That 0.1% Hope (Completed)

By Chiiimimay

287K 3.4K 390

Minsan natutututo tayong maging manhid dahil na rin sa kagustuhan nating makalimot sa isang bagay na gusto pa... More

Prologue
Hope 1: It Begins Here
Hope 2: Round 1
Hope 3: Mysterious
Hope 4: Unbelievable
Hope 5: She's Back
Hope 6.5: Uh-Oh
Hope 6.5: Uh-Oh (Part 2)
Hope 7: Captured
Hope 8: The Fall
Hope 9: Suffocated
Hope 10: Shut up
Hope 11: Now what?
Hope 12: Highschool Sweetheart?
SPECIAL CHAPTER: Know about US
Hope 13.5: Threatened?
Hope 13.5: Threatened (Part 2)
Hope 14: Hanggang Tingin
Hope 15: Pain in my Heart
Hope 16: Pasulyap Sulyap
Hope 17: Mystery Comeback
Hope 18: Zoe's Long Hair
Hope 19: Give Me a Break
Hope 20.5: The Show Part 1
Hope 20.5: The Show Part Two
Hope 21: Cotton candy
Hope 22: Oxygen
Hope 23: The Brat
Hope 24: There was You
Hope 25: Questions
Hope 26.5: Sembreak
Hope 26.5: Sembreak Part Two
Hope 27: Clue
Hope 28: The Dinner
Hope 29.5: Palawan Escapade
Hope 29.5: Palawan Escapade Part Two
Hope 30: ClyGua??
Hope 31: Let's Talk About Trust
Hope 32: Changes
Hope 33: Symptoms
Hope 34: Brother
Hope 35: Handsome Nerd
Hope 36: Smile ClyGua
Hope 37: We Could Happen
Hope 38: Chinito
Hope 39: Lies
Hope 40: Bonfire
Hope 41: Revelation
Hope 42: Truth Hurts
Special Chapter: Favorite Lines
Hope 43: Slap Twice not Thrice
Hope 44: Denial
Hope 45: Thoughts
Hope 46: Count on Me
Hope 47: Ironic Life
Hope 48: Ex
Hope 49: I'm Jealous
Hope 50: Victims
Hope 51: Flowers
Hope 52: An Order
Hope 53: Confrontation Part 1
Hope 54: Surprise
Hope 55: To Fight or Not to Fight
Hope 56: You and Me
Hope 57: Emotion Blasts
Hope 58: My Life
Hope 59: Shout Out
Hope 60: Regrets
SPECIAL CHAPTER:
Hope 61: Uncover the Truth
Hope 62: Risk
Hope 63: Space
Hope 64: That Pain
Hope 65: Falling Hope
Hope 66: Almost Giving Up
Hope 67: I'm Happy I guess
Hope 68: Mask
Hope 69: Kiss
Special chapter/Announcement
Author's Note
Epilogue of the Epilogue
Echos but Must Read ( Stairway to Book 2)
Teasers for THE BITTER NUMB
Must Be READ
Special Request
Special Chapter: My Rival Ghost (ClyGua)
Special Chapter: My Rival Ghost (Part 2)
Special Chapter: My Rival Ghost (Last Part)
Game!
Appreciation

Hope 70: The End

1.9K 21 19
By Chiiimimay

PAUL's POV

The painful part of being inlove is the fact that you need to be happy for the one you love even if it means that person will never be yours again. 

Nakita ko kung paano bumalatay ang sakit sa mata ng kakambal ko. 

As much as possible I don't want to see that pain.

Pero matigas din kasi ang ulo niya. 

Nasasaktan na siya pero patuloy niya pa ding tinitingnan.

Pira-piraso na siya pero patuloy pa din siyang ngumingiti. 

At pinipilit pa din niyang lumaban. 

Ilang beses na naming sinabi sa kanya na tama na. 

Tama na ang pagpapakatanga niya kay Harry. 

Pero hindi talaga siya nakikinig. 

Kapag pala ang isang tao ay bulag na sa pag-ibig na nararamdaman niya, wala na siyang papakinggan kundi ang tinitibok ng puso niya. 

Kahit pa ibig sabihin nun ay patuloy siyang masasaktan.

"Kuya.." 

