Critical Silence

By Damassine

60 16 31

Hindi porket wala ang isang parte na bumubuo sa katauhan ng isang tao ay maituturing na itong kahinaan. Sa to... More

Her Life (1)

Her Life (2)

25 7 22
By Damassine

Her Life (2)

Warning: Bad words, Violence.

~~~

Bata pa ako noon, nakatira sa isang ampunan. I am just one of the orphans hoping to get adopted and have a family.

"Oy! Nasan na nga yan! Dapat sa akin yan eh!" Sabi ng isa sa mga bata sa akin at hinablot ang hawak kong pandesal.

Napayuko na lang ako at tahimik na umiyak.

Yun naman lagi eh. Umiiyak, hindi lumalaban.

"Grabe naman 'to, oy!" Sabi ng batang lalaki at tinulak ako ng malakas.

"Wag kang magsusumbong kay Mrs. Arceo kundi malalagot ka sa akin!" Sabi niya at hinila ang buhok para iharap ang mukha ko sa kanya. Mas lalo siguro siya naiinis at hinigpitan ang hila sa buhok ko.

"A-aray! Tama na!"

"Sumagot ka! Pagkinakausap kita! Ano! Sagot!"

"Oo!"

Napatango na lang ako habang tumutulo ang mga luha ko.

Ngumisi siya at binitawan ako. Yung mga kasama niya nanonood lang akala mo parang walang nasasaktang tao sa harap nila.

Nakangising humarap ang lalaki sa akin at naglakad na papalayo. Pero bago yun tumingin siya sa akin.

"Kung iniisip mo na magkakaroon ka pa ng kaibigan dito kinabukasan, wag ka ng umasa. Tutal wala namang makikipagkaibigan sa isang tulad mo na lampa, mahina."

~~~

"Mga bata! Halika kayo dito at may sasabihin ako!"

Summer noon, matindi ang sikat ng araw ng tawagin kami ni Mrs. Arceo, isa sa mga nangangalaga sa ampunan.

"May darating na mag asawa dito kaya, magtino kayo. Mamayang alas otso ng umaga sila darating kaya't maligo, maghanda para presentable kayo. Naiintindihan niyo ba ako?"

"Opo, Mrs. Arceo."

Habang inaayos ko ang buhok ko, nakasuot ng isang dress na halatang luma na pero ayos pa naman ang itsura at nakasinelas ng dumating ang mag asawa.

"Hello sa inyo! Ako si Lori at ang asawa ko si John." Pag papakilala ng babae. Nakangiti ang mag asawa habang nakatingin sa amin.

"Hello po!" Sabay-sabay naming bati.

Nasa pinakalikod ako kaya't hindi masyadong kita. Sa tuwing may mga darating na bisita kailangan nasa likod ako dahil kung hindi bugbog ang aabutin ko.

Nag patuloy ang pakikipag kilala ng mag asawa habang ako napatingin na lang sa bintana.

Maririnig ang mga boses ng mga ibang bata para makuha ang atensyon ng mag asawa.

Nasaan na kaya ang mga magulang ko?

Bakit ako nandito?

Buhay pa kaya sila?

Minahal ba nila ako kahit konti?

Yan ang madalas na iniisip ko, nanghihinayang kung bakit wala ang mga magulang ko. Nagtataka kung anong nangyari.

Nakakainggit na ang ibang bata may mga magulang at pamilyang kasama habang ako nandito. Nandito sa isang ampunan, wala na kahit isang kaibigan. Walang gamit na masasabing galing sa isang taong nagmamahal sa akin. Wala.

Sabi ni Mrs. Arceo wag dapat kainggitan ang ibang tao dahil sa kung ano ang meron sila. Pero paano pa ba maiisip na isang batang katulad ko, hindi pa alam ang ikot ng mundo. Oo, naiinggit ako. At sana may mga taong magmahal sa akin bilang isang anak. Magkaroon ng isang pamilya na tatanggap at mamahalin ako.

"Hello."

Napatingin ako sa aking likuran at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Sir John. Napansin kong medyo tumahimik ang mga bata at nakatingin sa amin.

"Anong pangalan mo?"

Tiningnan kong mabuti ang mukha niya at sumagot.

"Ori."

Tumango siya at tumingin sa asawa niya na napansin din ako.

"Hello! Ang cute mo naman Ori." Sabi ni Mam Lori at pinisil ang mga pisngi ko.

Natawa si Sir John at inakbayan si Mam Lori. "Lori, baka mamula yang pisngi ni Ori."

Nakangiting tumingin si Mam Lori kay Sir John habang hawak hawak ang mga kamay ko.

"Ori ang pangalan niya John. O-r-i lagyan mo nang L and it's Lori." Sabi niya.

Ano daw?

Natawa nalang si Sir John at kiniss sa pisngi si Mam Lori.

