MEGALOMANIA [Unedited.Complet...

By amer0127

10.9K 568 2K

Ang malawak na kaisipan ay talagang nakabubuti sa tao subalit kung minsan ito rin naman ay nakasasama. Sama... More

INTRODUCTION
GLENN
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
MEGALOMANIA
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
MEGALOMANIA
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
MEGALOMANIA
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
MGLMN CHRCTRS .01
MGLMN CHRCTRS .02
Chapter 31
MGLMN CHRCTRS .03
MGLMN CHRCTRS .04
MGLMN CHRCTRS .05
Chapter 32
MGLMN CHRCTRS .06
MGLMN CHRCTRS .07

Chapter 27

174 12 18
By amer0127


Chapter 27: Flashback.1



-------

RD Esnaldo Sangalang's death.

Pauwi na ang magkasintahang RD at Paula galing sa Olivares College.

Ginabi sila dahil sa pag-aayos ng ilang mga gamit para sa darating na event sa kanilang paaralan.

"Mahal, magtrike na lang tayo," suhestyon ni Paula na kita ang pagod sa mukha.

Tumango naman si RD saka naglakad patungo sa terminal ng trike, kaso bago pa makapunta ang binata sa lugar ay may isang tricycle na ang lumapit sa kinaroroonan nila.

"Tricycle kayo," anyaya ni Aki. Nakasuot siya ng sumbrerong itim at nakajacket.

"Tara na mahal," agad pinapasok ni college boy ang kaniyang girlfriend na sinundan niya pagkalaon.

Hindi na tinanong ni Aki kung saan sila pupunta. Pinaandar nito agad ng mabilis ang trike na ipinagtaka ng magkasintahan.

"Mahal, saan ba tayo dadalhin ng driver? Kinakabahan ako," napayakap ang babae sa kasintahan.

"K-kuya, pakibaba na kami," paki-usap ni RD kay Aki nang makita na sa ibang direksyon sila dadalhin nito.

Huminto naman sa pagdadrive ang huli. Pagkatigil ay agad bumaba ang magkasintahan at naglakad palayo.

Kaya lamang ay hindi namalayan ng dalawa na sumunod pala si Aki sa kanila, may dala itong bato at buong lakas na pinukpok sa ulo ng college boy. Nawalan agad ito ng malay at humandusay sa sahig.

Napatili si Paula sa gimbal sa nasaksihan. Kinumutan siya ng takot dahil sa pangyayaring iyon. Hindi niya alam kung anong gagawin.

Bago pa maaksyon ang dalaga ay sinikmuraan na siya ni Aki. Dahil sa mahina lang ang katawan niya bilang babae ay nawalan din siya ng malay sa ginawang iyon ni Aki.

Madaliang binuhat ni Aki-boy si RD at isinakay sa trike. Iniwan naman nito ang babaeng nakahandusay sa sahig at walang malay saka nagmaneho patungo sa picnic grove.

Ihininto niya ang sasakyan sa tapat mismo ng entrance ng nasabing parke saka binuhat ang kaniyang biktima.

Dumiretso lang siya ng pasok dahil tulog naman ang gwardya. Dinala niya ang walang malay na si RD sa cr ng lalaking malapit sa mga tindahan ng souviner.

Inilapag ni Aki ang walang malay na college boy sa isang booth. Pagkatapos ay nagtanggal ito ng saplot sa katawan at isinampay sa isang gilid.

Noong mga oras namang iyon ay nagkamalay na si RD. Medyo masakit ang ulo nito gawa ng pagkakapukol. Dahan-dahang tumayo ang binata ng maalala ang nangyari.

Agad siyang lumabas ng booth kaya lang ang nakita niya si Aki na hubo't hubad at nakaabang sa kaniya.

Nagkatinginan sila ng mata sa mata. Ang isa ay balot ng takot ang mababanaag sa mga mata habang ang isa ay puno ng lisik at galit.

Napangiti si Aki na lalong ikinaurong ng bahag ni RD.

"P-please, let me go Sir," pagmamakaawa ng college boy na sinuklian lang ng nakakatakot na ngiti ni Aki.