Nilingon ko ang tumawag sa akin ng Kuya to find out that it was Yumi.

"Nandito ka pala." 

"Kasama ko si Lyndon. Kanina pa niya pinagmamasdan si Zoe." 

"It's Ate. Kailan mo ba matatanggap na kapatid natin siya?"

"We can do this conversation later. Ang mahalaga ay masundan natin siya bago pa siya tuluyang mawala sa sarili niya."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"I saw Zoe running over there at sa tingin ko susundan siya ni Harry."

"Alam mo masokista ka din eh. Pareho kayong dalawa ng ate mo. Ang sakit niyo sa ulo." 

She just rolled her eyes. 

Alam na niya ang ibig kong sabihin.

It doesn't really matter right now. 

Kailangan naming iligtas si Zoe. 

Iligtas sa maraming sakit na pwede pa niyang maramdaman.

Nakita namin siya sa isang resto bar na nadaanan namin. 

She's there in the middle of the stage.

"Kuya, naiinis ako sa kanya pero sa pagkakataong ito hindi ko maramdaman ang inis na iyon. Naaawa ako sa kanya." 

"It's simply because pareho kayo. You keep on fighting for the person who can't love you back."

"Tama ka. Ganyan pala ako katanga. Hindi mo maaamin sa sarili mo ang katangahang iyon kung hindi mo nakikita sa taong hindi mo akalaing makakaranas nito." 

"She needs us. Hindi madali ang pinagdadaanan niya."

"Mahirap naman talaga Kuya. Masakit pa. Kakalimutan mo kung sino ka para lang maipaglaban ang nararamdaman mo." 

"Hindi ko kayo maintindihan." 

"Maintindihan mo din kapag nagmahal ka." 

"Kung ganyan kasakit ang magmahal huwag na lang." 

"Then you're gonna miss the chance of being happy." 

"Sis let's go home." -- Yumi

Pero hindi niya kami pinansin bagkus sinabi niya sa amin na kung mahal namin siya ay hayaan na lang namin muna siya sa knayang ginagawa, 

She started singing.

Yung kantang iyon.

Parang sinadyang gawin para sa kanya. 

Masokista talaga.  Gusto pa din niyang manatiling kaibigan si Harry sa kabila ng lahat. 

"Stop this Zoe."

Pero nagpatuloy lang siya sa pagkanta habang tumutulo ang luha niya. 

Nakita kong nakatingin sa kanya si Harry sa isang tabi. 

Gusto ko siyang suntukin dahil sa pananakit niya sa kapatid ko na wala naman ginawang masama sa kanya pero patuloy niyang sinasaktan. 

Patuloy na pinahihirapan. 

Patuloy na pinaaasa sa isang bagay na alam kong hindi na niya kayang ibigay ng buo sa kapatid ko. 

Kaibigan ko siya pero hindi ibig sabihin nun ay kukunsitihin ko siya sa mga bagay na ikasasakit ng taong importante sa akin. 

Ni hindi ko alam ang dahilan bakit siya nakipaghiwalay sa kapatid ko. 

Wala naman siyang konkretong dahilan para gawin iyon. 

I remember that certain day na nasa peligro ang buhay ni Zoe.

Nangako siya sa akin na kahit anong mangyari ay hindi niya hahayaang bumagsak na lang si Zoe. 

Na kahit anong bagsak nito ay sasaluhin niya pa din. 

Mukhang malabo nang mangyari ang bagay na iyon.

Dahil ang taong dahilan kung bakit nakaahon si Zoe ay siyang dahilan kung bakit ganyan na siya ngayon.

She's hurting too much at wala akong magawa. 

Nangyari na din ang ganito dati.

When Yumi fell in love with Lyndon.

And Lyndon chose to break her heart.

Akma namin siyang lalapitan matapos niyang kumanta pero dagli siyang hinanglit ni Harry.

"Saan mo dadalhin ang kapatid ko?" -- tanong ko kay Harry habang pinipigilan ko siya sa braso.

"Mag-uusap lang kami."-- Harry.

"Tama na Harry. Kotang kota na. Tama na pwede?" 

"Aalis na kami."

"Saan mo ba dadalhin ang kapatid namin? Hindi pa ba sapat na sinaktan mo siya? Papaasahin mo na naman siya sa bagay na hindi mo naman kayang ibigay sa kanya?" -- Yumi

"Hindi ko siya pinaasa Yumi." 

