That Hot Handsome Nerd

By ZilentMode

46.9K 937 7

"Never let yourself fall for someone else. Remember, I am the only one who must catch and captivate your hear... More

Thank You!
1// That Nerd
2// The way we treat each other
3// Hotness Overload
4// Babe
5// Unfair Treatment
6// Aliyah's Feelings
7// Welcome Back, Denise!
8// Kiss me
9// Tell Me Why
10// Deal
12// I Like You
13// He's Serious
14// Accidental Kiss
15// A Romantic Nerd
16// Jealous
17// Fighting
18// Battle
19// Can I Be the One?
20// Worthless
21// Heartache
22// Signs
23// Fulfilment of Signs
24// His Return
25// Silver Leo Grande
26// Not a Joke
27// Kasper Vs. Silver
28// Unveiling
29// Well Performed
30// The Past
31// Evidence
32// For the Love of Silver
33// The Truth
34// Let Me Join Your Game
35// Be My Piece, Denise
36// Fall For Me
37// First Monthsary
38// Leadership Camp
39// Falling
40// Revenge or Love
41// Into Its Proper Places
42// What About Our Deal?
43// Obsessed
44// Aliyah's Plan
45// Debut
46// Betrayed
47// Hero
48// Realize
49// New Beginning
50// Longest Milestone

11// Personal Assistant

946 22 0
By ZilentMode

ELEVEN [PERSONAL ASSISTANT]

Crystal's Point of View:

Paglabas niya ng kwarto niya ay napatitig na lang ako sa kanya. Napakasimple lang ng suot niya. Plain white t-shirt at jeans na black lang pero sobrang lakas pa rin ng dating niya. Bakit ba siya ganito? Bakit sobrang lakad ng impact ng charisma niya? You know...hindi naman siya naka-porma pero bakit sobrang gwapo pa rin niyang tingnan? At 'yung eyeglasses niya, kahit hindi niya tanggalin, bagay na bagay pa rin sa kanya. Akmang-akma talaga.

"Okay lang ba ang suot ko?" Bigla akong napailing at bumalik sa reyalidad. Antagal ko na palang nakatitig sa kanya. Sana lang ay hindi niya napansin iyon.

"Ah..oo. Ayos lang 'yan." sagot ko. Tumayo na ako sa sofa.

"Do you know how to drive?" tanong niya. Napalingon naman ako at saka umiling. "Sayang. Ikaw sana ang pagda-drive-in ko."

Kumunot naman ang noo ko. "Woah? Kababae kong 'tao tapos ipagda-drive kita? Mahiya ka naman, Kasper!" Reklamo ko.

"Why not?" Napangisi siya. "You are my personal assistant kaya dapat mo lang akong pagsilbihan at gawin lahat ng ipag-uutos ko." Inirapan ko nga siya. Nakakainis talaga. Kung wala lang talaga akong kailangan sa kanya hindi ko siya pagtitiisang pakisamahan. "Let's go." Aniya at saka naglakad na palabas ng bahay.

Sinundan ko lang siya. Nagpunta kami sa parking nila at nang nasa tapat na kami ng kotse niya ay, "Open the door." sabay turo ng pinto ng kotse para sa driver.

"Wow naman, Kasper? Nasa harap mo na nga hindi mo pa magawang buksan? Napaksimpleng bagay lang naman tapos sa akin mo pa ipapagawa?" Sarkastikong sabi ko. Grabe siya, eh. Pagbubukas na lang ng pinto ng sariling kotse sa akin pa talaga ipapagawa. Tsk!

Kumunot ang noo niya at saka ngumisi. Nakakainis talaga ang pagngisi niya! "Personal Assistant kita. Ngayon, AKO ang boss mo kaya susunod ka sa lahat ng ipag-uutos ko." Tinuro niya 'yung pinto. "Open the door. That's my command and you can't do anything about it." Ma-awtoridad niyang sabi. Nakakainis. "Or else---"

Hindi ko na pinatapos ang nakakainis niyang sasabihin at binuksan ko na lang ang pinto ng kotse. Pumasok na rin ako sa loob ng kotse at naupo sa passenger's seat.