Mabilis ang mga sumunod na pangyayari, biglang hinawakan ni Aki si RD sa ulo saka ito hinatak pabalik sa booth at doon ay buong lakas niyang binali ang leeg nito.

Sumirit ang napakaraming dugo ni RD at lumawit ang buto sa sobrang pagkabali. Kasunod noon ay walang buhay na humandusay ang katawan ng kaawa-awang binata na pumaling pa ang ulo sa inidoro. Nagmistula itong naligo sa sariling dugo.

Nagpagpag ng kamay si Aki matapos ang ginawang iyon. "Para sa ikatlong ritwal," pagkasaad noon ay pinunit nito ang uniform ng kolehiyo.

Gamit ang mga kamay ay sinimulang binyakin ni Aki ang dibdib ni RD. Habang ginagawa ang pakay ay nagtatalsikan ang mga dugo ng college boy sa katawan niya.

Nang mabiyak na ang dibdib ng kaawa-awang studyante ay tumambad ang puso nito na agad namang hinatak ni Aki.

"Dukutin ang puso ng isang taong may tapat na pagmamahal sa kaniyang kasintahan," saka niya tinitigan ang puso ni RD.

Sa huli ay muli itong bumaling sa binatang wala ng buhay. Pagkatapos ay kinagat niya ang kanang hintuturo. Mula roon ay sumirit ang itim na dugo na ipinatak niya sa katawan ni RD.

"Maswerte ka dahil ikaw ang napili," masayang sambit ni Aki.

Bago niya linasin ang lugar na iyon ay naglinis muna si Aki ng katawan, inilagay niya na rin sa plastik ang puso ni RD. Pagkatapos ay dumiretso siya sa isang lugar na malapit-lapit lang sa city land. Doon ay ihinulog niya sa bangin ang tricycle na ginamit saka bumalik ng condo.

Bago bumalik ng unit ay umakyat muna si Aki sa rooftop at tinungo ang tangke saka iyon binuksan.

Kinagatan niya muna ang pusong dala bago ihulog sa tangke.

Matapos ang mga bagay na iyon ay bumalik na siya sa kaniyang unit at natulog na parang normal lang ang lahat.



------

Rei WP's death.

"Hello Ms.Rei, si Aki 'to. Pwede ba tayong magkita ngayon?"

"Urgent ba?"

"Yap. Idedetails ko na lang kapag nagkita tayo."

"Okay sige, andito kasi ako ngayon sa rest house ko sa tagaytay, nagChi-Christmas decor ako. Malapit lang 'to sa people's park, okay ba sa'yo kung ikaw ang pupunta dito?"

"Sige. Malapit lang ang bahay ko diyan."

Matapos magkaintindihan ay agad ibinaba ni Aki ang phone at pumara ng taxi. Tinahak niya ang location na tinuro ni Rei.

Pagdating ni Aki sa loob ay inusisa agad siya ng doctor.

"May problema ba?"

Tumango muna si Aki bago tumugon. "Ano po kasi Ms. Rei, may kakaiba na naman akong nararanasan e."

"Kagaya ng ano?"

"Madalas po ako ngayong managinip-----isang itim na nilalang. Sabi niya ako daw siya. Tapos niregaluhan pa ako ng puso ng tao sa panaginip ko, then malapit na raw kaming magkita."

Napatango-tango ang doctor habang nakikinig sa binata.

"Kinakabahan ako doc., kasi para po akong naghahallucinate."

"Bakit?"

"'Yong isda po kasing binili ko e tinatanguan ako sa tuwing kinakausap ko sila, parang naiintidihan nila ako, tapos kanina lang po-- 'yong babaeng fictional character na nabuo ko e nakita ko mismo sa katauhan ng isang tao."

Napa-isip si Rei. "May gagawin tayo."

Inaya niyang mahiga si Aki. Sumunod naman ang huli.

"Hypnotism ang tawag dito," saka niya pinakita ang isang bilog na bagay na nakakwintas sa isang tali. "Sundan mo ito ng tingin hanggang sa makatulog ka. Pagkatapos noon ay magtatanong ako ng ilang bagay sa'yo. Lahat ng malalaman ko, pagkagising mo ay sasabihin ko sa'yo."

