Every I love you hurts

By Artlesstype_29

8.3K 792 81

Sana mahalin mo din ako kahit hindi lamang sa pagmamahal ko. READ AT YOUR OWN RISK!!! More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 15

287 31 7
By Artlesstype_29

Kanina pa naglalaro si Alj, kasama ang mga bata. They called him Papa at times and I won't deny how much I'm happy to see them having fun and enjoying their Father's company.

Tinext ko si Manang na umalis muna kami pero babalik din. Ay naku! Ang gatas ng mga bata pala.

Tumingin sa akin si Brix. Walanghiya sure akong siya yung nakagulatan ko sa pintuan.

"May problema?" Tanong niya sa akin.

"Yung bottles ng mga bata tsaka gatas. Pwede ko bang kunin sa bahay?"

"Naku. Magpaalam ka sa asawa mo. Wag sa akin!" Aniya

Lumukot ang mukha ko.

"Bro" tawag ni Brix sa pinsan niya.

Tumingin sa amin si Alj at tumayo.

"Aalis daw ang asawa mo naiwan ang gatas para sa mga biik mo. I mean sa mga anak niyo" nakangisi niyang sabi.

"Kanina ka pa ha!" Naiinis kong sabi kay Brix.

"Magpapabili nalang tayo ng bago. Wag ka na umalis" saad ni Alj

"What? Ang lapit lang Alj, ba't pa tayo bibili ng bago."

"Kidnap nga kayo diba. Bawal kang lumabas rito!" Malamig niyang sabi.

Kumunot ang noo ko.

"Anong kidnap ang sinasabi mo? Akala ko ba ayos na..."

"Ang laki ng utang mo sa akin kaya wag kang mag reklamo!" Pinal niyang sabi.

Napabuga ako ng hangin.

"Hindi kita susundin ang isa pa sino ka ba para sundin ko? I will do whatever I want. I'll leave the kids here babalik ako agad!" Matigas kong sabi

"Don't make me mad, Claire. Stay here! Ako na ang bahala sa kakailanganin niyo. Damit mo o damit ng mga bata lahat lahat wag ka ng mag tanong manatili ka diyan!" Pagbabanta niya

Nakipagtitigan ako sa kanya kulang nalang tapunan ko siya ng baso sa mukha.

"See! Tagal mo ding kasing nagtago eh!" Sabat ni Brix

"Hindi nga ako nagtago!" Naiirita kong sabi.

"Weeh? Kami pa niloko mo! Parents mo nga hindi alam kong asan ka, sabi mo lang maayos ang kalagayan mo."

"What?" Napatawa ako sa sinabi Brix ano bang pinagsasabi nito. "FYI Brix alam ng parents ko kung nasaan ako kahit si Kamala at Oria." Naka crossed arms kong sabi.

"What did you say?" Bumaling ako ng tingin kay Alj at naka igting ang panga niya.

"Alam kong narinig mo yun ng mabuti Alj! Wag mo ng ipaulit!" 

"Ulitin mo!" Mariin niyang sabi.

I smirked.

"FYI again my parents knew where I am. And fyi bumisita nga sila dito two weeks ago eh! Kaya kung di mo alam kung nasan ako diko na kasalanan yun noh!" sabay ismid ko

"Fuck!" Mura ni Brix

"Yung bibig mo may mga bata!" Sita ko kay Brix.

Si Alj, naman parang di maipinta ang galit sa mukha.

"Since ayaw mo akong pauwiin. Ipapadala ko nalang kay Manang ang gamit ng mga bata pati ng akin. Okay?!"

Nilabas ko ang phone ko at tinext muli si Manang.

"Brix, bantayan mo ang mga bata mag-uusap lang kami!" Napaangat ang tingin ko ng mabilis akong hinila ni Alj at dinala sa kwarto kong saan niya ako nilagay kanina.

Binitawan niya ang kamay ko at kumuyom ang kamay niya. He faced me with bloodshot eyes. He looked frustrated and weary. I don't know....

