My Last Wish (Inspired by Aut...

Galing kay yelleaeri

27.9K 632 100

Can memories of true love last forever? Kaya bang ibalik nang isang hiling lang ang nakaraan? Na kay Noah De... Higit pa

My Last Wish
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30-A New Beginning
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilouge
REMINDER!!!
IMPORTANT
not an update but must read!!

Chapter 5

598 12 1
Galing kay yelleaeri


Warning: Medyo SPG. Huehue.

A/N: Si Noah oh------> Haha. #NoahDelosReyes yayayay! :))


---------------------------------------

"Sinong may sabi sa'yong hawakan mo yan?!" hawaka hawak ni Noah ang kamay ko at sobrang higpit nito kaya napangiwi ako. Matatalim ang titig niya sakin. Nakakatakot. Ilamg linggo pa lang ang nakakalipas simula nang magkakilala kami at nakikita kong galit siya at laging nagsusungit. Pero iba pa rin pala talaga kapag malapitan.


"Ba-bakit? Ma--masama ba?"

Lumapit siya sakin. Yung sobrang lapit kaya napasandal ako sa piano. Ano bang meron sa piano na to at parang galit na galit siya? Ano bang ginawa ko sa kanya para magalit siya sakin ng ganito? Akala niya nakalimutan ko na yung paghalik niya sakin ha.

"Alam mo bang madumi ang kamay mo para hawakan yan?"


Ha? Anong madumi? Ewan ko pero parang double meaning yung sinabi niya. May nakita akong bote ng alak sa may sofa na inuupuan niya kanina. Naamoy ko rin ang bahid ng alak sa hininga niya. Nakainom siya.


"La--lasing ka. Ano ba?" itutulak ko sana siya pero nahawakan niya ang mga kamay ko. "A--aray. Ang sakit." seryoso. Natatakot na ako sa kanya. Alam kong sinabi ko na hindi ko siya uurungan. Pero iba na 'to.

"A--ano ba! Nasasaktan ako!"

"Huh. Nasasaktan? E paano kung yung kaisa-isang skateboard na bigay sa'yo ng papa mo ay sinira ng isang walang kwentang babae. Diba masakit yun?"

Ako yung tinutukoy niya. Alam ko. Napapalunok na lang ako kasi nakakatakot talaga siya. So bigay ng papa niya yun?


"A--ano?"

"Sa tingin mo, paano mo mababayaran yun ha?"

Sa totoo lang, hindi ko alam. Wala na yung inipon kong pera at hindi ko pa nakukuha ang sweldo ko.

"No--Noah. Ano bang gusto mong gawin ko?"


Napangisi siya sa tanong ko at lumayo sakin. Umupo siyang muli doon sa sofa at nakade-kwatro pa.

"Take of your clothes."


ANO?! O_________________O

"A--anong sabi mo?!"

"Maghubad ka sa harapan ko, mahirap bang intindihin yon?"

Pucha. Hinding hindi ko magagawa yan! Ni hindi pa nga ako nahahalikan ng kahit sinong lalaki. Siya lang yung nakahalik sakin tapos paghuhubadin niya ako? HE IS SO EVIL. Tama nga sila.


"Pe--pero.."

"Diba kaya ka naman nagtatrabaho sa cake shop dahil binabayaran ka ng boss mo? At may free service pa."

Tangina. Sorry pero all throughout, eto pala ang iniisip niya sakin? Excuse me! Hindi ako ganong klase ng babae. Mahirap kami, oo. Pero hinding hindi ko ipagpapalit ang katawan ko sa pera. Naiiyak ako sa galit. Naiiyak ako sa inis.

Tingnan natin kung hanggang saan ka Noah. Hinawakan ko na yung unang botones ng dress ko.

"Nakakatuwa ba talagang manakit ng tao Noah?" tanong ko sa kanya habang inaalis sa pagkakabutones yung una. Nagsimula na ring tumulo ang mga luha ko. Ngayon naman, nagtataka yang itsura mo?