"Easy ka lang diyan, Babe." What the?! Anong tinawag niya sa akin?

"Anong Babe ka diyan?! Pwede ba, Kasper---"

"I am your boss and I can call you whatever I want." Aniya at saka pinaandar ang kotse. Isang matinding irap ang pinakawalan ko. "If you want, you can also call me 'Babe' to make it fair." Suhestiyon niya.

"Never." I crossed my arms. Hindi na ako nagsalita at tumingin na lang sa daan.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ng mall ay halos maagaw ni Kasper ang atensyon ng lahat ng tao lalong-lalo na ang mga babae at beki. Para silang nakakita ng artista.

Nagulat ako nang biglang may lumapit sa kanyang babae pagkatapos ay nag-selfie siya kasama si Kasper. Patalon-talon at impit na kilig ang naging turan ng babae matapos makapag-picture kay Kasper. Hanggang sa sunod-sunod na ang nagpapa-picture sa kanya. Seriously, mas malala pa pala ang eksena sa tuwing nasa public place siya. Gosh! Nakakahiya naman siyang kasama. Etsepwera lang ako, eh.

"Ahm..excuse me. Excuse me." ani Kasper at saka unti-unting kumawala sa mga taong pinaliligiran siya. "Pasensya na po pero sa susunod na lang. May kailangan pa kasi kaming ayusin."

Lumapit siya sa akin at saka bigla na lang akong inakbayan. Tiningnan niya ako at saka ngumiti. "Tara na , babe." saad niya at saka nag-umpisa nang maglakad kaya napalakad na lang din ako. Medyo naiilang ako dahil sa totoo lang ay naamoy ko ang pabango niya. Pakiramdam ko maadik ako sa amoy niya kapag nagpatuloy ang pagkaka-akbay at sobrang lapit niya sa akin.

"Pwede ba---" tatanggalin ko na sana ang pagkaka-akbay niya sa akin pero pinigilan niya ako gamit ang malakas niyang pwersa.

"Magpapanggap kang girlfriend ko ngayon."

Napakunot ang noo ko. "What?!" asta ko. "Umaabuso ka na, Kasper."

"Please, Crsytal. Alam mo bang ngayon lang ulit ako makakapag-mall? Hindi ako nakakapag-mall kapag mag-isa ako."

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Dahil kapag nag-iisa ako, wala akong napapala. Hindi ko mapuntahan ang mga gusto ko dahil pinagkakaguluhan ako. Kaya kung magpapanggap kang girlfriend kita, wala nang lalapit sa akin."

Woah? Pinagkakaguluhan? Medyo mayabang ang dâting sa akin no'n pero seryoso ang pagkakasabi niya. Kawawa naman pala siya.

"Hayaan mo, katumbas ito ng dalawang araw bilang kapalit."

"Sige ba." Pag-sang-ayon ko. Pabor sa akin 'yon. Magpretend lang naman na girlfriend niya, eh. "So anong kailangan kong gawin as your pretend girlfriend?" tanong ko.

"Stop complaining." Okay, fine. 'Yun lang pala, eh.

Nanatili lang siyang nakaakbay sa akin habang naglalakad kami. Bumili muna kami ng Citrus Juice at Waffle para magmeryenda saka kami umupo sa tabi ng isang fastfood. Medyo naiilang pa rin ako dahil kahit saan kami pumunta pinagtitinginan kami.

"Ay! May girlfriend na siya?" kahit medyo malayo ay narinig ko ang sinabi ng babae.

"Sayang naman." sabi nung isa.

"Bagay naman sila." Muntik ko pang maibuga 'yung iniinom ko nang marinig 'yon.

Bagay kami?! Seryoso ba siya? 'Tong Kasper na 'to, babagay sa akin? Ghad.

