The Gangster's Princess (COMP...

By Ellisire

125K 2.1K 85

April is a cold girl. She hates noise. She even hates her sisters because they're too loud. But deep inside s... More

The Gangster'S PRINCESS
TGP 1
TGP 2
TGP 3
TGP 4
TGP 5
TGP 6
TGP 7
TGP 8
TGP 9
TGP 10
TGP 11
TGP 12
TGP 13
TGP 14
TGP 15
TGP 16
TGP 17
TGP 18
TGP 19
TGP 20
TGP 21
TGP 23
TGP 24
TGP 25
TGP 26
TGP 27
TGP 28
TGP 29
TGP 30
TGP 31
TGP 32
TGP 33
TGP 34
TGP 35
TGP 36
TGP 37
TGP 38
TGP 39
TGP 40
TGP 41
TGP 42
TGP 43
TGP 44
TGP 45
TG5 46 (Author's Note)

TGP 22

1.6K 24 0
By Ellisire

April's POV

Nandito na kami ngayon sa school, pagkahatid namin kay ate dumiretso na kami dito sa school. Maaga naman kasi yung flight niya kaya hindi namin kailangang umabsent. Yun nga lang, late na kami sa dalawa naming subject dahil sa traffic.

"Grabe mami-miss ko talaga si Red." Sabi ni Zack habang naglalakad kami sa corridor.

"Si Red o si Shin?" Natatawang tanong ni Aira.

"Pareho." Sabay-sabay naming sagot.

"Pano na kaya yung si Kris?" Nag-aalalang tanong ni Abby.

"Ang laki-laki na nun, kaya na na niya sarili niya." Nakasimangot na sabi ni Kysler kaya napatawa si Abby.

"Kung isali niyo na lang kaya siya sa gang niyo, para naman alam niyang may kadamay siya sa pagkamiss kay ate." Sabi ulit ni Abby.

"Alam na may kadamay o para ikaw yung makasilay?" Sagot sa kanya ni Kysler.

"Abby ang landi mo. Hahahahaha." Sabi sa kanya ni Aira kaya naman napapa pout si Abby.

"Crush lang naman eh, isa lang naman yung mahal ko eh." Sabi niya at saka ngumiti kay Kysler. Namula naman yung loko. Hahahahaha

Pumasok na kami sa room namin at nagpaalam na kami lila Zack at Aira.

"Ate, sa tingin mo two years lang talaga si ate don?" Tanong sakin ni Abby kaya naman natigilan din ako.

"Yun nga din iniisip ko eh." Sabi ko naman sa kanya. Kasi malay niyo masobrahan ng isang araw, diba?

Buti sana kung isang araw lang ..

Dumating na yung teacher namin sa History at nagsimula na siyang magturo.

Siyempre ako bilang isang huwaran na estudyante nagpaalam mag cr pero ang diretso sa cafeteria. Nagugutom ako eh.

Bumili na lang ako ng sandwich at iced tea tapos umupo dun sa usual table namin nila Edward.

Habang kumakain ako, bigla namang may nagtext sakin.

"April nasan ka? Sunduin mo ko dito sa gate." Text sakin ni Kris. Bakit kaya? Nagpunta na ako ng main gate at nakita ko naman siya.

"Samahan mo ko mag-eenroll ako." Sabi niya sakin na ikinagulat ko.

"Bakit? Sino ieenroll mo?" Tanong ko pero hindi siya sumagot sakin. Sungit.

Naglakad na kami papuntang 5th floor. Nandon kasi yung cashier. Napadaan kami sa room namin at nakita kong recess na.

"Kris saglit lang! Hanapin ko lang sila Abby." Sabi ko kaya naman napatigil siya.

"ATE!" Sigaw sakin ni Abby at mas lalong nanglaki yung mata niya nung nakita niyang nandito si Kris.

"Hi Kris." Pagpapacute ni Abby kay Kris pero tinanguhan lang siya ni Kris.

"Hoy halika nga dito. May boyfriend ka na diba? Sakin ka lang." Sabi ni Kysler at hinatak papunta sa kanya si Abby.

"Oh Kris, bakit ka nandito?" Tanong sa kanya ni Edward.

"Mag-eenroll, ang boring na dun sa dati kong pinapasukan." Sabi niya.

"Kuya bago ka po ba dito? Ngayon lang po kita nakita eh."

