The Last Blood [COMPLETE]

By AteLunax

145K 3.9K 197

____ Ang akala ni Kys Euna Sebastian ay magiging maayos na ang lahat sakanila ni Jeon Sue Parker kong kailan... More

PROLOGUE
KABANATA 1 (His Back)
KABANATA 2 (PROPESIYA)
KABANATA 3 (ThePunishment)
KABANATA 4 (THEPLANFORKYS)
KABANATA 5 (PAGSUGOD)
KABANATA 6 (THE WEDDING)
KABANATA 7 (SHE's VAMPIRE)
KABANATA 8 (Kys Vs Rosalva)
KABANATA 9 (BadDream)
KABANATA 10 (HeavenByYourSideSue)
KABANATA 11 (Surprisedate)
KABANATA 12 (FirstDate)
CHAPTER 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24 [WELCOMETOWOLFWORLD]
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27 [Zarahi's Died]
KABANATA 29 [Seduction]
KABANATA 30 [Rosemarry's Wedding]
KABANATA 31
KABANATA 32[MulingPagkabuhay]
KABANATA 33 [Babala]
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47[ Proposal]
[Wedding Day 2nd Chance]

KABANATA 28

3K 86 2
By AteLunax

*KYS EUNA's POV*

____

Dahan dahan kong minulat ang mata ko na pahawak naman ako sa ulo ko dahil bigla itong sumakit ano bang nangyari?.

"Mabuti at gising ka na maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong sa akin ng aking ama seryoso siyang nakaupo sa may sofa dito sa may silid ko.

"Maayos na papa" Sagot ko sa kanya.

"Nag aalala ako ng sobra sayo dahil halos tatlong araw ka ng tulog" Halata sa kanyang boses ang pag aalala ganun na ba ako katagal na tulog kaya pala nakakaramdam na ako ng gutom.

"Nasabi sakin ni fenris na gusto mong papuntahin ang mga kaibigan mo dito pumayag ako sa susunod na araw uutosan ko si botolf para puntahan ang mga kaibigan mo at sabihin pumunta sila dito" Natuwa naman ako dahil sa narinig hindi ko maiwasang mapangiti agad akong bumaba sa kama ko at niyakap sya pag kalapit ko sa kanya.

"Maraming salamat papa sobrang saya ko" Masaya kong sabi habang naka yakap sa kanya ramdam ko ang pag haplos nya saking likoran.

"May dapat din kayo na malaman sasabihin ko sa inyo kapag nandito na sila wag mo ng masyadong iniisip ang nangyari kay zarahi ayoko ng maulit ito nag aalala ako para sa inyo ng apo ko ako ang bahalang tumuklas kong sino ang pumatay sa kanya" Seryosong sabi nya sakin kumalas ako sa pag kakayakap sa kanya.

"Pangako hindi na mauulit pa gusto ko sana kapag nalaman mo kung sino ang pumatay sa kanya sabihin nyo sakin" Seryosong pakiusap ko tumango naman siya hinaplos niya ang buhok ko.

"May sasabihin pala ako sayo nag bigay ng sulat ang kanang kamay ni sue gusto nilang makipag sunduan ulit dahil nag uumpisa nanaman ang mga kalaban hindi pa ako sumasagot gusto kong ikaw mismo ang mag desisyon" Nawala ang sayang nararamdaman ko dahil sa sinabi sakin ni papa naalala ko nanaman ang ginawa niya sakin.

Tumayo ako sa pag kakaupo tumingin ako sa labas bumuntong hininga muna ako bago ako sumagot.

"Kung ako ang pag dedesisyonin nyo ayuko hindi ko makakalimutan ang ginawa nya sakin kong hindi dahil kay zarahi siguradong patay na ako ngayon wala na kame ng anak ko pero papa pag iisipan ko muna hindi ko iisipin ang sarili ko iniisip ko ang mga kasamahan natin" Seryosong sagot ko sa kanya tumayo siya sa pag kakaupo at lumapit sakin.

"Sige hihintayin ko ang sagot mo puntahan mo lang ako sa silid aklatan ko kung ano ang magiging desisyon mo aalis na ako magpapadala ako ng pagkain mo dito" Sabi nya sakin tsaka nya hinagkan ang noo ko tumango na lamang ako bago siya tuluyang lumabas ng silid ko ang hinaplos nya muna ang buhok ko.

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa makalabas na siya muli akong napa buntong hininga.