"So, how does it feel to be my girlfriend?" napa-angat ako ng tingin.

"Pretend girlfriend." Pagko-correct ko sa kanya. "Wala naman. Ano bang dapat kong ma-feel, aber?" nagtaas ako ng kilay.

"Iwasan mong magtaray." Sabi niya ng mahina.

"Fine." Tugon ko naman.

"Actually dapat ka ngang magpasalamat sa akin dahil binigyan kita ng pagkakataon para maging boyfriend mo kahit hindi totoo."

"At bakit naman ako magpapasalamat?" Nakangiti pero sarkastikong sabi ko.

"Considering the fact na maraming nagkakagusto sa akin, ikaw ang kasama ko ngayon."

"Woah. Mas matutuwa pa nga akong hindi ka makasama." pangiti-ngiti kong sabi pero ang totoo nag-uumpisa na akong mainis pero gaya nga ng sabi niya, hindi dapat ako umarteng mataray. "Stop your non-sense boastful thoughts, Kasper." diretsahan kong sabi pero pinipilit pa ring maging kalmado.

Buti na lang at hindi na siya nagsalita ulit. Sukang-suka na ko sa kayabangan niya. Pero sige na...oo na. Totoo naman ang mga pagyayabang niya pero ang yabang, eh. Sarap niyang sapukin.

Matapos kaming magmeryenda ay dinala niya ako sa Giordano. Nagtingin-tingin siya ng damit. May kinuha siyang tatlong iba't ibang style na polo shirt. Humarap siya sa akin at ipinatong ang isang kulay blue na polo shirt sa kanya.

"Ano, bagay ba?" Tanong niya sa akin.

Napatango na lang ako. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na kahit ano namang piliin niya ay bagay sa kanya kaso nga lang ay baka mas lumala pa ang kayabangan niya.

Ilan pang mga damit ang tinanong niya sa akin kung bagay sa kanya. Kumuha din siya ng dalawang pantalon at saka dalawang hoodie na jacket. Nang matapos na siyang makapamili ay nagpunta na siya sa counter. Boring ko lang siyang sinundan. Medyo nainis pa ako sa babaeng counter dahil kung makatitig siya at kung makapagpa-cute kay Kasper ay parang wala ng bukas. Ang landi ah.

Anim na paper bag ang pinaglagyan ng mga napamili ni Kasper. Itinuro niya sa akin ang mga 'yon at sinabing ako daw ang magbubuhat no'n. Lahat ng 'yon. Nakakabwisit talaga! Ang kapal niyang pagbitbitin ako ng ganito karami?!

Bigla na lang niya akong tinalikuran at lumabas dito sa shop ng giordano. Isa-isa ko namang kinuha 'yung mga pinamili niya.

"Ang swerte niyo naman ma'am." Sambit nung counter girl na nagpapacute kanina kay Kasper.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong kinaswerte ko? Oh, eto," dinuro ko sa kanya 'yung mga bitbit ko. "Ikaw kaya ang magdala nito!" Mataray kong sabi at saka lumabas na.

Swerte daw? Anong kinaswerte ko sa pagiging alila ng Nerd na 'yon? Tsk.

"Wala ka bang balak na tulungan ako?" Sarkastikong sabi ko sa kanya nang matapatan ko siya. Tig-tatlong paper bag ang magkabilang braso ko. Haist!

"You are my personal assistant kaya trabaho mo 'yan." Damn!

"Akala ko ba pretend girlfriend mo ako ngayon? Di ba ang girlfriend hindi pinahihirapan?" saad ko. Sana naman maawa siya.

"Hmmm..." Tumingala pa siya saglit. "Kaya nga. Kaya as your boyfriend, kailangan mo pa ding sundin ang utos ko. Tara na." Naglakad na siya. Wala talaga siyang pakialam kung nahihirapan ako.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya nakasunod lang ako sa kanya. Bigla namang uminit ang dugo ko ang makarinig ng isang usapang hindi kanais-nais.