"Eh ano lang pala? Ipinakita mo sa kanya na gagawin mo ang lahat para sa kanya. Na handa mong ibuwis ang buhay mo para lang mailigtas siya noon and then ngayon ikaw itong unti-unting pumapatay sa kanya?"

"Wala nang saysay na sisihin niyo ako ngayon. Hindi ko ginusto kailanman na masaktan ko ang kapatid niyo." 

"Hindi mo ginusto pero ginagawa mo. Hindi ka pa nakuntento eh, sana hindi mo na lang siya ininvite pa sa party mo. Hindi ganun kadaling makalimot Harry. Alam kong alam na alam mo iyan. Hanga nga ako sayo eh. Niloko ka ni Sharie. Iniwan ka niya noong panahong mahal na mahal mo siya at ipinagpalit ka sa iba. Sinaktan ka niya nung umalis siya. Nung may isang taong nag-ahon sayo sa lungkot na dulot niya bigla siyang dumating at ikaw naman, agad mo nang kinalimutan ang ginawa niya sayo. Napakaselfish mo Harry. Sarili mo lang iniisip mo. Magiging masaya ka ba kung may isang taong nasasaktan sa ginagawa mo?" 

"Hindi ako makasarili Yumi. Hayaan niyo nang makapag-usap kami. Gagawin ko ang lahat para hindi na siya masaktan pa lalo."

"Tama na Harry. Tama na. Iuuwi na namin si Ate." 

Inagaw namin siya pero pinigilan kami ni Zoe.

"Hayaan niyo na makapag-usap kami please."

Nagkatinginan kami ni Yumi. 

"Zoe.. tama na. Hindi ka pa ba napapagod?" 

"Kuya please. Last na ito. Hayaan niyo na muna ako.," 

At tumalikod na sila sa amin. 

Hindi na namin siya napigilan pa. 

"Ang taong labis na nasasaktan, umaasa pa din hanggang sa madurog pa siya ng lubusan." 

"When you love Kuya, malalaman mo kung bakit ang daming tanga. At kapag nangyari yun, i will welcome you with open arms sa club naming dalawa."

"Asa ka pa. I'm not into that kind of pain. Tama na dalawa kayong nandoon sa club na iyon." 

"Halika na Kuya. Kailangan nating umuwi para may datnan si Ate Zoe sa bahay." 

"Tanggap mo na siya?" 

"Wala naman akong choice kundi tanggapin siya. At isa pa, isasantabi ko na muna ang alitan naming dalawa. Kasi ako napagdaanan ko na ang ganyan. Mahirap kapag ikaw lang mag-isa. Nakakaawa naman kasi siya. Iniwanan na nga, iiwanan pa ba nang taong dapat unang umiintindi sa kanya?"

Sa kabila ng pag-aalala ko kay Zoe ay hindi ko napigilang hindi ngumiti sa mga tinuran ni Yumi. 

I know deep inside her heart ay naroon ang pagmamahal at pagkasabik na magkaroon ng isang ate na pwede mong sandalan sa iba't ibang pagkakataon.

Time will come, maghihilom din ang mga sugat sa puso nila at baka maging masaya pa kami na magkakasamang tatlo.

Pero iyon ay kapag natapos na ang lahat ng unos sa buhay ni Zoe.

Nagpasya na kaming umuwi ni Yumi sa bahay namin ni Zoe para hintayin siya doon and to our surprise naroon din ang iba naming kaibigan. 

"Si Zoe???" -- Zhy, Crein, Clyde

Nagkatinginan kami ni Yumi. Hindi namin alam kung anong isasagot namin sa kanila. 

"Sa mga oras na ito, kasama niya ang taong unti-unting papatay sa kanya.," 

Sabay-sabay naming nilingon ang nagsalita. 

Si Lyndon. 

"What do you mean?" -- Zhy

"Kasama niya si Harry.Nakita ko silang sakay sa isang kotse." 

"Saan sila nagpunta?" 

"Hayaan na muna natin silang magkausap." -- wika ko

"Tahimik na sumunod na lang sila sa amin papasok sa loob. 