"Nakakatuwa ba talagang makakita ng taong nahihirapan? Masaya ba talaga yun? Ha?" nanginginig na ang boses ko habang tinatanggal yung pagkakabutones ng pangalawa.

"Stop." bulong niya.

"Masaya ba talagang makitang umiiyak ang isang tao Noah?"


"I said stop!" tatanggalin ko na sana yung pangatlong butones pero hinawakan niya at pinigilan ang mga kamay ko. Nanginginig ang mga kamay ko at ganon din siya. Nagkatinginan kami habang umiiyak pa rin ako.

Niyakap niya ako at doon ako humagulhol ng iyak. Naalala ko lahat. Lahat lahat ng mga pinagdaanan ko simula nang namatay si mama.

*flashback*

8 years ago.

"Ma. Papanuorin niyo po ako sa concert ko ha? Wag po kayong mawawala ha?"

"Aba oo naman anak!" sakay kami sa kotse ngayon. Kagagaling ko lang sa piano class at sinundo ako nina mama at papa.

"Promise?"

"Promise anak! Saan mo gustong kumain?"


"Doon po sa dati!"


"Osige pa. Tara daw dun sa dati!"

"Your wish is my command!" tuwing nagkakasama kasi kaming pamilya, may isang restaurant kaming laging kinakainan. Gustong gusto ko talaga dun!

Only child lang ako. Mayaman ang aming pamilya dahil may ari ang pamilya ni mama ng isang kompanya. Si papa naman ay isang teacher. Malaki ang pagkakaiba ni papa at mama pero hindi sila nagawang paghiwalayin.

*Riiiiiing*


"Hello?" sagot ni mama sa phone niya. Tumingin siya samin ni papa na tahimik na nakaupo lang.


"I have to take this call." seryoso ang mukha ni mama at tumango naman si papa kaya tumayo na siya para lumabas.


"Mama! Balik ka po agad ha?" ngumiti sakin si mama at tumango.


Pero iyon na pala ang huli naming paguusap. "MAMAAAAAAAAAAAA!" pagkalabas ni mama sa restaurant ay may kotseng paparating at sobrang bilis kaya hindi ito naiwasan ni mama. Dead on arrival siya sa ospital. Simula noon, nagbago ang buhay namin.

"Wag! Wag po yung piano! Yan na lang po yung natitirang alaala ng mama ko! Papa! Wag mo ibigay yung piano sa kanila! Papa!" pinipigilan ako ni papa habang umiiyak ng mga oras na yun. Niyakap na lang niya ako habang sinusuntok suntok siya.

Napilitang ibenta ang bahay namin at mga ari-arian para mabuhay kami. Hindi kasi sapat ang kinikita ni papa para samin.


Nagpalipat lipat kami ng bahay. Ilang taon din na laging lasing na umuuwi si papa. Wala akong choice kundi alagaan siya. Nangako ako kay mama na hinding hindi ko pababayaan si papa. Hanggang sa nakilala niya ang stepmom ko sa isang bar.


*end of flashback*


Natauhan ako kaya kumalas ako sa pagkakayakap niya sakin.

*Boooogsh*


May kung anong kumalabog sa labas kaya sinilip namin kung ano yun nang biglang may sumigaw.

"May dalawang estudyanteng naglalampungan doon sa loob! Hulihin niyo sila!" sigaw ng isang boses matandang lalaki. Pamilyar ang boses na yun ah. Nakarinig kami ng pito kaya nataranta ako.


Hinila ako ni Noah sa likod ng sofa at doon kami nagtago. Sakto namang pumasok ang mga gwardiya.


"Wala naman ah."


"Niloloko ata tayo ng matandang yun."

"Istorbo naman sa tulog yun. Tara na nga."


Nakahinga kami ng maluwag nang umalis na ang mga gwardiya.


