Chapter 1

22 2 0
                                    

Aera's POV

"Class, what is your biggest fear?" Ma'am Jin asked, esp teacher namin.

Few people raised their hands.

"Heira?" Tawag ni ma'am.

"I have fear of heights, ma'am." Sabi niya.

"Stupid." Ma'am Jin said.

Oo, tama kayo ng nabasa. Esp teacher siya but she calls her students stupid. How ironic, right?

"M-ma'am?"

"Ang sabi ko, biggest fear, Miss Heira" seryosong sabi ni ma'am.

"T-that is my biggest fear, m-ma'am."

"Stand up." Ma'am Jin said. Sumunod naman agad si Heira. "Look outside the window, now" she added.

Nag alinlangan pa si Heira nung una pero nung akmang lalapitan siya ni Ma'am Jin ay sumunod din siya.

Pumunta siya sa isang bintana kung saan makikita na ang buong campus dahil nasa 4th floor kami. Dumungaw siya.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang mga kaklase kong puno din ng pagtataka ang mga mata.

Lumapit si Ma'am Jin kay Heira.

"Ituro mo sakin kung nasaan ang gate ng school." Utos niya.

"There, M-ma'am" turo niya sa gate.

"Very good. Now tell me what floor this room is located."

"4th floor, Ma'am Jin." Sabi ni Heira.

Unti unting nagkakaroon ng liwanag sa mga utak ko pero tila ba naguguluhan pa din ako.

"Are you still alive?" Tanong ni maam habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Heira.

"Obviously, Ma'am."

"Are you having suicidal thoughts right now?"

"N-no maam." 

"Then why the heck did you tell me that your biggest fear is heights? Ano, mema sagot lang? Makapagrecite lang?" Natahimik pa lalo si Heira. "Sitdown." Utos ni Maam Jin.

"Miss Aera, stand up." Tawag sakin ni Maam Jin.

Nagulat ako pero tumayo naman ako agad.

"Eto, parang walang kinatatakutan 'tong batang 'to eh. Laging masaya. Laging nakangiti. Laging tumatawa." Sabi niya sakin na siya namang ikinangiti ko ng bahagya. "Same question." Sabi pa nito.

"M-my biggest fear is being unhappy. I don't wanna be unhappy, Ma'am. Gaya ng sabi niyo, I'm always happy. Natatakot ako na baka one day, maging negative na tao nalang ako bigla. Natatakot akong baka one day, madepress ako. Iniisip ko pa lang na umiiyak ako, pakiramdam ko pinapatay na ako eh." Sabi ko.

"Tss, praning." Sabi ni Maam.

What? Hindi naman kaya! Nakakatakot naman kaya talaga huhu.

"Class, may mga bagay tayong kinatatakutan na hindi naman dapat...at may mga bagay na akala natin takot tayo, hindi pala." Sabi ni Ma'am Jin habang pumupunta sa harap ng klase. "Dilim. Sino sainyo ang takot sa dilim noong bata kayo?" Tanong pa nito.

Halos lahat kami ay nagsitaasan ng kamay.

"Hanggang ngayon ba takot pa din kayo?"

Nag-ilingan kami.

"Dahil narealize niyo na hindi naman talaga dapat. Na sila  white lady,black lady at taong pugot ang ulo ay kathang isip lamang. Natatakot tayong hilahin nila ang mga paa na'ting lagpas sa kumot na nakataklob satin pero ang totoo, tinatakot lamang natin ang mga sarili natin."

FlippedWhere stories live. Discover now