"Ang sweet naman ng girlfriend niya."

"Aba, kung ganyan lang din naman ka-hot at ka-gwapo ang jowa ko, bakit hindi ko siya pagsilbihan?"

"Tama ka diyan girl, swerte ni ate sa kanya."

"Sana ako na lang ang naging girlfriend niya. Kahit anong ipag-utos niya, gagawing ko nang bukal na bukal sa loob."

Muntik ko pang lapitan 'yung mga nag-uusap na mga babae na 'yon para ibalibag sa kanila ang mga hawak hawak kong paper bag at sila ang magdala. Grabe yah. Natuwa pa talaga sila na nahihirapan ako? Na ang swerte ko dahil napagsisilbihan ko ang Nerd na 'yon?

Edi sila na lang kaya! Kung makapagsabing ang swerte ko eh parang impiyerno nga ang ipinapadanas sa akin ng Nerd na 'yan. Naku! Kainis talaga.

As if naman, gusto kong maging utos-utusan lang niya.

Medyo nagtaka lang ako dahil napapansin kong kanina pa kami naglalakad at paikot-ikot dito sa mall. Wala naman ata siyang pupuntahan at talagang pinapagod niya lang ako, eh.

Huminto ako saglit at saka ibinaba yung mga paper bag na hawak ko. "Hep!" Sigaw ko sa kanya. Napahinto din siya at napatingin sa akin. "Napapagod na ako kakalakad. Saan ba tayo pupunta, Kasper?" irita kong tanong.

Lumapit siya sa akin. Ilang inches lang siguro ang naging pagitan namin sa isa't isa. "Hinahanap ko 'yung daan papunta sa puso mo. Saan ba 'yun?" nakangiting sabi niya.

Gusto ko sanang matawa dahil ang corny niya pero parang may kaunting kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Ang corny na nga ng joke niya tapos may spark pa? Kahit na inis na inis ako sa kanya, bakit tinatablan pa rin ako ng karisma niya?! Tsk.

Pinigilan kong mangiti. Tiningnan ko siya ng sarkastiko. "Ang corny mo, Kasper." binitbit ko na ulit 'yung mga paper bag. Tinulak ko siya nang mahina para lumayo siya ng kaunti sa akin. "Saan na tayo pupunta?"

Naglakad na rin siya kasabay ko. "Sa katunayan, hindi ko alam kung saan tayo pupunta." Agad akong nagpakawala ng buntong-hininga. Ang sarap niya talagang sapukin.

"Kanina pa tayo palakad-lakad tapos hindi mo alam kung saan tayo pupunta? Pinapagod mo talaga ako, eh, no?!" Patuloy lang kami sa paglalakad.

"Ngayon mo lang napansin?" Natawa siya ng mahina. Bwisit! Pnlano niya talaga 'to. Pinahihirapan na naman niya ako.

"Gustong-gusto mo talaga akong nahihirapan, no?!" mahina pero galit kong sabi.

"Ayaw kitang pahirapan. Gusto lang talaga kitang nakikitang naasar. Mas lalo ka kasing gumaganda kapag naasar ka." Tumawa na naman siya ng mahina.

Gumaganda kapag naasar? "Compliment ba 'yon o nang-aasar ka na naman?"

Nangiti na lang ulit siya. Grrr! Kung wala lang talaga kami sa public place ay kukurutin o kaya naman ay papaluin ko siya ng sobrang lakas. Ang tindi niya talagang mang-asar!

---


Continue Reading

You'll Also Like

631K 39.5K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
1.9K 307 49
In the first day of Class, ano bang iniisip mo? Maghanap ng friends, or baka naman maghahanap ng majojowa? Stressful naman ang talaga ang bawat scho...
70.9K 315 10
Very short story by @NoOtherMan
10.7K 174 30
The world we live in is big and there are hearts destined for each other. Someone will love honestly, someone will be hurt in love, someone will lov...