Bumaba ang tingin ko at binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Awkward ha.

"A--aalis na ko."


Hindi siya sumagot kaya binuksan ko na yung pinto pero..

"Hala? Arghhhh! Kapag minamalas ka nga naman! Nakalock pa!"


Tumingin ako sa kanya na ngayong nakaupo na lang doon sa sofa at mukhang nagrerelax. Nakakatakot pa din ha! Kami lang dalawa sa room na to? Ang pangit pakinggan!


*meow meow meow*

"Pu--pusa?"

Tumayo siya at tumingin sakin. Hindi pa rin tumitigil yung ngiyaw. Hinanap namin ito sa mga sulok. "Muning, asan ka na?"


Inusod ko yung mga box at nakita kong may markang naiwan doon sa tabi ng cabinet. Hinawakan ko ito. "Roller blades?"

"Huh?" nilapitan niya ako at tiningnan din ang markang iyon.

"Bakit naman magkakamarka ng roller blades dito?"


Tumayo siya at tumingin ng diretso sa bintana. "Alam mo ba ang kwento tungkol sa hall na to?"


Tumayo na din ako. "Anong kwento?"


"Ilang taon na ang nakalilipas, yung may ari ng school na to, lagi niyang dinadala ang anak niya dito para magpiano at magroller blades."


"Talaga?"


Umupo na ulit siya doon sa sofa. Tumigil naman yung ngiyaw ng pusa. "Pero isang araw, nang nagaaral magskate yung anak niya, binitawan niya ito bigla. Kaya, natumba yung anak. At yang markang yan ang naiwan."

"Mahal na mahal niya ang anak niya." nakangiti kong sinabi sa kanya.


"Paano mo naman nasabi? Eh binitawan niya nga yung anak niya at nasaktan."


Umiling ako sa kanya. "Gusto niya lang matuto ang anak niya. Gusto niyang maging matatag ang anak niya. Gusto niyang matuto itong tumayo sa sarili niyang mga paa. Na habang may buhay may pagasa. Na kahit matumba ka ng ilang beses, dapat kang bumangon."


Nagkatitigan kami at ayan na naman yung tunog. Sa wakas ay nakita ko na ang isang kawawang kuting na may sugat ang isang paa. Ang liit liit pa niya. "Kawawa ka naman." binuhat ko siya at nilagay sa sofa. Pinanood lang ako ni Noah. Pumunit ako ng kapirasong tela at itinali ito sa sugat ng pusa. Medyo dumudugo pa ito e.


"Ayan."

"Pati sa pusa concern ka ha?"


"Aba dapat lang. Kawawa naman siya. Wala siyang nanay na magaalaga sa kanya. Hindi natin dapat alisan ang kahit anong nilalang ng karapatang mabuhay."

Ngumiti siya sakin at ngumiti din ako sa kanya. Mas okay pala kapag ngumingiti siya e. Mas lalo siyang gumagwapo.

"Ngayon, pano tayo makakalabas dito?"


"Ewan. Basta ako matutulog na lang ako. Ganon din naman yun e. Bubuksan naman nila yan bukas."

"Pero nagiintay ang pamilya ko sakin!"


Nagshrug lang siya ng shoulders at pumikit na. "Arghh! Noaaah!"

Hindi siya sumagot. Tulog na ata. Noah Delos Reyes. Unti unti na nga kitang nakikilala.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

103K 2.8K 45
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
232K 2.9K 53
Fighting for love even if it means fighting against destiny. Paano kaya nila haharapin ang mga pagsubok? Paano sila pagtitibayin nito?
3.3K 103 3
Auxven Academy welcomes only fifteen new students for the incoming school year. And that counts Crest Auburn Crest Auburn is the hidden sister of Va...
20.7K 346 73
Cam Sola is an introvert since high school. She is bullied by others because she is accused of pretending being the heiress of Sola Company which she...