"A-anong problema mo?" Natatakot kong tanong.

"You! Shit!" Mura niya.

"Teka nga! Ba't ba ganyan ang mukha mo. Long hair, tsaka mahaba na ang balbas mo sa mukha.... Kulang nalang para kang taga kweba" komento ko.

"I don't fucking care! Sigurado ka bang alam ng parents mo kung nasaan ka?"

"Oo nga! Andito nga sila nung pinanganak ko ang kambal!"

Huminga siya ng malalim at umatras. Sumandal ang likod niya sa pader at dahan dahan na umupo.

"Alj" tawag ko. Parang bigla din akong nanghina sa nangyayari sa kanya.

Umangat ang tingin niya sa akin. Para siyang na istress sa lahat ng bagay ngayon.

"May plano naman talaga akong sabihin sayo na may anak tayo hindi naman ako madamot. Pero next month pa sana ang balik ko sa Manila kasama ang mga bata. Kaya lang andito ka na tapos may set-up pang ganito." Paliwanag ko.

He shook his head and look down. Ilang sandali lang ay yumugyog ang balikat niya. Napasinghap ako at lumunok. Mabilis akong lumapit sa kanya at lumuhod sa harap niya.

"Alj" hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. Namumula ang tenga niya at mukha. Hinarap niya akong sunod sunod ang pagtulo ng mga luha sa mata niya.

"Matagal kitang pinahanap!" Unti unti kong binaba ang kamay ko sa balikat niya. "Nagtanong ako sa magulang mo sabi nila hindi nila alam. I thought Kamala was helping me too. Tapos alam pala nilang lahat." He painly said

Nasasaktan akong makitang ganito si Christian. Parang sinalo niya lahat ng mga problema ngayon.

"I didn't know.." I softly said. My tears are forming I don't know what for. Wala naman akong galit kay Alj eh.

"Yung papa mo pala ang nagtago sayo all this time. But I understand his anger for me. Nasaktan kita ng sobra, and I'm sorry... I'm sorry Claire... Sana mapatawad mo ako."

Tumulo ang luha sa mata ko. Pero agad ko pinunasan.

"Hindi naman na ako galit sayo. Tsaka nararapat lang yun..."

"NO!" Putol niya sa akin. "Wala kang kasalanan. Ako lang... I was confused when Loise.."

Tinikom ko ang bibig ko at lumayo kay Christian.

"Bakit?"

Tumayo ako at umiling sa kanya.

"Can't we not talk about it Alj. Ayoko na kasing pag-usapan ang nakaraan. Sana maintinidihan mo." Pinalis ko ang luha sa mata kong kumawala.

"Pero may dapat kang malaman.." aniya na kinailing ko.

"Hindi na kailangan, Alj. If you're worried about your rights of the kids hindi ko ipagkakait sa iyo iyon. They deserve to know you."

"Hindi lang ang mga bata ang gusto ko..." Pleaseee don't say it

 "Pati ikaw!"  he said it almost like a whisper. Tinikom ko and bibig ko at malungkot akong umiling sa kanya at humikbi. Shit.

"Why? Am I too late now? kayo na ba ni Turo?" he painly said

"I know I left without properly saying goodbye but I don't think there would still be you and me, Alj."

"I know what she did to you."

"You knew?" I bit my lip

 "Nang ilang araw di ka makontak pinahanap na kita agad. I hired investigators to look for you but they couldn't see any lead to find you."

" I admit it took me 2 months before I contacted my family, sila Kamala naman after 6 months. But I don't get it why did you hire people to find me?"

He smirked and look up to prevent his tears from falling.

 "Alam mo kasi nung mawala ka, doon ko lang nalaman kung gaano ako kasigurado na mas higit ang pagmamahal ko sayo kumpara sa kanya..." tinikom ko ang bibig ko at umiyak.

Bakit ngayon pa?

