Loveteam (Ongoing Series)

Galing kay misstallyn

9K 554 446

Si Camille ay dating sikat na artista but nag-epal ang tadhana, she is no longer popular.. Nang lumipat siya... Higit pa

Loveteam
CHAPTER 1: Fighting!
CHAPTER 2: Grab the Opportunity
CHAPTER 3: No Way!
CHAPTER 4: The Kiss
CHAPTER 6: A Day to Remember
CHAPTER 7: Rosy
CHAPTER 8: Ang Bahay ni Lola (Part 1)
CHAPTER 9: Ang Bahay ni Lola (Part 2)
CHAPTER 10: Pains and Memories
CHAPTER 11: PAK!
CHAPTER 12: Fleur
CHAPTER 13: Scene-Stealer

CHAPTER 5: An Agreement

672 41 27
Galing kay misstallyn

cnbluerock...eto na po. WISH GRANTED!! hehe binago ko na siya ^__^

Pabago bago name ni Fleur..Sorry.. Sabog author eh

-------------------

CHAPTER 5: An Agreement

(KYLE'S POV)

Meghan Fleur Aro is my girlfriend.

She used to be a good friend of mine. We used to be close, laging nagtatawanan at nag-uusap. Nakita ko kasi ang sarili ko sa kanya. Pareho kami ng pangarap, ang maging artista. Nakilala ko siya sa isang acting workshop at naging magkaibigan kami. Yun nga lang mas una akong sumikat. Paminsan minsan lang siya may trabaho, mostly commercials lang.

Pero nagbago na ang lahat because she's been my girlfriend for three months now.

Three months na naming niloloko ang sarili namin.

"Do you need a drink?" -Fleur

"No, it's ok. Aalis din ako pagdating ng mommy mo." Sabi ko. Nandito kami sa bahay niya.

"Parating na raw siya. Katatawag lang." -Fleur

"Good." -Ako

"Kyle.... bakit mo naman kasi tinanggap yung movie. Tinanong ko si mommy sinabi mo raw na gusto mo yung project kaya pumayag na siya! Panu naman ako? Tapos malalaman ko na lang na may bago kang ka-loveteam diyan!" -Fleur

"Why the hell should I bother to tell you? Nanay ba kita?" -Ako

"Kyle please! FOR ONCE!! Just for once! Act like a real BOYFRIEND!!"-Fleur

"ACT. Yeah thanks for reminding me. Baka nakakalimutan mo na hindi ko ginusto to. Nahihirapan ka na ba? Then let's break up. Pareho pa tayong makakahinga ng maluwag." -Ako

"Hindi mo pa rin ba nahahalata?! I don't want to break up with you because i lov- ... Listen, Please umayos ka na lang pagdating ni mommy. Utang na loob mo sa kanya to. You owe her this much"-Fleur

Tinignan ko siya ng masama.

Takte! Pinapakulo ng babaeng to ulo ko!

UTANG NA LOOB.

TO HELL WITH THAT!!

Yan ang dahilan. Dahil sa utang na loob na yan kailangan kong magpanggap na boyfriend niya, na sweet kami sa isa't isa. Pero sa harap lang ng camera at ng ibang tao nangyayari yun. Lately lagi kaming laman ng news. "The Perfect Couple" sabi nila. Nadagdagan na rin mga fans niya. So I have to pretend for a few months daw para mas lalo pa siyang sumikat.

I HATE IT.

I HATE IT because  pumayag pa ako in the first place. May utang na loob ako sa mommy niya dahil siya ang tumulong sakin at naghirap para sumikat ako. Siya ang manager ko at best friend ni mama. Kaya kong kumuha ng ibang manager pero kapag mawala ang best friend ng mama ko, yan ang ayokong mangyare. So anu pa magagawa ko?

I don't recognize this Fleur anymore. Nagbago na siya. Alam kong mayaman sila at makapangyarihan, hindi na nila ko kailangan para sumikat pa. Kaya naman gawin ng mommy niya ang ginagawa ko ngayon. Ako nga nagawa niyang pasikatin, siya pa kayang anak? 

"As you wish. I will make things easier for the both of us. I can handle this. Sabihin mo na lang sa mommy mo na nakaalis na ako. Magkita na lang kami bukas"-Ako

Tumayo na lang ako at lumabas ng bahay. Hindi maipinta yung mukha niya. Alam ko na dati pa siyang may gusto sa kin. Kaya nga kahit anong tulak ko sa kanya gusto niya pa rin ituloy tong kalokohan na to. Alam ko rin na siya ang nagpilit sa mommy niya na magpanggap kami. Alam ko lahat yon kahit di niya pa sabihin. I'm not dumb. Hindi ako tanga.

