay ka lang?" Tanong ko, tumango naman ito.

"OY! Ano yan?" Sigaw ni coach Noel "sige na warmup na!" Utos nito.

"Yang kaharutan mo kasi eh" sermon ko dito.

"Sorry na po" tyaka ako nito hinalikan sa ulo.

"WARM UP NA!" Napatingin naman kami kay Kim na buhat-buhat si Ye, natawa nalang kami ni Vic halatang hirap na hirap eh.

"Halika na nga" niyakap ako nito at binuhat.

...

Vic's POV

"Langya yan, si Vic lang ang ginanahan sa naimbento niyang warmup eh" inis na sabi ni Ye.

"Kaya nga! Sumakit yung katawan ko eh" segunda naman ni Kim.

"Alam mo ate Kim kasalanan mo rin yan eh, bakit kasi sinabi mo pa kay coach na bagong warmup yun" pangaasar ko.

"Sige Vic ahh! Ganyanan tayo, sige lang" pagbabanta nito.

"Joke lang naman ate Kim" umakbay ako dito "anong gusto mong pagkain mamaya?" Tanong ko.

"Yan diyan ka magaling" sabay batok nito saakin.

"Pero maiba tayo daks" tumabi ito saakin "anong meron?" Pangiintriga nito.

"Wala" matipid kong sagot.

"May halikang naganap tapos wala?" Di makapaniwala nitong sabi.

"Wag ka naman maingay!" Sita ko sakanya.

"Ay sorry, so ano nga?" Tanong ulit nito.

"Wala nga daks, seryoso! Basta nagkaaminan kami pero walang nanliligaw, walang kami" seryoso kong sagot.

"MU ganon?" Sabat ni ate Kim.

"Ewan ko, siguro. Masyado pa kasing komplikado eh" sagot ko.

"Paano kung biglang bumalik si Cienne?" Malamang tanong ni Ye.

"Hindi ko alam" pagsabi ko ng totoo.

"Anong hindi mo alam?" Di makapaniwala nitong tanong.

"Sa totoo lang kasi hindi ko iniisip yan eh, kasi malabo! Kasi tignan mo ahh kung may balak talaga siyang ayusin yung saamin eh di sana gumawa na siya ng paraan" pagdadahilan ko.

"Paano kung humahanap lang siya ng tyempo?" Suggestion naman ni ate Kim.

"Busy lang kamo! Wafs alam mo kasi tatlong buwan na eh mula ng magbreak kami pero ni isang tawag or message man lang wala akong natanggap sakanya kahit nga congratulation wala eh" inis kong sagot.

"So galit ka?" Tanong naman ni Mika.

"Sino bang di mamagagalit? Magtatampo? Masasaktan? Diba? Yung halos ibigay mo na ang lahat pero binale wala lang!" Malungkot kong tugon.

Nagkatinginan lang silang dalawa at napatango.

"Ganyan ka ngayon kasi galit ka pa pero paano nalang kung bumalik siya at suyuin ka? Vic si Cienne yun eh tignan lang natin kung matitiis mo" paalala ni ate Kim.

"Pero bago ang lahat, yung sainyo muna ni ditse ang ayusin mo. Kapatid niya yun eh tyaka ikaw mismo hindi sigurado diyan sa nararamdaman mo, oo sabihin na nating mahal mo na nga siya pero paano nalang kung bumalik yung isa? Maraming masasaktan Vic, maraming masisira!" Seryoso sambit ni Mika.

Napatitig nalang ako kay ditse na kakalabas lang mula sa locker room, nakikipagtawanan ito kay ate Cyd at ate Paneng.

Ano nga ba ditse? Paano nga ba tayo?

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa totoo lang, nahihirapan narin ako pero sa tuwing nasisilayan ko ang ngiting yan nawawala lahat ng pangangamba ko!

"Tulala ka diyan" bungad nito saakin.

"Ang ganda mo" wala sa sarili kong sabi.

Namula naman ang mukha nito at napayuko nalang.

"Dun na muna kami" paalam nung dalawa.

"Halika" hinawakan ko ito sa kamay at pinaupo sa tabi ko.

"Bolero!" Inis nitong sambit tyaka ako pinalo sa balikat.

"Totoo yun" hinawakan ko ang kamay nito at nilagay sa tenga ko.