"Mahal na mahal kita... Hindi ko alam kong kailan nagsimula pero sigurado akong mahal kita- sobra. And now I know that it was your Dad who planned all these time to hide you away from me after all these years, hindi ako magagalit sa kanya kahit umabot pa sa sapilitang papipirmahin ako sa annulment papers natin... "

Pinunasan ko ang luha sa mata ko.

" I'd rather say I'm proud of myself because I didn't give up to find you and now I finally found you.." Panay parin ang tulo ng mga luha niya.

I was so broken before every time he will say those I love yous for Loise, it hurts me a lot, slap me and tore me to pieces. At doon mas napapamukha sa akin gaano ako ka desperada.

Pero ngayon nasasaktan ulit ako after hearing all difficulties on finding me. I have waited for so long to hear that from him. Pero sumuko na ako matagal na.

"I—" huminga ako ng malalim. "Arthuro and I are in relationshp, Alj." I bit my lip

He was stunned.

"I'm sorry for all those things you've been through but, you don't need to have me anymore." Tumalikod ako sa kanya at binuksan ang pintuan.

*****

Claire taught me how to prepare milk for the kids. Dapat hindi sobrang mainit. Bago yung nag sterilized pa kami sa mga bote. The kids were left to Brix. Rinig ko ang tawanan nilang tatlo mula sa sala.

"Pag-ibibigay ko ba itong gatas sa kanila matutulog na sila?" Tanong ko.

"Oo. Parang sign sa kanila iyan na dapat na silang matulog." Sagot niya.

"Ayos na ba'to?" Saad ko.

Inabot niya ang gatas at hinawakan. Naninigurado na hindi sobrang mainit.

"Okay na yan. Ibigay mo na." Saad niya.

Tumango ako at pumunta sa sala. The kids were on their jammies already. Ang isa nasa balikat ni Brix at hawak niya ang mga hita nito para di mahulog. Nalilito pa ako ngayon sino sa kanila si Alsen at Armani. Ang identical kasi!

"Saan dyan si Armani?" Mahina kong sabi kay Claire.

"Tawagin mo lang lalapit yan sayo pag pinakita mo yang gatas" aniya.

Tumango ako.

"Baby Armani!" Tawag ko. Tumitig ako ng makita kong bumaba ang bata sa balikat ni Brix doon ko lang nalaman si Armani ay mas pilyo. Mukhang mahilig sa adventure. Lumapit siya sa akin at inabot ang kamay para kunin ang gatas.

"Tank you papa" halos bulol pa nitong sabi

Nakasunod naman si  Alsen at tumabi sa kapatid niya. Binigay ko ang gatas sa kanya nagpasalamat din ito at agad nila iyong kinagat.

Nasisiyahan akong maganda ang pagpapalaki ni Claire sa nga bata. They were taught to say thank you after giving them food.

"Okay, time to sleep na. Mag goodnight na kay Tito Brix" Kausap niya sa mga bata. Parang ang bilis lang din nilang makihalubilo they were not shy ng pinakilala kami sa kanila. 

Tumalikod naman ang dalawa at lumapit kay Brix napangiti ako ng umaaksyon silang hahalik sa pisngi, kung ganito sila, pati rin kay Turo ay ginagwa nila ito. Brix bend and forward his body so the kids could kiss him.

"Parang gusto ko na ring magkapamilya ah!" Komento niya.

Bumalik sila sa harap ko at hinila ni Alsen ang damit ko. I lowered myself to them. Humalik sila ng sabay sa pisngi ko. Lumapit sila kay Claire at humawak sa kamay nito at sila pa talaga ang humila sa kamay ng Mama nila.

"Para silang robot bro" natatawang saad ni Brix

"Oo nga eh!" Natatawa akong umupo sa tabi niya.

"Pero naks! Tinawag ka ng papa. How do you feel?" Tinapik pa niya ako.

"Masaya.." nawala ang ngiti ko ng maalala ang sinabi ni Claire.

"Bakit?" Tanong niya.