Ang mga babae talaga pare-pareho, mga mama's girl.  Wala akong pakialam kung sino maging girlfriend ko, pare-pareho lang naman sila sa paningin ko. Temporary and Replaceable. Kaya nga pumayag na ako. I have nothing to lose. Ipapakita ko sa kanya kung gaano kahirap magmahal ng taong hindi ka mahal.

Yes, you can say I am HEARTLESS.

(ROSE'S POV)

"YO, I'LL TELL YOU WHAT I WANT, WHAT I REALLY REALY WANT, 

SO TELL ME WHAT YOU WANT, WHAT YOU REALLY REALLY WANT,

I'LL TELL YOU WHAT I WANT, WHAT I REALLY REALY WANT, 

SO TELL ME WHAT YOU WANT, WHAT YOU REALLY REALLY WANT,

I WANNA, I WANNA, I WANNA, I WANNA, I WANNA REALLY

REALLY REALLY WANNA ZIGAZIG HA!......" –Cam     i(^ o ^)/~~~

Hayyy....

Nagsama na naman si Cam at ang mahiwagang microphone. Hindi pa rin nagsasawa tong kumanta, sintunado naman. hehe

"Ui, hinaan mo volume niyan! Ako nahihiya sa yo. Baka akalain ng kapitbahay may nanganganak dito sa loob."-Ako

"Grabe ah, kaboses ko talaga yung nanganganak. Minsan lang naman to. Nagcecelebrate kasi ako!."-Cam

"O sige na."-Ako

Pinagpatuloy ko na yung ginagawa ko. Hahayaan ko na siya.

Pero umupo na lang si Cam sa kama katabi ko. Napagod na siguro.

"Hay.. anu ba kasi yang ginagawa mo. Wag mo sabihing gumagawa ka ng assignment bakasyon ngayon! Amin na nga! Patingin! Share mo naman sa ken."-Cam

Hala! Hinablot!

Ang diary ko!!

O_O 

"Hoy! Amin na! Diary yan bawal basahin!"-Ako

Hindi pa rin siya natinag at binuklat pa.

PERFECT!

Pero hindi naman niya binabasa iniiscan lang niya yung pages.

Tumigil siya sa isang page at yung expression niya parang nakadiscover ng kayamanan.

"Hehe. Interesting to may nakita kong CHECKLIST!"-Cam       ( ^__^ )

Waaaahhhhh!

Wag yan!

Wag mong basahin ng malakas!

" Basahin natin ng MALAKAS!!!...Ehem....

MY IDEAL GUY CHECKLIST

_Gwapo

_Gentleman

_May laman ang utak

_May laman ang bulsa

_May laman ang katawan

_Mabait pero marunong magalit at magselos

_Medyo may pagka-possessive

_Walang kapantay ang kasweetan

Ano to? Hahaha! Malaman pala gusto mo sa lalaki! Andami naman ng traits na kailangan.  Tunay ka talagang founder ng Association of Kemerlush!" -Camille

Ugh..

Asosasyon ng Kemerlush. Pauso ni Cam yan. Wala naman talagang ganyan. Para sa mga babaeng napagkaitan ng love life. Kasama na raw dito yung mga sawi sa pag-ibig tsaka hindi pa nagkakaboyfriend parang ako. Mga member nito, kami lang. Napagtripan lang namin gumawa nung isang araw, iniinis kasi ulit namin si kuya Tucker. Gusto namin siya isama sa asosasyon. Pinagalitan lang niya kami, mga isip bata daw kami.

(A/N: Bakit kemerlush? Hehe wala lang. Wala ko maisip eh.)

"Natawa ka pa ah. Tigilan mo na yang Asosasyon na yan. Eh ganun talaga, mataas standards ko. Choosy ako!"-Ako

"Ah ganun. Kaya pala.... Alam mo kulang na lang magpost tayo sa kalye ng sign. 'WANTED Boyfriend. Here are the the qualifications.' Pero baka wala pa ring mag apply. Extinct na kasi hinahanap mo!"-Camille

"Bakit ikaw ba anu nakalagay sa checklist mo?"-Ako

"Tsk. tsk. Diyan tayo nagkakaiba, isa lang nakalagay sa checklist ko-- LALAKI.

Kasi alam mo naman sa panahon ngayon maraming poging available may bahid naman."-Cam

"Ahhh so...Pati pala yung Adik sa Kanto Ideal Guy mo! Lalaki yon ah! Hahaha!" -Ako 

"Ewan ko sa 'yo! Basta ibig sabihin nun marami choices. Kahit san ako lumingon pedeng pede. It's a free country! You can do what you want!" -Cam

"Aysus! Kunware ka pa alam ko naman yung Ideal Guy mo nakalagay KYLE REYES."- Ako. 

