Undeniable Feelings

By JheangLiit

46K 1.1K 202

"Opposite do attracts ika nga. Pero maniniwala ka ba kung ang magkaparehas ay ma-attract sa isa't isa?" More

Let's Stop, To Begin
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine.
Chapter Ten.
Chapter Eleven.
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen.
Chapter Fifteen.
Chapter Sixteen.
Chapter Seventeen.
Chapter Eighteen.
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One.
Chapter Twenty Two.
Chapter Twenty Three.
Chapter Twenty Four.
Chapter Twenty Five.
Chapter Twenty Six.
Chapter Twenty Seven.
Chapter Twenty Eight.
Chapter Twenty Nine.
Chapter Thirty.
Chapter Thirty One.
Chapter Thirty Two.
Chapter Thirty Three
Epilogue:

Chapter Six

1.1K 33 1
By JheangLiit

Chapter Six

"Alis na po ako, lola."

Nanliliit ang mga mata ni lola habang tinitingnan akong inaayos ang sapatos ko. Alam ko na nagdududa s'ya dahil sa paraan pa lamang ng pagtitig n'ya sa akin.

"Nagpuyat ka ba kagabi, Jamila?"

Pagod na nilingon ko si lola at saka tumango. Pagkatapos 'non ay tinalikuran ko na s'ya at dire-diretsong lumabas ng bahay. Ayoko ng gisahin pa ako ni lola. Totoong puyat ako kagabi. Imbes na makatulog ako ng maaga dahil lasing ako ay hindi iyon nangyari. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi, basta ang alam ko lang ay hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip kay Uno. Bakit sa dinami rami ng lalaki ay kay Uno ko pa talaga iyon naramdaman ulit? Napakaimposible ng nararamdaman kong ito.

Pagkalabas ko ng gate ay halos lumabas na ang puso ko sa gulat dahil nakatayo sa tapat ng gate namin si Uno. Ito na naman tuloy ang puso ko, panay ang kalabog.

Hindi ko s'ya pinansin. Iniwasan ko s'ya at naglakad ng dire-diretso. As if I did not see him but the truth is grabe na ang paglagabog ng dibdib ko.

Hinawakan n'ya ang braso ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Parang may kung anong kuryente ang dumaloy mula sa kamay n'ya papunta sa braso ko.

"Hey."

Pumikit ako nang mariin at bumuga ng malalim na hininga bago ko s'ya nilingon.

Nginitian ko s'ya ng matamis at hinila pabalik ang braso ko. "Good morning!"

Bahagyang umawang ang labi n'ya sa sinabi ko. Hindi yata n'ya inaasahan na babatiin ko s'ya ng ganoon. Maya maya ay bigla s'yang natawa. Mahina lamang iyon pero parang musika iyon sa tenga ko. Nakakainis naman, I'm having a crush on him.

"Iniwasan mo 'ko kanina tapos bigla mo akong binati. You're crazy."

Umirap ako at tinalikuran na s'yang muli. Sumasakit na nga ang ulo ko dahil sa kanya pagkatapos ay pasasakitin n'ya lang ulit! Nakaka-imbyerna.

"Hey, wait!"

Pinigilan n'ya ulit ako sa paglalakad. Talaga naman, oh. Hinila ko ulit pabalik ang braso kong hawak n'ya at nagdire-diretso sa paglalakad. Akala ko ay ayos na pero halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko ng pabagsak n'ya akong inakbayan.

"A-aray!"

Inipit n'ya ang leeg ko gamit ang braso n'ya. Halos hindi ako makahinga sa ginawa n'ya. Nang mapa-ubo na ako ay doon lang yata n'ya na-realize na mali ang ginagawa n'ya.

"Shit, sorry!"

Patuloy akong umubo. Hinaplos n'ya ang likod ko pero hindi ko hinayaan iyon. Tumayo agad ako at sinamaan s'ya ng tingin.

"Papatayin mo ba ako?!" bulyaw ko sa kanya.

Nag angat s'ya ng kamay at akmang hahawakan ako pero iniwas ko ang sarili ko sa kanya.

"Sorry, ano kasi-"

"Layuan mo na lang ako, pwede?"

Napaawang ang labi n'ya sa sinabi ko. Hindi ko rin naman inaasahan ang sinabi ko pero tama lang siguro iyon para hindi na mas lumalim pa ang pagkagusto ko sa kanya. Inirapan ko s'ya at naglakad na palayo sa kanya. Sinabi kong layuan n'ya ako pero 'nong hindi n'ya ako sinuyo, mas lalo akong nainis sa kanya. Nakaka-imbyerna talaga s'ya.

"Bakit ganyan itsura mo?" nagtatakang tanong sa akin ni Madeline pagkapasok ko sa classroom.

"Masakit kasi ang ulo ko."

Iiling iling na umayos s'ya nang upo.

"Iyan na nga ba kasi ang sinasabi ko. Dapat fridays lang kayo umiinom, alam n'yo naman kasing may pasok kinabukasan. Sigurado ako na hindi na naman papasok si Shivan."