"Claire is in relationship with Turo" bumuga ako ng hangin.

"Ano? Bro! Seryoso?" Gulat din niyang sabi

Tumango ako.

"Tsssk. Tindi naman ni Herrera. Makuha mo nga ang mga anak mo pero hindi kasama ang nanay. Anong plano mo?"

Nagkibit balikat ako. Hindi ko din alam eh.

"Kasuhan mo kaya? kasal pa kayo ni Claire tapos may boyfriend siya. Pwede yun para makulong si Herrera"

Tumingin ako kay Brix.

"Gago. Madadamay si Claire syempre. Pero kung gagawin ko yun pwede ko ring i blackmail na kakasuhan ko siya pag di sila naghiwalay."

"Pero di ba nag hingi siya ng annulment sayo?"

"Yan pa ang pinoproblema ko. Pero wala akong balak pirmahan iyon."

"Mabuti. Tutal kung wala rin man lang siyang plano ng bumalik sayo wag mong pirmahan. Para dala niya apelyido mo" saad ni Brix

"Pero ayoko ng ganito. Gusto kong mabuo kami!" Determinado kong sabi.

"Yan! Fighting spirit bro! Ayaw ko din naman na sumama sayong bumisita sa kambal tapos nasa bahay ni Herrera. Ang awkward nun!"

"Sinabi mo pa!"

Nagkwentuhan pa kami ni Brix tungkol sa mga plano ko. Kahit minsan ay mainit ang dugo ko pag kinakausap siya labis akong nagpapasalamat na hindi niya ako iniwan kahit kailan. Brix isn't just my cousin. He's a brother from another mother.

Maaga akong gumising. I cooked scrambbled eggs and hotdogs. Mabuti nalang talaga nag grocery si Penz nung dumating kami rito.

"Boss, tumatawag po raw ang daddy niyo" imporma niya.

"Sige. Ikaw muna rito" saad ko.

Inabot ko sa kanya ang plato at pumunta sa kwarto. Tulog pa si Brix. Halatang pagod din.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Daddy.

"Alj, nasaan ka?" Tanong agad ni Dad ng masagot niya ang tawag.

"I'm in Palawan, Dad. Kasama ko si Claire" saad ko.

"Claire? Nahanap mo na? Well, that's good news I hope you could fix your problem. Matutuwa ang Mommy mo nito" hinilot ko ang sentido ko.

"Hindi pa sigurado Dad. But I have news for you. Wag sana kayong magulat ni Mom. I will send you a picture of my kids"

"Kids?"

"Yes, Dad. Claire was pregnant when she left. I've got identical Twins!" I informed

"What?! Hahahaha this is a very good news hijo. Send me a pic now I'm excited to see my grandchildren.."

"Sure dad. Ibaba ko na" saad ko.

I clicked my viber and sent pictures of the twins. Dad saw it immediately. Muli siyang tumawag I could hear my Mom's voice. They were so excited and happy to know and can't wait to see their grandchildren. Dad even said mana daw sa kanya ang kambal. I sent another two photos and labeled the name of the kids para makilala na nila.

Pagkatapos kong makausap si Dad dumiretso ako sa kabilang kwarto kung saan natulog sina Claire. I was suprised to see Alsen shaking his bottle empty of milk. Tumingin siya sa akin at tumakbo kaya agad kong kinarga.

"Papa, milk" aniya

Bumaling ako kay Claire tulog pa ito nakaunan ang braso niya sa ulo niya at ang kamay nasa ibabaw ng buhok ni Armani.

"Okay baby let's go get your milk" saad ko.

Napangiti ako ng yumkap sa leeg ko ang bata at siniksik ang mukha niya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 19 47
Enjoy
424K 16K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee
519K 19K 28
Akaizha and Gwen | "we can never be friends"
1.4M 32.3K 29
Luke and Aviona - A romance that blosssomed in a society where a governor cannot love the daughter of a prostitute. R18 Adult content