Hindi ko man alam kung ano ang posibleng mangyari sa paghaharap nila ni Harry pero ang kailangang ibigay namin ang hinihingi niya. 

Baka sakali ito na yung daan para matauhan siya sa katotohanang nas harapan niya. 

Ang katotohanang wala na sila ni Harry. 

Na tama na ang pag-asa sa wala. 

Na kailangan na niyang pakawalan ang nararamdaman niya dahil alam ko na mas magbibigay pa din iyon ng masasakit na pangyayari sa buhay niya. 

HARRY's POV

Ilang sandali ding magkalapat ang labi namin. 

Naramdaman ko ang mainit na likido na bumagsak sa mga kamay kong nakahawak sa mukha niya.

Nang maghiwalay kami ay nakita ko ang sakit na nakabalatay sa mukha niya. 

"Zoe, why are you hurting yourself?" 

"Because I love you." 

Simple lang ang sagot niya pero tagos sa puso. 

Niyakap ko siya. 

Gusto kong bumalik ang lahat ng pakiramdam ko noong mga panahong kasama ko siya. 

"Stop hurting yourself Babae." 

"Kapag ginawa ko iyon, para mo na ding sinabing tumigil na ako ng pagmamahal sa'yo." 

"Huwag mong gawin ito. Huwag mong pahirapan ang sarili mo." 

"Anong nangyari sa atin lalaki? Bakit dumating tayo sa ganitong sitwasyon. Akala ko kasi noong hawakan mo ako, hindi mo na ako bibitawan pa. Pero bakit bumalik lang siya, iniwan mo na ako." 

"Minsan kailangang bumitaw para hindi na mas masaktan. Minsan kailangan ng tapusin para wala ng mahirapan pa. Magkaaway ang pamilya natin. Sa tingin mo ba gugustuhin ng parehong angkan na magkatuluyan tayo?" 

"Wala akong pakialam sa kanila. Hindi naman tayo damay sa alitan nila eh. Hindi naman tayo kasama sa kung anuman ang nangyari noon. Bakit kailangang tayo ang magsakripisyo? Bakit kailangang tayo ang magdusa?" 

"Shhhh. Stop it. Pwede bang ganito muna tayo?"

Niyakap ko siya habang nakasandal kami sa kama. 

Naririnig ko ang tibok ng puso niya. 

Nararamdaman ko ang pamamasa ng pisngi niya. 

Iniharap ko siya sa akin at pinunasan ang mga mata niya. 

Ang babaeng ito. 

Tama bang iwan ko na lang siya dahil bumalik na si Sharie? 

Nang marinig ko ang mga sinabi niya kanina sa bar, bigla akong nakaramdam ng pagkalito. 

Nang makita ko kung gaano siya nasasaktan, bigla din akong nasaktan. 

Mali pala. 

Nakaramdam ako ng guilt. 

Payat na siya dati pa pero mas lalo pa yata siyang pumayat.

Nalaman ko na mas dinagdagan pa niya ang kanyang mga units. 

She even stressed herself sa mga kung ano-anong gawain para lang makalimutan ako. 

I never thought na magkakaganito siya at mahihirapan siyang pakawalan ako. 

Hindi pa naman ganun kalalim ang pinagsamahan namin at hindi ko lalo alam na masasaktan ko siya ng todo. 

Bakas sa mukha niya ang mga luha. 

Hapis ang mukha niya. 

Hindi na siya dapat pang masaktan.

"Harry.. Mahal kita. Huwag mo na akong iiwan ha?" 

I look at her. 

Nakatulog na siya pero iyon pa din ang nasa isip niya. 

Iyon pa din ang sinasabi niya.

ZOE's POV

He kissed me.

Nagulat ako nang bigla niya akong hinigit sa stage ng isang bar kung saan ako kumanta.

Mas lalo naman akong nagulat nang maramdaman kong nakalapat sa labi ko ang mga labi niya. 

At ngayon ay yakap yakap niya ulit ako. 

Ayokong matulog kasi baka paggising ko wala na siya. 

Baka magising ako na panaginip lang pala ang lahat. 

Ayoko na munang mag-isip ng iba. 

Nanamnamin ko na muna ang mga sandaling ito. 

Kung ito man ang huling beses na makakasama ko siya at mayayakap ng ganito, wala na akong pakialam. 

