Flipped

By isebucoporsale

35 5 0

Happy people go to a happy place to be happier. and sad people go to a happy place to be happy. but Aera see... More

Chapter 2
Chapter 3

Chapter 1

22 2 0
By isebucoporsale

Aera's POV

"Class, what is your biggest fear?" Ma'am Jin asked, esp teacher namin.

Few people raised their hands.

"Heira?" Tawag ni ma'am.

"I have fear of heights, ma'am." Sabi niya.

"Stupid." Ma'am Jin said.

Oo, tama kayo ng nabasa. Esp teacher siya but she calls her students stupid. How ironic, right?

"M-ma'am?"

"Ang sabi ko, biggest fear, Miss Heira" seryosong sabi ni ma'am.

"T-that is my biggest fear, m-ma'am."

"Stand up." Ma'am Jin said. Sumunod naman agad si Heira. "Look outside the window, now" she added.

Nag alinlangan pa si Heira nung una pero nung akmang lalapitan siya ni Ma'am Jin ay sumunod din siya.

Pumunta siya sa isang bintana kung saan makikita na ang buong campus dahil nasa 4th floor kami. Dumungaw siya.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang mga kaklase kong puno din ng pagtataka ang mga mata.

Lumapit si Ma'am Jin kay Heira.

"Ituro mo sakin kung nasaan ang gate ng school." Utos niya.

"There, M-ma'am" turo niya sa gate.

"Very good. Now tell me what floor this room is located."

"4th floor, Ma'am Jin." Sabi ni Heira.

Unti unting nagkakaroon ng liwanag sa mga utak ko pero tila ba naguguluhan pa din ako.

"Are you still alive?" Tanong ni maam habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Heira.

"Obviously, Ma'am."

"Are you having suicidal thoughts right now?"

"N-no maam." 

"Then why the heck did you tell me that your biggest fear is heights? Ano, mema sagot lang? Makapagrecite lang?" Natahimik pa lalo si Heira. "Sitdown." Utos ni Maam Jin.

"Miss Aera, stand up." Tawag sakin ni Maam Jin.

Nagulat ako pero tumayo naman ako agad.

"Eto, parang walang kinatatakutan 'tong batang 'to eh. Laging masaya. Laging nakangiti. Laging tumatawa." Sabi niya sakin na siya namang ikinangiti ko ng bahagya. "Same question." Sabi pa nito.

"M-my biggest fear is being unhappy. I don't wanna be unhappy, Ma'am. Gaya ng sabi niyo, I'm always happy. Natatakot ako na baka one day, maging negative na tao nalang ako bigla. Natatakot akong baka one day, madepress ako. Iniisip ko pa lang na umiiyak ako, pakiramdam ko pinapatay na ako eh." Sabi ko.

"Tss, praning." Sabi ni Maam.

What? Hindi naman kaya! Nakakatakot naman kaya talaga huhu.

"Class, may mga bagay tayong kinatatakutan na hindi naman dapat...at may mga bagay na akala natin takot tayo, hindi pala." Sabi ni Ma'am Jin habang pumupunta sa harap ng klase. "Dilim. Sino sainyo ang takot sa dilim noong bata kayo?" Tanong pa nito.

Halos lahat kami ay nagsitaasan ng kamay.

"Hanggang ngayon ba takot pa din kayo?"

Nag-ilingan kami.

"Dahil narealize niyo na hindi naman talaga dapat. Na sila  white lady,black lady at taong pugot ang ulo ay kathang isip lamang. Natatakot tayong hilahin nila ang mga paa na'ting lagpas sa kumot na nakataklob satin pero ang totoo, tinatakot lamang natin ang mga sarili natin."

"Ang kinatatakutan ni Aera ay maihahalintulad sa mga multong kinatatakutan niyo noon. Tinatakot niya lamang ang sarili niya."

K i n i k i l a b u t a n   a k o .

"Gaya ng sabi ko, may mga bagay na hindi naman dapat natin kinatatakutan. Isa doon ang pagiging malungkot dahil being sad is inevitable."

...

"Sa dulo ng kalungkutang iyong kinatatakutan ay isang bahagharing matatanaw. Kahit gaano pa kalalim ang kalungkutang iyong mararamdaman, magiging masaya at masaya ka." Sabi ni Maam Jin habang inaayos ang kanyang mga gamit.