^__________________^

Haha nakaganti ako!!

Winner yung itsura nya ngayon!  =__=

"Binabago usapan. Nag-uusap tayo ng tungkol sa Ideal Guy tapos binanggit mo bigla yung mayabang na lalaki. Walang konek!!!"-Cam

Nagsmile na lang ako. Alam kong asar siya kay Kyle kaya itutuloy ko to!

"Basta kapag nagkagusto ka sa kanya. Ako unang sabihan mo ah. Ako dapat una makaalam!"-Ako

"IMPOSIBLE! Hay, magreready na nga ko may pupuntahan tayo di ba?" -Cam

Umalis na siya. Naalala ko ngayon pala sila magmemeeting tungkol sa movie. Ihahatid ko pa siya hindi kasi marunong magdrive.

"Hahaha. Halata ka! Umiiwas! Ayaw mo pa compatible nga kayo!"-Ako

Sumigaw ako para marinig niya. At sumilip naman siya sa pinto.

"Hoy! Hindi kami compatible! Parang sinabi mo na ring pareho kami ng ugali. No.no.no.no way! Hindi ako mayabang!! At for your information may girlfriend yun!! Hindi ako papatol! Hello hindi lang pang-kerida ang ganda ko, pang-bida to teh!! Wag maliitin ang beauty ko!!"-Cam

"Hahaha!"-Ako.

Ansabe naman ang haba ng sinabi niya? Nakakatawa lang  kung magreact siya parang may kaaway lage, as in sumisigaw talaga. ^__^

(CAMILLE'S POV)

Compatible kami nun?

YUCK!

Ayoko.

Hindi man ako anghel at least hindi naman mayabang.

Aminado akong hindi maganda ugali ko sa lahat ng oras.

Minsan kasi kailangan di tayo nagpapatalo.

 Hmmnn...

Alam niyo ba dati nga mahilig ako sa mga Disney fairytales.

Kahit favorite ko may mga panahon na naiinis ako sa mga duwag na bida.

Minsan iniisip ko kung ako kaya nasa sitwasyon nila.

Anong gagawin ko?..

Kung ako kaya si Cinderella anong gagawin ko?

SCENE: Cinderella

"Hay...bakit ayaw maalis nitong dumi! Kanina ko pa kinukuskos to ah! Meron pa kong lilinisin na kubeta! Sakit na ng katawan ko!" -Cinderella

*kuskos ng sahig*

Dumating na sila Stepmother and stepsisters

"Dear.. Napakakupad mo diyan bilisan mo. Linisan mo pa kwarto namin."- Stepmother

"Labhan mo pa yung gown ko ah!"- Stepsister 1

"Awww.. kawawa naman si Cinderella. Hahahahaha"-Stepsister 2

Nag-apir pa sila.

Tinignan sila ng masama ni Cinderella. Hindi siya nakapagtiis at inilabas ang nakatagong Baseball Bat sa kanyang apron.

"Damn you Stepmother!" -Cinderella.

*BOOGSH*

"Damn you Stepsisters!"-Cinderella

*BOOGSH*    *BOOGSH*

HEHEHEHEHEHEHE....

Bagay pala kong maging Cinderella!

Happily Ever After ang ending. ^_^

"Hoy, anu na naman yang pinag-iiisip mo! Cam anu oras na di ba aalis tayo?"-Rose

"Nakalimutan ko! Ikaw kasi kung anu anu pinagsasabi mo sa kin! Sige na."-Ako

"Aba. Ako pa may kasalanan!" -Rose

"Oo ikaw! Bilis punta na tayo."-Ako

Nagmadali siyang magdrive. Sakto na pagdating namin.

"Byieee!"-Ako

 Nagmamadali na kong maglakad. Pagdating ko kumpleto na sila. Nice naman. Late na ko. Gandang first impression to.

"It's good to see you again. I was there when you auditioned... You can call me Jack, I will be the director for the movie." -Jack.

Nakipagkamay siya sa kin. Ako naman medyo nahiya habang nakikipagkamay. Syempre dahil sabi niya nandun siya sa audition. Nakita niya yung kababalaghan ko.  (~ ,~)

"I want you to meet the writers, the crew, and of course the casts."-Jack

"Hello po!"-Ako

Nakakapagod makipagkamay ang dami nila, yung mga artista nandito rin. Mga ilang oras din tinagal ng meeting namin dahil maraming pinag-usapan at meron ding break. Nagkaroon din ng first reading ng script.