Nakainom ako pero malinaw pa din naman ang isip ko. 

Gusto kong itanong sa kanya kung bakit niya ako isinama dito gayung engaged na sila ni Sharie. 

Pero kapag kasi mahal mo ang kasama mo, hindi mo na maiisip ang mga bagay bagay na posibleng makasakit sayo. 

Kaya ayoko na muna isipin ang maaaring mangyari kung sakaling malaman nila na magkasama kami ngayon. 

Ayoko man matulog pero tila hinihigop ako ng antok sa isang lugar na hindi ko maarok.

Naramdamam ko ang madahang paghaplos niya sa pisngi ko. 

Gusto kong imulat ang mga mata ko pero natatakot akong hindi siya ang gumagawa ng bagay na iyon. 

Natatakot akong wala siya at panaginip lang ang lahat. 

"Forget me Zoe. Huwag mo nang pahirapan pa ang sarili mo." 

Ang boses na iyon, kilalang kilala ko iyon. 

Ang boses na iyon ang hinahanap ng pandinig ko matagal ng panahon. 

Gusto kong naririnig ang boses niya na paulit-ulit na sinasabi niyang mahal niya ako. 

"Gusto kong sumaya ka Zoe. Pero hindi ka sasaya sa akin."

Hindi ko na kayang pigilan ang mga luhang nais kumawala sa mga mata ko. 

Iminulat ko ang mga ito at hinarap si Harry.

"A..Alam mo ba k..kung gaano kasakit marinig sa labi ng mahal mo na kalimutan mo na siya?"

Napatungo siya at malungkot na tumango. 

"Alam mo naman palang masakit pero bakit patuloy mong ginagawa sa akin?"

"Zoe listen to me..."

"NO! YOU LISTEN TO ME." 

"Hindi tayo pwede."

"Dahil kay Sharie? Dahil hindi mo kayang palitan si Sharie sa puso mo? Nagawa ko naman makapasok sa puso mo ah. Pero bakit pinaalis mo agad ako? Bakit?"

"Wala namang saysay na manatili ka pa sa puso ko lalo na kung hindi na tama ang nararamdaman mo." 

"At anong tama? Ang saktan ako? Minahal mo ba talaga ako?" 

"Minahal kita. Alam kong alam mo iyan." 

"Kung mahal mo ako, bakit mo ako sinasaktan ng ganito?" 

"Hindi lahat ng mahal, hindi pwedeng saktan." 

"Mahal mo nga eh, bakit kailangan mong saktan?" 

"Hindi ko maiiwasang hindi ka masaktan!"

"Kaya mo. Hindi ba ikaw ang nangako na kahit anong mangyari sasaluhin at sasaluhin mo ako? Hindi ba ikaw ang naglayo sa akin mula sa mga taong gusto akong saktan? Hindi ba ikaw ang tagapagligtas ko? Pero bakit ngayon ikaw na ang nangunguna na pasakitan ako?" 

"Zoe stop. Isinama kita dito dahil gusto ko makapag-usap na tayo ng ayos at magsimula ka nang lumakad palayo sa akin." 

"Sa tingin mo Harry, paano ako magsisimulang lumakad palayo kung naiwan sayo ang pinakamahalagang dapat dalhin ko?"

"Makakalimutan mo din ako."

"Siguro nga. Makakalimutan kita kapag nawala ako sa mundo."

"Zoe! Ano bang sinasabi mo??" 

"Hindi mo ba alam kung gaano kasakit marinig mula sa taong mahal mo na iba na ang mahal niya? Noon, ang saya saya ko. Ang saya saya ko kasi napakadamot mo pagdating sa akin. Pero bakit ngayon iba na ang inaangkin mo?"

"Lahat nang bagay nagbabago. Wala namang permanente sa mundo. Kahit ang pagmamahal nagbabago." 

"Sabihin mo sa akin kung anong dapat kong gawin para bumalik ka sa akin."

"Wala kang dapat gawin. Hindi ako bagay sayo." 

"Bakit ba lagi na lang iyan ang sinasabi mo? Dahil Ricaforte ako at Monteverde ka? Ano ba talagang dahilan mo? "

"Please Zoe, pakawalan mo na ako." 

"Hayaan mo na lang na mahalin kita." 