"Baka nga."

Tumahimik na kami pareho nang pumasok ang teacher. Hindi ako sigurado kung pumasok na ba si Uno dahil sa likuran ang upuan n'ya at wala akong balak na lumingon.

"Ang bilis ng oras sa umaga," ani Madeline pagka-alis ng pang-apat na teacher namin.

Nilingon ko si Madeline. Nahagip ng mata ko si Harvey na naglalakad na palapit kay Madeline. Bago pa n'ya ako unahan ay isinukbit ko na ang braso ko sa braso ni Madeline.

"Tara na, Mad. Sabay tayong mag-lunch!" Nakangiting alok ko kay Madeline.

Napasimangot bigla si Harvey na nasa likuran na ni Madeline. Pinanlakihan ko s'ya ng mata at nginisihan.

"Okay, tara na." sagot ni Madeline.

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng classroom. Hindi nakaligtas sa mga mata ko si Uno. Mag isa lang s'yang naglalakad palabas ng classroom sa kabilang pintuan. Absent kasi ang tatlong gago kong mga kaibigan. Mga gago talaga sila!

Nauuna si Uno sa amin kaya hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang mga babaeng panay ang sulyap sa kanya.

"Uno, pwede ko bang makuha ang number mo?"

Napasinghap ako at napatigil rin sa paglalakad. Si Madeline sa tabi ko ay napatigil.

"Bakit ka huminto?" Nagtatakang tanong ni Madeline.

Hindi ko s'ya nilingon pero palagay ko'y sinundan n'ya ang tinitingnan ko.

"Ah... si Uno! Grabe, pangalawang araw pa lang n'ya sa school natin ay sikat na s'ya. Ang gwapo n'ya kasi..."

Mabilis na nilingon ko si Madeline at pinanlakihan s'ya ng mata. Lumingon din s'ya sa akin at tila nagulat sa reaksyon ko.

"Pati ba naman ikaw ay nagagwapuhan sa kurimaw na iyan?!"

Nagkibit balikat s'ya.

Iiling iling na inalis ko ang tingin ko kay Madeline. Nasulyapan ko si Uno na ngumiti sa babaeng nanghingi ng number n'ya at iniaabot na n'ya ang telepono niyon. Ibig sabihin, ibinigay n'ya 'yong number n'ya sa babaeng 'yon?! Ni wala nga akong number n'ya, eh! Nakakaimbyerna!

"Text me," he said then winked at her.

Halos himatayin naman 'yong babae sa sobrang kilig. Naglakad nang muli si Uno.

Nagpatuloy na kami ni Madeline sa paglalakad. Uminit na naman tuloy ang ulo ko. Sa sobrang init ng ulo ko, nang makarating kami sa cafeteria at nakita ko si Jayson na may binubully'ng nerd ay kumulo na ang dugo ko.

Binitawan ko si Madeline at agad na sumugod doon sa mga  nambubully.

"T-teka, Jamila!" Tawag sa akin ni Madeline pero hindi ko s'ya pinansin.

Hinarangan ko iyong nerd na nasa sahig na dahil itinulak ni Jayson.

"Oh, hi ex!" Bati sa akin ni Jayson.

Umirap ako at sinamaan s'ya ng tingin. "Lubayan n'yo na s'ya."

Napasinghap si Jayson at biglang natawa. "Hero ka na ngayon, baby?"

"I'm not your baby, anymore!"

"You are, Jamila. So tumabi ka na d'yan."

Umiling ako at malakas na itinulak s'ya. Bahagya s'yang napaatras dahil doon. Nagsinghapan ang lahat ng mga nasa paligid.

"Ouch, it hurts!" Kunwari ay nasaktan ngunit kita naman sa mga mata n'ya na nagkukunwari lamang s'ya.

"Tigilan n'yo na ang pambubully, please lang!" Sigaw ko sa kanya.

Tiningnan n'ya 'yong nerd sa likuran ko. "Pasalamat ka, pinigilan ako ng mahal ko."

"Tama na, Jayson!"

"Okay, okay." Nagtaas s'ya ng dalawang kamay at nilagpasan na kami. Sumunod naman sa kanya iyong mga tangang kaibigan n'ya.

Hinarap ko iyong nerd na nakaupo pa rin sa sahig. Naglahad ako ng kamay sa kanya para tulungan s'yang tumayo.

"I don't your help."

Bahagyang umawang ang labi ko sa sinabi n'ya. Ano raw'ng sabi n'ya? Nabingi yata ako?

Hindi n'ya talag inabot ang kamay ko, tumayo s'ya at nagpagpag ng pantalon 'tsaka tumalikod na sa akin at naglakad palayo.

"Tingnan mo 'yon, s'ya na nga ang tinulungan mo galit pa." Inis na sabi ni Madeline sa tabi ko.

Nag-igting ang panga ko. Pagkatapos ko s'yang tulungan ay ganon lamang ang isusukli n'ya sa akin?! Mas lalo tuloy akong na-bwisit!