Title nga pla ng movie namin "The Boy Next Door." Romantic Comedy siya. Bagay na bagay kay Kyle yung title kung hindi natin papansinin ugali niya! Sana naging mukha na lang siya.

Medyo masakit na ang pwet ko kanina pa kami nakaupo buti na lang tapos na makakauwi na. Tinext ko na si Rose para puntahan niya na ko.

Hatid sundo talaga ko.

Hehe. ^_^ v  

Ngayon lang naman.

Palabas na ko ng building nang makita kong naghihintay si Kyle sa gilid. Dire-diretso lang ako syempre kunware di ko siya napansin. Pero nang nagtama ang mga mata namin, sinenyasan niya ko na sumunod sa kanya. Yung parang ginalaw lang niya yung ulo niya

.

Nyee....  Ano na naman kaya to? Kung di ko kaya to sundan sabihin ko na lang "Oh I didn't see you there. Sorry." Tapos sabay alis. Oh di ba may attitude, para matauhan na siya na hindi lahat ng babae natutuwa sa kagwapuhan niya.

Pero nacurious talaga ko kaya sinundan ko siya. Dinala niya ako sa isang tagong kwarto.

Hala!

What is the meaning of this?!

"Oh! Pirma ka." -Kyle.

May binigay siya sa king papel.

Binasa ko.

........

Natagalan ako.

Ang haba ng nakalagay, english pa, sakit sa ulo.

Wait, baka akalain niyo illiterate ako. Kahit nagstop ako home schooled ako.

At naintindihan ko naman to.

Nakalagay lang na habang magka-loveteam kami kailangan kami ang magkasama lagi. We have to act like a true loveteam for the sake of the movie. Pagkatapos ng promotion ng film ay wala na dapat kaming konekson sa isa't isa. Hindi na ko dapat magpakita sa kuto sa nasa harap ko, kahit anino ko pa.

Nabasa ko sa ibaba na kailangan ng pirma namin dalawa.

Napatingin lang ako sa seryoso niyang mukha. Kung nagsasalita lang yung mga mata ko sinabi na nilang "Anong kahibangan na naman to?!"

Mukhang naintindihan niya dahil napapikit siya. Huminga siya ng malalim bago magsalita.

"Sorry, kailangan may ganyan. Yung girlfriend ko kasi gusto niya meron pa. I have to show a proof. And you have to promise na walang mamamagitan sa 'tin kahit loveteam pa kita. Pareho naman tayong magbebenefit dito. Sisikat ka."- Kyle

"What?! Grabe Kyle! Loveteam lang tayo hindi naman tayo magsasama sa isang bahay! Bakit may ganyan pa. At ngayon pa lang sasabihin ko na hindi kita gusto!"-Ako

Naiinis na ko. Feeling nya ba lahat ng babae mahuhulog ang loob sa kanya. Ang HANGIN! Tinatangay na ko!

*WHOOOOSSSSHHH*

Galeng di ba may sound effect pa talaga yung hangin. WHIRLWIND na kasi to..

Alam ko kasi yung mga ganitong eksena. Sa korean drama ko lang napapanood to. Yung pipirma sa isang kontrata, magpapanggap sila. Tapos bigla na lang magkakagusto sila sa isa't isa. Nakakakilig yun eh..

Pero kapag sa 'kin mangyari ay wag na!

Uwian na!

"Then good it won't be a problem. You just have to make it official. Sign."-Kyle

Grrr..Bahala na. Nagsign na lang ako. Ipapakita ko sa kanya na iba ako. Ibahin niya ako sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya.

"Oh yan!"-Ako

"Thanks. This is an agreement. This should only be between the two of us. Walang makakaalam." -Kyle

Kinuha na niya yung papel. Palabas na siya. Hindi ko alam kung bakit pero  parang nagpanic ako. Hindi ko na lang namalayan na natanong ko ang kanina pang bumabagabag sa isip ko.

"S-sandali Kyle... May punishment ba yan? Pano kung di nasunod?"-Ako

Lumingon na siya. At may kakaibang ngiti na naform sa labi niya.

"Are you asking me what if you can't stay away from me? What if you fall in love with me?"-Kyle

Patuloy pa rin siyang nakangiti. "The punishment will be falling in love with a guy like me. Huwag ka nang umasang masusuklian ko pa yang pagmamahal mo."-Kyle

Natulala na ko. Napansin kong na wala na siya sa harap ko.

(0_0)

Cam, anu ba yung pinagtatatanong mo?!

Napapahamak ka tuloy. Baka anung isipin ni Kyle.