"Love, ang corny mo."

Napanguso si Mam Lori at tumingin sa akin.

"So, Ori gusto mo bang sumama sa amin?"

Ha?

Nanlaki ang mga mata at tumingin sa kanila. Tama ba ang narinig ko? Naramdaman ko ang saya, magkakaron na ba talaga ako ng pamilya?

Umupo ng kaunti si Sir John at tumingin sa mga mata ko, nakangiti.

"Ori, gusto mo bang maging anak namin?" Napatahimik ako at ngumiti sa kanila.

"Opo." Sagot ko.

Sa wakas magkakaroon na ako ng pamilya.

~~~

Marahang binuksan ni Ori ang kanyang mga mata. Napailing nalang siya sa mga alaala na para bang ayaw siyang layuan.

Tumayo siya sa kama at nagbihis.

Nakasuot siya ng black sports bra na medyo natatakpan ng dark blue cropped tank top, black denim jeans at converse shoes. Sinuot din niya yung jacket niya pero hindi niya isinara ang zipper at tinakpan ang ulo niya gamit ang cap. Nakatali ang buhok niya into a messy bun at nagsuot ng maitim half mask.

Kinuha ang maliit niya ang backpack at tumingin sa wallclock.

12:00 p.m

Inilock niya ang kwarto niya at lumabas sa bintana. Note, inilock niya ang pinto sa loob. Dahan-dahan siyang bumaba sa mas mababang floor ng apartment at tumalon.

Nag landing siya ng naka crouch para hindi maapektuhan ang mga paa niya. Luminga si Ori sa paligid ng masiguro niya na walang tao ay pumunta na sa destinasyon niya.

~~~

Maririnig ang malakas na tugtog sa bar habang ang mga tao nagsasaya. May sumasayaw sa stage na parang wala ng bukas. Mga nag ma-make out sa medyo side ng bar. Mga barkadang nag iinuman at mga taong nagpapakalasing lang. Pagpasok ni Ori naka agaw na siya ng atensyon.

"Hello sexy." Sabi ng isang lalaki habang nakatingin sa katawan ni Ori.

Hindi ito pinansin ni Ori at lumapit sa bartender.

Ipinakita ni Ori ang kanyang wrist at gumuhit ng bilog at isang linya sa gitna nito, tumango naman ang bartender at pinapapasok siya sa 'Employees Only' na pinto

This time bago pumasok si Ori, izinipper na niya ang kanyang jacket.

Isang madilim na hagdan pababa ang bumungad sa harap niya. Napailing nalang si Ori at naglalakad pababa. Sa mukha palang ng hagdan parang hindi na ito matatapos sa sobrang haba. Mahigit 15 minuto ang lumipas at nakarating na siya.

Sa harap ng isang pader. May puting pintura, puro vandalism ang pader. Hinawakan ni Ori ang parte ng pader na may nakaguhit na isang bulaklak at itinulak ito.

Maririnig ang pag kaskas ng semento hanggang sa bumukas ang buong pader.

Naglakad siya hanggang sa umabot siya sa harap ng isang pinto. Huminga ng malalim si Ori at pumasok.

"Wooh!! Sige bugbugin mo!!"

"Tangina 'tol talunin mo! Ayan sige! Isa pa! Puta isa pa!"

"Talo na yan mga gago!"

Ito ang 3rd Division ng underground, every midnight may labanan na nangyayari sa lugar na ito. To enter the underground dapat pumasa ka sa mga trials, like sa mga fraternity. Pero hindi siya hazing, magkaiba ang underground trial sa hazing. All you need to do is fight and win against the person you got. Tatlong sunod-sunod na panalo in one day means you are qualified. Kahit isang pagkatalo lang sa tatlo, you need to do it again the next day.

Magbibigay sila ng code whether it is the verbal one or not, it is acceptable. Ang mga nagtatrabaho sa underground for example ang bartender kanina kailangan ma memorize lahat ng codes sa Divisions sa Pilipinas. There are 9 underground divisions sa Pilipinas, bawat division ay may 2 code na sinusunod ang verbal at ang hindi. All in all there are 18 codes na minememorize ng mga nagtatrabaho sa underground. Every year nagpapalit ng code ang mga divisions, nag sesend sila sa email ng mga taong kasali sa UB.

From what Ori remembers, every division leaders ay nag aattend ng meeting to connect with each other. Required ang pag iinform ng bagong code sa ibang division leader. Ang 9 na division ay nakahati sa dalawa . Ang number divisions, at ang color divisions. 1st Division to 5th Division at ang apat pang Division na natitira which is the White, Black, Red and Blue.