Papayag ba ako sa gusto niya na kasunduan? Pero paano kung malaman niyang buhay ko baka ipapapatay nya ba uli kame ng magiging anak nya?. Sigurado akong pati sila mavi ay mapapahamak dito ayuko ng may madamay pa nang dahil sakin pero paano ang mga kasamahan namin baka maubos kame kung sakaling sugurin kami ng mga kalaban.

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito si kiera may dala dalang tray may mga prutas at iba pang pagkain.

"Hi kys buti gising ka na" Nakangiting bati sakin ni tala na kakapasok lang may dala itong ibat- ibang kulay na bulaklak pinalitan nya yong bulaklak na nasa flower base malapit sa kama ko.

"Kumain kana baka nagugutom na ang baby mo" Nakangiting sabi ni kiera pag kalapag nya ng tray sa may lamisa doon sa may terrace.

"Hoy hindi ka talaga nagtatawag!" Sita ni ulva pag kapasok nila ni louve dito sa silid ko hindi ko nalang sila pinansin tinuon ko na lang yung pansin ko sa pagkain.

"Susunod din lang naman kayo hindi ba oh nasan yung isa nyong pinsan?" Tukoy niya kay daciana nag kibit balikat naman ang dalawa.

"Bakit mo ba hinahanap yon hindi naman kailangan na nandito siya mamaya nag sspay lang yon no" Mataray na sagot ni ulva.

"May balita na ba? Nahanap na ba nila kung sino ang pumatay kay zarahi?" Tanong ko sa kanila bago sumubo ng tinapay.

"Wala pa rin mukhang planado ang pagpatay sa kanya kys ang linis ng gubat kung saan natagpuan ang bangkay niya" Sagot ni ulva sakin.

"Baka naman kase hindi siya don pinatay hindi ba galing pa tayo don noong nakaraang araw wala naman tayong nakita don tsaka base sa kulay ng balat niya parang matagal na siyang patay" Seryoso namang sabi si kiera habang nakaupo sa sofa.

"Yon nga eh galing tayo doon pero hindi natin nakita yong bangkay nya sabi ng mga nakakita tuyo na ang dugo nito" Sabi naman ni tala.

"Ano sa tingin niyo hindi kaya si rollin na naman ang may gawa nito?" Tanong ni louve.

"Maari pero hindi pa tayo pwedeng mag bintang dahil wala pa tayong sapat na ebedebsiya" Seryosong sagot ni kiera.

"Oras na napatunayang siya ang pumatay hindi ako magdadalawang isip na gawin sa kanya ang ginawa niya kay zarahi mas masahol pa don ang gagawin ko" Madiin kong sabi sa kanila.

"May kaaway ba siyang alam mo kys?" Tanong sakin ni kiera.

"Wala matagal siyang nawala dahil hinanap nya nga ang tunay na propesiya siguro dahil doon kaya siya pinatay" Sagot ko sa kanya napatango naman siya.

"Speaking off nasan na ang propesiya?" Tanong ni ulva.

"Yan ang hindi natin alam kung nasaan na" Sagot naman ni tala "Tanging si zarahi lang makapag sabi nyan kong nasan" Dagdag niyang sabi.

Napa buntong hininga ulit ako tumingin ako sa paligid marami paring nag kalat.

Napatingin naman ako sa ibon na tumayo sa lamesa kulay asul ito nakatingin siya sakin may nakaagaw sakin ng pansin ang papel na nasa paa niya bigla akong kinabahan hindi ko alam kong bakit.

Kinuha ko ito pero pag nang makuha kona ay lumipad na ulit siya.

"Uy ano yan love letter ni fenris aayiiiee" Panunokso sakin ni tala tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Love letter ka dyan magkaibigan lang kami ni fenris" Sagot ko sa kanya tumawa naman sila.

"Basahin na natin" Sabi ni ulva sabay hablot sakin ng papel buti nalang hindi napunit, Nakatingin lang kame sa kanya habang binubuklat ang sulat.

"Ano to bakit walang nakasulat" Kunot noo nyang sabi binaliktad nya pa yong papel anong wala eh meron kinuha ko ulit sa kanya ang papel.

"May ginagamit para hindi mo makita ang nakasulat dyan tanging ang pagbibigyan lang ng sulat ang makakabasa niyan" Paliwanag ni kiera.

"Daya talaga ng fenris nayon" Pag mamaktol nya.

"Hindi si fenris ang nagsulat ang kaibigan ko" Sagot ko sa kanya ng makita ko ang pangalan ni kiva.

