Love Is . 20

495 25 8
                                    

Aby's POV

Okay guys, POV ko muna huh medyo magulo ang mga kaganap ngayon kaya hindi makapagkwento yung tatlong bida.

Ito naman kasing si daughterF kailangan dito pa niya sabihin? Pati kami nagulat sakanya eh.

"Okay, tama na muna siguro to" pangbabasag ni ate Paneng sa katahimikan.

Napatingin ako kay daughterF nakayuko lang ito pinaglalaruan ang shot glass, si Cienne naman nakatitig lang ito kay Vic hindi na nga nito namalayan na lumuluha na pala siya. Si ditse naman nakatitig lang rin kay Vic, well halos lahat sila kay Vic lang nakatingin.

"Lumalalim na ang gabi magpahinga na tayo" yaya ni ate Paneng.

"Hindi achi, ituloy natin ang laro Camille maglabas ka pa ng alak" utos ni Cienne ng hindi inaalis ang tingin kay Vic.

"Teka, kukuha ako sa loob" agad na tumayo si Camille at pumasok sa loob.

"Kayo nalang hindi na ako sasali" tumayo narin si daughterF.

"Teka Vic!" Pigil ni Cienne.

Para namang walang narinig yung isa at dirediretsong umalis.

"Victonara!" Tawag ulit ni Cienne sakanya, nang hindi ito lumingon ay dali-dali itong tumayo at sinundan si Vic.

Nagkatingin lang kaming naiwan dito, ano bang nangyayari? Paano na to? Pati ako naloloka!

"Dito ka lang!" Inis na utos ni ate Paneng.

"Kailangan ako dun" pagpupumilit ni ditse.

"Charleen lasing ka na! Ihahatid na kita sa kwarto mo!" Madiin na sambit ni ate Paneng.

"Hindi ako lasing Steph alam ko kung anong ginagawa ko" pagmamatigas naman nito.

"Ummmm ditse, kung ano man yang dapat mong sabihin siguro ipagpabukas mo nalang muna" pakikiusap ni Ye.

"Oo nga ditse, hayaan na muna natin silang magusap" segunda naman ni Kim.

"Hindi niyo kasi naiintindihan eh, sa tingin niyo ba pag nalaman ni Cienne na ako yung tinutukoy ni Vic maipagpapabukas pa namin?" Makahulugan nitong tanong.

"Anong sabi mo?" Napatingin naman kami sa nagsalita, si Camille pala "tama ba yung dinig ko? Ikaw yung tinutukoy ni Vic?" Seryoso nitong tanong.

Agad namang tumayo si Ye at Kim para lapitan siya.

"Ditse ano?" Singhal nito.

"Camille" masuyong tawag ni ditse.

"PUCHA!!!!!!! SINASABI KO NA NGA BA EH!" Sigaw nito, napahawak ito sa sentido niya "DITSE?! PAANO MO NAGAWA KAY CIENNE TO? KAPATID MO YUNG TAO!" Nang gigigil nitong tanong.

"Camille, please makinig ka muna saakin" tumayo si ditse at akmang lalapit kay Camille ng magsalita ito.

"DIYAN KA LANG!!" Madiin nitong utos "ang taas ng tingin ko sayo ditse eh, tapos ganito ang gagawin mo? Bakit si Vic pa? Bakit siya pa? Alam mo namang mahal na mahal ni Cienne yun! Saksi ka sa pagmamahalan nila" mangiyak-ngiyak na sambit ni Camille.

"Hayaan mo muna siyang magpaliwanag Cams" masuyong sabi ni Kim.

"ISA KA PA! KAYONG LAHAT NA NAKAKALAM!!!!! ANONG GINAWA NIYO???? HINAYAAN NIYO LANG SILA!!!!!! ANONG KWENTA KAYONG KAIBIGAN??"

"Teka lang naman Camille" apila ko.

"Ano? Ano ate Aby? Wala naman kayong ginawa diba? Alam kong alam niyo ang tungkol dito pero hinayaan niyo lang"

"CAMILLE TAMA NA YAN!" Sigaw ni ditse "kung meron mang dapat sisihin dito ako yun! Wag kang mangdamay ng ibang tao!" Madiin na sabi ni ditse.

"MAGSAMA KAYONG LAHAT! BAHALA KAYO!" Tyaka ito umalis.

Love Is:Where stories live. Discover now