"Noon, akala ko kapag naging magkaibigan pa din tayo, magiging maayos ka. Akala ko na kapag nagpatuloy ang komunikasyon natin, magiging okay ka. Pero mali ako. Kasi akala mo may pag-asa pa tayo. Kasi akala mo gaya pa din tayo nang dati. Zoe wala nang tayo. Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo at makita ang sakit na nasa mga mata mo. Ilang beses ko pa ba dapat ipakita sayo na wala na si Babae at Lalaki. Huwag ka namang magbulag-bulagan sa katotohanan." 

"Napakadali sayong sabihin na kalimutan kita. Kung ang paglimot at pagmove on ay kasindali lang ng pagsasabi ng mga katagang kalimutan ka, unang beses mo pa lang na sinabi sakin, ginawa ko na. Sinubukan ko Harry. Pinilit kong kalimutan ka. Pero bawat araw na pinipilit kong mabuhay ng walang ikaw, unti-unti akong pinapatay. Hindi mo alam kung gaano ko kagustong kalimutan ka para hindi ka na makaramdam ng guilt sa paghihiwalay natin, pero alam mo ba kung gaano kahirap? Yung gigising ka sa umaga na akala ko may babati sayo ng good morning at aalalahanin ka. Yung matutulog kang boses mo ang huli kong naririnig. Yung magluluto ako pero iiwasan kong lutuin ang mga pagkain gusto mo. Na sa bawat sulok na puntahan ko, ikaw, ikaw ang nakikita ko. Na sa bawat araw na magdaan, akala ko masasanay ako na wala ang presensya mo. Pero isang malaking kalokohan iyon. Kahit kailan, hindi na ako masasanay na wala ka na. Kasi ikaw na ang buhay ko eh. Kung kaya ko lang kalimutan ka, ginawa ko na para hindi na ako nasasaktan." 

"Kung matatanggap mo lang ang katotohanan Zoe, hindi ka mahihirapan." 

"Katotohanan?"

"Ang katotohanang tapos na tayo. Hindi na ako ang lalaking may buhok na pinatungan ng ulo ni Babaeng Kawayan. Natuldukan na ang kwentong iyon. May wakas na ang kwento nina Babae at Lalaki."

"Mahal na mahal kita Harry." 

"Mahal din naman kita." 

"Pero bakit kailangan mo nga akong iwan? Bakit kailangang maghiwalay tayo." 

"Dahil hindi na kita kayang mahalin ng gaya ng pagmamahal mo sa akin. Hindi ko kayang pantayan ang pagmamahal mo para sa akin. Dahil sa iba ko na ibinigay ang puso kong kayang magmahal gaya ng pagmamahal mo." 

"Pero mahal mo ako. Iyon naman ang mahalaga. Mahal kita. Mahal mo ako." 

"Hindi ka ba nakikinig? Mahal kita pero may mas mahal ako. Buksan mo nga ang isip mo. Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Ayoko na sa ating dalawa. Wala nang tayo. Tama na Zoe. Tumigil ka na. Hindi ka magiging masaya kung patuloy mong babalikan ang mga pangako ko."

"Pero nangako ka nga. Sabi mo tayo. Sabi mo hahawakan mo ako hanggat kaya mo." 

"Bumitaw na ako matagal na kaya bumitaw ka na din."

"P..pero pwede pa din naman tayong maging magkaibigan di ba?" 

"Akala ko din pwede. Pero sa nakikita ko hindi makakatulong sayo ang maging magkaibigan pa tayo." 

"Ayokong saktan ka ng paulit-ulit pero ikaw mismo ayaw mong kumawala sa sakit na ibinibigay ko. Dapat magalit ka sa akin. Dapat isumpa mo ako dahil sinasaktan kita. Dapat hindi mo na ako minamahal pa." 

"Umasa ako na kaya mo pang ibalik ang nararamdaman mo para sa akin. Kasi alam ko.. alam ko nag-aalala ka pa din sa akin. Alam ko mahalaga pa din ako sayo." 

"Huwag mong hintaying kalimutan kong minahal kita." 

"Nagsisisi ka ba na nakilala mo pa ako at minahal?" 

"Huwag na nating gawing kumplikado ang lahat Zoe. Huwag na nating hintayin na dumating sa puntong sana hindi na lang nagtagpo ang landas nating dalawa." 