Binasa ko nalang habang binabasa ko ito ay biglang na tuyo ang lalamunan ko at hindi ko mapigilang hindi manginig dahil sa galit hindi kona din mapigilan ang luha ko.

Dahil sa galit na nararamdaman ko pinunit punit ko yong papel.

"Anong sabi kys?" Tanong sa akin ni louve hindi ako sumagot nanatili lang akong tahimik napa hagulgol nalang ako ng iyak.

"Walangya siya papatayin ko siya papatayin ko siya" Galit kong sigaw lumapit na sila sakin yayakapin na sana nila ako ng pigilan ko sila.

"Hayaan niyo na muna ako" Malamig kong sabi sa kanila habang naka yuko muli akong sumigaw dahil sa galit na gusto kong ilabas papatayin kita rollin hindi kita mapapatawad sa ginawa mo kay zarahi subukan mong pakialaman ang iba ko pang mga kaibigan harap harapan na kitang papatayin.

Kinuha ko ang isang upuan at hinampas sa lamesa dahil babasagin ito ay nabasag ramdam ko ang pag hapdi ng pisngi ko pero hindi ko yon pinansin.

"Aaaaaahhhh!!" Muling sigaw ko kasabay ng pag luhod ko ramdam ko ang pag baon ng nabasag na salamin sa tuhod ko pero hindi ko yon ininda mas masakit ang nararamdaman ko ngayon kaysa sa sugat na yan.

"Kys" Tawag nila sakin hindi ko sila nilingon napatawa ako ng mapakla habang nakatingin sa malayo bakit? kailangan mawala ni zarahi siya na lang ang pag asa naming lahat siya lang nakakaalam ng laman ng propesiya bakit kailangang mangyari to ganito na ba kapait ang buhay ko? Bakit lahat ng mahalaga sakin nawawala.

__________

*JEON SUE's POV*

_____

Nakatingin lang ako kay rosemarry habang sinusukat ang wedding gown nya.

"Anong balita? Natanggap niya na ba?" Rinig ko na sabi ni mavi kaya napa tingin ako sakanya may kausap siya sa cellphone nya at seryoso ang mukha.

Hindi niya ako pinansin dinaanan nya lang ako papunta sa may kusina.

"Mahal look bagay ko ba?" Tanong sa akin ni rosemarry tumango naman ako ngumiti naman sya sakin.

"Bukas na ako pupunta dyan sabihin mo kay ayame wag siyang babagal-bagal" Sabi ni mavi na kakalabas lang sa kusina may dala dala siyang tray na may juice at chichirya na nasa mangkok umupo siya sa may isang sofa at inilapag nya sa lamesa yong dala nya.

"Sue sue may hindi magandang balita" Sigaw ni jacob na kakapasok lang dito sa bahay napatingin naman kame sa kanya.

"Sue si zarahi patay na" Seryosong sabi ni jacob sakin nabitawan naman ni mavi yong hawak niya na cellphone.

"Totoo ba yan jacob?" Naiiyak na tanong ni mavi sa kanya.

"Sino ang pumatay sa kanya?" Tanong ko din kay jacob.

"Hindi pa alam kong sino ang pumatay pero nakita ang bangkay nito malapit gubat kung saan may mga lobong nagkalat" Seryosong sagot nito.

"Hindi kaya ang mga lobo ang may gawa" Sabi naman ni rosemarry.

"Hindi nila gagawin yon dahil nagkasundo na noon" seryosong sagot ni mavi sa kanya. "Alamin mo jacob kong sino ang may gawa at patayin mo" Utos nito kay jacob.

"Jacob kailangan nating mag usap" Sabi ko tsaka na ako lumakad papunta sa office ko sumunod naman siya sakin.

"Saan mo nasagap ang balita na yan jacob?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Maraming nagkalat na lobo sa gubat sue narinig ko usapan nila kaya nag tanong ako tatlong araw na ang nakalipas ng makita nila ang bangkay ni zarahi sa gubat" Paliwanag niya sakin napaisip naman ako ilang araw na pala pero bakit tila walang balak sabihin samin ni filtiarn.

"Kamusta ang binigay mong sulat kay filtiarn may sagot na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Wala sue ang sabi ni botolf ay wala pa daw desisyon ang anak nito dahil sa nangyari lubos daw na nasaktan ito at wala pang malay ang anak nya dahil sa nangyari" Napakunot naman ako ng noo ano bang ginagawa ni zarahi doon.

"Nasaan ang propesiya?" Muling tanong ko sa kanya.