Tahimik lang kaming naka upo dito, nilalaro lang niya yung earlobe ko habang pinapanuod ang mga kalokohan ng mga teammates namin.

Hindi pa kasi kami dinismiss ni coach may announcement daw eh kaya hinihintay lang namin siya.

"Saan mo gustong magdinner?" Tanong ko.

"Kahit saan naman eh" sagot nito.

"Ipagluluto kita" nakangiti kong sabi.

"Wag na oy! Baka katapos tapusan niyan ako lang rin ang magluto" nakatawa nitong sabi.

"Grabe ka sakin" kunyari nagtatampo kong sambit.

"Pacute ka nanaman" sabay kurot nito sa nguso kong naka pout.

"Movie marathon tayo mamaya" magiliw kong yaya.

"Sa bahay?" Kunot noo nitong tanong.

Ay oo nga! Di pwede dun, nandun si Camille eh.

"Sama nalang natin sila ate Kim" suggestion ko.

"Sige kung wala silang gagawin" sangayon nito.

"Okay girls" kuha ni coach Ramil sa attention namin "2 months nalang magsisimula na yung liga, by next week dadating na yung imports tyaka yung isang libero" nagbulungan naman ang iba naming teammates.

Libero? Sino naman kayang nakuha ni coach?

"Hindi ko muna sasabihin kung sino yung libero basta kilalang kilala niyo yun kaya hindi na kayo mahihirapan"

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni coach, hindi ko alam kung bakit pero parang may hindi magandang mangyayari.

Tsk! Vic paranoid lang!

"Sige na girls, yun lang. Bukas ulit, mag-ingat kayo pauwi" bilin nito.

Kanya-kanya na kaming paalam kay coach, isinukbit ko na ang bag ko at bag ni ditse sa balikat ko.

"Wafs! Daks! Movie marathon tayo kila ditse" yaya ko sakanila.

"Di ako pwede tomsy eh, magkikita kami ni Jerome" tanggi nito.

"Ako! Pwede sama natin si Cyd" nakangiti nitong sabi.

"Sige ba, walang problema" sagot ko.

"Wow ahh! Bahay mo ba yun?" Pangbabasag naman ni ditse.

"Bakit hindi ba?" Sabay taas baba ng kilay ko.

Napailing nalang ito at nauna ng naglakad.

"Saglit" tawag ko sakanya, hindi naman ito tumigil o lumingon man lang kaya tumabok ako pasunod sakanya tyaka ko hinawakan ang kamay niya.

...

Cienne's POV

"Congratulation Nak" bungad saakin ni mommy.

"Thank you po" nakangiti kong sagot.

Sa wakas natapos narin kasi yung project ko at successful ito.

"Sa labas tayo magdidinner" magiliw nitong sabi.

"Ano ka ba mom, mas okay nga yung luto mo eh" nakatawa kong sagot.

"Naku! Nangbola ka pa" napapailing nalang nitong sabi.

"Masaya lang yan kasi makakauwi na ng Pinas" sulpot ni daddy.

Napangiti nalang ako sa sinabi nito, ito kasi yung deal namin ni daddy eh.

Pag maganda ang kinalabasan nitong project, makakauwi na ako sa Pinas at kahit na ano mang maging problema ng business dito hindi na niya ako ipapatawag pa dito.

Yes ito ang plano ko, ang umuwi na ng Pinas para maayos na ang saamin ni Vic. Ayoko kasing simulan ang panunuyo sakanya ng maraming distraction.

"Dapat lang na umuwi na siya dun! Last last month pa nga dapat eh" sermon ni mommy.

"Mom, wag kang mag-alala pagbalik ko dito siguradong kasama na si Vic" confident kong sagot.

"Siguraduhin mo yan Cienne!" Pagbabana nito.

Hay naku mommy hindi mo na ako kailangan pagbantaan kasi yan talaga ang gagawin ko.

Love, babyNguso! Please wait for me!

...

Naks nakapag update ulit. Hahahaha. Sana po nagustuhan niyo kahit na maikli ✌️

Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagbabasa, sobra ko pong na appreciate. Lalo na sa mga nagpupush na gumawa ako ng book 2 ng if you're not the one. Gagawa po ako pero hindi pa sure kung kailan ko mapupublish.

Vote and Comment 😊😁

Continue Reading

You'll Also Like

41.1K 1.4K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
9K 369 13
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
220K 13.2K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...