Masasakit ang binibitiwang salita ni Harry sa akin. 

Malinaw kong naririnig lahat ng mga sinasabi niya pero ayaw tanggapin ng puso ko ang lahat ng lumalabas sa mga labi niya. 

Ayaw tanggapin ng puso ko na wala na kami. 

Na tapos na ang lahat sa amin.

Na dapat ko na siyang kalimutan.

"H..hayaan mo na lang ako na mahalin ka." 

"Ayoko." 

"P..pero Harry." 

"Ayokong mabuhay ka na lang sa anino ko. Ayokong hintayin mo pa ako. Wala ka nang aasahan sa akin. Isang araw itatakda na din ang kasal namin ni Sharie"

"K..kapag naikasal na kayong dalawa, saka ako titigil ng pagmamahal sayo." 

"Ang tigas ng ulo mo. Kalimutan mo na ako. Puputulin ko na ang anumang koneksyon ko sayo. Hindi na ako magpaparamdam sayo para madali mo akong makalimutan."

"Hindi mo gagawin iyan." 

"Gagawin ko Zoe. At sa puntong ito, wala ka nang magagawa."

Napatungo na lang ako. 

"Lahat na lang nang mahalin ko, iniiwan ako. Lahat na lang."

"Isang araw, makakalimutan mo din ako." 

Ngumiti ako ng mapait. 

Alam kong hindi na darating ang araw na iyon. 

"Kung iyon din lang naman ang balak mo, iwan mo na ako dito."

"Z..Zoe.."

"Sige na. Iwan mo na ako. Umalis ka na." 

"Pero..."

"Hindi ba't wala ka nang pakialam pa sa akin? Kaya umalis ka na. Umalis ka na!" 

Nang makita kong hindi siya kumikilos, ako ang tumayo.

"Kung ayaw mong umalis, ako na lang ang aalis. Mahal kita Harry. Minamahal pa din kita kahit ang sakit sakit na."

"Ihahatid kita." 

"Hindi ba wala ka na ngang pakialam?? hayaan mo na ako. Hayaan mo na ako!"

At kahit hindi ko alam kung paano pa ako makakauwi, lumabas ako ng lugar na iyon. 

Gusto kong lumingon at lumuhod sa harapan niya para bumalik siya sa akin. 

"Zoe!!" 

Naririnig ko ang tawag niya pero nabibingi na ako sa pagwawala ng puso ko. 

Durog na durog na ito. 

Im hurting like hell.

No one can ever understand why Im hurting like this.

Paulit ulit na lang.

Paulit ulit na lang akong naiiwang magisa.

And this pain is different, seems i can't bear it anymore. It kills me inside and out.

Yes I do understand the reason why but the fact the Im so left out, Im alone, Im miserable, and no one dares to fight for me adds more pain.

I give and give all my life but i just take a piece of happiness and after some months, I was left alone. I always thought of others but how come no one thought of how miserable i could be. Wala nga bang mababago?

Why it is so easy for people to let me go?

The fact that you're not mine, it changes everything.

A friend?

A companion?

A bestfriend?

How painful it was for me..

This is really the most painful part of loving a bestfriend. 

And the most painful SORRY I ever heard, is from you walking away from my life.

I just realized now I am the one just holding on to what you have said. That "we will make things easier together and no matter what struggles we're going through as long as we're together, kakayanin natin". 

Ako na lang. 

Aasa pa ba ako? 

O tatapusin ko na ang paghihirap ko?

Masyado nang masakit. 

Malalim na ang sugat na kahit anong ointment hindi na mawawala. 

Ganito ba talaga kasakit ang pagmamahal? 

Dahil kung ganito din lang naman, sana hindi na ako makaramdam. 

Mas gusto ko na lang maging manhid. 

Suko na ba talaga ako? 

--THE END--

A/N: 

Last chapter na ito :'(

Pero charot lang po yung the end :)) 

May EPILOGUE pa po. ^______^

Yung video ng kiss ni Zoe at Harry ipopost ko :) 

Hope you like this UPDATE. 

Thanks so much! 

Happy mother's day po. 

Lovelots, 

--CHIMIMAY

      

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
21M 514K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]