"Oo nga kuya. Papicture naman po."

"Ako din po."

Yan yung mga sabi nung mga students kay Kris.

"Aba aba aba, mag-aral kayo wag kayong lumandi dyan." Sabi ko dun sa mga stupidents.

"Ikaw nga may boyfriend ka na." Narinig kong sabi sakin nung isang student na nasa likod ko kaya napatingin ako sa kanya.

Wait kilala ko to eh.

"Ako yung girlfriend ni Joseph." Pagpapaalala niya sakin. Ah oo. Yung bitch haha

"Eh ano naman kung may boyfriend na ko? Kaya kong imaintain yung grades ko." Pagtataray ko sa kanya.

"Eh malay mo kaya din nilang imaintain yung grades nila?" Sagot niya sakin.

"Ganito na lang, pakihanap na lang yung pake ko." Sabi ko at umalis na sa harap niya. Sumunod naman sila sakin.

**
Nakarating na naman kami sa may Cashier at nakaenroll na si Kris.

"Salamat." Sabi ni Kris at pumunta na kami sacafeteria.

Um-order na lang ako ng milshake kasi kakakain ko lang. Medyo busog pa ko. Kailangan ko ng magdiet.

"April, pano kapag sinabi ko sayong mamamatay na ko?" Tanong sakin ni Edward.

"Edi mamatay ka." Sabi ko sa kanya.

"HAHAHAHAHAHAHA." Tawa nila kaya pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Uy April." Sabi sakin ni Joseph at saka umupo sa tabi ko. Si Agatha naman umupo sa tabi ni Kris.

"Fishyyyyy." Sabi ni Aira, Abby, Kysler, Zack habang nakatingin kay Agatha kaya napatawa ako. Akala ko ako lang nag-iisip nun.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Wala lang namiss lang kita." Sabi niya sabay yakap sakin.

"Woah woah woah woah!" Sigaw ni Edward habang tinatanggal yung yakap sakin ni Joseph.

"Problema mo, Pre?" Tanong ni Joseph kay Edward.

"Wag mong mayakap yakap girlfriend ko." Seryosong sabi ni Edward kay Joseph tapos nakipag palit siya ng pwesto sakin.

"Pre, kaibigan ko si April, bat mo ko pinagbabawalan? Girlfriend ko nga hindi nagagalit eh." Sabi ni Joseph.

"Okay lang naman kasi sa girlfriend mong mangyakap ka ng iba basta siya din may niyayakap eh." Sabat naman ni Aira tas tumingin kami kay Agatha. Na nakapulupot na yung kamay kay Kris. Tas si Kris naman simangot na sinamangot na.

"Uhm .. ano, siya yung naglagay dun nun, h-hindi ako babe, maniwala ka." Pagpapalusot ni Agatha pero nagwalk out na si Joseph.

"Sorry." Sabi ni Joseph kay Edward bago siya tuluyang makaalis.

"Ang landi talaga nung higad na yun." Bulong ni Aira.

"Lagi na lang nga nakakalimutan ni April kung sino yun eh." Natatawang sabi ni Zack.

"Di ko kasi tinatandaan mga mukha ng pangit." Sabi ko at ininom na yung milkshake ko.

"Pre, ano nga pala kinuha mong course?" Tanong ni Zack kay Kris.

"Pornography pre." Sabi ni Kris kaya naman nagtawanan kami.

"Siraulo." Sabi sa kanya ni Zack.

"Sali ka sa gang, gusto mo?" Tanong naman sa kanya ni Edward. Tumango lang naman si Kris.

Nagkwentuhan pa kami at maya-maya nag bell na.

Pumunta na kami sa room namin at ganun pa din. Nakinig sa teacher at umuwi na.

Hinatid na ko pauwi ni Edward pero bago ako makapasok sa loob ng bahay may sinabi siya sakin.

"Bukas, ipapakilala kita kila mama." Nakangiting sabi sakin ni Edward at pakiramdam ko naman naubusan ako ng dugo sa katawan ko.

"H-ha? A-ano, di-diba may p-pasok tayo bukas?" Utal-utal kong tanong sa kanya.

"Sabado bukas April." Nakangiti niyang sagot sakin.

"Eh kasi ano eh, uhmm ano." Pag-iisip ko ng dahilan. Grabe naman kasi bakit kailangan agad-agad? Hindi pa ko nakakapag aral ng good manners at right conduct.