Nako!. Ano ba tong pinasok ko!  (>_<)

Pagkatapos kong macompose ang sarili ko, lumabas na ako.

Teka, bat wala pa si Rose. Kanina pa ko nagtext sa kanya.

Hinanap ko yung kotse. Tatawagan ko sana pero wala ko load eh.. Kaka-expire lang..

Pagkalabas ko ng cp, nakita ko...

*1 message received*

From: Rose

Cam! Sori d kta mapu2nthn jan nsiraan yung kotse pag-uwi q, kaya nndito p q s

pgwaan. Commute k n lng..hehe Suri Peace! ^__^v

AWTS!!!...

Bakit ngayon pa?! 

Wala kong perang nadala para magcommute! Wala na rin akong load pantext! Huhuhu

What to do?! What to do?! T__T

Napaupo na ko sa sahig.

"Psst. Umiiyak ka ba diyan?"-Kyle

Nagulat ako. Hindi ko kasi napansin na dumating siya.

"Eeehhh.. Wala kong pera tsaka wala kong load. Di ako makauwi."-Ako

"Mukha kang bata dyan. Alam mo ba yun?"-Kyle  ( > ,>)

Nakikita kong pinipigilan niya tawa niya.

"Naman eh! Pinagtawanan pa ako!"-Ako

"Hahahaha!... Tayo na nga! Bilisan mo! I'll drive you home." -Kyle

"Talaga? Tayo na?"-Ako   (^__^)

"Ay ewan! Tinutulungan na nga! Sige alis na ko. Hindi ka matino kausap."-Kyle    ( ⌐_⌐)

"Eto na oh. Tumatayo na! Niloloko lang kita. "-Ako

"Tss. Kanina lang umiiyak ka diyan. Ngayon nakuha mo pang manloko."-Kyle

Nauna na siya maglakad sa car park. At sumunod naman ako. Tumakbo na ko ang bilis pala maglakad nito...

Bigla na lang siya huminto para hintayin ako.

"Pansin ko lang, parang lagi kang napapahamak, damsel in distress. At ako naman sumasagip sa 'yo. Ako yata knight in shining armor mo."-Kyle. ^__^

 >////<

Sabi ko na nga ba gaganti to. Pang-asar...Tuwing nagsasalita to puro hindi maganda lumalabas sa bibig. Hindi ko na lang siya pinansin. Hindi ko siya sisigawan ngayon kabayaran yon ng pagtulong sa kin. Sa iba ko na lang binaling yung atensyon ko.

"Wow. Ito kotse mo? Ganda!"-Ako

"Yeah. Porsche nine-one-one GT-three."-Kyle

Hanudaww??? Porsche blah blah blah? Yun lang naintindihan ko.

Nakita kong hinahawakan niya yung kotse at parang nagniningning ang mga mata niya. Kahit kelan di ko talaga maiintindihan ang hilig ng mga lalaki sa kotse. Pamahalan pa sila eh pare-pareho lang naman ginagamit sa transportation. Naiba lang ng features. Kung pupunta ka sa palengke tapos gamit mo yang porsche blah blah blah, tapos ako nagjeep di ba pareho lang naman silang makakarating sa paroroonan?

"Let me guess, mahal na mahal mo yang kotse mo noh?"-Ako

"No Cam, you're wrong...

 It's just a car...

Ang mahal na mahal ko ay ang babaeng magdadala ng epelyido ko."-Kyle

...

(O__O)???~~~

Nabingi ba ko?

Sinabi niya yun?

Rewind natin...

Ang mahal na mahal ko ay ang babaeng magdadala ng epelyido ko.

TEKA...

....

SHETE KINILIG ANG LOLA NIYO!!!!! 

>//////<

>__<

Camille gising!

Feeler ka! Di ikaw tinutukoy!

Wala naman siyang binanggit na pangalan!

Tumingin na ko sa mukha niya.

Nakangiti na naman siya ng nakakaloko. Hindi lang yung labi niya nakangiti pati yung mata.

Arrghh! Naloko na naman ako!

Peste to! Walangya!

Bakit ba ko kinilig eh di naman tao to kasama ko, halimaw to! bakulaw!

"Haha. Pasok ka na nga sa loob! Nakakapangilabot yang reaksyon mo."-Kyle

Nagpahatid na ko hanggang sa bahay. Wala na kong magagawa. Tinutulungan naman niya ko.

 Pero yung totoo Kinilig talaga ko kanina..  (^ o ^)v

KYAAA!!!

Wag Maingay kay Kyle.. Shhhh..

----

(A/N: End of Chapter 5!  Si Rose po yung gif sa gilid. Comment na lang po kayo! )

Ipagpatuloy ang Pagbabasa