"Always remember these capitalized words I'm going to write on the board" she said then she started writing.

"Class dismissed." Sabi pa nito at tuluyang lumabas.

Nagtawanan ang mga kaklase ko habang binabasa ang nakasulat sa board.

'WALANG FOREVER!'

"Ibang klase talaga si Maam!" Sabi ni Ven, bestfriend ko.

"Hahahaha, oo nga eh." Sabi ko.

"Mahal ko na siya!" Sabi niya at biglang tumawa.

Napatawa naman din ako ng bahagya.

Habang nag aayos ako ng mga gamit ko ay nag uusap kami ni Ven tungkol sa gala namin bukas. Pupunta kasi kaming Enchanted Kingdom bukas.

"Aerabebs, uwi na ako. Maglilinis kasi ako ng kwarto, malay mo bigyan pa ako ni mader ng extra money diba?" Sabi ni Ven.

"Hahahaha, baliw ka talaga, Venice." Sabi ko.

"Sige na bye na, bessywaps!" Paalam niya.

"Byeeee" then i gave her a smile.

-

"Naaay, I'm home!"

"Hi baby!" Nanay said.

"Sobrang tiring ng day na'to, Nay huhu." Kwento ko kay Nanay.

Napahinto sa ginagawa niya si nanay.

Oh no.

"TATAAAAAAY!!!!! EMERGENCY!!!!!!" Nanay Shouted.

Dali daling bumaba si tatay. Napapoker face nalang ako.

Brace yourselves, the worst is yet to come.

Pagkababa ni tatay, nagtalikuran agad sila ni nanay na para bang secret agents. Ginawa din nilang baril ang mga kamay nila.

"Handa ka na ba, nanay?" Tanong ni tatay.

"I was boooorn ready, tatay!" Sagot ni nanay.

"Baby! Anong isda ang marunong bumaril?" Tanong ni tatay.

"Hayy nako, tatay! Ano nanaman yan?"

"Pating,ting,ting,ting!" So binitaw na nga ng tatay ko ang pinakacorny na joke.

Pero kailangan kong tumawa para magsitigil sila. Dahil kung di pa ako tatawa, susunod naman ang mas corny, si nanay.

"Hahahahahahhahahahahaha!" Pekeng tawa ko.

Nagtawanan din sila nanay at tatay.

"Did we make our princess happy?" Tanong ni nanay.

"Ofcourse nanay, as always!"

And then we did a group hug.

Oo, ganito dito sa amin. Bawal maging malungkot...dahil makakarinig ka ng corny na joke.

My tatay is an engineer while my nanay owns a famous clothing brand; 'Ae Farah'. Pero kahit na ganun, we still have time to bond. Wala na akong hahanapin pa pagdating sa pamilya ko. (Though madalas mukha kaming tanga kasi mas isip bata pa ang mga magulang ko sakin pero keri na.)

"Nay, matutulog na po ako. Maaga po kasi kami ni Venice bukas." Paalam ko kay nanay.

"Okay baby. Kiss!" Sabi ni nanay. Pumunta ako kay nanay at tatay at hinalikan na silang dalawa sa pisngi.

"Goodnight, My Princess!" Bati ni tatay.

"Goodnight, handsome!" Bola ko kay tatay.

"Yan naman talaga ang gusto ko sayo, anak! Nanay, bigyan ng 10k si baby pang-EK!" Sabi ni tatay ba siya namang kinatawa namin ni nanay.

"Osya sige na anak, tulog na. Mag enjoy ka bukas, okay?" Sabi ni nanay.

"Opo, nay. Goodnight!" Sabi ko tsaka umakyat sa kwarto ko.

Dumiretso agad ako sa cr ng kwarto ko para maglinis ng katawan. Ginawa ko na din ang skin care routines ko at tsaka natulog.

Kakaiba yung excitement na nararamdaman ko. Yeah,I know given na yon na maeexcite ako kasi pupunta ako ng EK pero ewan. Parang feeling ko bukas ang best day of my life ko. Hahaha, baliw na ako.

Goodnight, Aera.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...