"Ayaw mo ba?" Seryosong tanong sakin ni Edward kaya napatingin ako sa kanya.

"No. Hindi naman sa ganun, its just that first time kong makikita mama mo, tapos hindi ako ready tapos baka mamaya bigla akong magtaray dun sa bahay niyo tapos hindi niya ko magustuhan, tapos tapos." Sabi ko pero tumawa siya ng malakas kaya napatigil ako.

"Anong nakakatawa Edward?" Nakasimangot kong sabi sa kanya.

"Ang cute mo pala kapag kinakabahan. Hahahahaha." Sabi niya tapos pinisil yung ilong ko. "Wag kang mag-alala. Hindi naman masungit yung si mama." Nakangiti niyang sabi sakin. And then it hit me, yung pinkakinatatakutan ko.

"Pano kung hindi niya ko magustuhan?" Tanong ko kay Edward at napasimangot naman siya.

"Hindi naman kita ipapakilala sa kanila para magustuhan ka niya. Ipapakilala kita kasi gusto kong malaman niya kung sino yung babaeng mahal ko. Ako bahala. Hinding-hindi kita papabayaan. Okay?" Sabi niya at tinignan naman ako sa mata.

Tumango na lang ako. Hinalikan niya ako sa noo ko. At dahil sa ginawa niya gumaan yung pakiramdam ko. Kahit papano nabawasan yung kaba ko.

Pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko. Anong isusuot ko bukas? Ano nagma-make up ba ko? Magpapakulot ba ko? Anong gagawin ko. Hindi pa naman ako marunong mag make up at magkulot. Si Aira marunong yun! Tama. Si Aira.

Nagbihis na muna ako at lumabas sa kwarto ko, bigla ko namang nakita yung malaki naming family picture at napatingin ako kay mama.

Nanakbo kaagad ako papunta sa kwarto nila at kumatok.

"Pasok" narinig kong sabi ni mama at pumasok naman kaagad ako.

"Oh April, may problema ba?" Tanong sakin ni mama. Hindi kasi ako ganung kadalas pumasok sa kwarto nila. Simula pinanganak ako panglimang beses ko pa lang tong pumapasok sa kwarto nila.

"Asan po si papa?" Tanong ko kay mama.

"Ayun, naiwan pa sa trabaho ang daming inaasikaso tapos pinauna na ako. Bakit?" Tanong niya ulit sakin.

"Ano kasi ma eh, ano .. uhm" Hindi ko malaman kung pano ko sasabihin sa kanya.

"Ano ba kasi yun anak? Hahahaha. Umupo ka nga muna dito." Sabi niya sakin at umupo naman ako sa may kama nila.

"Kasi ma, ano, uhmm ipapakilala daw ako ni Edward sa magulang niya bukas eh." Sabi ko sa kanya.

"Ah, yun lang naman pala -- ANO?!" Sigaw ni mama kaya napatalon ako.

"Bakit hindi mo sinabi kaagad para natulungan kita?" Tanong niya sakin.

"Eh mama kanina lang din po sinabi sakin ni Edward eh." Nahihiya kong sabi.

"Ahh. Okay. Sige. Okay na naman yung mukha mo, wala na dapat ayusin, buhok okay na din. Sa katawan? Uhmm .. anak gusto mo magpadagdag ng boobs?" Pabulong na tanong sakin ni mama.

"MA!!" Sigaw ko kaya napatawa naman siya.

"Hahahahaha. Biro lang. Tara dun tayo sa kwarto mo para mapili natin yung isusuot mo." Sabi ni mama kaya naglakad na ko papunta sa kwarto ko.

Pumasok na kami sa kwarto ko at napa 'wow' naman si mama

"Turuan mo nga yung mga kapatid mo kung pano mag-ayos ng kwarto." Sabi sakin ni mama.

"Nasa kanila naman yun kung ano gusto nilang gawin sa kwarto nila, ma." Sabi ko.

"Oh tara na. Magsusukat pa tayo."

Sumunod na ako sa kanya sa walk-in-closet ko.

"April ano ba 'to, bakit puro itim 'tong damit mo?" Tanong sakin ni mama.

"Ang ganda kaya." Pagdepensa ko. "Ma, ano ba maganda? Kung black dress laya o kaya black tshirt tas black pants at black combat boots ko?" Tanong ko kay mama.