Pagsang-ayon ni Aki ay sinimulan na nila ang hypnotism.

Nakatulog na nga ang binata sa ginawang iyon ng doctor.

"Aki, sabihin mo sa akin, ano ang bumabagabag sa iyo?"

"W-wala po."

"Natatakot ka bang aminin sa akin ang lahat."

"Opo."

"Bakit naman? Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na mapagkakatiwalaan ako. Sige sabihin mo sa akin ang lahat."

Hindi umimik si Aki.

"May kinatatakutan ka ba?"

Hindi pa rin umimik ang binata.

"Don't worry Aki. Isa ako sa mga taong dapat mong pagkatiwalaan."

"Mayroon akong pinatay na tao."

Natigilan si Rei sa mga narinig pero ilang saglit lang ay muli siyang nagtanong.

"S-sino naman?"

"Isang college-boy. Dinukot ko ang puso niya para iregalo kay Aki."

"Iregalo kay Aki?" napa-isip ang doctor. Magsasalita pa sana ito kaya lang ay biglang nagring ang kaniyang phone. Si Doc. Anna.

"Maiwan muna kita saglit," saka ito bumaling sa kausap sa kabilang linya.

Matapos masabi ni Rei na kasama niya si Aki ay kinuha niya muna ang kaniyang laptop saka isinend ang mga details ng session nila ngayon ng binata.

Pagkatapos noon ay binalikan ng doctor si Aki.

"Sabi mo kanina ay pumatay ka ng college boy at kinuha ang puso nito para iregalo kay Aki, hindi ba't ikaw si Aki? Paano ma nasabi iyon?"

"Dahil hindi ako si Aki," nagulat si Ms.Rei ng biglang dumilat ang kausap saka tinakpan ang bibig at ilong niya.

Hindi na nagawang pumalag ni Rei dahil nagdilim na agad ang paningin niya sa ginawang iyon ni Aki.

Pagkagising ay nasa lamesa na siya. Nakatali ang buong katawan.

"A-aki? Ano'to?" Kabadong saad ni Rei na nakatingin sa binata na noong mga sandaling iyon naman ay wala ng saplot sa buong katawan.

"Masyado kang pakialamero," nakangiti man ay kita ang bagsik sa pananalita ng binata. "Pinatulog mo si Aki hindi ba? Kaya habang tulog siya e ako muna ang kikilos. Ilang araw din akong hindi nakapenetrate dahil sa'yo kaya papatayin na kita."

Nanlaki ang mga mata ni Rei sa sinabing iyon ng binata lalo na ng makita nito ang hawak-hawak ni Aki. Isang kutsilyo.

"Anong gagawin mo?"

Ngumiti lang ang binata saka hinawakan ang isang daliri ng doctor. Maya-maya pa ay pintutol nito ang kaliwang hinliliit ng babae.

Nanghihina at animo'y manhid ang doktor subalit napatili naman pa rin ito dahil sa ginawa ni Aki, alam kasi ni Rei na hindi maganda ang kahihitnan ng ginagawa sa kaniya. "Aki no!" Please------!"

Parang bingi ang binata na hindi siya pinansin. Isinunod nito ang kaliwang palasingsingan. Napahiyaw na naman si Rei.

"Help!" sigaw ni Rei sa walang ganang tinig, may kung ano kasing itinurok sa kaniya si Aki dahilan para manghina ng husto ang katawan niya at hindi makapanlaban. "Somebody, help me please!!!"

Sumirit na naman ang dugo sa kaliwang kamay ng putulin ng binata ang hinlalato ng doktora. Lalo namang nagulantang Ang doktor.

Sa huli ay pinagsabay na nito ang hintuturo at hinlalaki. Napaluha na lang si Rei habang nagmamakaawa.

"Why are you doing this? Please Aki let me go, please!" pagmamakaawa ni Rei pero nginitian lang siya ng binata.