"Ang yabang, wala namang binatbat!" Inis na sabi ko.

Nauna na akong dumiretso sa table na madalas naming kainan nila Madeline. Nandoon na sila Roxy at Mikaela.

"Nagsayang ka lang ng laway be," ani Mikaela pagka-upo ko.

"Kaya nga eh, imbes na mag-thank you na lang." Sagot ko.

"Ako na ang bibili ng pagkain mo, Jamila. Anong ulam mo?" Tanong ni Madeline.

Nilingon ko naman s'ya. "Beef stake 'tsaka pineapple juice." Sagot ko na sinang-ayunan naman n'ya. Alam n'ya sigurong badtrip ako.

Ibinalik ko ang tingin ko kila Mikaela na kasalukuyang kumakain.

"Hindi pumasok 'yong mga kumag?" Si Roxy.

Umiling ako. Kasunod 'non ay ang biglang pagsulpot ni Uno kung saan. Umupo s'ya sa tabi ko at inilapag ang tray ng pagkain n'ya. Nangunot ang noo ko nang mapansing madaming pagkain sa tray n'ya. Bago pa ako magtanong ay inilapag na n'ya sa harapan ko ang isang platong may lamang beef steak at isang baso ng pineapple juice.

"Bakit mo 'ko binilhan?" Tanong ko.

Umupo na si Madeline sa tabi ko dala ang sarili n'yang tray. "S'ya na daw ang bibili be, eh." Ani Madeline bago pa ako makapagtanong.

"Bayaran mo ako mamaya, hindi 'yan libre." Sabi ni Uno at nag umpisa nang kumain.

"Aba't-" hindi ko na lamang itinuloy ang sasabihin ko. Oo nga naman, kailan ba naging mabait sa akin itong si Uno? Baka magpadagdag pa ng bayad iyan mamaya.

Inirapan ko na lang s'ya at nagsimula nang kumain. Nagkukwentuhan sila pero hindi ko sila maintindihan dahil katabi ko si Uno at naiilang parin talaga ako.

Naunang matapos si Uno kumain. Mabuti nga iyon dahil kanina pa ako hindi makapagsalita dahil sa kanya.

"Ang tahimik mo yata?" Nagtatakang tanong ni Roxy.

Nag angat ako nang tingin sa kanya at nagkibit balikat. "We're eating." Sagot ko.

"Kahit na kumakain tayo, usually maingay ka talaga. Hmm," Roxy said. "I smell fishy."

Natawa ako. "You should wash your... you know, so that won't smell fishy."

"Duh, naghuhugas ako palagi." Asar na sagot n'ya.

Tinawanan ko na lamang s'ya. Atleast ay naibaling sa iba ang usapan. Ayoko ng pahabain pa dahil mukhang sa iba na mapupunta iyon.

Pagkatapos ng klase ay naunang umuwi si Madeline dahil sabay raw sila ni Harvey. Si Roxy naman at Mikaela ay magkapitbahay at nauna narin dahil may gagawin pa daw.

So, ako lang mag isa ang uuwi. Palagi na lang akong iniiwanan ng mga kaibigan ko. Nakaka-imbyerna.

Naglalakad ako palabas ng gate nang makita ko iyong nerd na iniligtas ko kanina. Naglalakad rin s'ya palabas ng gate. Biglang nag init ang ulo ko. Dali dali ko s'yang hinabol at hinawakan ko s'ya sa balikat.

Lumingon naman agad s'ya sa akin. Kumunot ang noo n'ya nang makita ako. "What?"

Napasinghap ako sa sinabi n'ya. "Wala manlang bang thank you? I saved you, kanina."

Inalis n'ya ang kamay kong nakapatong sa balikat n'ya at umayos nang tayo.

"Ginawa mo ba iyon para magpasikat?"

This time, ako naman ang nangunot ang noo.

"Magpasikat?"

"Yeah, you did that for purpose, right?"

So, kaya s'ya nagalit kanina ay dahil akala n'ya ay nagpapasikat lang ako?

"Matalino ka, but not all of your hypothesis are right. Hindi ko ginawa iyon para sa purpose at para sumikat. I did that, because I want to."

Nilagpasan ko na s'ya at nagsimula nang maglakad palayo sa kanya. I understand him. Kasi kung ako rin naman ang nasa sitwasyon n'ya ay ganoon rin ang iisipin ko. Because he knew that I was a bitch. Na hindi ako iyong tipo ng tao na magliligtas ng iba.

***

Continue Reading

You'll Also Like

30K 521 47
(Medical series #3) Kayla is known as Katherine Lane Ramirez and she is the lost heiress of a multinational shipping company owned by the aristocrati...
2.9K 221 47
[Completed] Kiana Fortunato, a young woman who sees her own life as an unfortunate life will fall in love to a young and brilliant engineer and busi...
1.4M 57.1K 58
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
35.8K 1.1K 46
The story of Glaica Sky Tejanda. ©shanexyz