Sa gitna ng malaking espasyo sa loob ng 3rd Division ay may ring. Dalawang tao ang nag lalaban, ang isa duguan at ang isa putok ang labi. Sunod-sunod na suntok ang pinakawalan ng lalaking duguan pero ni isa hindi tumama. Napangisi ang kalaban nito at sinipa siya sa sikmura, kaya napaluhod ang lalaki habang napapikit sa impact ng sipa. Hinila ng lalaki ang buhok nito at iniuntog sa sahig, pagkatapos ay inipit ng lalaki ang paa nito at binali. Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao, ng makitang pumikit na ang kalaban.

"Ohh! Looks like natalo na ang ating challenger! Our winner for tonight is Paldino!" Pagsasalita ng announcer at itinaas ang kamay ni Paldino.

'Paldino, isa sa mga laging nakikita ko dito sa underground battle. Malakas ang mga suntok, right handed siya pero medyo malakas din ang mga suntok niya sa left hand. Hindi masyadong mabilis ang mga suntok niya pero bawat suntok malakas ang impact. Ang mga paa niya ay madalas din niyang gamitin sa pakikipaglaban. Usually, sumusuntok siya bago gamitin ang mga paa niya. Mahilig siyang mambali ng isang parte ng mga nakakalaban niya, kaya tinatawag siyang Paldino The Breaker.'

Lumiwas ang tingin ni Ori sa babaeng nag yoyosi sa kaliwa niya napapalibutan ng mga lalaking puro tattoo. Nakasuot siya ng black short shorts, sleeveless red shirt, black high heels, at may piercing sa tenga.
Mukhang napansin ng babae si Ori at napangisi. Lumapit siya kay Ori habang ang mga tao napansin ito at napabaling sakanila ang atensyon.

Nakangising tinapakan ng babae ang yosi na kaninang hinihitihit niya at tumingin ng diretso kay Ori.

"Hello there, why are you looking at me girl? Too jealous of my body huh?" Mayabang na sabi ng babae. Umikot ang mga mata ni Ori at nag kibit balikat.

"Oh, silent type? Alam mo babae, you should be careful of me. Don't you who you are talking to?" Tanong nito, pero nagkibit balikat ulit si Ori.

Namula sa hiya ang babae at nagsalita muli na may halong pagkainis, "Ano? Ayaw mong magsalita? Baka naman takot ka?"

'Seriously? Parang bata naman 'to kung makapag provoke ng tao.' Isip ni Ori.

Ori decided to push her luck and shrugged. This time mas lalong namula ang babae pero sa galit, yung leeg niya nakalitaw ang mga ugat sa galit tapos yung mga ngipin niya litaw na litaw. Naglakad papalapit ang babae at itinulak si Ori ng malakas.

Pero mukhang maling galaw yun instead na matulak niya si Ori napasubsob siya sa lupa dahil mabilis na nakaiwas si Ori.
Maririnig ang pagtawa ng mga ibang nanonood, biruin mo yon ang tanga daw ng babae para matumba dahil sa simpleng galaw.

Nakatingin lang si Ori sa babae, yung mga mata niyang nanghahamon na para bang sinasabing 'yun lang ba?'

Galit na tumayo ang babae at sumigaw.

"I challenge you into a match!"

Napataas ng kilay si Ori. Oo, pumupunta siya dito sa pero di pa siya lumaban ni isa.

Napaisip si Ori, kung makikipaglaban siya sa babaeng 'to at nanalo edi may pangbili na siya ng mga makakain at makakapag advance payment sa apartment. Tutal bored na si Ori at gustong mag labas ng stress sa katawan.

Tumango si Ori sa announcer, meaning tinatanggap niya ang hamon.

"Well, looks like we have catfight tonight! Ladies, please enter the ring."

Pumunta si Ori sa ring at ibinigay sa isa sa mga nagtatrabaho sa underground ang bag niya. Ang babae namang humamon sa kanya ay nakataas kilay habang nakatingin sa kanya.

Inalis ni Ori ang kanyang jacket, naghiyawan ang mga tao ng makita nila kung gaano ka sexy at ka-fit ang katawan ni Ori. May mga muscles siya sa braso but still feminine hindi bulky basta sakto at bagay sa katawan niya. Hello, ayaw niyang mag mukhang nag iisteroids no.

Hindi na nag abala pang alisin ni Ori ang half mask niya at humarap sa kalaban niya.

Nakatingin ng masama ang babae kay Ori, halata sa kanya ang pagkainggit.

"Are you ready my ladies?!"

Tumango si Ori at ni ready ang katawan niya.

"Fight!"

~~~

Continue Reading

You'll Also Like

407K 17.7K 49
C O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession...
56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
7.8K 236 32
[Dangerous Gentlemen Series #1] Morticia 'Tish' Ignacio was the newly hired maid by the mean and arrogant leader of the mafia group 'Familia Carillo'...
202K 8.4K 18
Vander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.