"Nako anak, baka isipin ng mama ni Edward naghahanda ka na para sa lamay niya." Natatawang sabi ni mama.

"Eh ano pong isusuot ko?" Tanong ko.

"Oh eto na lang." Sabi niya at inabutan ako ng whige dress na long sleeve.

Kinuha ko naman yung dress at pinagmasdan ito.

"Uhm .. Ma? BLACK NA LANG KASI." sabi ko pero umiling lang si mama.

"Nanghihingi ka ng advice diba? Mothers knows best." Sabi ni mama at saka ako kinindatan.

Kumuha naman siya ng white sandals at saka color black na sling bag. Buti naman at may black.

"Okay na tayo sa damit." Sabi ni mama at lumabas na sa closet ko at humiga naman siya sa kama ko. Ako naman umupo lang sa upuan ko na nakasabit.

"Ah, eto pa. Wag kang magmumura dun April Charm ha! Sinasabi ko talaga sayo. Baka mamaya bigla kang magsabi dun ng punyeta o kaya letche sasapalin talaga kita."

"Eh mama hindi naman po mura yun eh."

"KAHIT NA." Sabi ni mama kaya napatalon na naman ako. Baka bigla na lang ako atakihin sa puso nito dahil kay mama.

"Ano okay na ba?" Tanong sakin ni mama at tumango naman ako.

"Thank you ma." Sabi ko at sinabayan siya sa paglabas ng kwarto ko. Kakain ako nagugutom ako eh.

Nagpunta ako sa dining ar nakita kong ulam yung Batchoy. Waaaah masarap to. 😍

Nagsimula na akong kumain at bigla namang may tumawag sa cellphone ko.

"Hello?" Tanong ko sa caller habang nakaloud speaker. Kumakain kasi ako diba?

"Hi baby girl." Bati sakin ni Edward.

"Sup?" Tanong ko sa kanya.

"8 ako pupunta dyan, okay?" Sabi niya sakin.

"Bakit ang aga?" Tanong ko sa kanya at nagsimula na naman akong kabahan.

"Sabi ni mama para daw makasama ka niya buong araw." Sabi ni Edward at alam ko sa mga panahong 'to nakangiti na siya. Tsk.

"Ahh .. ano, sige. Okay." Sabi ko at nagsimula na namang kumain.

"I cant wait to see you tomorrow." Sabi niya sa kabilang linya.

"Natatakot talaga ako." Bulong ko pero napatakip kaagad ako sa bibig ko. Baka mamaya narinig niya yun.

"Ha?" Tanong niya. Buti naman.

"Sabi ko ako din." Sabi ko.

"Edward kakain na!" Narinig kong sigaw ng babae.

"Sino yun?" Tanong ko kaagad.

"Anak ng kaibigan ni mama. Nandito na kasi ako kila mama para nga sabihin na dadalin kita bukas dito, eto ayaw na kong pauwiin." Pagpapaliwanag niya sakin. Pero hindi pa din ako kampante dun sa anak ng kaibigan ng mama niya.

"Sino ba yang kausap mo Edward? Kakain na." Sabi na naman nung babae kay Edward at naririnig kong malapit siya kay Edward. Baka nga magkatabi na sila ngayon eh.

"Pwede ba sabihin mo sa kanya dumistansya siya sayo." Sabi ko at binabaan na siya.

Nakakaasar ang landi.

Nagpatuloy na lang akong kumain at dumiretso sa kwarto ko at naglinis na at natulog.

It will be a long day tomorrow.

Continue Reading

You'll Also Like

169K 5.1K 88
When Assassins and Modern Royalties study in the same University... Ano kaya ang maaaring mangyari? (featuring EXO members) ☬babaengbully
322K 5.7K 53
6 years later~ I was standing here, feeling the calm wind of this Sunday morning, listening the chirping sounds of the birds. Its been 6 years after...
475K 14.3K 47
Limang batang maagang naulila sa kanilang mga magulang. Dinala sa Bahay Ampunan ng sariling mga kamag-anak. Mga itinuring basura ng lipunan at hinali...
6.5K 628 52
(COMPLETED) Will you ever fall for someone you barely knew? Will you ever consider a stranger as your mighty prince? Lee did. Warning⚠️ Cliché. Kung...