"Sige, para isang sakitan na lang.. . Oops manhid nga pala ngayon ang katawan dahil sa itinurok ko kanina," saka nito hinawakan ang kanang daliri ni Rei na nanginginig sa takot. Inibabaw ito ni Aki sa chopping board na kinuha nito sa kusina saka sabay-sabay na pinutol ang mga daliri sa kanang bahagi ng kamay.

Napa-iyak na lamang ang doctor. Tila papanawanan na siya ng ulirat sa sobrang pagkabahala.

Napahalakhak naman si Aki sa mga nakita. "Umiyak ka pa, dahil mamaya hindi ka na makaka-iyak," saka ito lumabas ng silid sinundan naman siya ng tingin ng doctor.

Nang mawala na ang binata sa paningin niya ay pilit na kumawala si Rei sa pagkakatali subalit bigo siya dahil sa panghihina at pamamanhid. Hindi na rin makaubra ang naghihina niyang katawan dahil sa mga dugong tumagas at hirap na naranasan.

Nahintakutan siya ng muling bumalik si Aki at may dala na itong sinulid. Hindi basta-bastang sinulid. Shoe needle.

"Aki, anong gagawin mo?"

"Patatahimikin ka, ang ingay mo kasi e," masaya nitong tugon.

"No, no, no, pleaseee Aki, no!" pagmamakaawa ng doctor na napaiyak na naman. Alam niya na kasi ang gagawin ng baliw na kaharap. "Tulong! Parang awa n'yo na tu------" hindi na natapos ng babae ang pagsasalita dahil isinalpak na ni Aki ang mga putol na daliri sa bibig niya saka ito itinikom.

Nagkakawag si Rei pero sa huli ay wala itong nagawa.

"Shut-up ka muna ah," matapos iyong sabihin ay sinimulan na nitong tahiin ang bibig ni Rei na halos mangisay na sa sobrang takot na nararamdam.

Nangatog ang katawan ng doctor sa mga pinaggagagawa ng halimaw na si Aki.

"Sige nga, sumigaw ka nga," pang-aasar nito matapos makumpleto ang pagtahi sa bibig ng kaawa-awang doctor.

"The finishing touch," ipinakita nito ang hand drill na lalong ikinagimbal ni Rei. "Saglit lang naman 'to kaya don't worry," saka niya tinapik ang pisngi ng babae, pagkatapos ay pinagana na ang hand drill at ginamit para buksan ang likod na bahagi ng utak ng doctor, sa bandang brain stem.

Tumirik ang mata ng huli sa ginawang iyon ni Aki. Nangisay muna ito bago nawalan ng buhay. Ikinatuwa naman iyon ng baliw na si Aki.

Nang matapos na sa pag drill ay tinanggal nito ang parte ng bungo na nadrill saka tumambad ang kaunting parte ng utak ng doctor. Doon ay binaon ni Aki ang mga pakong may de kuatro ang haba.

"Perfect," masaya niyang sambit.

Binuhat niya ang wala ng buhay na katawan nito at ibinitin sa terrace. Kinagat ng binata ang kaniyang kanang hintuturo at pinasirit mula roon ang itim na dugo na siya namang ipinatak sa katawan ng biktima.

Maya-maya pa ay nagbanlaw na siya ng katawan saka umuwi sa city land. Bago bumalik sa kaniyang unit, umakyat muna siya sa rooftop at tinungo ang tangke ng tubig. Ihinulog niya roon ang mga bagay na ginamit sa pagpatay kay Rei at pagkataps ay natulog na parang walang nangyari.

Continue Reading

You'll Also Like

1K 151 20
CURRENTLY ONHOLD, OUTLINING AND REVISING The sounds of gunfires, screams of help, growls, and bomb exploding echoes throughout the country. No one a...
56M 988K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
10.2M 460K 114
"One mobile dating app... gone wrong. Countless of daredevil couples in Lancaster High are now battling dangerously because of this deadly app. Every...
1.1K 228 25
Rank #2 on Mystery/Thriller in Standards Awards 2020 School Trilogy #1: Layne and Magnus Isang malaking oportunidad kay Layne Brynlee ang makapag-ara...