"Walang nakakaalam kung nasaan ang propesiya na hawak niya ang sabi ay baka yon daw ang dahilan kung bakit siya pinatay" Hindi ako sumagot na pasandal ako sa upuan ko.

Hindi basta basta na mamatay si zarahi dahil kaya nitong mang gaya ng ibang katawan pero nakakagulat ang nalaman kong ito hindi basta basta ang pumatay sa kanya.

"Hanapin mo ang propesiya jacob hindi pwedeng mawala yon" Utos ko sa kanya.

"Masusunod sue" Agad nyang sagot.

"Sa susunod na araw na ang kasal ko ayoko sana ang problema ihanda mo na din ang mga kasamahan natin kung sakaling may sumugod nakahanda parin tayo" Bilin ko sa kanya tumango naman.

"Sabihin muna sila ford para sa gaganaping kasal ko hindi pwedeng wala sila" Habol ko sa kanya.

"Yan ang isa pang problema hindi ko sila mahanap bakit hindi mo tanungin si mavi baka alam niya kung nasaan sila" Napakuyom naman ako ng palad ko bakit puro problema na lang ang ibinibigay nila.

"Hindi pwedeng wala sila jacob kailangan ko ang bawat grupo nila hindi natin alam kung gaano karami ang susugod satin" Galit kong sigaw sa kanya napayuko naman siya.

"Wag kang mag alala sue gagawin ko ang lahat mahanap lang sila ford" Magalang niyang sabi sakin.

"Sa tingin mo sue tutulungan kapa nila ford pagkatapos ng ginawa mo kay kys wala ka ng maasahan sa kanila" Seryosong sabi ni mavi na nasa likuran ni jacob.

"Nasaan sila mavi?" Seryosong tanong ko sa kanya nag kibit balikat lang siya.

Tumayo ako sa pag kakaupo at mabilis siyang nilapitan hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.

"Nasaan sila mavi sabihin mo kundi malilintikan ka sakin" Sigaw ko sa kanya ngumisi lang siya sakin na lalong ikina galit ko.

"Wag mong hintayin na maubos ang pasensya ko mavi" Muling sigaw ko sa kanya tumawa lang ito ng malakas habang nakatingin sa akin.

"Kahit patayin mo ako ngayon sue hindi ako magsasalita" Seryoso niyang sagot sa akin dahil sa galit ko sa kanya ay inihagis ko siya rinig kong tumawa ulit siya.

"Baka pag dating ng araw mag pasalamat kapa samin sue isa lang masasabi ko sayo wag kang mag tiwala sa mapapangasawa mo iniiputan ka lang sa ulo ng babaeng yon" Sabi niya sakin tsaka muling tumawa lumapit ulit ako sa kanya hindi ako nag dalawang isip na sakalin siya.

"Bakit hindi mo siya bantayan tuwing gabi" Mulingg sabi nya sakin tsaka ulit tumawa ng mahina hinigpitan kopa ang pag kakasakal sa kanya.

"Sue tama na yan" Awat sakin ni jacob.

Bago ko siya binitawan ay tinignan ko lang siya ng masama ngumiti lang siya sakin.

"Bantayan mo ang asawa mo baka inaasawa na ng iba" Pag kasabi nya yon ay inirapan nya ako at lumabas na ng office ko hahabulin ko sana ay pinigilan agad ako ni jacob.

"Tama sue kilala mo si mavi hindi nagsasalita ng kong ano ano yon kapag wala siyang alam" Seryosong sabi nito sakin.

"Anong ibig mong sabihin may ibang lalaki si rosemarry?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam itanong mo si mavi wag sakin" Pag kasabi nya yon ay lumakad na siya palabas ng office ko ako naman naiwan na gulong-gulo ang isipan dahil sa mga sinasabi nilang dalawa.

Napatingin ako sa pintuan ng office ko ng bumukas ito si rosemarry nakangiti siya sakin.

"Pinapatawag mo daw ako sabi ni mavi?" Tanong nya sakin kahit nagugulohan ako ay tumango nalang ako.

"Nakapili ka na ba ng isusuot mo?" Tanong ko sa kanya tumango naman siya.

"Oo halika na nakahanda na ang hapunan" Pag aaya nya sakin tumango naman ako lumakad na ako palapit sa kanya habang pinag aaralan siya wala naman akong makitang kahina hinala sa mga kilos nya.

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 135K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...
2M 69.4K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...
33.8K 1K 61
Stephanie crisel drieloc A cold girl and expressionless but not a heartless girl.
21.2M 544K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...